Share

Chapter 2: Searching for him

CASSANDRA

Tres Salveirus...I really don't know why I can't find this person on social media. I keep searching him but no Tres Salveirus has appeared na may mukha niya. May mga lumabas nga pero hindi naman siya. Imposible naman na gagamit siya ng account gamit ang mukha ng iba.

My bedroom door opened, but I didn't pay attention to see who entered. I only guessed it when she rested her chin on my shoulder. I smelled the favorite perfume of Pighati, ibig sabihin si Painch. "Grabe, pati sa gogol hinahanap mo siya? Malala na iyang obsession mo, Sandra."

I huffed at pinatabingi ang ulo upang bigyan siya ng masamang tingin. I closed the laptop on my lap and flinched my shoulder to get rid of the sharp bone of her chin that was also pressing against my shoulder's.

She mumbled ouch, na hindi ko naman binigyan ng simpleng sorry. I just heaved a sigh hopelessly and asked, "Mali ba iyong ginagawa ko? I mean...five years na eh. Hindi ko pa rin maiwasang umasa. Parang fresh pa rin ang mga nangyari."

Saksi si Painch sa kung ano ang naging samahan namin ni Tres dati. Sa totoo lang, hindi sa sinasabi kong useless ang mga kaibigan na mayroon ako ngayon pero may mga bagay na nagawa talaga si Tres noon na never nilang nagawa sa akin.

I understood that Maple and Painch really have less connections sa mga bigtime rockets, at si Tres talaga ang maraming nareretong trabaho sa akin.

Kaya niyang maghanap ng rocket na bongga magbigay ng tip, at isa pa bukod sa mga bagay na iyon marami pang nagawa si Tres sa akin na talagang mahirap kalimutan.

Masarap siyang magluto, sa tuwing birthday ko naman, unang minuto ng alas-dose ng umaga ay may mga sweet messages talaga na siyang sini-send sa akin. Tapos paggising ko naman, may cake and gifts na nasa tabi ng kama ko.

Naintindihan ko naman kung bakit niya ginagawa iyon pero dati na wala pa akong alam na he was 0% gay, nasasabi ko talaga sa sarili ko na ang swerte ko sa kaniya. Wala ring mga lalaking nambabastos sa akin noon, wala ngang may makatingin sa akin para pagnasaan ako mentally kasi kahit bakla siya marunong siyang manapak maprotektahan lang ako.

Painch's sigh pulled me out of my momentary thoughts. The first thing that caught my peripheral vision was her baggy white thigh-high shirt that made it look like she wasn't wearing shorts. She took my laptop from my lap at nilapag ito sa gitna ng kama para makaharap niya akong walang sagabal.

Tumingin siya sa mga mata ko, makikita ang awa at panghihinayang na walang pinagkaiba sa nararamdaman ko. "We all know, no life is perfect, Cassandra." Tama siya, wala talagang perpekto na buhay, gets ko naman. She went on, "Minsan ang mga binibigay na lalaki para sa atin, sa una masaya pero sa huli lolokohin ka."

Oo, parang si Glenn. Ex boyfriend ko sa loob ng limang buwan na niloko lang din ako. Nakatukod na ang dalawang kamay niya sa kama habang ang mga paa niya ay nasa sahig. Pero itinaas niya ang kaliwa niyang kamay to gesture it to me.

"Mali ka lang talaga kasi ng desisyon kay Tres." Binalik niya sa dating posisyon ang kamay niya. "Iyong si Glenn, tinanggap mo agad na isang buwan mo pa lang nakilala. Si Tres na anim na taon, mismong nagsakripisyo para sa'yo, ginantihan mo ng..." She clicked her tongue, shaking her head patunay na ako talaga ang mali.

"You know, what he did was not easy. He's a man na nagpanggap bilang bakla just to love you secretly. But, tinapon mo lahat dahil lang sa ayaw mo sa mga sinungaling. Hindi mo naman siya masisisi kung bakit nagpanggap siyang bakla.

You refuse men, and he, aside from being afraid of being rejected by you, he also doesn't know how to court kaya ang solution na naisip niya ay ang magpanggap na bakla kahit na...oo nga, mali, pero alam naman nating pareho na wala siyang masamang intensyon."

Tapos pinagbintangan ko pa siyang pinagsasamantalahan ako dahil once na akong nag-hubad sa harap niya. Hanggang kailan ba ako huhuntingin ng pagsisisi na ito? Halos hindi na ako marunong magmahal ulit, wala na akong ibang gustong maging lalaki ng buhay ko kundi si Tres, pero saang lupalop ng mundo ko ba siya hahagilapin?

"Masakit talaga iyong mga salitang binitiwan mo, Sis. Hindi mo masisisi ang tao kung ayaw magpakita sa'yo, obvious naman..." Sinulyapan niya ang laptop. "Hindi mo siya mahanap-hanap. Kung mayroon man siyang bagong social account, I think, sinigurado muna niyang hindi mo siya matunton. Hindi biro ang heartbreaks na pinagdadaanan niya after ng ginawa mo kaya..." Kumibit-balikat siya. "Sa tingin ko, may balak na talaga siyang magtago sa'yo forever."

Minsan talaga masasabi ko na lang sa sarili ko, I hate opinions and advices. Hindi kasi tanggap ng katawan ko ang mga sinasabi ni Painch, she blames me and discourages me. "Galit ka ba?" tanong ko na lang.

She rolled her eyes and said, "Naawa ako sa'yo. Tumigil ka na lang kaya sa kakaasa na babalik siya at kalimutan mo na lang?"

I glared at her, crosses my arms across my chest. "No." She mimicked what I said. She has a point because it's been a long time, umaasa pa rin akong parang tanga. Pero may rason ako. "I believe, he is the only man for me. I have never experienced what he did with anyone so whether he shows up or not, I will be loyal to him and I will not stop looking for him. He deserves to hear my sorry."

She straightened up. Raised both legs and crossed them sitting in front of me and says, "What if magkita kayo ulit na may pamilya na siya? Since 0% naman siyang gay?"

My whole body went cold. I have never heard this question in five years straight from my friends. Maingat sila when it come to this matter but now it seems not anymore. My mouth remained closed but her gaze demanded my words.

I stared at her unblinking eyes. It came down to her long straight hair that hanging down on her covered right breast. I shook my head and answered almost in a whisper, "Kahit marinig na lang niya ang sorry ko."

Ang pangalan niyang Painch, ramdam na ramdam ko na. Masakit! It never really occurred to me that he would have a family with a 90% probability. What if ganon nga? What if may asawa na siya, or may anak na? Kaya ko kaya na ganon ang sitwasyon once makita ko siya ulit?

"Alam mo?" She snapped my deep thoughts. My eyes flew open na hindi ko namalayang pumikit pala ako. "Kalimutan na lang natin iyon." I can see the regret in her eyes. Maybe because she realized her words weren't filtered this time. "Ano nga pala ang nangyari kanina? Bakit ka umuwi? Natapos agad ang photoshoot?" pag-iba na lang niya sa usapan.

Napangiwi ako nang maalala ang Mr. Hayes De Luxeriel na iyon. Binagsak ko ang likod ko sa mga unan na nakasandal rin sa head board ng kama at sumagot, "Namanyak ako kaya hindi ko na tinuloy."

"Namanyak?!"

I didn't want her to be clueless so I told a story. I told everything that happened from the beginning. Maple seemed to have heard what we were talking about so she came in and joined.

"Hindi ba nga ang sabi ko sa'yo, once siya ang may hawak na camera mag-walk out ka na?" At nagsimula na siyang manermon. Sa kanila ni Painch higit siyang strikta pagdating sa amin.

Mas palaban kapag isa sa amin ay agrabyado, kaya tama lang na hindi siya sumama sa shoot ko kanina. Baka napuno ng kalmot pa iyong mukha ng CEO ng DeLux. "Mababa nga ang offer non, kumagat ka pa, tapos ending wala ka ring bayad." She glared.

"Ayaw mo kasing tanggapin iyong tulong namin eh. Edi sana hindi mo nararanasan mga ganiyan," gatong naman ni Painch.

I huffed at sinamaan siya ng tingin. "Utang ko iyon, okay? Ako magbabayad, at isa pa, hindi naman sa lahat ng pagkakataon taga-rescue ko kayo. Malaki iyong utang ko, halos nangangalahating milyon iyon, sasagutin niyo? Mali no...kakayanin ko ito guys."

Umabot ng halos kalahating milyon dahil sa kagustuhan kong mabuhay ang nanay ko. Kaya kahit na katiting na lang ang chance para sa buhay niya nilaban ko pa rin.

Nasagad ang bulsa ko sa operasyon niyang hindi naman naging successful. Iniwan pa rin niya ako, bukod sa heartbreaks, nalubog pa ako sa utang. That was three years ago. I lost everything. Pati ang sariling bahay namin naibenta ko para sa kaniya, kaya heto, apartment ang pugad ko kasama ng dalawa kong kaibigan na hindi ako iniwan.

Si Maple, kaya ko siya nakasama dahil sa sinipa siya ng sarili niyang pamilya. Big time ang angkan nila but because she is different from their ranks, that instead of medicine; like nurse, doctor, she became a make-up artist. She has a grudge against her family so never na itong nasali sa mga usapan namin.

As for Painch, she comes from a toxic family. I met her as an entertainer, pero hindi ibig sabihin no'n na may ugali siyang dugyot. Malinis si Painch, nanay lang niya ang may gustong magpakadumi siya.

Luckily, we had Tres, nagawa siyang tulungan, ginawa siyang tindera sa bakery nito habang nag-aaral siya. Ngunit nang magsara ang negosyo ni Tres, sumama na rin siya sa akin.

Saksi si Painch sa hirap ko nong nagkasakit si Mama. Simula noon, hindi narin kami naghiwalay hanggang sa dumating sa buhay namin si Maple. Kahit nawala si Tres sa buhay ko, naging maswerte pa rin ako sa mga kaibigang natira sa akin na naging mga kapatid ko na rin. May mga time na nag-aaway kami pero hindi naman kami umabot sa punto na nagkalimutan na, hindi katulad ng iba.

"Wag mo nang pilitin iyan, Pighati." Painch para kay Maple ay Pighati. Mahilig siyang man-dog-show ng pangalan. Iyong Cassandra ko nga ginawa niyang Dria. Wala namang Dria sa pangalan ko. Dra ang meron, pero hinahayaan ko na lang.

But what is she doing on my laptop and why does she seem to be watching something...base sa boses ng babae sa video na ni-play niya ay parang..."Anong ginagawa mo?" tanong ko na lang.

Painch also crawled over to her and faced the open laptop. Tumingin si Maple sa kaniya at nagtanong, "Napansin mo?"

Kumunot ang noo ko. Sanay naman ako kay Maple na iniiba ang usapan kapag alam niyang mapupunta sa pagdadrama pero iyong paraan niya ngayon ay iba. It rising my curiosity. Kumunot naman ang noo ni Painch. "Ang alin?"

Dinuro ni Maple ang screen ng laptop ko. "Iyong Billboard!" Billboard? Bakit naman napunta ang attention niya sa Billboard? "Preview ko ah."

Out of curiosity sinubukan kong hatakin ang attention nila by asking, "Anong meron?" Nang umangat ang likod ko mula sa pagkasandal para makasilip, mabilis na inilayo ni Maple ang laptop at si Painch lang ang hinahayaan niyang makikinood.

My eyes narrowed into slits and I heard the video playing again. It's like a vlog of a woman in Manila city. I think she wandered while enjoying the view. I just remained glaring at them until Painch exclaimed, "What the fuck?!"

Nagkatinginan sila ni Maple. "Di ba? Ano thoughts mo?"

Painch responded na napahawak pa sa labi niya. "Thoughts ko? Ewan ko, hindi ako makapaniwala! Paano nangyari iyon? Siya iyon?" Bumangon siya at umupo sa tabi ni Maple.

Maple insisted positively, "Siya iyon! Teka ulitin ko ah."

I'm dying of curiosity here. "Sino ba? Patingin nga!" Gumapang ako papunta sa kanila pero mabilis nilang iniwas ang laptop. Mga bruha!

"Sa laptop ko na lang." Maple giggled glancing at me. I was really out of place with her words! Nakakatampo talaga!

"Clear mo, baka makita niya. Shit! Ibang-iba na talaga siya! Ang gwapo!" Humagikhik naman si Painch na animo'y kinikilig. Lalaki ang pinag-uusapan nila, so dapat hindi ako interesado, pero ang pakiramdam na ito ay buhay na buhay sa loob ko. Bakit parang may ibig sabihin ang gut ko?

"Search ko iyong company." Mababakas ko rin ang mukha ni Maple ang saya. Sino bang lalaking iyon? Crush ba niya? Tumingin siya kay Painch at hinila pa ang buhok nito at nagsalita malapit sa tenga. "Imagine, Pighati, naka-billboard!"

I can also see the overwhelmed in Painch's reaction. It seemed like a mixture of joy, shock and pagiging proud. May namumuo pang mga luha sa mga mata niya, mas lalo akong nalilito, tila hinahatak rin ako ng emotion nilang wala akong idea kung tungkol sa ano o kanino.

"Nakita ko iyong pangalan..." Sumulyap si Maple sa akin na may hit ng ignore. Ouch! Bumulong siya kay Painch pero hindi ko narinig maliban sa salitang, 'Company.'

Billboard...gwapo...company... Fuck! I was puzzled!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status