Nadia's Point Of View.
Ang bilis parin ng tibok ng puso ko habang nasa gilid lang kaming mga katulong habang kumakain sina Sir. Cax kasama ang isang babae at dalawang lalaki. Ang dalawang lalaki ay nag uusap at nag tatawanan habang ang babae at si Sir. Cax ay tahimik kang na kumakain.Napatingin ako kay Sir. Cax kung paano niya hiwain ang laman ng baboy bago 'to isubo sa kanyang bibig. Kita ko ang mga ugat sa mga kamay, malalaki rin ang kamay niya hindi tulad sa kamay ko.Nararamdaman ko ang mahahaling aura niya kapag tinitignan ko siya.Nagulat ako ng bigla siyang lumingon sa gawi namin kaya mabilis akong umiwas ng tingin at nag kunwaring tintignan ang aking mga kuko.Nang maramdaman kong bumalik na ang kanyang atensiyon sa pag kain ay muli akong tumingin sakanya, napatingin ako sa kaliwang kamay niya, napaka maskulado nang pangangatawan niya halatang nag e-exercise. Napatingin ako sa mamahalin niyang relo, ginto ito. Mabilis akong umiwas nang tingin dahil baka may makakita pa sa aking katulong na nakatingin sa relo ni Sir. Cax, baka pag isipan pa ako ng masama na baka balak ko 'yong nakawin.Hindi ko alam kung bakit ko 'yon naisip, hindi ko pa naman kilala ang mga tao dito.Napatingin ako kay Mayordona nang tawagin niya kami, agad kaming lumapit sakanya."Limang katulong lang ang maiiwan dito para tumulong kapag may kailangan sina sir. Cax," ani ni Mayordona. "Ikaw Nadia, labahan mo muna ang mga basahan, dumaan ka sa kusina kumuha ka ng brush at sabon at sa labas ka na lang mag laba. May makikita kang mga hanger do'n at may isang puno do'n, doon mo sa puno isasampay ang mga basahan."Tumango ako at nag paalam sa kanila lumingon pa ako sakanila Karen at Jala nginitian lang nila ako.Agad akong sumunod sa pinautos sa akin, marami din akong nilabhan, madali na lang para sa akin ang pinapagawa ni Mayordona Ruby dahil dati din akong nag lalaba sa aming bayan.Kumukuha ako ng mga damit na na suot na at lalabhan ko pag katapos ay babayaran nila ako. Madalas din akong napapa away dahil may ilang mga hindi nag babayad, katulad na lang ni Melanie. Kapag iniisip ko talaga ang babaeng 'yon kumukulo na agad ang dugo ko.Nag patuloy ako sa pag linis, maraming inutos sa amin si Mayordona Ruby. Pansin ko din na hindi pa rin bumababa si Sir. Cax, ang sabi ng ibang mga katulong nasa kwarto lang daw ito."Paakyat nito sa storage room, nasa may third floor ang storage room, hindi ka na rin mahihirapan hanapin 'yon dahil kulay grey ang pinto ng kwartong 'yon. Pwede mo rin gamitin ang elevator kung gusto mo," sabi sa akin ni Mayordona Ruby habang inabot ang dalawang box sa akin. May kabigatan ito pero kaya ko naman."Ano po bang laman nito?" tanong ko ng may pag galang, ang mata ko ay nakatutok pa rin sa dalawang kahon. Lumingon sa akin si Mayordona."Ang mamahaling plato iyan, galing sa ibang bansa dala ni Sir. Cax kaya paki-ingatan Nadia," aniya at bumalik sa ginagawa, tumango naman ako at nag lakad na.Gusto ko sanang gumamit ng elevator kaso mas pinili kong gumamit ng hagdan, hindi kasi ako marunong mag elevator kaya baka masira ko pa. Tatlong palapag lang naman ang pupuntahan ko kaya kayang kaya ko 'yon.Habang humahakbang ako sa mga baitang ng hagdan, ramdam ko talaga ang kamahalan ng tiles at riles ng hagdan. Na alala ko gumawa kami ni Papa ng hagdan namin sa bahay pero gawa lang 'yon sa kahoy, kaya ng bumaha sa bayan namin agad 'yong nasira.Nang makalampas sa pangalawang palapag agad kong hinanap ang sumunod na palapag, nag lalakad akong muli sa hagdan papunta sa pangatlong palapah, hinihingal na rin ako. Hindi na ako nag karoon ng pag kakataon na tumingin pa kung anong mayroon sa pangalawang palapag dahil may kailangan pa akong gawin sa pangatlong palapag.Nang makarating sa pangatlong palapag, hindi na ako nag taka na tiles ang tinatapakan ko. Wala yata akong matatapakang lupa o semento kapag nandito ako sa Mansion De Rion.Nag lakad lakad ako at hinanap ang kulay grey na pinto dahil ang dami kong kwartong nakikita, hanggang sa mapahihto ako sa tapat ng isang puting pintuan dahil sa hindi ko malamang dahilan. Gagamitin ko sana ang isang kong kamay para hawakan ang pinto pero biglang itong bumukas kaya napa atras ako sa gulat. Muntikan pang mahulog ang mga kahon na lalong nag pa kaba sa akin, umayos ako ng tayo habang nanginginig na binabalik ang mga kahon sa pag hawak ko."What are you doing here? And who are you?"Napalunok ako sa narinig at sa lalim at lamig ng boses na 'yon, agad akong nag angat ng tingin at halos lumuwa ang mata ko ng makitang nakatingin sa akin si Sir. Cax."Sir, b-bago po akong katulong—" hindi ko na natapos ang sasabihin ng inunahan niya ako."Yeah, I know that." Natahimik ako sa lamig ng boses niya. Lalo akong kinabahan at halos hindi na makagalaw. Tinignan niya ako sa mga mata. "What's your name, woman?"Hinanap ko ang boses ko bago muling nag salita."A-ako si Nadia," sagot ko sa tanong niya."What are—""Bro Cax, sinong kausap mo?" Naputol ang dapat sanay sasabihin ni Sir. Cax ng lumabas ang isang lalaking may katangkaran, agad din may isa pang lalaking lumabas galing sa puting pintuan na tinitignan ko kanina. Ang dalawang lalaking 'yon ay ang kasaman ni Sir. Cax sa pag kain kaninang umaga."Who's this beautiful Lady?" tanong ng naunang lalaking lumabas, amoy na amoy ko ang mamahalin niyang pabango, may accent din siya. "A new maid?" tanong ng pangalawang lalaking lumabas, naka itim na t-shirt. Tumango naman si Sir Cax.At dahil hindi sinagot ni Sir. Cax ang kaibigan niya kusang lumapit ang unang lalaking lumabas sa puting pintuan. "What's your name miss?""N-nadia po Sir," ani ko sa maliit na boses, kinakabahan."Nadia? What a beautiful name, I'm Clark. And that guy wearing black t-shirt is Jion." Nakangiti niyang sabi. Tinanungan naman ako ng lalaking sinasabi niyang si Sir Jion, habang si Sir. Cax naman ay walang emosyong nakatingin lang."Saan ka pupunta?" biglang tanong ni Sir. Cax kaya bahagya akong napaiktad, narinig ko ang tawa ni Sir Jion."Ilalagay ko po itong mga kahon sa storage room, 'yon po ang inutos sa akin ni Mayordona Ruby." magalang na sabi ko."At hindi mo alam kung nasaan ng storage room?" tanong ni Sir Clark at napatango na lang ako. Bigla niyang tinuro ang dulo ng pasilyo, natanaw ko mula dito ang isang grey na pinto. "That's the storage room.""Thank you," sabi ko sakanya, ngumiti lang siya sa akin. "Mauna na po ako," ani ko sakanila, tumingin din ako kay Sir. Cax pero wala naman itong naging reaksyon kaya mabilis akong nag lakad papunta sa storage room.Dahan dahan ko munang binuksan ang pinto gamit ang susi na binigay sa akin ni Mayordona, pag katapos ay pumasok na ako. Kinapa ko ang ilaw sa gilid na agad ko na mang nakapa kaya mabilis na bumukas ang ilaw, tumambad sa akin ang mga gamit na nakabalot sa puting plastic, may nakita pa akong isang Reff na nakatiwangwang lang doon at hindi nagagalaw. Muli kong itinuon ang atensyon sa pag lalagay ng mga kahon, kumuha ako ng isang plastic at pinatungan ito pag katapos ay pinatay ko na ang ilay at sinarado ang pinto, ni-lock ko na rin ito. Wala man lang akong nakitang alikabok.Nang muli kong tignan ang pwesto kung saan nakita ko si Sir Cax at ang mga kasama niya ay wala na sila. Nakahinga naman ako ng maluwag, ibang kaba kasi ang nararamdaman ko tuwing nasa paligid ang aking amo.Kaba na ngayon ko lang naramdaman sa tanang buhay ko.Dere-deretso akong nag lakad hanggang sa makalagpas ako sa pwestong iyon. Hindi ko na din ito nilingon pa. Itatapak ko na sana ang isang paa ko sa baitang ng may marinig akong nag salita sa likod ko."Why do you use stairs?" Napahawak ako sa railings at nilingon si Sir Cax.Nakatingin siya sa akin habang ang dalawang kamay niya ay nasa loob ng bulsa niya. Nasan may taas siya habang ako ay nakatingin sakanya habang nakahawak sa railings ng hagdan."H-hindi po kasi ako m-marunong gumamit ng elevator." Napalunok ako ng hindi niya inalis ang tingin sa akin.Hinintay ko pa siya mag salita at ng masiguradong wala na siyang sasabihin ay muli akong nag salita."Mauna na po ako. Magandang hapon." magalang kong pag paalam at mabilis ng tumalikod at pinagpatuloy ang pag hakbang sa baiting at hindi na nilingon pa ang aking amo.Tuluyan na akong nakahinga ng maayos ng makabalik ako sa unang palapag, parang hinihigop ang aking hininga kanina.Binigyan kami ng pahinga ni Mayordona Ruby at babalik sa trabaho kapag 5:30 na. Nandito kami ni Jala sa may Maids Room. Marami kaming mga maids dito, ang iba ay nag kukuwentuhan, ang iba ay nag lalagay ng make up sa mukha."Ano sa tingin mo masukit ang ating amo? Nakausap mo siya ng harap harap diba." tanong ni Karen sa akin sa mahinang boses dahil kinuwento ko sakanila ni Jala ang nangyari kanina. Tumingin ako sa paligid takot na baka may makarinig sa sagot ko. May kalayuan naman sa amin ang ibang mga maid habang kami ay nakaupo sa mono block na nakapabilog."Oo?" pa tanong kong sagot. Hindi ko alam kung tama ba ako. "Pero ang sabi ni Mayordona Ruby strict daw si Sir." dagdag ko.Bigla namang napahagikgik si Jala, parang kinikilig."Kung ako 'yon baka ma inspire ako mag trabaho, malayo pa lang ang gwapo niya na. Paano kayang malapitan na?" Natatawa niyang sabi.Nagkatinginan naman kami ni Karen at sabay na lang na natawa."Eh 'yong mga kaibigan niya? Ano palang pangalan? Inutusan ako ng isa doon eh." tanong naman ni Karen bigla, tumigil na din siya sa pag tawa.Tumingin ako sakanya. "Sino roon? Si Sir Clark o si Sir Jion?""Naka itim na T-shirt.""Ah, si Sir Jion iyon," sagot ko, tumango tango naman si Karen. Bigla namang napangisi si Jala."May gusto ka ata kay Sir Jion, Karen." Natatawang pang aasar ni Jala. Bigla namang namula si Karen at sunod sunod na umilang."Tulad niyo trabaho lang din ang pinunta ko dito. . ." aniya.Nadia's Point Of View.Sa mga sumunod na araw ko sa trabaho ay nakaka sabay na ako sa mga gawain at sa buhay dito sa Mansion De Rion. Palagi kaming nag tatawagan ni Niel tuwing gabi, natutuwa naman ako dahil sa pag aaral niya ng mabuti. Nag kukwento din siya ng mga nangyayari sakanya doon, minsan daw ay pumupunta sina Vanessa at Janice sa bahay para kamustahin siya.Nag pasalamat naman ako doon.Sinabi ko din sakanya na kapag may prolema sa bahay ay sabihin niya lang sa akin at gagawan ko ng paraan. Next month pa ang sahod ko at kapag nakuha ko ang pera ay uuwi muna kami ni Jala. Plinano na namin iyon.Ngayon ay araw ng pamimili ng mga kulang dito sa mansiyon. Naeexcite ulit ako dahil makakapunta ulit ako sa supermarket. Pero ngayon ay kasama namin ni Mayordona Ruby si Jela.Tuwang tuwa naman siya nang malaman na kasama siya, naikwento ko kasi sakanya kung ano ang supermarket. Kaya gustong gusto niya makapunta doon."Ito lang po ba sir ang mga bibilhin?" tanong ni Mayordona kay sir Ca
Nadia's Point Of View.“Nadia, bakit namumutla ka diyan?” tanong ni Jala, katabi niya si Karen na nag aalala namang nakatingin sa akin. “Namumutla ka ba kasi kinakabahan ka?”“Kamusta ang interview sa'yo ni sir Cax?” tanong naman ni Karen. “May sinabi ba siya sa'yong hindi maganda?”Umilang naman ako.“Oh wala naman palang sinasabi sa'yong hindi maganda, bakit ka kinakabahan? Wait a minute. Sinaktan ka ba niya ng pisikal?” Napairap naman ako sa mga pinag sasasabi ni Jala.“Wala siyang ibang ginawa sa akin kundi kausapin ako," sabi ko."Eh bakit mukhang kinakabahan ka?" tanong ni Jala.“Bakit bawal bang kabahan? Saka siyempre kakabahan talaga ako, malay mo kapag may sinabi akong hindi maganda. Tanggalan niya pa 'ko ng trabaho, paano na pag aaral ni Niel?” sunod sunod kong sabi.“Ay kinakabahan ka kasi takot kang matanggal sa trabaho? ako kasi kinakabahan kanina baka kasi itanong niya kung single ako at bigla akong mahimatay,” sabi ni Jala.Agad naman silang nag katinginan ni Karen at n
Nadia's Point Of View.Talaga? Tuturuan nila kami? Gulat parin ako, alam kong sinabi ko ang bagay na ito kay sir Cax. Hindi kaya siya ang nag utos nila? Hindi impossible, alam kong lahat ng mga bagong maids ay tinanong niya kung saan ito nahihirapan. "Bakit kaya tayo biglang tuturuan?" bulong ni Jala. Napalingon ako sakanya."Tinanong ba kayo kung saan kayo nahihirapan?" tanong ko at mabilis naman siyang umilang. Tinago ko ang pag kagulat ako aking mukha at muling nakinig sa sinasabi ni ma'am Ruby.Hindi sila tinanong?Pero bakit ako ay tinanong niya? Hindi ko na naiintindihan ang nangyayari pero alam kong dapat ay hindi ako mag isip ng kung anu-ano. "Sumunod na kayo sa iba pang maids at tuturuan nila kayo."Nang sabihin 'yon ni ma'am Ruby ay dumiretso kaming lahat sa kusina, isa-isa kaming tinuturuan. Si Ethel ang nag tuturo sa akin. Pinagana niya ang oven at nakita kong may lumabas na number doon.Pinaliwanag niya sa akin kung paano iyon gamitin at kung ano lang dapat ang mga ilal
Nadia's Point Of View"Opo sir, salamat."Halos pabulong ko na lang iyong sagot at hindi ko alam kung narinig niya iyon pero pag katapos kong sabihin iyon ay mabilis na akong umalis habang hawak ang dibdib.Wala naman siyang sanabing iba pero nag kakarera ang puso ko dahil sa bilis ng tibok nito. Bakit ako nag kakaganito? Natatakot ako sa kanya!Noong gabing iyon ay hindi ako nakatulog dahil sa kanyang sinabi, hindi nga rin ako nakapag pahinga nang maayos dahil iniisip ko parin ang kanyang sinabi.Napaka babaw ko!Pagka gising ko kinabukasan habang nag wawalis ako ng mga dahon ay panay ang hikab ko. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Pakiramdam ko sa tuwing sinasabi niya ang pangalan ko ay nag kakaroon ako ng mini heart attack.At hindi ako natutuwa.Mas maraming dahon ang winawalis ko ngayon kaysa kahapon, grabe. Sa isang gabi lang ay ang dami na agad na dahon na nahulog mula sa mga puno.Pinipigilan kong pumikit ang aking mga mata habang nag wawalis ako, bakit ba
Nadia's Point Of ViewNang tawagin kami ay mas lalo akong kinakabahan. 5:40 na at malapit nang mag umpisa ang party. Hindi ko parin nakikita si sir Cax simula kaninang umaga.Naka sunod lang kaming dalawa ni Jala kay Ethel, natatawa ako dahil naka suot ng black na suit ang mga lalaki. Hindi nga rin natutuwa si Jala dahil ito ang kailangan niyang suotin ngayon. Habang kaming mga babae ay baka suit din na itim. Ngayon lang ako nakasuot ng ganito ngunit comfortable naman akong gumalaw."Okay so alam niyo na kung anong mga gagawin niyo, diba? Gusto kong gawin niyo 'yan habang nakangiti kayo," seryosong sabi ni ma'am Ruby. "Okay, pumunta na kayo sa mga pwesto niyo."At nang sabihin iyon ni ma'am Ruby ay nag katinginan kami ni Karen, basa ko sa mukha niya na kinakabahan siya ngunit nang ngumiti ako ay ngumiti rin siya at tumango. Kahit kinakabahan ay sabay kaming pumunta sa may pintuan ng mansyon, nakasara pa ito. At sinabi sa amin ni ma'am Ruby na kapag nag 6:00 pm na ay bubuksan namin ito
Nadia's Point Of View."Don't ever hurt my maid, Andrea." Dagdag ni sir Cax. Napakagat ako sa labi dahil sa labis na hiya, biglang nawala ang music at lahat ng tao ay nasa akin ang atensyon."What? Whatever, fuck. You ruined my my dress!" sigaw ni Andrea habang nakatingin sa akin, napayuko na lang ako. Basang basa ang mukha ko dahil sa wine na binuhos niya."Hindi niya nga sinasadya, Andrea. Shut your mouth or you will leave this party?" Nararamdaman ko ang seryosong tono ni sir Cax. Nang mag angat ako ng tingin ay wala siyang emosyon habang nakatingin kay Andrea.Umirap naman si Andrea bago mag walk out. Bigla namang dumating si ma'am Ruby at hinatak ako papunta sa serving area.Tinignan ni ma'am Ruby ang kabuoan ko saka malalim na bumuntong hininga. "Ayos ka lang ba?" tanong niya.Parang gusto kong umiyak ngunit tumango lang ako."Dito ka na lang, hayaan mo na ang ibang maids na umasikaso sa mga tao," aniya.Umilang naman ako. "Kaya ko pa naman po mag trabaho—""Okay lang, Nadia. R
Nadia's Point Of View."Ano po?" Gulat kong tanong. "Sir, wala akong alam sa mga bagay sa opisina," dagdag ko.Tumawa naman siya kaya napakurap ako. Bakit palagi na lang siyang tumatawa? Nagugulat na ako sa mga ginagawa niya."Hindi naman mahirap ang mga gagawin mo," aniya.Umilang parin ako. "Hindi ko yata kaya 'yan sir Cax. Kontento na ako sa pag lilinis sa mansyon mo."Bigla namang sumeryoso ang mukha ni sir Cax. "May dagdag na sahod kapag naging secretary kita. 20 thousands. So you will receive 50 thousands kapag araw na ng sahod."Nanlaki ang mga mata ko. Ang laking halaga noon! At sigurado akong malaking tulong 'yon para sa pag aaral ni Niel. "Pero sir, kung tatanggapin ko 'yang alok mo. Baka hindi ko magawa ng maayos ang mga pinapagawa mo. Hindi ako college graduate sir, baka nakakalimutan mo.""That's why hindi mabibigat na trabaho ang ibibigay ko sa'yo," sabi niya. "Kinausap ko si ma'am Ruby kung ma rerecommend siyang pwedeng pumalit sa secretary ko if wala siya. And you know
Nadia's Point Of View."Kayo po ang ang secretary ni sir Cax?" tanong ng guard at tumango ako. "Anong pangalan mo?""Nadia Zariyah Helquino," sagot ko. Nakita kong nilista niya ang pangalan sa isang notebook bago ako pag buksan ng salamin na pinto. Pag pasok ko pa lang ay napatingin na agad sa akin ang mga tao, napapatingin sila sa suot kong heels at nag bubulungan. Anong nangyayari? Iniisip ba nila na ninakaw ko itong suot kong heels?Dumiretso ako sa elevator at pinindot ang floor ng opisina ni sir Cax. Buti na lang natatandaan ko parin kung ano ang pinindot ni ma'am Ruby noong pumunta kami rito. Kinakabahan ako dahil ito ang unang pag gamit ko ng elevator, paano kung masira? Anong mangyayari?Nang tumunog ang elevator at nang bumukas ito ay may dalawang babae na nag hihintay ang bumungad sa akin, napatigil sila sa pag uusap at saka napatingin sa akin. Mabilis kong napansin na umawang ang kanilang mga labi noong nakita nila ang suot kong heels. Mabilis akong lumabas ng elevator at