CHAPTER 78CALL ME, KUYA!“Ano? Hanggang tingin na lang tayo nito sa sala? Wala bang magsasalita sa inyong dalawa?” kinabahan ako sa tono ni papa habang nagsasalita. Baka mamaya, bigla niya na lang palayasin ang boss ko ngayon, ay huwag naman sana.“Papa…” nakayuko ako habang pinagmasdan ang mga daliri ko sa kamay, hindi rin ako makatingin ng diretso sa mga mata ng ama ko. Habang ang boss ko ay kunot-noo parin ngayon dahil hindi alam kung ano ang nangyayari.“Papa! Pakainin mo muna sila, hindi pa tapos si Unique kumain at for sure ganoon din yata ang kanyang boss," sambit ni mama para bumaling ang atensyon niya sa pagkain.“Hindi mama! Baka biglang tumakbo itong lalaking ito sa atin, at hindi na paninindigan ang anak natin." Hala si papa, akala mo naman may nangyari sa amin ni boss na malala kaya siya ganyan magsalita, humalik lang naman sa noo at hmm. “Gusto ko agad malaman kung may gusto ba siya sa anak natin, dahil kung wala ay kailan pa?”"Papa!" Sabay kami na tatlo na nagsalita,
CHAPTER 79CALL ME, KUYA!“Ma! Mali ka po ng iniisip.” Kinakabahan ko na bulong kay mama."Bakit, ano ba ang iniisip ko?” nakatayo si mama sa likod ng pintuan habang nakatingin sa akin.Yumuko ako, ganito ako kapag hindi ako sigurado sa sasabihin ko. "Kasi po, naiinitan siya-”"Tapos?” "Uhmm…hindi siya marunong… I mean…uhmm…nahihirapan po siya na hubarin ang kanyang pants kaya tutulungan ko na po sana, huwag po kayong mag-alala mama, boxer naman po ginagamit niya hindi brief.”"At paano mo nalaman na boxer ang suot n'ya, eh sabi mo na tutulungan mo na sana? Ibig sabihin, hindi pa nangyari pero bakit alam mo?,” omg! Paano ko ba ito ipaliwanag sa aking ina.Hilaw akong tumawa kay mama. “Kasi po, ako po ang nagliligpit ng mga damit niya sa closet at wala po akong nakitang bri-”"Ughhh, baby…help!" Bigla kaming napalingon ni mama sa nagsasalita at nanlaki ang mata ko na makita si boss na naghubad ng kanyang pants.“Omg! No!” Huli na at hindi ko na mapigilan na binaba niya na ang panghuli
CHAPTER 80CALL ME, KUYA!“Happy birthday mommy!" wika ko sabay halik sa kanyang pisngi. “Oh my! Thank you baby." Nasasayahan niya na wika at pinatakan ako ng halik sa pisngi. “Hindi ko inaasahan ito, thank you so much." Ulit niya dahil sa binigay ko na regalo, nasa tatlong supot ito nakalagay. “Welcome mommy, akala ko kasi po na…baka hindi niyo po nagustuhan dahil papalitan ko na lang, ayon naman sa…”"Ano ka ba, baby, I love it so much, thank you, my dear.” aniya.Hindi nga ako sigurado kung magugustuhan ba ni mommy ang binili ko na bag, dress at shoes sa kanya. Inipon ko ang pera para may mairegalo ako sa kanya at ayon naman sa nakikita ko sa kanyang mga mata na nagustuhan niya ang mga ito. Kahit alam ko na, may magbibigay sa kanya ng mas mahal pa kaysa sa nabili ko kaya nauna na akong nagbigay kay mommy at least ngayon ay nararamdaman ko na mas mahal at maganda ang nabili ko.Maaga akong nagising para batiin si mommy. Si kuya Izaak ay tulog pa yata hanggang ngayon dahil busy ka
CHAPTER 81CALL ME, KUYA! Akala ko, hindi ganito karami ang dadalo sa birthday ni mommy. Akala ko kaming mga kamag-anak lang ngunit halos ang mga narito ay ka trabaho at mga kaibigan nila. Magagarang mga damit na kasuotan at kumikinang na mga jewelry ang nakakadagdag ng kulay ng kanilang mga katawan. May mahalagang anunsyo raw na gaganapin mamaya. Baka ito ang pagbubukas ng kanilang bagong resort nina mommy and dad, isasama na lang sa kanyang birthday celebration. Habang busy si mommy sa kanyang mga bisita ay nasa tabi niya lang ako at pinapakilala naman agad ako sa mga bisita niya kahit hindi ko sila kilala. Ganito pala ang pakiramdam kapag nakikipag-socialize ka sa mga mayayamang bisita dahil kailangan ng proper way to communicate them, hindi ka lang basta-bastang makikipag-tawanan at magsalita na hindi naman related sa usapan, nasa proper pose ka pa rin and graceful sa lahat ng mga kinikilos mo. Ibang-iba sa mga nakasanayan. “Happy birthday,Tita." “Thank you so much engin
CHAPTER 82CALL ME, KUYA!“Shit! Ano ba ito? Lipstick lang pala, kamuntikan pa akong…ay hala mali ba akong pinasukan? Sorry po.”"It's okay, tapos na kaming mag-usap.” nakagat ko ang labi ko dahil nakalimot kami sa sarili ni Izaak at wala sa isip namin na public itong pinasukan namin at hindi pa nakalock ang pinto. Damn. Mabuti na lang at nakayuko agad ang ginang dahil sa nalaglag na lipstick na humarang sa pinto . Nakapag-ayos agad kami ng aming sarili bago kami makita, sana lang…sana lang talaga na hindi niya kami nakita na may ginawang kababalaghan sa loob ng cr.Inayos ko ang sarili ko habang nakatingin sa salamin. Hindi pa rin humupa ang kabog ng dibdib ko dahil sa nangyari kanina. Hinalikan niya ako at tinugon ko rin ang halik niya. Makasalanang-tao na ba kami pareho? Pinilig ko na lang ang ulo ko dahil ramdam na ramdam ko pa rin siya sa aking bibig.Nagulat ako dahil sa pagbukas ng pinto sa isang cubicle, lumabas ang ginang at nginitian n'ya ako. “Narito ka pa pala. Boyf
CHAPTER 83CALL ME, KUYA!“Are you okay, baby?" Ngumiti ako kay mommy na ngayon ay nabahala ko yata dahil na tahimik ako. Tumingin ako sa kanya. “Opo mommy, huwag niyo po akong alalahanin.” wika ko sa kanya. Pinasigla ko na lang ang boses ko para hindi siya mag-alala."Tell me if you're sleepy na ha para ihatid ka ni kuya sa room natin.” Nginitian ko si mommy at tumango. “Thank you mommy and I love you po. Have fun with your birthday and don't worry about me. I'm okay here." Mahinahon kong sabi habang inayos ang pag-upo sa silya na napapalibotan ng bilog na lamesa."Okay, malapit na akong magsalita, wish me good luck na maitawid ko sana ang sasabihin ni mommy, alright?” Mas lumapad ang ngiti ko sa kanya."Mom, you are good and I know you can do it, ikaw pa! Ang galing mo kaya. I'm so proud of you mommy.”“Aww, my baby Cherry, thank God I found you. I'm strong and healthy because you are here with us. I tried before but this time…it's really different. I feel like I'm complete and sa
CHAPTER 84CALL ME, KUYA!“Samantha? Anong….?”"Yes, tita Maribel. Matagal na kayong niloloko ng babaeng iyan.” Turo niya sa akin at panay iling ko rin sa kanila, pabalik-balik ang tingin ni mommy sa akin at kay Samantha."Anak ko siya Samantha, don't say that!”"She is a big liar, tita!” Giit niya pa lalo.“Samantha…what is this all about huh?” Nakikialam na rin ang daddy ni ate Samantha."Sam…" warning ni Izaak.“Why? Huh Izaak? Hanggang ngayon ba, maglolokohan pa rin kayo ng babae na iyan? Alam mo ang totoo dahil ikaw mismo ang nagplano ng lahat. Paano ko nalaman? Wala na kayo roon, ang mahalaga nasabi ko sa'yo Tita Maribel na matagal na kayo niloloko ng babae na iyan at ng anak mo na si Izaak. The reason why, kung bakit ayaw akong pakasalan ng anak mo dahil gusto niya ang nagpapanggap na si Cherry ang gusto niyang iharap sa altar. Maniwala kayo sa akin o hindi nasa inyo na iyon." Napasinghap ang mga bisita dahil sa narinig nila at kanya-kanya ng bulungan. Habang ako ay halos hind
CHAPTER 85CALL ME, KUYA!“Mommy-" “Don't you dare…para tawagin ako na mommy! Hindi kita anak! Wala akong anak na traydor at nagpapanggap! Wala! Naiintindihan mo ba? Wala!" Tumango ako sa sinabi niya habang humahagulgol na ako sa pag-iyak at nakaluhod pa rin sa harapan niya. Hindi ko akalain na sa ganitong paraan ko sirain ang birthday ni mommy. Hindi ko akalain na sa ganitong paraan pa malalaman ni mommy.“Mommy…I'm sorry…. I'm sorry…” hikbi at paulit-ulit kong hingi ng tawad sa kanya habang nakahawak na sa kanyang mga paa, hindi ako umalis kahit pinipilit ako ni kuya na tumayo. “Huwag na huwag mo akong hahawakan! Naiintindihan mo ba? Huwag mo akong tawagin na mommy dahil hindi naman pala kita anak? Isa kang manloloko! Isa kang manggagamit!" Duro niya sa akin.Deserve ko ang lahat ng galit ng ginang, deserve na deserve ko. "I'm sorry po….I'm sorry!" Paulit-ulit kong sabi sa kanya. "I'm sorry? Sorry for what? Anong nagagawa ng sorry mo, huh? Hinding-hindi kita mapapatawad sa mg