CHAPTER 57NAKATITIG lamang ako sa anak ko at hindi alam kung ano ba ang dapat na isagot sa tanong nito. At nang matauhan ay doon lang ako nakapag-isip ng sasabihin."Alam mo baby, pareho kayong pogi kaya napaghahalataang magkamukha kayo," nag-aalangang sagot ko."Ganoon po ba 'yon, Mommy?""Oo po baby. Tingnan mo kayo ng Tito Ranz mo, pareho kayong pogi kaya magkamukha kayo.""Hindi po ba dahil sa magkadugo kami ni Tito Ranz kaya kami magkamukha?"Natameme ako sa sinabi ng aking anak."Ah, ano kasi baby, syempre isa rin iyon sa rason. Pero hindi naman natin kilala 'yang nasa picture kaya bakit natin s'ya magiging kadugo 'di ba? Pareho lang talaga kayong pogi kaya nagkakahawig kayo.""So, pogi po si Mr. Cordova para sa'yo, Mommy?"Napakunot ang noo ko."Mr. Cordova?""Sikat po s'ya Mommy. Kilala po ang family nila dito sa atin. Hindi mo po alam?"Naningkit ang aking mga mata bago dahan-dahang umiling.Sobra ba akong busy sa work at wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari dito sa baya
CHAPTER 58MAY PALUNDAG-LUNDAG pang nalalaman si baby Zion nang hawakan nito ang kamay ng ina, pagkababa nila ng sasakyan. "Mommy where we'll go first?""Saan ba gusto ng baby ko? Gusto mo bang kumain muna? Then after nating kumain mag-grocery na tayo?""Mommy gusto ko ng chicken po. Iyong may malaking bubuyog."Arissa laugh at what her son said.Napakainosente nito. Pero pagdating sa mga seryosong bagay ay aakalain mong mas matanda ito sa iyon."Ah, gusto mo ng chicken sa Jollibee?""Yes po, Mommy!""Okay! We will eat in Jollibee.""Yehey!"Tuwang tuwa si Zion. Ito pa nga ang naunang maglakad kaysa sa ina, na akala mo'y alam kung saan ba pupunta. Hila-hila ng tuwang tuwang bata ang kamay ng ina papunta sa fastfood chain na nais nitong kainan.May ilang naglalakad sa loob ng mall na napapatingin sa dalawa, especially kay Zion. Cute na cute kasi ito sa suot na long sleeve blue polo at black jeans, na pinaresan din ng itin na sneakers. Parang binatang binata na talaga ito kung pumustur
CHAPTER 59NAGISING si Arissa sa isang hindi pamilyar na lugar. Wala s'ya sa kwarto o sa kama, kundi nakahiga s'ya sa gitna ng isang malawak na damuhan. Dahan-dahang bumangon si Arissa at saka inilibot ang paningin sa paligid.Marami s'yang nakikitang malalaking punong kahoy sa paligid. Sana isang gubat s'ya kung ganoon. Ngunit anong ginagawa n'ya sa lugar na iyon? At papaano s'ya napunta sa gubat?Maraming gubat sa San Roque. Pero iisang gubat lang ang alam n'yang may ganito kalaking espasyo. At iyon ay ang gubat sa kabilang bayan, ang San Isidro. Ilang beses na rin kasing nabalita sa radyo at television ang tungkol sa gubat. Maraming nagsasabi na kakaiba raw ang gubat na iyon kaysa sa mga normal na gubat sa San Roque. Ayon kasi sa ilang kabataan na nagtangkang pumasok sa gubat, tila nababalot daw ng kakaibang enerhiya ang lugar. Maraming nagtataasang puno sa paligid at malalagong damo. Ang mga baging na nakakabit sa bawat sanga ng mga punong kahoy ay nagbibigay ng mabigat na vibes
CHAPTER 60"MOMMY, where are we going po? Bakit po may mga dala tayong maleta? Aalis po ba tayo? Kasama po ba natin sina Tita at Tito?"Bakas ang pagtataka sa mga mata ni Zion habang paulit-ulit na tinatanong iyon sa akin."Baby dadaan muna tayo sa doktor ni Mommy dahil may iko-consult lang po ako. Then after that pupunta tayo sa restaurant para magpaalam saglit kina Tita at Tito mo, okay po ba?"Kahit naguguluhan sa biglaan naming pag-alis ay tumango pa rin si Zion.Ilang saglit na lang ay malalaman mo na rin, baby."Saan po tayo pupunta, Mommy?""Sa lugar kung saan mo makikilala ang Daddy mo, baby."Ang sinabi ko'y naging dahilan upang manlaki ang mga mata ng aking anak. Bilog na bilog rin ang pagkakabuka ng bibig nito sa gulat."D-daddy po, Mommy ko? Makikilala ko na po ang Daddy ko?"Gusto kong maiyak sa mga sandaling ito.Pasensya ka na baby ah, ngayon lang naalala ni Mommy. Pero siaiguraduhin kong hindi na tayo malalayo pa sa Daddy mo, baby ko.Wala akong pake kung ipagtabuyan p
EPILOGUETRAVIS' P.O.VVAMPIRES?Vampires are the most dangerous and heartless creatures that fictional books and movies had. Para sa mga tao, vampires didn't exist in this world. Dahil sa mga kwento at palabas lang nabubuhay ang mga ito.Pero ang totoo, matagal na panahon nang may nabubuhay na bampira sa mundong kanilang ginagalawan. Nakakubli sa mata ng mga tao, nagbabalat-kayo.At isa ang pamilya namin sa mga bampirang nakikisalamuha sa mga tao.Our great great great grandfather teach us to live in this world like a real human. Natuto kaming hindi pumatay ng mga inosenteng tao upang punan ang aming uhaw sa dugo. Mula sa mga ligaw na hayop sa gubat ang dugo at karneng aming iniinom at kinakain. Ang alam ng maraming tao ay walang puso ang mga katulad namin, ngunit nagkakamali sila. Patay man kami kung titingnan, ngunit tumitibok pa rin ang puso namin. We're still know how to care about other people. We also use to save people who needed our help when it comes to danger.Sinanay kam
PROLOGUENAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ang lamig ng hangin sa aking katawan.Nagmulat ako ng mga mata at nakita kong bukas ang bintana ng aking kwarto. Nililipad ng may hindi kalakasang hangin ang pulang kurtina.Inayos ko muna ang suot kong roba bago bumangon. Para sana isarang muli ang bintana na ang alam ko ay nilock ko kanina bago ako matulog.Paano ito nabuksan kung ganoon?Nang masiguradong lock na ang bintana, bumalik na ulit ako sa kama. Napatingin ako sa bedside table kung nasaan ang maliit kong orasan."Alas-onse pa lang?"Gabi pa pala? Akala ko madaling araw na eh. Kapag ganitong katutulog ko pa lang tapos nagising na lang bigla, hirap na akong makatulog ulit.Nakatitig lamang ako sa kisame ng kwarto. Gusto kong lumabas pero natatakot ako. Sanay naman na ako dito sa mansion, pero kapag nag-iisa na ako, hindi ko mapigilang hindi kilabutan.Lalo na kapag naaalala ko ang ilang imahe na palaging dumadalaw sa aking panaginip.Imahe ng isang lalaki.Hindi ko maaninaw ang it
CHAPTER 1 NAGMAMADALING tumakbo ako papasok sa gate ng pinapasukan kong University. Katatapos lang kasi ng duty ko sa pinagtatrabahuhan kong Ministop. Pang gabi ako kaya naman pagkatapos ng trabaho ay diretso agad ako ng school. Nagkape nga lang ako dahil baka malate pa ako at hindi na makapasok.Ayoko namang may mamissed na isang araw ng klase. Ayokong bumagsak dahil ito lang ang panghahawakan kong katibayan para makakuha ng magandang trabaho sa future.Nasa kolehiyo na ako. 3rd year college at kumukuha ng kursong Cullinary Arts. Gusto ko kasi ang pagluluto, medyo matakaw din ako kumain hindi nga lang halata. Hindi kasi ako mabilis tumaba kahit na kain ako ng kain. Hindi rin ako payat, tama lang para sa isang dalaga ang katawan ko.Kaya rin nagpupursige ako ay gusto kong magpatayo ng sarili kong restaurant o cafe balang araw. Isa rin iyon sa pangarap ng mga magulang namin para sa akin.I don't want to disappoint them, lalo na ang mga yumao naming magulang. Gusto ko ring maging huw
CHAPTER 2 GRABE! Sino ba ang Cordova'ng ito? Anak ng bilyonaryo? Heir nga 'di ba. So malamang tagapagmana. Gawin ko kayang Sugar Fafa? Char!"Baka ini-echos mo lang ako ah," pagbibiro ko kay Alexis. Hindi pa rin makapaniwala sa narinig."Bakit kaya hindi mo itry para malaman mo noh?!""Eh may pasok nga bukas.""Edi pumasok ka ng umaga, sa hapon ka naman pupunta doon. Ako na ang bahala sa'yo bukas, sagot kita kay Boss.""Sayang ang isang araw na trabaho—""Pero mas sayang ang oppurtunity na iyan. Isipin mo na lang ang $100 every week plus allowance mo pa kada araw, kung mapupunta lang sa ibang tao. Balita ko pa, nabubukod tangi raw ang pamilyang Cordova sa mga mayayamang Businessman dito sa buong mundo. Malay mo, nasa mga kamay na pala nila ang swerte mo."Napaisip ako.Wala namang mawawala kung susubukan. Ika nga, 'try and try until you succeed'."Basta ikaw na ang bahala sa akin bukas ah.""Oo, basta huwag mo akong kalilimutan kapag mayaman ka na.""Mayaman agad? Eh hindi pa nga nag