TUMINGIN SIYA sa paligid bago niya marahas na ininom ang alak na nasa basong hawak niya. She was played like an invaluable creature on Earth. Akala niya ay kaya niyang paglaruan si Hasumi pero nagkamali siya."Fuck that woman! Fuck her!" ginulo niya ang buhok niya dahil sa inis na namayani sa sistema niya. Gusto niyang ipahamak si Hasumi nang tuluyan pero hindi niya ito magawa dahil sa utos sa kaniya ni Yakuma na protektahan ang babaeng iyon. Nang pumasok si Hasumi sa DEP ay sinadya niya itong saktan upang malaman kung malakas ba ang babae. Akala niya ay mahina si Hasumi pero sa sumunod nilang ingkwentro ay napatunayan niyang malakas nga ang assassin na matagal na niyang gustong paslangin. Just damn it because she was controlled by Yakuma and the man was a hindrance for her goal. Hindi niya rin puwedeng suwayin ang leader ng organisasyong DEP dahil nga ay nakadepende rito ang buhay niya. Kahit na mayaman ang angkan nila ay wala na siyang magagawa pa dahil si Yakuma na ang nagmamay-ar
ANG KASAL ay isang sagradong selebrasyon upang mabigyang basbas ang pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan sa kabila ng mga pagsubok na dinanas sa buhay. A fantabulous marriage doesn't happen between perfect couple to corporate. It happens between imperfect couple that has willingness to accept the imperfections and understand the shortages of each party. Para kay Hasumi ay isang malaking sugal ang ginawa niya. Ang pagmamahal niya kay Brael ay isang sugal. Wala naman kasing kasiguraduhan noong naramdaman niya ang pag-ibig kay Brael na mamahalin siya pabalik ng lalaki. Minsan napapangiti na nga lamang siya kapag naiisip niya na minahal siya pabalik ni Brael. Isang pribilehiyo para sa kaniya ang mahalin pabalik. Inahon niya ang kaniyang sulyap sa loob ng katamtamang laki na simbahan. Ang mga kurtinang ginamit ay kulay puti. May mga kulay peach din dahil ito ang motibo ng kasal nila ng lalaki. Tumingin siya sa kaibigan niyang si Hakura na nasa unahan na at kaharap nito si Kajo. Nap
TUMAYO SIYA. Tumungo siya sa higaan ni Kioshi at agad niyang pinadaplis ang kaniyang kamay sa pisngi ng apo niyang mahimbing na natutulog. "Boss, nagawa na namin ang inutos mo. Patay na si Ludwig at Sathania," sabi ng isa sa mga tauhan niya.Humarap siya sa tatlong lalaki na inutusan niya upang tapusin ang buhay ni Sathania at Ludwig. Ngumiti siya at lumunok. "Good. Akala siguro ng mga ulol na iyon ay maiisahan nila ako. Alam ko ang plano nilang baliktarin ako. Hindi ko rin hahayaan na isang musmusing assassin na tulad ni Sathania ang makakasira sa anak ko. Itong si Ludwig naman ay tarantado. Hindi man lang niya hinintay ang plano ko. Ngayon ay nakapasya na ako na hayaan na lang si Hasumi at Brael na makapiling nila sa isa't isa. Hindi na ako magiging balakid sa pagmamahalan nilang dalawa.""Boss, ang kaso ay may problema." Tumingin siya sa nagsalita. "Ano naman iyon?" tanong niya rito."Nahuli kami nang dating sa simbahan. Nasabi ni Sathania ang sikreto ni Hasumi kay Brael," anang
HINDI NIYA makalimutan ang nangyari kay Hasumi. Hindi niya matanggap sa sarili niya na ginawa ng babae ang bagay na iyon. Mahal na mahal siya nito at alam nito na hindi niya kayang gawin na patayin ang babae. Hasumi made her decision that day. She was willing to give the justice to Brael because the man was chasing it all his life but ended up knowing who was running that justice away, it was her, Hasumi.Inayos niya ang kaniyang pagkakaupo sa upuan na nasa tabi ng puntod kung saan sila naroroon ng anak na si Kioshi. Napangiti siyang pinagmamasdan ang anak niya na naglalaro sa tabi. Napaluha siya dahil sa dami ng nangyari sa buhay niya. Huminga na lang siya nang malalim buhat nang naibalik sa araw na iyon ang kaniyang alaala. Ramdam na ramdam pa niya ang sakit na makita si Hasumi na nakahandusay at walang malay. Tumalima siya at agad niyang hinila ang katawan ni Hasumi. Ngayon ay nasa mga bisig na niya ang babaeng mahal niya at duguan ito. He was longing for the woman to open her e
Hustisya ang pinaglalaban ni Brael Montegarde. Hustisya para sa trahedyang bumago sa kaniyang buhay. Trahedyang hindi niya malimot-limot at mananatiling bangungot ng buo niyang pagkatao. Kaya'y sinisiguro niyang makakamit niya ito kahit ang kapalit ay ang sariling buhay. "Shit," bulyaw ni Brael nang marinig paano nabasag ang bungo na naapakan niya. "Ang dami palang bangkay na tinatapon dito!" singhal niya nang namataan na puro buto ng mga tao ang nakakalat sa buong paligid."Iwan mo na lang diyan," ani Joro na kasangga niya sa transaksiyon na ito. "Ah." Sa wakas ay nakapagpahinga na ang balikat niya. Tinaas niya ang kaniyang kanang braso at inikot-ikot ito sa ere. "Ang bigat naman ng matandang ito," reklamo ni Brael sabay unat kaya naman ay nahulma ang kaniyang maskuladong kantawan. "Bilisan na natin dito, Bra! Balita ko may bago raw tayong miyembro na ipakikilala ni Mister Yakuma mamaya!" "Umayos ka sa pagtawag sa akin ng 'Bra' ha!? Ogag ka ba? Ano tingin mo sa akin bra ng babae?
HINDI MAKAPANIWALA si Brael sa ginawa ni Mister Yakuma. Pinasok niya sa grupo ni Brael ang anak niyang si Hasumi. "Baliw na talaga si Yakuma. Hindi ko alam ano ang pumasok sa kokote niya bakit bigla niyang pinasok ang anak niya sa grupo. Babae ang anak niya. Magiging pabigat lang iyon," naiirita niyang sabi habang naglalaklak ng beer. "Ayaw mo nun? Gaganahan na tayong magtrabaho dahil may pampagana na tayo!" ani Joro mula sa kabilang linya. "Ano ba ang ayaw mo sa bago nating member? Malaki mga dyoga, makinis, matambok ang puwerta at manipis ang katawan. Ang sarap niya sa mata," parang-ewan na sambit ni Joro. "Boring kaya magtrabaho kung puro lang lalaki."Tinungga ni Brael ang bote ng beer kaya naman ay lumitaw ang kaniyang kakisigan. Nakasuot ito ng kulay puting t-shirt at puting brief lamang ang suot niya sa baba. Malaki ang umbok niya kaya naman ay halos hindi na magkasya sa brief niya ang kaniyang alaga kahit tulog ito. "Inamo, Joro! Wala ka talagang kuwentang kaus
MARAHIL NAINIS siya sa lalaki ay minabuti niyang lumabas mula sa HQ nila. Nakaupo siya sa isang bangko na yari sa bakal habang nakatukod ang magkabila niyang mga kamay sa upuanan habang matalim siyang nakatitig sa lupa. "Hayop na iyon!" anas niya. "Pinakaba ako ng 'tanginang junior niya!" dagdag pa niya. Bumuntong hininga siya at tumitig na lang sa kawalan. Hindi niya maiwasan ang matulala habang inalala ang umbok ni Brael. Napakalaki talaga. Bakat na bakat pa ang ulo ng alaga niya. Uminit tuloy ang kaniyang katawan habang inaalala niya ang bukol ni Brael. "You're crazy!" Marahas niyang inalog ang kaniyang ulo upang mawala sa isipan niya ang kaniyang nakita kanina. Nabigo lamang siya. Pumikit na rin siya saglit at muli niyang minulat ang kaniyang mga mata subalit ganoon pa rin. "Hentai! Hentai! Hentai!" paulit-ulit niyang sabi. Halos kapusin siya ng hininga dahil sa mabilis at walang-awat niyang pagsasabi ng salitang iyon. Bastos si Brael. Pero bakit parang nagugustuhan niya ang ka
GUMAAN ANG pakiramdam ni Hasumi matapos siyang lagyan ng kung anu-ano ng nurse na pinadala mula sa head office nila. Nakaiinis kasi si Sathania. Napakagat-labi lang siya habang inalala ang ginawa ng babaeng iyon sa kaniya. Sinisiguro ni Hasumi na hindi na siya magpapa-apak sa bruhang iyon. Lumapit sa kaniya si Brael. "Supposedly, nagtatrabaho na tayo ngayon," ani'to. Bumagting ang pandinig ni Hasumi dahil sa sinabi ni Brael. Kumunot ang kaniyang noo at sinamaan niya ng tingin ang lalaki. "Sinisisi mo ba ako sa nangyari, Montegarde? Alam mo na tama ka! Supposedly, we are working right now! Ininis mo kasi ako kaya lumabas ako. Hinarang pa ako ng punyemas mong ex-girlfriend na feeling superior!" iritang sabi niya. "Putang anghel iyong ex-girlfriend mo! Leche siya na gaga pa!" mura niya."Ikaw naman daw ang nauna. Inirapan mo raw siya," wika ng lalaki. Uminit ang mukha ni Hasumi. Pakiramdam niya'y naipon ang lahat ng dugo niya sa kaniyang mukha. Pakiramdam niya ay siya pa ang sinisisi