Share

14: The Don's Birthday Party

CHAPTER FOURTEEN

SA ISANG MALAWAK na lupain, malapit sa paanan ng nakahimlay na bulubunduking nababalot ng luntiang mga halaman at punong kahoy na tinatawag na Green Hills Peak - ang pangunahing tourist attraction ng bayan ng Santa Fe, makikita ang isang napakagarang Mansyon na animo'y palasyong nakatayo sa gitna ng nagtataasang pine trees.

Ang Mansyon na ito, na pag-aari ni Don Antonio Romano, ay napapalibutan ng nagtataasang pader na may mga watch towers na animo'y mga kastilyo na naka-pwesto sa bawat sulok nito kung saan makikita ang mga bantay na alertong nakamasid sa buong kapaligiran.

Sa harapan ng malaking gate ng Mansyon, makikita ang ilang sasakyang nakaparada sa gilid ng malawak na espaltong daan na siyang komunekto sa magarang bahay at ng national highway na nasa ilang daan metro lang ang layo mula rito.

Sa mismong gate, makikita ang apat na kalalakihang nakasuot ng itim na uniporme. May hawak na matataas na kalibre ng baril ang mga ito at napupuno ng mga bala at magazines
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status