Kung pwede lang sanang i delete ang pangyayareng 'to ngayon, I'm sure kanina ko pa ginawa.
Parang gusto ko na lang lamunin ako ng lupa.
Hindi ko alam kung papano ko ipapaliwanag kay Zaiden mamaya 'tong mga sinasabi ng Russell na 'to.
Eh kung bakit ba kasi nagkita kita pa kaming lahat dito sa cafeteria?
Ugh! Ang malas ko talaga palagi.
Although, wala naman talaga akong dapat ika-bahala, pero kasi baka iba 'yong iisipin nila sa sinabi ni Russell.
What if ma miss-interpret nila? Anong gagawin ko?Napatingin ako kay Wesley. Kahit siya hindi rin makagalaw sa kinatatayuan niya. Siguro kasi nagulat din siya dahil hindi rin niya inasahan 'to ngayon.
"What do you mean?" tanong ni Sarah kay Russell. "Will you please say it again?"
Gusto kong takpan na lang ang bibig ni Russell para hindi na niya masagot 'yong tanong ni Sarah kaya lang hindi ko naman 'yon pwedeng gawin. Wala naman akong karapatang gawin 'yon dahil nakakahiya.
Minsan may mga bagay talaga na kung kelan ine-expect mo nang mangyare, saka pa hindi matutuloy. Pero minsan, may mga bagay din na hindi mo inaasahang mangyare, pero mangyayare at mangyayare talaga. Katulad ngayon, Hindi ko inexpect na ngayong oras, araw at taon ay magkakaroon ako ng first kiss. Tama. Siya nga ang first kiss ko. At hindi ko inexpect 'yon. Ilang segundong magkadikit ang mga labi namin, ramdam ko ang init ng mga labi ni Wesley habang nakapikit ako at pinapakiramdaman 'yong waiter at si Zaiden na dumaan sa likod namin. Na feel ko 'yong hangin sa likod ko no'ng dinaanan nila kami. At no'ng tuluyan na silang maka akyat para maghanap ng table ay saka ko na tinanggal 'yong mga labi ko papalayo sa mga labi niya. "S-sorry." nahihiyang sabi ko at inayos ang sarili. Hindi agad nakagalaw si Wesley matapos kong alisin ang mga labi ko. Halatang nagulat talaga siya sa ginawa ko at hindi niya inasahang gagawin ko 'yon.
Ano daw? Nahihibang na ba siya?! Titira ako sa bahay niya?"Nasisiraan ka na ba ng bait?!" Sigaw ko at mas lalo niyang hinigpitan 'yong pag hawak niya sa kamay ko."Seryoso ako, kaya sumama ka sakin." sabi niya at pa bigla bigla na lang akong hinila patungo sa kung nasaan ang kotse niya.Sa sobrang lakas niya ay wala akong nagawa kundi ang sumunod na lamang sakanya. No'ng nasa harap na kami ng kotse niya, binuksan niya 'yong pinto ng kotse sa likod at nilagay 'yong mga bag ko saka naman ako pinag buksan ako ng pinto sa driver seat.Pero hindi ako pumasok, tanging nakatayo lang ako at nakatingin sakanya na tipong nakukulitan na ako sakanya.Sino ba naman ako para pumayag sa gusto niya hindi ba?"Pumasok ka na." utos niya."Wesley, sinabi ko na sayong wag mo'kong tulungan hindi ba?""Alam ko." sagot niya."Pero bakit mo ginagawa 'to? Dahil ba naaawa ka sakin? 'yon ba ang dahilan?!" Kalmadong sabi ko
Naka upo ako ngayon sa dining area habang naka titig sa pagkaing nakahain sa harap ko. Nawalan ako ng ganang kumain ngayon.Hindi ako makapaniwalang nagawa ko na namang magsinungaling sakanya kanina.Pati 'tong bahay ni Wesley inangkin ko pa.Hindi naman ako ang nag sabing akin 'to ang bahay, si Wesley ang nagsabi no'n dahil lumabas agad siya nang naka bathrobe lang at hindi rin niya inasahang makikita sina Zaiden kanina.Siya 'yong nag explain kina Zaiden at prince kanina na mag pinsan kami sa Mother side at nakitulog siya sa bahay namin dahil inimbitahan siya nina Daddy at Mommy.Na badtrip lang ako kanina dahil lumabas siyang bathrobe lang ang suot. Hindi naman sa na badtrip ako ng sobra kanina. Ang sakin lang, baka kasi ma missunderstood nila. What if isipin nila na may ginawa kami? Pang rated R gano'n. Napaka dumi ng isip ko sa part na iniisip ko 'yon kanina no'ng lumabas si Wesley sa bahay nang naka bathrobe lang. Pero buti na lang hindi ni
Napa tayo ako ng wala sa oras dahil sa gulat at naging dahilan 'yon para magising rin siya.Napatingin ako sa kanya at gano'n din siya sakin."Gising kana pala." pa bungad niya. "Naabutan kitang naka tulog rito kaya ako na ang pumirma ng lahat ng mga 'yan." sabi niya at tinuro 'yong mga papeles.Napatingin ako sa orasan. 6:00 am na no'n."Anong oras ka dumating?" tanong ko."Alas tres." sagot naman niya saka kinuha 'yong mga papeles na nasa sahig. "Tinapos ko na 'to. Tinulugan mo kasi."Kaya naman pala niyang pirmahan lahat. Pinahirapan pa niya akong gayahin 'yong pirma niya. Pero okay na rin at least wala na akong p-problemahin pa.Ang nakakapagtaka lang ay kung papano napunta 'yong ulo ko sa balikat niya?Ako ba 'yong humiga mismo sa balikat niya o baka naman—no, hindi. Ayokong mag isip ng iba dahil baka ako talaga mismo ang humiga sa balikat niya. At isa pa, hindi na importante 'yon."Iidlip lang nam
Hindi ko alam kung papano nila nalaman ang tungkol sakin. At kung bakit meron silang litrato ko na nasa trabaho ako at pati na rin samin ni Wesley na nasa sa tapat ng bahay niya at gano'n din ang litrato namin ni Zaiden na magkasama kami.Alam ng mga kaibigan ko ang tungkol samin ni Zaiden. At ang tungkol sa bahay na tinutuluyan ko ay si Zaiden at Prince lang ang nakakaalam no'n. Pero kung isasama ko ang tungkol sa trabaho ko, si Wesley lang ang nakakaalam no'n. Sa madaling salita, iisang tao lang ang nakakaalam ng lahat ng mga naging sekreto ko.Si Wesley lang.Pero impossible naman na ipagkalat niya ang lahat ng 'yon. Hindi naman kasi siya gano'ng tao.Ano 'yon, gumising siya ng maaga para ipagkalat ang tungkol dito?Malabo.Pero kung hindi si Wesley, ibig sabihin may isa pang taong nakakaalam ng lahat.Napatingin ako kay Zaiden. Nakatitig lang siya sakin at kita ko sa mukha nito na parang nagdadalawang isip siyang
Nakatayo ako ngayon sa labas ng campus. Nag dadalawang isip akong pumasok dahil baka ibully lang ulit nila ako.Humuhugot ako ng lakas ng loob gamit ang isang malalim na buntong hininga. Ilang beses ko nang ginagawa 'yon dito kanina pa pero hanggang ngayon hindi parin ako handang harapin silang lahat.Nanginginig ang kalamnan ko at namamawis ang mga kamay ko.Hindi rin magawang umandar ng mga tuhod ko dahil nanlalambot ito.Hindi ko kaya. Pero sinabi kong kakayanin ko dahil merong taong handang tulungan ako. Merong taong nagpapalakas ng loob ko. 'Yong taong tanggap ako sa kung ano at sino ako.Sa totoo lang, nagpupumilit siya sakin na tulungan ako. Ilang beses niyang sinabi sakin na wag akong mag alala dahil siya na ang bahala para tigilan na nila ako. Pero sinabi ko sakanya na wag na niya akong tulungan. 'Yong malaman ko lang na may taong laging nand'yan at sumusuporta para sakin, okay na ako.Kahit ilang milktea o pintura pa ang ibuhos n
Nakakainis naman! Pake ko ba kung sino ang gusto niya.Bakit ko ba iniisip 'to? Sinabi na niya sakin no'ng nakaraan na kalimutan ko na 'yon.Oo, may gusto nga siya sakin pero ano naman? Anong mangyayare pagkatapos? Diba wala parin.Mas mabuti ngang kalimutan ko na lang 'yon katulad ng sinabi niya dahil wala namang patutunguhan 'to kung mag o-overthink lang ako rito.Umakyat ako sa taas at nag bihis.Nauna akong matulog kasi alam kung mamaya pa siya uuwi pero hindi man lang ako dinadalaw ng antok.Gising pa nga ako nang makauwi siya.Uminom kasi ako ng tubig dahil nauuhaw ako at saktong pa akyat na sana ako sa taas nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok siya.Napatingin ako sa orasan no'ng makita ko siyang pumasok. Alas dos na ng madaling araw no'n.At kung hindi ako nagkakamali, lasing ang siya.Halata naman kasi sa kung papano siya maglakad na pa gewang gewang.Andami sigurong nainom nito. Lumap
Sa labas ng bintana ng kotse lang ako nakatingin sa buong biyahe habang pinagmamasdan ang ulap na parang naka sunod lang samin sa biyahe.Tapos na ang klase at nag desisyon akong sumama kay Wesley.Hindi niya sinabi kung saan kami magbabakasyon kasi gusto niyang isekreto sakin para surprise daw.Hindi ko na rin nakausap pa si Zaiden simula no'ng mga araw na sinabi niya sakin na aalis siya.Ayoko siyang kausapin dahil naiisip ko pa lang na magpapa alam siya sakin nasasaktan na ako ano pa kaya kung tuluyan na siyang aalis ng bansa. Hindi ko kakayanin 'yon.Tinanggalan ko ng sim card 'yong cellphone ko para hindi na niya ako ma contact. Ngayon pa lang kasi, china-challenge ko na ang sarili ko kung makakaya ko ba na mapalayo siya sakin at hindi na siya makausap o baka naman hindi ko magawa. Baka naman iiyak ako lagi sa gabi sa tuwing maiisip ko siya. Baka naman matulad ako sa mga taong nag mumukmok na lang buong mag damag at hindi na kumakain.