(Present)“GOOD AFTERNOON po Sir Ronaldo,”nakangiting bati ng receptionist kay Ronaldo kasama niya si Caroline ngayon sa kompanya ni Earl. Masaya ang nararamdaman niya dahil mukhang magtatagumpay siya sa kanyang plano. Baka nga nag-aalsa balutan na ngayon si Thalia at ang anak nito. Nakita niya kung paano malaglag ang mga luha nito nang ipakita niya ang larawan ng anak na si Caroline at ni Earl na magkayakap na natutulog.Well, totoo naman talaga yung larawan na yun. Marahil ay sa epekto ng ipinainom niya kay Earl ng gabing yun. Mabuti nga at naki-cooperate si Caroline at pumayag na kuhaan ng larawan silang dalawa ni Earl. Ngunit ngayon ay tila nagbabago ang isip niyo, pero siyempre hindi siya papayag na mabulilyaso ang plano niya, alam na alam niya kung paano mapapasunod ang anak – si Daniel lang naman ang alas niya laban dito.“Hello Teddy nice to see you again,”wika agad ni Ronaldo nang walang sabi-sabi na pumasok sa opisina ni Earl, na kung saan ay seryosong nag-uusap ang mag-ama
MABILIS na nagtungo si Earl sa mansiyon ng mga Montefalco upang puntahan ang asawa at kausapin. Hindi niya lubos maisip na mangyayari ito. Bakit nga ba kasi nagpadala siya sa emosyon noong mga panahon halos wala pa talaga siyang maalala. Nagpadala din siya sa sulsol ni Ronaldo kaya nagkagayon. Ngunit ngayong unti-unti nang nakikilala ng kanyang puso ang kahalagahan ng kanyang asawang si Thalia ay saka naman nagkaganito. Alam ni Earl sa sarili niya na wala talagang nangyari sa kanila ni Caroline kaya naman hindi niya din siya halos makapag-react kanina sa ibinalita ng mag-ama. Oo, nalasing siya ngunit kilala niya ang sarili at ramdam niya na wala talagang nangyari, kasi ayon sa pagkakatandan niya ay nakatulog lang siya pagkatapos na pumasok sila sa silid ni Caroline ng gabi na yun. Ngunit paano niya mapapatunayan yun kung mismong kay Caroline galing na siya ang ama ng ipinagbubuntis nito. He should be happy, di ba? Kasi sa alaalal niya ngayon ay si Caroline ang kasintahan niya at ito
NAG-AALALA si Carolina sa anak na si Thalia nang malaman niya mula kay Earl na umalis ito sa kanilang condo unit. Ngayon pa nga lang siya nag-uumpisang sulitin ang mahabang panahon na nagkahiwalay sila tapos nangyari naman ito. “Princess, we will do everything para makita agad natin sina Thalia. Don’t worry too much baka makasama saýo,”nag-aalalang sabi ni Antonio sa kapatid na si Carolina. Although sobrang nag-aalaal din siya sa kanyang pamangkin. “Kuya, ngayon pa lang kami nabibigyan ng pagkakataon na makilala at makasama ang isa’t isa pero may ganito namang pinagdaraanan ang anako ko. Nag-aalala ako, paano kung hindi maayos ang kalagayan? Paano kung mapahamak sila ng apo ko?,”umiiyak na sabi ni Carolina . “Damn that Earl! Paano niya nagawang buntisin si Caroline? For Pete’s sake, Caroline is Daniel’s fiancée. Ano na lang mararamdaman ng anak, lalo na ngayon his company is facing a lot of problems.”napapabuntong-hininga na lamang na sabi ni Antonio. “What? So yan ang dahilan kung
“RONALDO, please pakinggan mo ako,”nagsusumamong pahayag ni Carolina dito. Ngunit nanatiling matigas ito sa kanya. Hindi siya binigyan ng pagkakataon na masabi ang katotohanan tungkol sa kanilang anak. Binabaan pa siya ng telepono. Sa kabilang banda, pagkababa naman ni Ronaldo ng telepono ay tila nagsisi siya. Miss na miss na niya si Carolina, kanina nang marinig ang boses nito ay may kung anong humaplos sa puso niya. Kaya lang sa tuwing maalala niya ang ginawa nitong pagtanggi na sumama sa kanya ay umahon ulit ang galit sa puso niya. Ano kaya ang sasabihin nito sa tungkol sa kanilang anak? Nagsisi lalo siya nang maalala ang anak nil ani Carolina. Babae kaya ang anak nila o lalaki? Nang bumaba sa hagdan si Antonio ay nakita niyang umiiyak ang kapatid na si Carolina habang hawak ang telepono. Nahulaan na niya na marahil ay hindi maganda ang naging pag-uusap nito at saka ni Ronaldo. Galit siguro ang huli sa kapatid. Ngunit dapat maintindihan ni Ronaldo na may amnesia noon ang kapatid
“GOOD MORNING son,”nakangiting bati ni Carmen sa anak na si Earl nang dumulog ito sa hapag kainan. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niya matapos maisip na maaaring magkasama sina Thalia at Claire ngayon. Medyo namula naman ang kanyang pisngi nang maalala ang intimate moment nilang mag-asawa. Naramdaman niya ang pagpisil sa kamay niya ng kanyang asawa na si Teddy at kinintalan siya ng halik sa pisngi. “Ugh, really Mom and Dad? Sa harap ko pa talaga,”tila nang-aaasar naman na sabi ni Earl sa mag-asawa. Lalo niya tuloy naramdaman ang pangungulila sa asawang si Thalia. Ang dami na niyang naalala mula nang umalis ito isang linggo na ang nakararaan. Bakit naman kung kailan ito nawala saka naman nagbabalik ang mag alaala niya. He can’t help but to get frustrated. “Anak don’t mind us ni daddy mo okay. Alam ko naman na medyo naiinggit ka dahil nga siyempre wala si Thalia,”may panunukso na sabi ni Carmen sa anak na nakapagpasimangot naman dito. Hindi naman maintindihan ni Earl ang mmommy
I love my Kuya Earl very much. He is kind and loving Kuya kaya naman all I want is the best for him. Selfish at manipulative mang matatawag pero masisisi niyo ba ako? Bilang isang kapatid gusto ko na sa mabuting babae mapupunta ang kapatid ko. Hindi niya deserve na kay Caroline maikasal. Plastic kaya ang babaeng yoon. Ang bait bait kapag andiyan si kuya Earl pero kapag wala na hay naku ubod ng maldita at sama ng ugali. Hindi ako judgemental ha! Paano ko nasabi yun? Kasi one time sinama siya ni Kuya Earl sa mansiyon upang mag-dinner kasama ang buong family namin tapos accidentally nabubuan siya ng tubig habang sinasalinan ni Manang Rosing yung baso niya. Agad na humingi ng pasensiya si Manang sa kanya, sinabi naman niya na okey lang kasi hindi naman daw nito sinasadya. Sa totoo lang natuwa ako sa kanya. Ngunit laking gulat ko ng marinig ko na pinapagalitan niya si Manang Rosing. Kitang-kita kung paano niya ito dinuro at minaliit. Mangiyak-ngiyak
“Thalia! Apo ay gumising ka na at alas otso na ay hindi ka pa nag-aalmusal,” dinig kong sabi ni Lola Ana. Nag-inat ako at bumangon na din. Napangiti ako ng marinig ko ulit si Lola. Napaka-maalalahanin niya talaga. Kaya naman kahit wala na akong mga magulang ay ramdam na ramdam ko pa rin ang pagmamahal ng isang magulang. Sampung taon pa lang ako noong mawala ang mga magulang ko. Namatay sila sa aksidente kaya naman sina Lola Ana at Lolo Gibo na ang nagpalaki sa akin. Lagi nilang pinararamdam sa akin na kahit wala na sina mama at papa ay mahal na mahal naman nila ako. Medyo tanghali akong nagising ngayon, Sabado naman kasi at walang pasok. Ganito kasi ako kapag walang pasok medyo late na talaga ako bumabangon. Well, di pa naman masyadong late ang alas otso di bah? Balak kongpumunta sa mall ngayon, may sale kasi sa SM MOA ngayon hanggang bukas lang yun, eh ayaw ko naman bukas pumunta kasi magsisimba kami nina lola at lolo. Hindi naman masyadong malayo ang
Nakatulala ako sa lalaking papalapit sa amin. Hanggang sa tumigil ito sa aming harapan. Mas lalo itong guwapo sa malapitan. Moreno ang kutis nito, makapal ang kilay at malantik ang pilik-mata. Parang magnet ang kanyang kulay brown na mga mata, kapag napatingin ka dito wala ka nang magagawa kundi tumitig na lang. “Ehem, Thalia – “ agaw atensiyon sa akin ni Claire. Para naman akong gusto nang lumubog sa kinauupuan ko. Baka kanina pa nila ako kinakausap pero masyado akong natulala sa lalaki. Shuta oh! Ang guwapo kasi. “He’s my brother, si Kuya Earl,” pakilala niya sa akin. Ipinakilala ako ni Claire sa kapatid niya. Nginitian naman ako nito ay naglahad ng kamay. Ang init ng palad nito tamang tama sa malamig kong lovelife. Nang magdaop ang mga palad naming parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa akin. Sakop na sakop ng kamay niya ang maliit kong kamay. Nang tumingin ako sa kanya ay parang may mga kabayong naghahabulan sa dibdib ko. Napangiti si