Share

CHAPTER 09

CHAPTER 09

CALL ME, KUYA!

Halos ilubog ko ang sarili ko sa carpet dahil hiyang-hiya sa hindi pagkakakilanlan sa boss ng building na ito at narito lang pala siya sa harapan ko. Matagal ko ng nakikita pero ngayon ko lang alam na siya ay isang boss. Bakit hindi muna ako nagsearch sa company na ito, napahiya ko tuloy ang sarili ko.

Tapos inaaway ko pa siya noong unang kita namin sa… saan ba iyon… omg sa banyo nga. Hala! Lagot! Sana hindi niya maalala para hindi ako mapaalis, bago ko pa lang.

“Are you both done in my office?" Tanong niya sa baritong boses, ibang-iba sa nakasanayan ko kapag nagsasalita siya noong isang gabi na bumili siya ng balut sa akin.

Ngayon ay may awtoridad ang bawat kilos niya at pananalita. Napalunok ako ng sariling laway dahil sa hindi makapaniwala na nasaksihan. Ang nasa isip ko lang kasi ay ang magiging trabaho niya at paano trabahuin ang trabaho na ibinigay niya sa akin. Ang akala ko kasi, isang matandang lalaki ang CEO ng isang kumpanya na nasa edad 40 pataas
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status