Share

Chapter 2

Nadia's Point Of View.

"Kinakabahan ako, Nadia." rinig kong sabi ni Jala. Nakatingin lang ako sa bintana habang sinasagot siya. Nakikita ko ang mga sasakyan, puro sasakyan ang mga nakikita ko. Malayo na kami sa aming bayan, malayo na kami kay Niel, Vanessa, Janice pati na rin sa iba.

"Ako rin naman, malay mo masama ugali ng amo natin?Uuwi talaga ako," ani ko. Ayoko ng gano'n. Baka makapagsalita pa ako ng masama.

"Hindi 'yan! Balita ko gwapo ang amo natin." Ito talagang si Jala mahilig sa gwapo ako, mahilig sa lalaki.

"Hindi naman lahat ng gwapo ay mababait ang ugali." Pangangatwiran ko, nilingon ko siya at nakasimangot na siya ngayon. Bakit? Masyado ba akong judgmental?

"Gusto mo ba talagang mag trabaho? At kumita? Kung ayaw mo uuwi tayo," sabi niya agad naman akong umilang. Siyempre gusto ko. 

"Gusto syempre. Sayang 30 thousands," Mabilis kong sabi. Hindi naman 'to para sa akin, para kay Niel 'tong mga ginagawa ko.

Para tuloy akong magulang na mawawalay sa kanyang anak, sabagay simula ng mawala ang mga magulang namin ako na nag tumayong magulang niya.

Pero kapalit no'n marami akong sinakripisyo.

"Sana maging ligtas tayo ro'n. Kahit malayo tayo sa mga mahal natin sa buhay," ani ko bigla. Sana rjn maging ligtas si Niel kahit wala ako.

"Magiging ligtas tayo!" siguradong sabi niya. "Kahit baliko ako kaya kong manapak at manabunot kapag may nanakit saiyo." tumawa siya kaya natawa na rin ako.

"Kaya natin 'to," sabi ko.

Muli akong tumingin sa bintana,

"Ito pala ang manila," bulong ko, dahil puro building na ang aking nakikita. Ito lang ang alam ko sa manila, puro buildings. Matataas, mabababa ang mga building na nakita ko. Siguro kung nakabukas ang binata naamoy ko ang mga usok galing sa mga sasakyan. 

Ilang oras din ang biyahe, si Jala ay natuloy samantalang ako ay hindi makatulog sa hindi ko malamang dahilan. Ilang oras din ang biyahe tulad ng sabi bago nakarating sa pupuntahan. Hininto kami ng taxi driver sa isang malaking gate.

"Wow. . ." bulong ni Jala ng makita ang puting gate. Ito na ba 'yon? Ang sabi sa amin ng mama ni Vanessa kapag nandoon na kami may kakausap sa amin na babae at sabihin daw namin na kami ang pinadala niya.

"Tara na, mamaya ka na mamangha 'yon yata 'yong babaeng susundo sa atin," sabi ko at mabilis naman siyang sumunod sa akin, na ninibago parin ako sa paligid kanina kasi puro tunog ng mga sasakyan ko pero pag karating namin dito wala na kaming naririnig.

Nasa exclusive subdivision kasi kami. Ito ang sinabi ng nag hatid sa amin. Minsan ko na rin pinangarap na makatira sa isang subdivision noong nag aaral ako.

"Hello po, kami po ang pinadala ni Mrs. Delius," sabi ko sa babae, naka suot siya ng itim na bistida. Habang nasa likod ko lang si Jala. Lumapit sa amin ang babae. May katangkaran ito. At nakasuot nang kanyanh uniform. 

"Pangalan?" tanong nito.

"Nadia Zariyah Helquino." Pakilala ko sa aking sarili.

"Jack Larvin Geol." Pakilala naman ni Jala.

Nilista niya sa papel ang mga pangalan namin at kinausap ang guard, pagkatapos ay bumukas ang gate napa atras pa ako sa gulat gano'n din ang naging reaskyon ni Jala.

Naunang pumasok ang babaeng hindi man lang sinabi ang pangalan. O hindi man lang nag pakilala sa amin.

"Sumunod kayo sa akin," aniya.

Agad naman kaming sumunod sakanya naka sabit sa likod ko ang isang bag habang ang dalawang kamay ko na may ay may hawak din na bag. Pag kapasok pa lang namin ay ramdam ko na yayamanin talaga ang may ari nito.

Puro puno ang paligid, isang daan lang ang nilalakaran namin kaya hindi kami maliligaw.  Ilang minuto rin kami nag lakad bago ko tuluyang nasilayan ang isang mansiyon. Napaawang ang labi ko sa gulat ng makita kung gaano ito kalaki.

Isang malaking puting mansiyon. Ang ganda ng pagkadisenyo ng mansiyon na sa sobrang pag ka gulat na hihirapan na akong i explain ang nakikita ko.

Diyan ako mag tra-trabaho?!  Nalulula ako at na nakakaexcite din dahil sa ganda ng Mansiyon na pag tratrabahuan namin. Sana ay mababait ang mga tao sa loob.

"Shit. . ." dinig kong sabi ni Jala mukhang gulat din sa nakita. Kahit naman ako, pero hindi ko naman naisip na ganito kalaki ito lalo na sa malapitan. Parang nakakahiyang hawakan o makihalubilo sa mayayamang tao kapag ikaw ay mahirap. Nararamdaman ko kasing mababa ang tingin ng mga mayayaman sa mahihirap.

Ang judgmental ko talaga.

Para na akong mahihimatay ng tuluyang pumasok ang babae at sinenyasan kaming sumunod dahil tangang nakatayo lang kaming dalawa dito.

Nagulat parin kami na ganito pala kayaman ang pag tratrabahuan namin. Paano kapag nakasira kami ng mamahaling bagay diyan? Baka ikaltas sa sahod namin o kaya naman tanggalin sa trabaho ang mas malala pang pwedeng mangyari sa amin kapag nakasira kami ng gamit ay baka ipakulong kami. Sana hindi mangyari 'yon.

Nag dadalawang isip pa ako kung susunod pero hinatak ko na si Jala at sumunod na, hindi ko alam kung iiwan ko ang sandals ko sa labas o hindi at dahil hindi na ako nakapag isip na itapak ko na ang sandals ko.

I

Nawala sa sandals ko ang aking atensyon ng nakapasok na kami, nanlaki at napaawang ang labi ko sa mga nakikita. Kumikinang lahat lalo na ang tiles na tinatapakan ko. Napatingin ako sa hangdan dahil may red carmet do'n.

Ganyan ba talaga kapag mayaman?

Nilibot ko pa ang aking paningin habang sumusunod parin sa babae, hindi ako makahinga ng maayos dahil natatakot ako na baka may masagi akong vase, mamahalin pa naman baka mapaalis agad ako dito.

Nag tataka ako dahil wala pa rin ako nakikitang tao simula ng makapasok kami sa loob ng mansion. Nasaan ang mga katulong?

Nasaan ang may ari ng bahay na 'to? May pamilya na ba siya?

"Dito ang inyong pahingahan at matutuluyan habang nag tratrabaho kayo dito." Binuksan niya ang isang pinto at sinenyasan muli kaming pumasok agad naman kaming sumunod. May nakita akong dalawang kama. May kalakihan din ang kwarto dahil nandito sa loob ang bathroom.

"Papadalhan kayo ng inyong makakakain mamaya. Mag ayos muna kayo ng mga gamit niyo dahil bukas pa naman mag sisimula ang inyong trabaho," aniya at akmang aalis ng tawagin ko siya, si Jala ay nag aayos na ng gamit kaya hindi kami napansin.

"Bakit? May iba ka pa bang kailangan?" Umilang ako.

"Ano pa lang pangalan mo?" tanong ko, natigilan naman siya bago sagutin.

"Jasmine, Jasmine ang aking pangalan." pag katapos niya akong sagutin ay umalis na siya, siya na rin ang nag sarado ng pinto. Bumuntong hininga ako bago nilibot ang tingin sa kwarto.

Ang isang kama ay nasa kaliwa, na siyang matutulugan ni Jala dahil ang lalagay na siya doon ng unan at kumot. Kaya sa may isang kama ako pumunta at naupo ro'n.

Malambot ang kama na hindi ko naramdaman no'ng nasa bahay pa ako. Tumingin ako kay Jala ng mag salita siya,

"Parang hotel 'no? Kahit dito na lang ako tumira ayos lang," sabi niya. "Pero basta may pag kain."

"Trabaho ang ipinunta natin dito Jala, saka normal lang naman na ganito kagaganda ang mga kwarto dito. Billionaire ang may ari eh." Pag papaalala ko sakanya. "Saka dapat mag ingat din tayo sa pag gamit ng kwartong ito, halatang mahal ang mga gamit kapag nakasira tayo baka ikaltas pa sa sahod natin."

Tumawa siya kapag nilalabas ang mga gamit sa dala niyang itim na backpack.

"Chill ka lang Nadia, 'wag kang mag paka stress. Mag ayos muna tayo bukas pa naman mag sisimula ang trabaho natin at na eexcite na rin akong makita ang amo natin."

Pag aayos ng gamit ang ginawa namin hanggang sa gumabi, may sari-sarili riin kaming mga cabinet na lagayan ng damit. Hindi naman gano'n kalaki ang cabinet pero nag kasya naman lahat ng damit ko sa loob. Napalingon ako sa pinto ng may kumatok doon, ako na ang nag kusang mag bukas dahil natutulog si Jala, napagod sa pag aayos.

Dahan dahan at maingat kong binuksan ang pinto, natatakot ako na baka maling galaw ko lang masira ko itong pinto. Hindi ko alam kung mag kano ang halaga nito.

"Ano 'yon?" tanong ko sa isang babae, ngumiti siya sa akin.

"Ako po si Ethel, ito po ang pag kain niyo." Napatingin ako sa hawak niyang cart may kinuha siya roon at inabot sa akin ang dalawang plato, agad kong kinuha 'yon pati na rin ang mga inumin. At agad pinasok sa kwarto, nilagay ko ang pag kain sa lamesa.

"Salamat, ako nga pala si Nadia." Pakilala ko sa sarili. Napansin kong naka suot siya ng apron, sa tingin ko ay mas matanda ako sakanya ng dalawang taon. Maliit lang siya at kulot ang buhok, hindi din siya gaanong maputi pero hindi din naman siya maitim, sakto lang.

Muli siyang ngumiti.

"Welcome po, sana ma enjoy niyo ang pag kain. Nagagalak din po akong makatrabaho kayo," ani niya ng nakangiti. Tumango siya sa akin bilang paalam bago muling tinulak ang cart at kumatok sa katabi naming kwarto. Sinara ko na ang pinto ng maka alis na siya.

Mukhang mababait naman pala ang mga tao rito.

Nag lakad ako papalapit sa higaan ni Jala at mahinang tinapik ang kanyang balikat para gisingin, isang beses ko pa siyang tinapik at tinawag bago siya tuluyang magising.

"Kakain na," sabi ko sa kanya. Tumango siya at tumayo na, nag hikab pa siya bago lumapit sa lamesa at nag hila ng upuan, sumunod naman ako at umupo na rin sa upuan.

"Wow anong klasing ulam to?" tanong niya habang naka tingin sa plato.

"Hindi ko alam, hindi ko na natanong eh, ganyan ata pag kain ng mayayaman," ani ko at nag simula ng kumain, tinikman ko ang isda ta ninamnam ito. Masarap naman ang lasa kahit hindi ko alam kung anong isda ito. Ang kanin, mansanas lang ang alam kong putahi sa aking plato.

"Hahaha anong isda kaya ito? Sa bayan natin ang mga isa ro'n ay bangus, tilapya. Ang mamahal pa," sabi ni Jala habang magandang kumakain. "Tignan mo nga ang kutsara at tinidor? Ginto ang kulay! Ako nga eh nag kakamay lang kapag kumakain," dagdag niya.

Natawa naman ako.

"Para tayong mga ignorante rito," Tawa ko.

Pinakita niya bigla ang dalawang baso, ang isa ay tubig ang laman habang ang isa naman ay orange juice.

"Tignan mo, dalawang klaseng inumin pa ang iinumin natin." 

Tumawa ako bago nag patuloy sa pag kain ng matapos ay may kumatok sa aming pinto at si Jala ang nag bukas si Ethel 'yon, kinukuha na ang mga plato at baso pati narin ang kutsara at tinidor.

Nag volunteer akong ako na lang mag hugas pero tinanggihan niya ako, 'yon daw ay trabaho niya.

"Nagustuhan niyo ba ang pag kain?" tanong ni Ethel. Si Jala ang sumagot.

"Oo sis ang sarap sarap, ngayon lang ako nakatikim ng gano'n," sabi ni Jala, natawa naman si Ethel sa kakulitan ni Jala.

"Mabuti naman kung gano'n, ano pala ang pangalan mo?" mukhang ramdam na agad ni Ethel na bakla si Jala. Halatang halata naman sa kilos at pananalita ni Jala.

"Jala, may mairereto ka ba diyan?" Natatawang sabi ni Jala pero agad din niyang binawi. "Nagbibiro lang."

"Hahaha pala biro ka pala Jala, ako nga pala si Ethel." Tumingin siya sa amin. "Nagagalak akong makilala kayo, matutuwa din akong makatrabaho kayo." Muli siyang ngumiti bago nag paalam.

"Gusto ko 'yong uniform ni Ethel, pink ang kulay," ani ni Jala pag kasara ng pinto. Tumawa ako.

"Pwede mo naman hiramin,kung payagan ka," sabi ko. Humikab ako kaya pumunta na ako sa kama at nahiga.

"Matulog na tayo, may trabaho pa tayo bukas," ani ko, hindi ko naman siya narinig sumagot pero nakita ko siyang nahiga na sa kama.

Bago ko matulog ay nag chat ako kay Niel, Vanessa at Janice kung ano ang kalagayan namin ngayon. Hindi naman ako nahirapan i send ang message dahil malakas ang signal dito hindi katulad sa bayan namin na kailangan pang umakyat ng bubong o kaya naman sa bundok para makasagap ng signal, pag katapos no'n ay natulog na ako.

Unang araw na ng trabaho ko bukas…

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mae Ann Veimen
nice Po Ang kwento
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status