Pasipol-sipol na pumasok si Asher sa loob ng hindi kalakihang bahay. Kagagaling niya lang sa capital ng Central, Midland at hindi iyon nakakatuwa. Masyado siyang napagod dahil nasa dulo na ng Central ang Night Shade Tribe na matagal nang nilimot ng lahat.
Asher's russet brown eyes darkened. His hands fisted and his jaws clenched. If only.....
"You're already here." Malamig na ani ng boses mula sa likuran ni Asher.
Dumampot siya ng mansanas sa basket na nakapatong sa lamesa at pinunasan iyon gamit ng suot niyang pantalon. "Yeah!" Tipid niyang sagot na hindi nag-abalang lingunin ang kausap.
Pinagkiskis niya ang mga kamay na may suot na gloves at bahagya iyong itinapat sa apoy na nakasinding kandila. Malakas ang patak ng n'yebe sa labas kaya balot na balot siya mula ulo hanggang paa. Kung ang mga taong-lobo
"Zoe, tikman mo itong niluto ni Bona. The best ito!" Sabi ni Austin sa babaeng pangiti-ngiti lang nang maka-alis si Daecon.Naipakilala na ito ni Daecon sa lahat kaninang pagkarating ng dalawa."Lahat ng umaapak dito sa HQ, kailangang tumikim ng luto ng pambatong cook ng CAU..." Susog naman ni Zachary na sinabayan ni Akila ng pagtango."Tama...tama!" Sang-ayon nito."Niluto iyan ni Bona para sa iyo talaga." Sabad naman ni Ezra na himalang nakisakay sa kung anumang binabalak ng mga walang-hiyang kasama ni Daecon.Alanganing ngumiti si Zoe. "Talaga ba?" Tanong nito.Tila iisa ang ulong sabay-sabay na tumango ang apat na lalaki."Sabi kasi ni Daecon, paborito mo raw ang spaghetti kaya sabi ko sa kanila, ipagluluto kita. This is what I call——Bona's courtesy food!" Turan ni Bona bago kumuha ng maliit na mangkok.
Sabay na napatigil sa pagtatawanan sina Akila at Zachary nang magkasunod na pumasok sa dining area sina Daecon at Caelan. Nangunot ang noo ni Daecon nang mapansing wala sa upuan si Zoe."Ah, nasa kusina lang. Sinamahan ni Austin." Turan ni Bona na tila nahulaan ang laman ng isip ni Daecon.Deacon's brows furrowed."Why?" Tanong nitong ang tinutukoy ay kung bakit nasa kusina at si Austin ang kasama. Bakit hindi na lang si Bona."Oh, dinala lang sa kusina ang pinagkainan niya ng spaghetti. May ginagawa ako kaya si Austin na ang sumama."Mas lalong nagsalpukan ang malalagong kilay ni Daecon. Something is off.Tiningnan niya sina Zachary at Akila na sabay namang nagkibit-balikat. Palihim namang tiningnan ni Caelan ang mga ito ng masama."Kumain siya ng luto mo, Ate Bona?" Tanong ni Daecon pagkatapos sulyapan ang spagh
Marahang kumatok ng tatlong beses si Bona sa pinto ng k'warto ni Jessica na pansamantala munang ipinagamit kay Zoe habang naroroon ang babae sa Central."Tuloy..." Anang malamyos na tinig mula sa loob.Muntik nang mapamura si Bona. Ngayon niya naunawaan kung bakit nahumaling si Daecon sa babae. Boses pa lang nito, nakaka-inlab na. Hindi kagaya niyang may kalakihan na nga ang boses ay wala pang kalambing-lambing lalo pa't halos araw-araw siyang nakikipagsigawan sa mga kasama niya rito sa HQ.Pinihit ni Bona ang seradura ng pinto at bahagyang sumilip sa loob. Hawak niya sa kabilang kamay ang bagong comforter at mga punda ng unan na gagamitin ni Zoe."Ihahatid ko lang itong comforter at mga punda ng unan, Zoe at saka bagong kobre-kama na rin." Aniya sa babae bago tuluyang pumasok sa loob."Salamat..." Mahinang sabi nito na nakatalikod pa rin sa kanya.
"Wow! Himala yata ito. Mukhang masarap ang luto ni Bona, ah." Puna ni Austin sa nakahaing sisig sa mesa.Ginawa iyon ni Bona kanina para daw pangpulutan nila. Kasalukuyan silang nasa living room at pare-parehong nakasalampak sa sahig habang nanonood ng basketball game sa malaking flat screen TV at may mga hawak na bote ng beer. Nasa labas sina Daecon at Caelan. Hinihintay ng mga ito si Bianca na hindi pa nakaka-uwi. Si Bona naman ay umakyat sa second floor para asikasuhin ang ibang kailangan ni Zoe."'Yon!" Sabi naman ni Zachary. "Sa wakas, tumama rin si Bona." Nakangising dugtong nito."Teka, walang serving spoon at platito. Kukuha ako." Sabi naman ni Akila na sinabayan ng tayo."Bilisan mo. Malapit nang matapos ang first half nitong laro. Basta, ang pustahan, ha. Bawal ang 123!" Ani ni Zachary na ang mga mata ay tutok na tutok sa pinapanood."Shoot that ball, idiot!" Sigaw
Parehong tahimik sa biyahe sina Daecon at Zoe hanggang sa makarating sila sa Lightfoot Park kung saan unang dinala ng alpha ng Frostwood ang babae nang una itong umapak sa Central, Midland.Maagang umalis sa headquarter ng CAU si Daecon kanina para makapag-isip nang mabuti. Nabigla siya sa mga sinabi ni Bianca kagabi at sa nakita niyang galit nito pero mas hindi niya kinayang makita ang mga luha nitong walang tigil sa pagpatak habang sinusumbatan siya. Mga luhang tila patalim na deritsong bumabaon sa puso niya. Iyon ang unang pagkakataong nakita niya si Bianca na ganoon. At, iyon ay dahil sa kanya.Tama si Caelan. He can't keep both. Kailangan niyang pakawalan ang isa.Tahimik pa ring sabay na bumaba ng sasakyan sina Daecon at Zoe. Naglakad silang dalawa hanggang sa lugar kung saan nila masayang pinalipas ang ilang oras kahapon bago tumuloy sa HQ—ang kahapong napakasayang sandali na napalitan ng nakakamatay na oras sa pagitan
Nagising si Bianca na masama ang pakiramdam at parang pinupukpok ng martilyo ang ulo. Napangiwi siya at wala sa loob na sinapo ang sentido. Hinilot niya iyon sa pag-asang mabawasan man lang ang kirot kahit kaunti ngunit tila mas lalo pa yata iyong lumala. Nanatili siyang nakapikit habang inaalala ang nangyari kagabi. Nalasing siya dahil sa limang tagay ng alak na in-order niya sa bar kagabi kasama si Asher.Biglang napadilat si Bianca nang maalala ang lalaki. Kahit masakit ang ulo ay pinilit niyang bumangon para alamin kung ano ang nangyari sa kaibigan. Tanda niyang sinalubong sila ng galit na si Daecon kagabi pagkarating nila sa tapat ng headquarter ng CAU. Gusto pa sana niyang umalis kagabi pero bago pa man sila nakahakbang ni Asher ay mabilis na itong nahawakan ni Daecon at binigyan ng malakas na suntok. Tumalsik sa gitna ng kalsada si Asherk nang ihagis ito ni Daecon bago siya nito binalingan at pinasan na parang isang sakong bigas para ipasok sa
"So, kakausapin mo si Bianca pagbalik sa HQ?" Tanong ni Zoe kay Daecon.Kasalukuyan silang nakaupo sa ibabaw ng hood ng sasakyan ni Daecon at parehong kumakain ng hamburger. Iyon ang isa sa mga natutunan ni Daecon kay Zoe sa West, Midland. Natuto siyang kumain ng hamburger at fries kasama si Keifer na hindi gawa ni Bianca.Ibinaba ni Daecon ang hawak na hamburger sa plastic na nasa tabi nito at ipinagpag ang mga kamay bago bumuga ng hangin. Tumingin ito sa kawalan na tila ba doon kumukuha ng sagot sa tanong ni Zoe. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga sinabi ni Bianca. Gusto niya itong harapin pero hindi niya alam kung paano. He was never been this uncertain all his life but when it come to handling Bianca's anger, it seems like he can't really be so sure that they'll gonna be okay again if ever they talk."I don't know..." Turan ni Daecon pagkaraan ng ilang sandaling katahimikan. "Hindi ko alam kung paano ko siya haharap
Ilang metro pa ang layo ng sasakyang minamaneho ni Daecon sa gate ng headquarter ay tanaw na kaagad niya ang maliwanag na roof top. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya. Mukhang seryoso na ito. Mas lalo niyang binilisan ang pagmamaneho at nang matapat sa gate ng headquarter ng CAU ay kaagad siyang nagsalita sa maliit na speaker na nakakabit malapit sa manibela ng kotse."Daecon Sinfield code number 451320001."It was an electronic command ,connected to the security system of Claws And Arrows United. Si Alec mismo ang gumawa ng program niyon na tanging silang mga members lang ang may access. Si Bianca naman ay nakakapasok gamit ang biometric identification box sa maliit na gate. Ilang saglit lang ay umilaw naman ang maliit na screen na nakabuilt-in malapit sa car stereo."Please enter your identification number and press your right thumb on the screen for the biometric identification."Boses iyon ng operator na kasama n