MATAPOS MAGSIPILYO at maghilamos upang linisin ang mukha ay nadatnan ni Sais si Richell na hawak hawak ang mahabang buhok. Paulit ulit itong inaamoy ng dalaga at napapasimangot."What's the problem, little kitten?" Kahit papaano ay masaya siya sa unti unti nitong pagbalik sa dati, siguro'y nakakatulong ang palaging pakikipaglaro nito sa kanyang anak at pagkausap nito kay Syete. Madalas pa rin itong tulala ngunit hindi na umiiyak at nagwawala, nagsasalita na rin ito kapag kinakausap niya o sumasagot ng tango. "Mabaho," sagot nito habang inaamoy pa rin ang buhok. Natatawa siyang lumapit dito at hinaplos ang buhok nito. "Kailan ko huling naligo?""Kahapon pero naglaro kami ni Zam at may inilagay siya sa buhok ko."Tumango siya bago inamoy ang buhok nito. "The smell is fine. Hindi naman mabaho e." Mas lalo itong sumimangot. Kinurot niya ang ulong nito dahil sa panggigigil. "Come here, we will take a bath.""Dalawa ta
MALAKI ANG PAGKAKANGITI ni Richell nang lumapag ang helicopter na kanilang sinasakyan sa malawak na hacienda ng dating amo na si Leo. Ngayon ang pagbalik nila dito isang linggo magtapos sabihin ni Sais na pupunta sila sa dagat.Sobrang nangungulila na siya sa hangin sa bukid, ang purong mga berdeng kahoy na halos bumabalot sa buong lugar, ang walang traffic na lugar at tahimik. Simpleng pamumuhay ang namimiss niya dahil sobrang magara ang naging buhay niya sa syudad.Unanh bumaba si Sais at napakunot ang noo niya nang idipa nito ang mga braso. "I will carry you.""Wag na," tanggi niya at akmang bababa na ngunit bigla siyang binuhat nito."Kakargahin kita dahil baka maputikan ang paa mo."Tinaasan niya ito ng kilay pero hindi maalis ang masayang ngiti."Ano ka ba sa putik ako pinanganak kaya sanay ako kahit lumangoy pa ako sa palayan wala lang sa'kin 'yon."Ang noo naman nito ang kumunot. "Bakit sa putik ka ipinangan
KINAUMAGAHAN ay maagang gumayak si Richell. Suot ang bestidang puti ay lumabas siya sa kanilang silid ni Sais. Pansamantala silang nakatira sa malaking bahay ni Leo. "Are you ready?" Nakangiting tanong sa kanya ni Sais. Napangiti rin siya pagkakita sa gwapo nitong mukha suot ang white Armani polo shirt nito na pinarisan ng demin jeans at itim na sapatos. Tumango siya at hinaplos ang urn na dala. "Ready na.""That's good to hear," lumapit ito sa kanya at inayos ang kanyang buhok. "You're so beautiful, little kitten.""And you're so handsome," balik niya. Humalik ito sa kanyang noo bago siya inakay palabas. Balak sana nitong gamitin ang sasakyan nito ngunit mas pinili ni Richell na maglakad na lamang dahil gusto niyang namnamin ang sikat ng araw sa umaga."Wala pa ring nagbabago, maganda pa rin ang buhay probinsy," huminga siya ng malalim habang ipinapalibot ang tingin sa paligid, purong mga berde ang kanyang nakikita at nakakagaan iyon s
MALAKI ANG mga ngiti sa labi ng bagong mag-asawa. Katatapos lamang ng kanilang kasal at ngayon ay patakbo silang lumalabas sa simbahan habang magkahawak ang mga kamay. They are happily married witnessed by God, friends and family. Walang mapagsiglan ang saya sa kanilang mga puso dahil sa lahat ng mga pagsubok na kanilang pinagdaanan sa kanilang pag-iibigan ngayon ay walang humpay na saya naman ang kanilang tinatamasa. Natatawang ihinagis ni Richell ang hawak na bulaklak habang buhat buhat siya ng asawa. Sa likod naman nila ay ang kanilang pamilya at mga kaibigan na may mga ngiti rin sa labi. "Akin 'yan," dinig niyang tili ni Vale at talagang halos makipagpatayan makuha lamang ang bouquet. "Ipaubaya niyo na sa'kin mag-iisang taon na akong tigang," hinablot nito ang bulaklak na napunta sa iba. Napahalakhak sila at napailing sa pagiging eskandalosa nito. "Honeymoon is coming," sigaw ni Sais kaya nagtawanan ang lahat. Nakakapit siya sa batok nito
"ARE YOU HAPPY?" Sixth asked while looking at her beautiful wife smiling from ear to ear, dancing with the wild wind of Essaouira seaside. Ngayon ang pangalawang araw ng honeymoon nila dito sa Morocco, ang favorite destination ng kanyang asawa. "Yes, masayang masaya," nakangiting sagot nito. Lumingon ito sa kanya, napangiti siya dahil pumikit ito sa pagtama ng sikat ng araw sa mga mata nito. The most beautiful woman in the world, he whispered. Pinagsiklop niya ang kanilang mga kamay. Hindi pa rin nawawala ang malakas na pagtibok ng kanyang puso sa tuwing hinahawakan niya ang kahit anong parte ng katawan nito. From her hair to the tip of her nails. She's everything for him. "Be careful. Baka masugatan ang paa mo," paalala niya dahil mas lalo itong lumapit sa mabatong parte."Ayos lang naman masugatan e." Napakamot na lamang siya sa batok nang bumitaw ito at parang batang inilubog ang mga kamay sa tubig. Tumayo siya sa likod n
NAKANGISI si Sais habang nakatingin sa dalawang babaeng nasa kanyang harapan. Walang mga saplot ang katawan ng mga ito habang gumigiling sa ibabaw ng kanyang kama. Habang humihithit ng sigarilyo at ibinubuga sa mga ito ay nasisiyahan ang dalawang kababaihan. Sino nga ba ang hindi liligaya sa piling ng isang Six Castillion?Kung romansa sa kama o kahit saang lugar at tila siya ang hari. Ipinanganak siya upang magpaligaya ng mga Eba. Ipinanganak siyang nagpapahiyaw sa mga kababaihan habang nasa kama.Ibinuka ng isa ang mahahaba nitong mga hita dahilan upang masilayan ni Sais ang hiyas nito. Nababanaag mula sa liwanag ng buwan ang mamasa masa nitong pagkababa. Ilang ulit siyang humithit buga sa hawak na sigarilyo bago kinuha ang bote ng wine na nasa ibabaw ng mesang kanyang kinauupuan. "Can I join you ladies?" He asked while seductively smirking. Malanding ngumisi ang dalawa, gumapang palapit sa kanya ang isa at wala inhibisyon hinaplos ang umbok na nasa pagitan ng kanyang hita. She's
NAGPUPUNAS NG PAWIS si Sais habang papasok sa kanilang bahay. Hubad ang pangtaas na parte ng katawan nito at cycling short lamang ang tumatakip sa harapan."Mukhang nagpunta ka na naman sa langit kagabi." Salubong sa kanya ni Leonder, ang pinsan niyang tagabundok dahil hindi sanay sa pananatili sa syudad. "Cloud nine bro." Sagot niya habang itinataas ang kamay na parang naghuhulma ng sexy'ng katawan ng babae."Ikaw nagpasasa sa sarap kagabi tapos ako ang naghatid palabas sa umaga. Galing mo." Tiniklop nito ang manggas ng kamisa de chinong suot hanggang siko at isinuot ang sombrerong yari sa buri. "Gan'on naman ang routine ko di ka pa nasanay.""Kaya gustong gusto mo na dito tumambay dahil malayo sa mga mata ni tita." Kantyaw nito. Naiiling siyang tumango sa pinsan.Leonder Castillion ay isa sa walo niyang mga pinsan at ang hacienda nito ang takbuhan niya kapag gusto niyang limutin ang mga isipin sa Maynila. Malayo ang hacienda nito sa cities dahil nasa liblib na lugar iyon ng Northe
"BAKIT ba kasi pumunta ka sa malaking bahay hindi ba may trabaho ka?" Sermon sa kanya ng kanyang ama. Naiiling ito habang nakatingin sa kanya na napapangiwi habang hinihilot ang kanyang paa at balakang."Sinamahan ko lang naman po si Manang Alma." Sagot niya at mariing napakapit sa mesa nilang yari sa kawayan upang pigilan ang malakas na pagtili."Tiisin mo lang iha." Sabi ni Aling Alma na siyang naghihilot sa kanya. Tumango siya bilang sagot."Ikaw talagang bata ka, saan ba ako nagkulang ng pagpapalaki sa'yo." Kunsimisyadong tugon ng kanyang ama."Hindi naman ako lumaki five nga lang height ko." Napangiwi siya ng akmang hahampasin siya nito ng hawak na maliit na tuwalya."Hindi ka nga lumaki pero 'yang bibig mo napakalaki. Kanino ka ba nagmana ha? 'Yong nanay mo noong nabubuhay pa hindi naman chismosa ni hindi nga lumalabas ng bahay tapos ikaw halos gawin mo ng bahay ang labas." Alam niyang iritang irita na ito sa kanya ngunit hindi niya magawang dibdibin ang mga sinasabi nito dahil