“Mabuti naman at naririto ka na, hija. Malalim na ang gabi.”
Sinalubong ako nang isang may kaedarang babae, kinuha niya ang iba sa mga gamit na bitbit ko.
Ngumiti ako sa kaniya, nararamdaman ko ang namumuong kaba sa aking sistema.
Mariin akong napalunok nang magtama ang paningin namin. “Magandang gabi po. Kumusta po kayo?” iniipit ko sa tenga ang buhok kong nakaharang mula sa mukha ko.
“Hi, I'm Cindy!" Nakangiting bati niya sabay na iniabot ang kaniyang kamay para makipagkamay sa akin.
“Maayos naman, hija.” Pinasadahan niya nang tingin ang iba sa gamit ko. “Siya nga pala, ito ang kasama ko rito sa bahay.” Napatingin ako sa kaliwang bahagi niya.
“Hello, Brielle.” Panandaliang kumunot ang noo ko nang kilatisin ko ang hitsura niya, mukhang hindi nalalayo ang edad niya sa akin.
“Madame, Cindy! Natigilan ako nang marinig ang mahinang pagbulong ng matandang babae sa kaniya, pasimple pa nitong siniko ang tagiliran ni Cindy.
Napangiti ako at bahagyang napailing. “Brielle, na lang ho ang itawag ninyo sa akin.” ani ko.
“Ikaw pala ‘yung binabanggit sa amin ni Mr. Zeke? ‘Yung–” hindi ko na siya pinatapos at nagpatango-tango na lamang ako.
“So, ikaw ‘yon?” nakabakat ang pagkagalak sa kaniyang mukha. Sinabayan niya pa ito nang palakpak na animo'y parang bata kung titigan. “Tama nga ang nabanggit niya noon, maganda ka nga talaga!” napalunok ako sa sinabi niya.
Nakapagtataka. Papa'nong niya naggagawang magsinungaling?
“Tama na ‘yan, Cindy. Itigil mo na ‘yan at ihatid mo na siya sa magiging kwarto niya at nang makapagpahinga na siya.” Natatawang anang matandang babae.
“Nga pala, Ester ang pangalan ko.” Napangiti ako sa kaniya.
“Tara na nga, siguradong magkakasundo tayo!” mayroong pagkagalak sa kaniyang tinig nang sabihin niya ang mga kataga, ma-awtoridad niyang kinuha ang iba sa mga gamit ko.
Sumunod na ako sa kaniya nang simulan niya ang paglalakad. Huminto kami sa isang pintuan.
“Dito nga pala ang kwarto mo," kasabay no'n ang pagbaba niya nang bag sa tapat ng pinto. “Ito ‘yung magiging kwarto mo pansamantala." muli niya akong nginitian.
Pansamantala? May ibig sabihin ba ‘yon?
Magsasalita na sana ako ng bigla siyang magsalita. “Sabi kasi ni Mr. Zeke, conservative ka daw kaya nagpahanda siya ng kwarto para sa ‘yo, feel at home!"
Pinagmamasdan ko lang siyang makalayo sa akin, pinagmamasdan ko ‘yung bawat paglakad niya nang bigla siyang huminto at lingunin ako. “Oo nga pala, kapag may kailangan ka ay puntahan mo lang ako sa kusina. See yiu later!” Makailang beses pa siyang kumaway bago tuluyang lisanin ang paningin ko.
Pumasok na ako sa loob pagkatapos, isa-isa kong ipinasok ang mga gamit ko mula sa harap ng pinto.
Ang ganda ng kwarto.
Maganda ang disenyo, ang ganda ng taste ng kung sino man ang nag-design nito.
Para akong nasa isang resort.
Teka...
“Wala ka sa bakasyon, Brielle.” Napabuga ako ng hininga matapos linawin ang isipan.
Hindi ako nandito para magpa-sarap, nandito ako para magtrabaho. Magtrabaho sa isang...estranghero.
Pansamanta kong inilibot ang paningin sa kwarto, pinagmamasdan ang mga magandang detalye ng mga ito. Napatutulala na lang ako sa mga nakasabit na paintings sa pader.
Ganito ba kayaman si Sir Ezekiel? Grabe naman pala ang kayamanan niya, ngunit bakit ganoon? Bakit parang hindi siya masaya? Kung tutuusin, nasa kaniya na ang lahat ng pinapangarap ng iba.
“Hi, Brielle.” Nasapo ko ang dibdib sa narinig na boses mula sa likuran ko, kunot noo akong napatitig rito. “Ang ganda ng kwarto mo ‘no? ‘Wag kang mag-alala dahil may igaganda pa ‘yan.” Nasalo ko ang kindat niya.
Napakunot ang noo ko. “Huh? Anong ibig mong sabihin?” bahagya akong napakamot sa ulo ko.
“Ang sabi kasi ni Mister Zeke, pansamantala lang ang kwarto mong ito dahil hindi pa kayo kinakasal, kapag ikinasal na kayo ay matutulog na kayo sa isang kwarto.” Pulado ang mukha niya sa sinabi.
Anong kasal? Anong fiancé ang sinabi niya kanina? Hindi.
Wala naman sa usapan ‘yon ah? Wala akong nabasa sa pinirmahan kong kontrata, ang alam ko lang ay magtatrabaho ako sa kaniya.
Oo, tama nga na gwapo siya ngunit wala siyang karapatang gumawa ng kwento at magsinungaling.
“Oo.” Ngumiti ako sa kaniya, hindi ko pwedeng sirain ang mga pinirmahan ko sa kontrata. Nakasaad roon na kinakailangan kong sumang-ayon sa mga sasabihin niya.
“Oo nga pala. Pinapatawag ka na ni manang. Kakain na tayo.” hindi ko na naggawang magsalita pa nang hilahin niya ang kamay ko dahilan para mapasunod ako sa kaniya.
“Hija, halika na. Maupo ka na rito't nang makakain ka na.” nakangiting salubong sa akin ni manang, katulad ng sinabi niya'y naupo na ako sa harapan nang lamesa.
Napakunot ako nang noo. Bakit wala si Mister Zeke? Nasaan siya?
“Wala siya.” Naibaling ko ang atensyon kay manang na ngayo'y nakatingin sa akin. “Marami kasi s'yang ginagawa kaya't hating-gabi na kung umuwi siya o minsan mag-uumaga na kung makarating siya rito.” ipinagpatuloy niya ang pagsasandok ng pagkain.
“H'wag kang mag-alala, Brielle. Nandito naman kami, tayo-tayo na lang muna ang magsabay kumain. So pa'no? Talo talo na ‘to?” natutuwang sambit ni Cindy.
Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay biglang nagsalita si manang dahilan para maibaling ko ang paningin ko sa kaniya. “Balita ko, nanggaling ka sa simpleng pamilya?” namilog ang mga mata ko sa kaniya.
“Opo.” Tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata. “Anong trabaho ng mga magulang mo?" tanong pa niya.
Ilang segundong napako ang paningin ko sa kaniya. “Farmer po, nagtatrabaho sila sa bukid!" muli akong ngumiti sa kaniya ngunit hindi rin nagtagal ay dumilim ‘yung hitsura ko.
“Bakit hija? May problema ba?" nag-aalalang tanong niya, hindi ako nakasagot, umiling-iling lang ako.
Namimiss ko lang kasi sila papa.
Limang taon na kasi silang wala, ang tagal na naming nangungulila sa kanila.
Naaawa din ako sa mga kapatid kong naulila sa kanila, paano lagi nilang hinahanap sa akin ‘yung mga magulang namin.
“Sure ka okay ka lang?" Napatingin ako kay Cindy, nakakunot ang kaniyang noo, tumango lang ako sa sagot niya.
Parang nawalan ako ng gana.
Nayamot na naman ako.
Iniisip ko na naman ‘yung mga kapatid ko.
“O siya, tapusin ninyo na iyang mga pagkain n'yo para makapag-pahinga na kayo."
Nakatapos na kaming kumain, naririto kami ngayon sa kusina, si Cindy ay nagliligpit ng mga pagkain habang si manang Ester naman ay lumabas saglit.
“Kamusta naman ang soon-to-be-wife ni Sir Zeke?" Pang-iinis iyon ni Cindy, saglit akong huminto sa ginagawa para titigan siya. “Okay naman." matipid na sagot ko.
“Maghanda ka na ngayon pa lang," Nanlaki ang mga mata kong napatitig sa kaniya. “B-bakit?"
“Iba ang ugali niya," tumawa siya, “siya ang living lion king dito sa earth!" natawa ako sa sinabi niya.
Sa bagay napapansin ko din naman ang ugali niya, may kakaiba sa ugali niya at napansin ko agad ‘yon kahit isang linggo pa lang kaming nagkakakilala.
Its already twelve midnight.Hindi ako makatulog, nagmistulang tumalon sa apat na bahagi ng kwartong ito ‘yung antok dahilan para hindi ako makatulog.Iniisip ko ‘yung mga naiwan ko, ‘yung mga kapatid ko.Kamusta na kaya sila?Hindi ko maiwasan ang hindi mag-alala sa kanila kahit pa pinagkakatiwalaan ko pa ‘yung pinagbilinan ko sa kanila.Hindi ko alam kung kailan matatapos ang misyong ito, kailangan ako ni Mr. Zeke at gano'n din ako, kailangan ko siya para mabayaran ‘yung utang namin.Hindi ko hahayaan na masira ‘yung misyon niya, delikado siyang kalaban.Nakatatakot.Para siyang isang halimaw kapag nagagalit, ika-nga ni Cindy ay siya ang living lion king.“Be mine or you'll die." Pag-uulit ko sa isipan ko.Seryoso siya nang sabihin a
“Don't ask–call me love." Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko ‘yung mga sinabi niya kanina, para bang hindi siya nahihiyang sabihin ‘yon, ‘yung tipong parang matagal na niya akong kakilala. Love? Ang wirdong pakinggan, nakangingiwi. “Hoy, kanina ka pa nakatulala!" Nabalik ako sa wisyo nang marinig ang matinis na boses ni Cindy, muli akong nagkunot noong tumitig sa kaniya. “Ah–wala may naisip lang kasi ako!" Nginitian ko siya, bahagya pa akong napakamot sa ulo. Nanlaki ang kaniyang mga mata, “Ano?" Natutuwang sambit niya. “What if magluto tayo ng miryenda para sa mga trabahador?" Ani ko. “Iyan ang wag na wag mong gagawin!" Nanlaki ang mga mata niya ng sambitin iyon. Napakamot ako sa ulo dahil sa pagtataka. Bakit naman? Kasi ba baguhan pa lang ako dito kaya baka akalain nila ay pumapapel na ako? Hindi naman iyon ‘yung intensyon kong gawin.
Kaagad niya akong tinalikuran matapos niyang ibigay itong teleponong ito sa akin. “Hoy bes, Anong nangyari? Bakit ka umalis kaagad?" Nag-aalalang tanong ni Cindy nang makasalubong ko siya papunta sa kusina, naghahabol siya ng hininga na animo'y tumakbo ng malayo. “Wala naman, may nakalimutan lang akong gawin." Ngumiti ako sa kaniya, kumuha ako ng isang basong tubig at nilagok iyon. “Teka nga," Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, kinikilatis ‘yung hitsura niya. “Bakit parang hingal na hingal ka? Ano bang ginawa mo?" Kumunot ang noo niya, “Bes hinabol kita! Hindi lang kita naabutan dahil ang haba ng mga biyas mo!" Natatawang sambit niya. Kumuha siya ng inumin at diretsong nilagok iyon. “Nakita ko si Sir Zeke na lumalabas mula sa kwarto mo," Tumaas ‘yung isang kilay ko. “Anong ginawa no'n sa kwarto mo?" Pabirong tanong niya. “May sinabi lang siya, ‘di rin naman siya n
Muli kaming sumakay sa kaniyang kotse at hindi na niya ako magawang kibuin hanggang sa makarating kami sa mansyon.Nakikita ko pa din ang pamumula sa kaniyang mukha hanggang sa kaniyang leeg, kinakamot niya ito ng madiin.Inalalayan ko siya patungo sa kaniyang kwarto.Naupo ako sa gilid ng kaniyang kama, nagulat ako ng tanggalin niya ‘yung natitirang butones sa kaniyang damit.Malaya kong nakikita ang kaniyang dibdib hanggang sa matigas niyang t'yan.Tinakpan ko ang mga mata nang mapagtanto kong nakatitig ako sa kaniyang t'yan.Diyos ko! Ano bang ginagawa mo Brielle!Ayokong magkasala, patawarin po ninyo ako ama sa langit.Pero ang ganda ng hubog ng pangangatawan niya, halatang naaalagaan niya iyon.“Where are you going?" Malamig ang tinig niya nang sabihin iyon kaya't awtomatiko akong napahinto sa paglalakad para lingunin siya.“Kukuha lang ako ng gamot at pampunas sa katawan mo." kasabay
“Sa kaligtasan nila, hindi normal ang mga trabaho ng magulang ni Zeke, ija." Napatango na lamang ako, wala akong mabuong salita. “Oh siya d'yan ka na ija at ako'y may gagawin pa." kasabay no'n ang pagtalikod niya sa akin. Iniwan niya akong nakatulala, pilit kong iniintindi ‘yung mga sinabi niya. Anong ibig sabihin niya sa mga iyon? “Oy bes! Bat ka ba nakatulala d'yan!" Bulyaw ni Cindy na ngayon ay nasa harapan ko na pala, napa-iling na lamang ako sa kaniya. “Kamusta pala si Sir Zeke? Balita ko sumumpong na naman ‘yung allergy niya kaya umuwi kayo kaagad?" “Ah oo, hindi ko kasi alam na mayroong problema ‘yung balat niya sa bagoong." Nanlaki ang mga mata niya, “Bagoong?! Hala! Edi nagalit ‘yon sa iyo kanina?" Ngumiti ako, “H-hindi naman. . ." saglit kong ikinunot ang noo. “Hay mabuti! Nu'ng huli kasing pinakain s'ya ng bagoong ay nagalit siya!" Huminga siya ng malalim, wala namang bago do'n dahil lagi naman siyang galit.
“Bes, Goodmorning!" Maingay na boses ni Cindy ang bumungad sa akin paglabas ko ng kwarto, malawak ang pakakangiti nito sa kaniyang labi. “Nga pala, pinapasabi ni Sir Zeke na dumeretso ka sa opisina niya matapos mong mag-almusal." Aniya, nilapitan niya ako at mahinang tinapik-tapik ang balikat ko. “Labas muna ako ha." Nagpatango-tango ako sa sinabi niya.Ako hinahanap? Bakit na naman kaya?Saglit kong tinungo ang kusina para magtimpla ng kape't kaagad na dumeretso sa opisina niya.Huminto ako sa paglalakad nang makahinto ako sa harapan ng pintuan, muli akong huminga ng malalim. Ewan ko ba! Likas na sa akin na gawin ang mga bagay na ganito.“How's your sleep, Bri?" Bungad niya sa akin matapos kong makapasok sa loob, bahagyang nanlaki ang mga mata kong naupo sa harapan ng lamesa niya. “Maayos naman. . ." bahagya akong ngumiti sa kaniya.“Anyways, tungkol sa pinag-usapan natin kagabi," Napatingin ako sa mga mata niya
Nakatulog ako ng mahimbing dahil sa labis na pagkapagod, ang daming nangyari kagabi, nagsisimula na din kasing umusad ‘yung misyon niyang naming ito.Hindi pa rin ako makamove-on sa paghalik niya sa noo ko nu'ng gabing iyon, ang pinag-usapan kasi namin ay ‘Public Affection' lang, hindi ko din alam kung ano ang rason para gawin niya iyon, napapansin ko nga ding hindi na siya katulad nu'ng mga nakaraang araw, ‘yung laging galit na animo'y pasan-pasan na niya ang lahat ng problema sa mundo.“Hi, I'm Levi, Sir Ezekiel's assistant." Nakipag kamay ako sa lalaking ngayon ay nakatayo sa harapan ko, may katangkaran siya kaya't bahagya akong napatingala para makita ang mukha niya, may katangusan ‘yung ilong niya, mamula-mula din ang kaniyang mukha at bukod do'n ay nakasuot ito ng tuxedo, para siyang isang escort.Pinilit ko ang sariling magbalik sa sariling wisyo, ilang beses muna akong kumurap bago makabuo ng mga salitang sasabihin, &l
“Thank you, Zeke." mga binili niya sa akin ‘yung tinutukoy ko at ‘yung espesyal na araw na ito. “No, Bri, thank you." Nararamdaman ko ‘yung mainit na hininga niya na dumadampi sa leeg ko. Nakaupo kami sa isang couch, magkalapit lang kami ng pwesto kaya nararamdaman ko ‘yung paghinga niya, nararamdaman ko din ‘yung mga titig niya sa akin kaya hindi ko siya matititigan ng diretso. May problema ba sa mukha ko? Ilang saglit pa'y tumunog ‘yung telepono niya kaya kaagad niyang ibinaba ‘yung kopitang kaniyang hawak-hawak at itinuon ang pansin sa teleponong iyon, naglakad siya papalayo sa akin, nakikita ko naman ang panggigigil ng kaniyang panga nang titigan ko siya mula sa isang sulok ng kwartong ito. Inayos ko ang sarili nang makalapit na siya sa akin, napansin kong bumalik na naman ‘yung seryoso niyang mukha, “Ipapahatid na lang kita sa guwardya, hindi kita maihahatid." Tumalikod siya sa akin na animo'y isa lamang akong bula na kahit anong oras ay pep-pwedeng mawa