Nakatulog ako ng mahimbing dahil sa labis na pagkapagod, ang daming nangyari kagabi, nagsisimula na din kasing umusad ‘yung misyon niyang naming ito.
Hindi pa rin ako makamove-on sa paghalik niya sa noo ko nu'ng gabing iyon, ang pinag-usapan kasi namin ay ‘Public Affection' lang, hindi ko din alam kung ano ang rason para gawin niya iyon, napapansin ko nga ding hindi na siya katulad nu'ng mga nakaraang araw, ‘yung laging galit na animo'y pasan-pasan na niya ang lahat ng problema sa mundo.
“Hi, I'm Levi, Sir Ezekiel's assistant." Nakipag kamay ako sa lalaking ngayon ay nakatayo sa harapan ko, may katangkaran siya kaya't bahagya akong napatingala para makita ang mukha niya, may katangusan ‘yung ilong niya, mamula-mula din ang kaniyang mukha at bukod do'n ay nakasuot ito ng tuxedo, para siyang isang escort.
Pinilit ko ang sariling magbalik sa sariling wisyo, ilang beses muna akong kumurap bago makabuo ng mga salitang sasabihin, &l
“Thank you, Zeke." mga binili niya sa akin ‘yung tinutukoy ko at ‘yung espesyal na araw na ito. “No, Bri, thank you." Nararamdaman ko ‘yung mainit na hininga niya na dumadampi sa leeg ko. Nakaupo kami sa isang couch, magkalapit lang kami ng pwesto kaya nararamdaman ko ‘yung paghinga niya, nararamdaman ko din ‘yung mga titig niya sa akin kaya hindi ko siya matititigan ng diretso. May problema ba sa mukha ko? Ilang saglit pa'y tumunog ‘yung telepono niya kaya kaagad niyang ibinaba ‘yung kopitang kaniyang hawak-hawak at itinuon ang pansin sa teleponong iyon, naglakad siya papalayo sa akin, nakikita ko naman ang panggigigil ng kaniyang panga nang titigan ko siya mula sa isang sulok ng kwartong ito. Inayos ko ang sarili nang makalapit na siya sa akin, napansin kong bumalik na naman ‘yung seryoso niyang mukha, “Ipapahatid na lang kita sa guwardya, hindi kita maihahatid." Tumalikod siya sa akin na animo'y isa lamang akong bula na kahit anong oras ay pep-pwedeng mawa
“Saan ba tayo pupunta?" Hindi pa rin ako mapakali, nilakasan ko ang loob para tanungin si Zeke na ngayo'y nakatuon ang pansin sa pagmamaneho, saglit niya akong tinitigan. “You're stressed and you are missing something." bahagyang tumaas ‘yung isa sa mga kilay ko, totoo naman na nai-stress na ako sa mga pinagggagawa namin pero alam ko namang parehas lang ang nararamdaman namin, wala akong karapatang magreklamo. Pamilyar ‘yung mga dinaraanan namin, nanlalaki ang mga mata ko nang makitang muli ‘yung mga dati kong dinaraanan. “Here, alam kong nami-miss mo na ang mga kapatid mo, Bri." Napangiti ako sa kaniya, ma-awtoridad na kumilos ang katawan ko para yakapin siya, natutuwa ako sa kaniya dahil sa kabila ng mga kasungitan niya dati'y mayroon pala siyang tinatagong kabaitan. “Go see them, hindi tayo pwedeng magtagal dito." Nakita kong bahagya siyang ngumiti sa akin, “Hindi ka ba sasama sa akin sa loob? Kilala ka naman na ‘di ba?" “Kila
“Bes, kanina ka pa nakatulala. Okay ka lang ba?" Ang pamilyar na boses ay nanggagaling kay Cindy. Nagpakawala ako nang mabigat na paghinga matapos siyang lingunin. Marahan akong ngumiti, ”Oo naman, maayos ako.” kasabay no'n ang pagkindat ko sa kaniya. Hindi pa rin ako mapakali sa kaiisip tungkol roon sa sinabi ni Zeke sa akin kahapon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil anlaki na nang ipinagbago niya o dapat bang sumakay na lang ako sa gusto niyang mangyari. Baka isa lang ‘yon sa bagong plano niya. “Oh kung gano'n, mauna na muna ako ha. Hindi ka ba talaga sasama sa hasyenda?” Ngumiti ako matapos ay marahang nagpa-iling-iling. “Hindi, may gagawin pa ako.” Nagpatango-tango muna siya bago tumalikod sa akin. Pinagmasdan ko siyang makalayo sa kinaroroonan ko. “Tama, baka isa lang ito sa mga plano niya.” Mahinang bulong ko sa sarili, lumagok ako ng isang basong tubig matapos no'n. Isang plano na dapat kong sakyan.&
“How's your relationship with my dearest son?” Bahagya akong napahinto sa kinakain kong pasta. Mariin akong napalunok, napako ang paningin ko sa mapang-husga niyang mga mata. “Maayos naman po. In fact, we're planning to marry each other." Napangiti ako. Nakita ko namang ngumiti si Zeke sa akin nang magtama ang paningin naminh dalawa. “Well, I hope that plan goes well.” Marahan akong napatango. Elizabeth ang pangalan nang babaeng nasa harapan ko ngayon. Halatang mataas ang estado sa buhay at maganda ang pinag-aralan. Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako. Mukha siyang masungit. Hindi pa naman ako magaling mangilatis ng isang tao. “Oh, there she is!” Napatingin ako kung saan siya nakatingin. Iniluwa nang pintuan ang isang magandang babae, katulad ko'y isang magarang bestida din ang suot-suot niya. Isang mestisang babae ang lumapit kay Mrs. Elizabeth. Sa batian at yakapan nila'y halatang magka-cl
“Hindi ka pwedeng sumuko nang gano'n-gano'n na lang, Brielle. Marami pa tayong dapat gawin, isandamakmak pa na problema ang darating sa misyong ito. Naiintindihan mo ba?" Ma-awtoridad na aniya. Tumaas ang tono ng kaniyang pananalita na para bang isa lamang ako sa mga tauhan niyang maaari niyang utos-utusan at sigaw-sigawan kahit kailan niya gusto. Teka nga, gano'n ba ang tingin niya sa akin? Isang tauhan na hindi pinapahalagahan? Isang tauhan na susundin ang lahat ng gusto niya? “Pero, Zeke. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Ibig kong sabihin, hindi mo ba napapansin ang trato sa akin ng nanay mo?" “She's not my mother." Nahinto ako sa sinabi niya. Anong ibig sabihin niya? Ang sabi ni Mrs. Elizabeth kanina'y anak niya raw siya? Teka, ang gulo! “A-ano?" “She adopted me when I was a kid. They gave me everything but, that everything is not enough. Tinanggalan nila ako ng karapatan sa maraming bagay.
“Ganito naman talaga ako.” Mabilis siyang humarap sa akin. Hawak-hawak ang kopita, kaagad niyang ininom ang lahat nang laman no'n. Tumaas ang kaniyang kilay nang muli niya akong titigan. “You shouldn't be caring about my attitude, masanay ka na. We should talk about your siblings and your decisions instead.” Pinilit ko pa ring lumunok kahit pa nahihirapan. “Now, ano na ang desisyon mo?” Nakapako pa rin ang titig ko sa kaniya kasabay no'n ang malalim na paghugot ko nang hininga. Matapang ko siyang tinitigan sa kaniyang mga mata. Siguro tama siya. Ayokong mapalayo sa kanila pero kung hindi ako papayag sa inaalok ni Zeke ay baka ako pa ang maging dahilan para hindi nila maabot ang kanilang mga pangarap. Ayokong maging kontrabida. Siguro kailangan din nilang mas masanay na mapalayo sa akin para mas makapag-isip ako. Hindi ko kasi alam ang sasabihin sa kanila kapag nalaman nilang hindi ko kaibigan si Zeke, kapag nala
Mahigit alas-syete na nang umaga nang magising ako. Naririto ako ngayon sa kusina, nagtitimpla ng kape. Martes ngayon, kaya mayroon na naman akong pag-aaralan kasama si Ms. Azalea. Ang sabi ni Manang Ester ay umalis ang alaga niyang si Zeke. Hindi namin alam kung saan nagpunta, ganoon naman talaga ‘yon. Hindi nagpapaalam at kusa na lang aalis na parang bula. Mabuti't pumayag siyang gamitin ang opisina niya para sa pag-aaral ko. “Good morning bes! How's your day?” Kaagad akong humarap kay Cindy nang marinig ang matinis niyang boses. “Good. Wala ka bang alam kung saan nagpunta si Zeke?” Takang tanong ko. Ewan ko ba kung bakit naitanong ko pa ang tungkol sa kaniya. Wala naman akong pakielam kung saan siya magpunta at sigurado rin akong parehas lang kami nang nararamdaman. “Hmm. Siguro nasa meeting lang ‘yon o di kaya'y may inaasikaso.” Ngiting sambit niya. “Teka nga muna. Bakit ang blooming mo today?” Nakikit
“Brielle Isabella..." Nabigla ako nang mayroong mainit na hangin na dumampi sa aking leeg. Mahigpit itong yumakap sa beywang ko habang ang ulo nito't nakapatong sa balikat ko. Mula sa paghinga niya'y naaamoy ko ang matapang na amoy ng alak sa kaniya hininga. Hindi ako makagalaw sa higpit nang pagpalupot ng kaniyang mga braso sa beywang ko. Hindi ko alam. Bakit ko siya hinahayaan? Bakit hindi manlang ako makapagreklamo? “How are you, Brielle?” His husky tone made it sexier even more. “O-okay naman ako.” Utal ko sa kaniya. Mula sa kinatatayuan ko'y malaya kong nakikita ang hasyenda mula sa hindi kalayuan. “Is my wife okay with these shits?” He said. Para siyang batang nagtatanong sa akin. “Hindi, Zeke. Lasing ka na, matulog ka na.” Ma-awtoridad kong sabi, pilit kong tinanggal ‘yung mahigpit na pagkakayapos niya sa akin. “What if I won't?” Seryoso ang pagkakatitig niya sa akin nang magta