Share

Kabanata 2 “Trash that Can’t be Recycled”

My father said that my life is a trash. Kaya kung b****a ako, sisiguraduhin kong maging tipo ng b****a na hindi na p’wedeng ma-recycle. So I can piss him off even more.

“Soju, are we going to the hotel after this?” bulong babae sa tabi ko. Hahalikan ko sana siya kaso sobrang pula ng labi niya, lumamon ‘ata ng liptint. Kaya binigyan ko na lamang siya ng matipid na ngiti saka bumulong ng, “I’m sorry. I don’t do it twice with the same girl.” I gently bit her earlobe, making her moan. Tumayo ako sa kinauupuan at nagtungo sa dance floor.

My name is Soju, ang lalaki na walang ginawa kung hindi magpakalasing sa night club at mag-dala ng babae sa hotel gabi gabi. Wala sa bokabolaryo ko ang pagpasok sa seryosong relasyon. I have fun dating different girls. Kapag nai-kama ko na, she is already out of my life. Sino bang mag-eenjoy sa 2nd hand?

Dahil mayroon nalang akong ilang araw bago magsimula ang school year bilang college, nagpapakasaya ako ngayong gabi sa maingay na bar habang nag-hahanap ng bagong maiuuwi sa hotel. Kusang dumako ang tingin ko sa babaeng nasa counter. Nakaupo siya sa tapat ng counter, nakatakip sa isang tenga at may kinakausap sa phone. Pero base sa ‘itsura niya, she looks very innocent. Lahat naman ng virgin inosente tignan pero nagiging wild pag nasa kama na.

Nakangisi akong naglakad papunta sa counter at umupo sa tabi niya. “One tequila please,” I ordered to the bartender, saka pasimpleng nagnakaw ng tingin.

“Shane, nasisiraan ka na ba? Hindi ko kayang magtrabaho  sa lugar na ‘to!” ang narinig kong pakikipag-usap ni little lamb sa kabilang linya. Sakto namang dumating ang order ko at ibinigay ko ang card to pay for my drink. “Nasaan ka? Magkita tayo!” Binaba niya ang cellphone. The bartender gave my card back and I took a sip on my tequila. Pagkalagay niya ng cellphone sa bag ay naghanda na kong mag-share ng pick-up line.  But I was interrupted by a girl who just came inside the bar. ‘Paano niya ko nahanap? Kainis.’

“Sh*t naman oh,” I murmured before I place my glass on the table. Pinunasan ko ang labi, tumayo at hinatak ang babaeng katabi ko papunta sa dance floor.

“H-Hoy!” reklamo ng babae na ito na naguguluhan kung bakit bigla ko nalang siyang hinatak. As much as she wanted to escape from my grip, I pulled her closer and use her as a shield. “Shsssh,” I hushed. “Alam kong nagtataka ka miss kung bakit kita hinatak. But can you help me? Please? Let us stay like this for a moment.”

Nagtama ang mga mata namin. I know that I am freaking handsome from head to toe kaya hindi ko inaakala ang natanggap kong tugon mula sa kaniya. “G*go ka ba?” she replied. Sinamaan niya ko ng titig kaya medyo naalarma ako. “Bitawan mo ko. Kung hindi  sisipain ko ang itl*g mo,” babala niya.

I was about to follow her request but my stalker is still around. Kung hindi gagana sa kaniya ang pang-aakit ko, edi…

“Ahhhh, k-kasi miss.  May sakit ako sa puso at…” Umacting ako na nanghihingalo with matching hawak sa dibdib. Bukod sa pagiging inosente at barbaro, may pagka-uto uto rin pala si little lamb.

“T-Talaga? Gusto mo tumawag ako sa 911?” pag-aalala niya sa akin.

“Hindi.  May gamot ako sa loob ng kotse ko. Kaso nahihirapan akong maglakad. Pwede bang s-samahan mo nalang akong pumunta sa labas?”

Hindi alintana ang panganib ay sinamahan niya kong maglakad papalabas ng bar habang ginagawa ko siyang shield. And finally, I escaped from that crazy b*tch who is really obsessed with me.

“Oh ano? Kaya mo pa ba? Kung hindi mo kaya, tatawag na talaga ako ng tulong,” ang sabi ng uto-utong babae na ito na nakaalalay parin sakin.

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at tumayo ng tuwid. “I’m okay miss. Nang makarating ako sa labas, nawala ang sikip ng dibdib ko. Thank you uli ah.” Kinindatan ko siya bago naglakad palayo.

Plano ko talagang pormahan ang babae na ito. Kaso na-guilty ako dahil mukha siyang mabait. Anyway, I can still find another one to play wi-

“Sandali!”

Napatigil ako sa paglalakad dahil humarang sa dinaraanan ko si little lamb. Her eyes are chinita and her cheeks are little fluffy. Makinis ang balat niya kaya halata kong galing siya sa mayamang pamilya. I can say that she is more on the cute side rather than the pretty side. Ang mas naka-attract lang talaga sakin ay ang magandang hugis ng kaniyang katawan. Big boobs, slim waist and nice ass.  But I didn’t expect her to be so clingy. Nagkamali ba ko ng akala na virgin siya?

“Kung sakaling hindi ka uli makahinga,” ang sabi niya. Then she gets something inside her bag. Napakisap mata nalang ako ng maaninag ang plastic bag na inaabot niya sakin. “You can inhale using this. Nakikita ko lang ‘to sa mga drama kaya ‘di ko alam if effective. Pero subukan mo nalang in case.” Pilit niyang inilagay ang plastic bag sa kamay ko bago siya umalis at inawan akong tulala.

I looked at the plastic bag I am holding. “What the…” I chuckled huskily.

She is an idiot who caught my interest for a very short time. At noong panahon na tuluyan na sana siyang mawawala sa isipan ko ay bigla siyang muling sumulpot sa buhay ko. A girl who will live under the same roof with me. My trashy life would be fun~

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status