CHAPTER 05CALL ME, KUYA!“Ikaw na naman? Aba! Sa dami ng tao sa paligid mukha mo na naman ang nakikita ko.” Matalim akong nakatingin sa kanya at ganoon din ang tingin n'ya sa kin. Inaamin ko, gwapo siya, matangos ang ilong, mapupungay ang mga mata, makapal na kilay at nakasimangot na noo at–”“And who are you?" Who are you pa nga? Jusko ko, hindi niya ba ako kilala? I mean, hindi niya ba namukhaan ang mukha ko? Sa ganda kong ito ay for sure, hindi ako makakalimutin sa unang tingin pa lang, tapos siya? Cannot be.“You don't even remember me? Di ba ikaw naman ang pumasok sa cr last time na sinita ko habang nag-apply ako sa building noong isang araw? Malapit sa-"“That girl?" Aba! Ganyan lang ang reaction niya.“Oo, that's me. The prettiest and lovable, Unique." pambobola ko at malay ko, bibili rin siya ng balut kapag naging maganda ang usapan naming dalawa. "Well, likewise, Miss. Hindi kita kilala at matandaan at isa pa that was a male cr, not for the female.”"Eh di sana, hindi ka mu
CHAPTER 06CALL ME, KUYA!“Anak nariyan ka na pala, mabuti at maaga kang nakauwi, mabuti iyan.” Nasisiyahan na sabi ng papa ko pagbukas ko ng pinto. Lumapit ako at nagmano sa kanilang dalawa ni mama na naghihintay talaga sa akin sa sala. Nanood sila ng tv. “Oo nga po pa, ma. Sa awa po ng Diyos, naswertihan lang ngayong gabi, ito po ang kita ko mama and papa." Inabot ko sa kanila ang kita ko na pera, na itabi ko na iyong sukli ni bossing kung sakaling bumalik siya mamaya kung maaalala o di kaya bukas o kailan ba niya maisipan. Alam naman niya ang bahay namin.“Thank you anak, hindi namin alam kung paano ka namin pasasalamatan dahil ikaw na tuloy ang naghahanap buhay na para sa amin, kayo ng mama mo.” Ito na naman si papa sa kanyang mga salita na sinisisi ang sarili niya."Papa ha, isa pang word na ganyan, mas lalo pa akong magtatrabaho, sige ka.” Banta ko na ikasimangot naman niya."Sorry, hindi ko lang mapigilan, huwag kang mag-alala dahil kapag naging maayos na ang lagay ko, babawi
CHAPTER 07CALL ME, KUYA!Maaga akong nagising dahil marahil sa sobrang excited ko. Yes! Excited na makapasok sa unang trabaho na inaaplayan ko sa isang kompanya ng mga Legaspi. Tulog pa sina mama kaya ako na muna ang magluluto ng agahan namin. Niligpit ko ang higaan ko at pumunta ng banyo para maghilamos. Nagluto ako ng isdang tilapia na binili kahapon ni nanay, babaunin ko kasi ang iba sa trabaho ko dahil hindi naman libre ang pagkain. Pagkatapos kung magprito ay naggisa na rin ako ng sitaw na may konting oyster sauce para may gulay si papa mamaya sa kanin niya and of course dahil isa ito sa favorite ko kaya ito…dinamihan ko na dahil magbabaon din ako pares ay ang pritong isda.Pagkatapos kong magluto ay nilagay ko muna sa lamesa at tinakpan habang hinihintay ang sinaing na kanin. Nagwalis na muna ako sa kwarto ko at sa sala para paglabas nila ay maayos na. At dahil tulog pa rin sila hanggang ngayon at talagang maaga akong nagising, dahan-dahan ang bawat kilos ko para hindi sila m
CHAPTER 08CALL ME, KUYA!Akala ko maging secretary ang trabaho ko pero tagalinis ng office pala. Well, wala namang problema iyan sa akin, dahil kahit sabihin na mas malaki ang sasahurin mo bilang secretary o nasa mataas na position sa trabaho ay ang mahalaga ay may trabaho ako, may kikitain ako, may hihintayin ako na sahod sa kinsinas o katapusan ng buwan kaysa naman, maging tambay lamang sa aming barangay, tulad sa kakilala ko sa amin. Tambay na nga, ang lakas pa magyaya ng tagay. Baliw ba.“At ito ang maging area niyo sa paglilinis, dito sa 24th floor, dalawa kayo Daisy and Carol, dapat maaga palang ay malinis na sa opisina na ito at sa hapon pagkatapos ng office hours ay malinis niyo dapat ang buong area. Are we clear?” Sambit ni Mrs Rival: the office manager.“Yes, Mrs Rival!" Sabay din akong sumagot sa kanila Kahit hindi naman ako kasali sa 24th floor. Nakasunod lang kami kay madam at iniintindi ang mga sinasabi niya. But wait, saan pala ako? Don't say uuwi ako nito dahil hind
CHAPTER 09CALL ME, KUYA!Halos ilubog ko ang sarili ko sa carpet dahil hiyang-hiya sa hindi pagkakakilanlan sa boss ng building na ito at narito lang pala siya sa harapan ko. Matagal ko ng nakikita pero ngayon ko lang alam na siya ay isang boss. Bakit hindi muna ako nagsearch sa company na ito, napahiya ko tuloy ang sarili ko. Tapos inaaway ko pa siya noong unang kita namin sa… saan ba iyon… omg sa banyo nga. Hala! Lagot! Sana hindi niya maalala para hindi ako mapaalis, bago ko pa lang. “Are you both done in my office?" Tanong niya sa baritong boses, ibang-iba sa nakasanayan ko kapag nagsasalita siya noong isang gabi na bumili siya ng balut sa akin.Ngayon ay may awtoridad ang bawat kilos niya at pananalita. Napalunok ako ng sariling laway dahil sa hindi makapaniwala na nasaksihan. Ang nasa isip ko lang kasi ay ang magiging trabaho niya at paano trabahuin ang trabaho na ibinigay niya sa akin. Ang akala ko kasi, isang matandang lalaki ang CEO ng isang kumpanya na nasa edad 40 pataas
CHAPTER 10CALL ME, KUYA! “Ano na? Ano ba ang nangyayari sayo riyan at parang dinaganan ka ng lupa at langit dahil sa mukha mong hindi maipinta." Sambit ni Budang sa akin.Mas lalong lumakas ang pagbuntong hininga ko para kahit papano, mawala ang sikip ng dibdib ko.“Ay, grabe yon ha! Ang lalim, bakit ba? Ano na ang nangyari sa trabaho mo for one week, maganda ba ang resulta? Mabait ba ang boss mo?” Tanong ulit nito."Nasa condo unit ulit kami ni Budang at kasamahan namin para maglinis tulad ng dati, kinsinas at katapusan pa ng buwan ang sahod ko bilang cleaner sa company ng mga Legaspi kaya sumama ako kay Budang ngayong Sabado dahil sayang naman ang pera na kikitain ko rito kahit extra lang ay malaking tulong na rin kahit papano.“Ayon nga, ok naman ang trabaho ko, mabait naman ang mga ka trabaho ko."“Iyon naman pala eh, so, ano ang problema sa mukha mong nakasimangot at parang birnes santo? Gusto mo agad maging linggo para makabalik ka na agad ng office at magkita ulit kayo ng amo
CHAPTER 11CALL ME, KUYA!Masaya akong umuwi ng bahay at inabot kay mama ang sahod ko sa paglilinis ng condo unit kasama si Budang.“Ikaw? Baka, wala kana." Nginitian ko si mama.“Awsus, kayo na po ang bahala riyan mama, may pera pa po ako rito, isa pa, kung iyan ay nasa aking kamay ay for sure kinabukasan, wala na iyan. Kinabukasan naglaho na iyang pera na iyan, bakit? Dahil bibilhin ko lang yan ng mga pagkain like chichirya, gusto niyo ba ng ganyan?” Tanong ko habang nakangisi."Ikaw talaga na bata ka, ang hilig mo sa mga junk food kaya ang mga paninda natin sa tindahan ay halos wala na ang mga chichirya dahil kinain mo na pala.” Ani ni mama at natawa ako. Nanonood si papa ng basketball sa sala at nasa kwarto ako ng mga magulang ko habang si mama ay busy sa paglalagay ng mga tinuping damit sa kanilang cabinet habang ako naman ay nakahiga sa kama nila habang kausap si mama na pagbebenta ko ng balut mamaya.Kanina pagod ako, pero pagdating sa bahay at nakita ang mga magulang ko ay big
CHAPTER 12CALL ME, KUYA!Dinala agad namin si papa sa pinakamalapit na pampublikong ospital dito sa baryo. Nasa emergency room pa ito at hanggang ngayon hindi pa nakalabas ang doctor na nag-asikaso galing ng E.R.“Paano po nangyari mama, malakas pa po siya bago ako umalis ng bahay kanina, di po ba? Anong nangyari po?” tanong ko kay mama na ngayon nakaupo sa bleacher at nakayuko. Mugto ang mga mata sa kakaiyak simula pa kanina.Umupo na rin ako dahil nangalay na ang paa ko sa kakalakad pabalik-balik. “Hindi ko alam kung ano ang nangyari anak, basta ang narinig ko lamang na nawawala ka raw dahil noong tinawagan ka ni papa mo sa isang cellphone ay iba ang nakasagot at sinabi na snatcher sila kaya nasa kanila ang cellphone mo. Kaya siguro sa sobrang pag-alala niya kaya siya inatake sa puso, anak.” Kwento ni mama habang humihikbi pa rin.Bigla naman akong nasaktan dahil sa nalaman, kung hindi dahil sa katangahan ko ay hindi sana ito mangyayari kay papa. “Sorry mama," tumingala si mama