NO ONE would ever love you as much as your mother. Ang pagiging ina ay hindi madali. Bukod sa ang isang paa ay nasa hukay ng isang ina na buntis at nanganganak. Sobrang saludo ako sa mga ina. Sa tuwing naiisip ko ang hirap at sakripisyo ni Mama noon para itaguyod ako ay hindi ko napigilang umiyak. Mararamdaman mo talaga ang paghihirap at pagmamahal ng iyong ina kapag ikaw mismo ay naging ina na rin. Nagpapasalamat talaga ako kay Mama dahil binusog niya ako ng pagmamahal at paggabay. Alam ko sa aking sarili na hindi ako perpekto pero para kay Mama ay sobrang mahusay ako at lagi niya akong sinusuportahan. ‘A mother was indeed the number one supporter and fan of her child or children. The only person that would hug and be with you through ups and downs.’ Manalo man o matalo ay nand’yan pa rin ang bawat ina na laging yayakap at babati kahit na ano ang mangyari sa kanilang mga anak kahit. Ang sarap magkaro’n ng isang mabuti at mapagmahal na ina na handa suportahan ang kanilang anak s
WHEN THE STARS COLLIDE, like you and I, no shadow blocks the sun. Sumakay kami ni Jossel ng tricycle pagkatapos naming maglakad palabas ng subdivision. Tirik na tirik ang araw at nakalimutan pa namin ni Jossel na magdala ng payong. Medyo nasisilaw nga ako. Mabuti na lang at hindi kami napansin ng mga anak kong triplets dahil paniguradong mas gugustuhin ng mga iyon na maglaro na lang sa gitna ng daan kahit na tirik na tirik ang sikat ng araw. “Grabe! Parang natusta ako ro’n, ha? Sayang ang Papaya Soap ko sa tindi ng sikat ng araw. Bakit kasi hindi mo ipinaalala sa akin na magdala pala dapat tayo ng payong? Daig ko pa ang tinutukan ng spotlight kahit alam ko sa aking sarili na mukha akong artista. I’m born to be a superstar, but it was only just a dream,” paghihimutok ni Jossel. Nagpunas ako ng aking pawis gamit ang likod ng aking kamay habang tumatawa sa kalokohan ni Jossel. Mabuti na lang at mabilis ang pagharurot ni Manong sa kaniyang tricycle kaya’t medyo nahahanginan ako kahit pap
A STRANGER from the past would suddenly appear out of nowhere which indeed turned the world upside down. Maagang umalis si Dr. TJ dahil maraming mga patients sa klinika na magpapa-consult. Hindi na rin siya magpapahatid ng pagkain dahil mayro’n siyang lunch meeting kasama si Dra. Sophia. “Mama, nikati po puwet ko,” ungot ni Ravi. “Edi, kamot-kamot mo. Tamad mo naman, puwet mo naman ang nikati at hindi kay Mama,” sita ni Hunter. “Steya nayang kamot-kamot ng puwet mo po, Tuya Wavi,” masayang suhestiyon ni Stella Diana habang nakangiti na ikinalabas ng kaniyang mga dimples sa magkabilaang pisngi. Mayro’n din siyang hawak na Butter Cookies. Suot-suot niya ang kaniyang backless dress at mayro’n din siyang korona. Hindi naman nawawala iyon sa ayos ni Stella Diana dahil gusto niyang maging prinsesa. “Aw! Pwit! Nikati tayaga puwet ko, eh. Feeying ko, nikagat ng ant ang puwet ko kasi sweet,” bulalas ni Ravi. Tumawa naman si Hunter. “Ha? Paano naman naging sweet puwet mo, Wavi? Nag-e-eat b
PRETEND to hide the secrets of the truth. Nanginginig ang aking mga kamay habang nakahawak sa baso. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-si-sink in sa akin na na-track ni Orion Dio del Sole alias Don Apollo ang aking kinalalagyan at ang mas masama pa ay nakita niya sina Hunter at Ravi. Alam kong naghihinala na siya pero mabuti na lang talaga ay dumating si Dr. TJ at iniligtas ako. Hindi ko na talaga kasi alam ang gagawin ko kanina. Mabuti na lang at maraming nag-cancel ng appointments sa kaniya at hindi rin siya mapakali kaya’t umuwi siya nang maaga. Mabuti na lang at dumating si Jossel at pinakisuyo muna ni Dr. TJ ang mga anak kong triplets sa kaniya para pakainin at bantayan. Nandito muna kami ngayon sa opisina ni Dr. TJ sa loob ng bahay. “Now, he already knew where you were, Kate. Halata naman sa kaniya na hindi siya basta-bastang lalaki. Gagawa at gagawa siya nang paraan para humanap ng tiyempo para mas lalong mapalapit sa inyo ng mga bata,” sambit ni Dr. TJ. Huminga ako nang
HUSH, don’t you dare spill what I said to you and run away, because you wouldn’t escape from me. Hanggang ngayon ay isa pa ring malaking palaisipan para sa akin ang paghalik at pagbabanta sa akin ni Orion. Talagang mayro’ng pinagmanahan ang mga anak kong triplets dahil ang kanilang ama ay sobrang matigas ang ulo. ‘Saang ulo naman kaya iyon, sa itaas ba o sa ibaba?’ Namula naman ang aking mukha at agad akong umiling-iling para itaboy ang napakabastos na iniisip ko na iyon. Wala akong pagnanasa kay Orion at dapat tumigil rin ako sa pag-iisip tungkol sa kaniya. Napatalon ako sa gulat nang hampasin ni Jossel ang aking puwet. “Hoy! Ano ang nangyayari sa iyo? Bakit para kang tangang iling nang iling d’yan? Tinatanong kita kung bagay ba sa akin na magsuot ng push-up bra para mas lalong ma-emphasized ang aking jogabells at ma-seduce ko si Dr. TJ tapos parang ayaw mo? Aba! Nambabakod ka na ba?” “Ha? Ahm. . . Pasensiya na’t mayro’n lang akong iniisip,” nahihiya kong paumanhin at ipinagpatu
THREATS indicated deep fears. Halos matuod ako sa aking kinatatayuan nang narinig ko ang malamig na pagbabanta ni Orion kay Dra. Sophia habang nakahawak nang mahigpit sa kamay ni Dra. Sophia para hindi ako nito masaktan. “Who the f*ck do you think you were, ha? Bitawan mo nga akong buwiset ka! Kilala mo ba kung sino ako? Baka gusto mong pabagsakin kita at tignan lang natin kung saan pupulutin ang kayabangan mo!” asik ni Dra. Sophia.Hindi masyadong makalakad nang maayos si Dr. TJ na panay ang pagwasiwas ng mga kamay na parang kinakapkap kung saan ba siya pupunta. “F*ck! Don’t you dare hurt Sophia! Pumili ka ng kalaban at huwag kang pumatol sa babae! Ako ang kalabanin mong gago ka! Bitawan mo siya!”Panay ang pagpalag ni Dra. Sophia para makaalis siya mula sa pagkakahawak ni Orion ngunit wala namang nangyayari. “Ano ba! Bitawan mo nga ako! Teka nga, bakit mo ako pinagbabantaan, ha? Isa ka rin ba sa lalaking naging biktima ng babaeng oportunista na iyan? Sumagot ka kapag kinakausap kit
LIFE WASN’T PERFECT, but it had perfect moments. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito. Bumaliktad ang lahat at alam na ng lahat ang katotohanan. Lutang na lutang pa rin ako sa nangyari. Ngunit wala naman akong magagawa lalo na’t gusto na ng mga anak kong triplets na sumama kay Orion dahil nararamdaman nilang gustong bumawi ng kanilang ama sa kanila. Si Dra. Sophia naman ay umalis na habang hiyang-hiya sa kaniyang ipinaggagawa. Takot na takot din siya habang panay ang paghingi ng tawad sa akin pati na rin sa aking mga anak na triplets. “Kate,” pagtawag sa akin ni Dr. TJ. Napalingon naman ako sa kaniya habang inaayos ko ang gamit namin nina Hunter, Ravi at Stella Diana at ipinapasok iyon sa loob ng travelling bag. Sinabihan ako ni Orion na aalis na kami. Aalma sana ako ngunit umiiyak sina Ravi at Stella Diana habang si Hunter naman ay tahimik lamang at nakikiramdam lang sa mga nangyayari. Medyo aloof pa siya at ayaw ko naman pilitin dahil kilala k
THE REVELATION of the truth would definitely change everything. Sobrang nag-enjoy sina Hunter, Ravi at Stella Diana. Sa una ay medyo nahihiya pa si Hunter pero kalaunan ay nakikipagkulitan na siya kasama si Orion. Hindi ko napigilang ngumiti dahil nakikita kong nagkakaro’n ng mga pagkakataon sila na makasama ang kanilang ama. Sa buong durasyon na namasyal kami sa Hong Kong Disneyland ay masasabi kong napaka-magical lalo na’t daig ko pa ang bumalik mula sa aking pagkabata. Hindi ko naman kasi naranasan ang ganito at kuntento na rin ako sa mga simpleng bagay. Hanggang perya nga lang ang kaya ng aking budget at hindi ko rin aakalain na makararating ako nang walang kahirap-hirap sa Hong Kong Disneyland nang dahil kay Orion. Sadya talagang makapangyarihan si Orion at hindi basta-bastang tao. Binibili niya ang lahat ng mga gusto ng triplets at parang balewala sa kaniya iyon. Halos malula naman ako sa presyo sa tuwing nahahagip ng aking tingin ang price tag. Medyo na-i-intimidate nga ako