Share

CHAPTER 13

EMERALD'S POV

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na ang kapatid ko pala ang balak na ipagkasundo sa 'yo?" lakas loob kong tanong kay Trevor.

Umupo na rin ako sa harapan niya at pagsilip ko kay Chloe ay palabas na siya ng restaurant. Tumango lang siya sa akin na parang sinasabi niyang uuwi na siya. Nang muli kong nilingon si Trevor ay nakatitig pala siya sa akin. Agad akong umiwas dahil nakaramdam ako ng hiya.

"Nalaman mo na pala. Kaya ba biglang nagbago ang isip mo?" seryosong tanong niya sa akin.

Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung ito ba ang tamang oras para sabihin sa kaniya ang totoo. Ngunit kilala ko si Trevor. Alam niyang may mabigat akong dahilan kung bakit bigla na lamang akong sumulpot sa harap niya ngayon. At isa pa, ayoko rin namang ilihim sa kaniya ang lahat. Kailangan namin ang isa't isa kaya kailangan maging totoo kaming dalawa.

"Trev, mahabang kwento. May oras ka ba para makipag-usap sa akin?" mahinang tanong ko sa kaniya.

Bahagya siyang ngumiti. "Alam mo bang
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (12)
goodnovel comment avatar
Lily Manuel
update naaaa
goodnovel comment avatar
Jessie Alcontin Rame
update please
goodnovel comment avatar
Sarah Jane Danggao
update po...️ thank you
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status