"Ate, malayo pa ba tayo? Pagod na po ako kasi. Tapos ang bigat-bigat pa nito, oh! Feeling ko tuloy ay pasan niya ang mundo, tsssk!" reklamo ni Divine sa akin habang naglalakad kami papunta ng bayan. Sayang kasi kung mamamasahe pa kami at maibabawas pa sa magiging benta. Kailangan ko pa naman magtipid kasi wala naman kaming wawaldasin talaga. Hay buhay! Kung magaling lang sana akong gumiling ay baka umekstra na ako sa beer house sa bayan. Pero minalas tayo dahil wala man lang akong talent kundi ganda lang ang meron ako.
"Malapit na tayo, Divine Saka hindi mabigat ang bitbit mo, reklamador ka lang," singhal ko pa sa kanya.Madalas kasi na si Jeremy ang kasa-kasama ko kaya hindi sanay si Diane na maglakad papunta ng bayan. Dito kasi namin dadalhin ang mga saging at kamote na nakuha namin. Kapag wala kasi akong raket ay naiisipan ko na umakyat ng bundok upang manguha ng mga maaari naming ibenta. Halos ganito kasi ang gawain dito sa Mindoro. Swerte nga kami ngayon at dalawang buwig ng saging at ilang kilo ng kamoteng kahoy ang nakuha namin ngayon. Mabait naman ang may-ari ng lupa at pumapayag naman na kumuha kami. Si Tatay kasi ang nangangasiwa noon ng lupain nila noong nabubuhay pa ito.Pero masyadong mareklamo itong kapatid ko. Akala niya ata ay anak siya ng haciendero rito sa bayan namin. Tiningnan ko pa siya nang masama at parang gusto ko pa siyang kutusan at hilahin ang mahaba niyang buhok dahil sa pagiging maarte niya. Hindi pwede sa akin ang babaeng maarte.Mabait at masipag naman siya pero siguro dahil sa dalaga na ay medyo nahihiya na rin kung minsan. Pero hindi uubra sa akin ang ganong rason. Mahirap kami at hindi mayaman para mag-inarte siya ng ganito. Para lang sa may mga pera ang pag-iinarte at hindi sa amin na mahirap pa sa daga. Tumigil ako saglit upang sermonan siya. Ngunit ibubuka ko pa lang ang bibig ko ay nagmamadali na siyang naglakad palayo. Alam na niya na makakatikim siya ng masarap na sermon mula sa akin. Napapa-iling na lang ako habang pinagmamasdan siya sa malayo, mabilis naman pala maglakad, eh.At nang makarating kami sa Bayan ay kaagad kong ibenta ang aming kalakal kay Aling Cristy. Tuwang-tuwa pa siya ng makita ang mga dala namin dahil marami raw ang naghahanap ngayon ng saging."Gelay, ang gaganda naman ng saging mo, mataba at malaki, huh! Naalala ko tuloy ang yumaong asawa ko sa tuwing nakakakita ako ng saging! Oh, kay sarap ng saging ng asawa ko!" Mabilis ko naman tinakpan ang magkabilang tenga ni Diane. Kahit kailan talaga ay kirengkeng itong si Aling Cristy! Ayaw na lang magbayad at talagang nauna pang isipin ang saging ng asawa niya. Ano nga bang itsura ng saging ng asawa niya?"Ah, eh, Aling Cristy, kukunin ko na po ang bayad at maglalakad pa po kami pauwi ng kapatid ko. Baka gabihin pa kami sa daan." Kakamot-kamot pa ako sa ulo at baka kung anong saging pa ang mapag-usapan namin nito, delikado!Kaagad naman siyang tumalima at dumukot ng pera mula sa suot nitong palda."Oh, basta, Gelay, sa akin ka pa rin magdadala ng kalakal mo, huh! Lalo na yung ganitong klaseng saging." Tumango-tango naman ako sa kanya. Umabot din sa apat na daan at tatlumpung piso ang naging halaga ng kalakal naming dala. Kaya naman ng balingan ko si Diane ay tuwang-tuwa pa siya. Alam ko kasi na may kailangan pa siyang bayaran sa kanyang paaralan. At kung natatandaan ko ay noong nakaraang linggo pa niya ito sinasabi sa akin ngunit wala naman akong pera. At hanggang ngayon kasi ay may binabayaran pa kaming naging utang namin noong mga panahon na ospital si Tatay. Hindi naman namin maaaring takasan na lang basta. Tunay na mahirap pa sa mahirap ang buhay namin, pero fighting lang at matatapos din ito, ika nga nila, 'habang may buhay, may hininga'Tama, mali?Inabutan din ako ng isang tray ng itlog ni Aling Cristy. Galing daw ito sa manliligaw niya.Sana all, lahat! Ako kasi ay ligawin din, lalo na at hindi ko alam ang address.Tuwang-tuwa pa si Divine dahil may uulamin na raw sila ni Jeremy sa eskwelahan. Parehong nasa high-school na silang dalawa at talaga naman na hindi ko lang sila ginagapang, pinapasan ko rin ang pag-aaral nila. Nang sa gayon ay maging maayos ang buhay nila at hindi matulad sa akin."Ate, diba…diba nasabi ko sa'yo na may kailangan akong bayaran na isang daan piso para sa school project namin? Ako na lang kasi ang hindi pa nakakabayad. Pero kung may paggagastusan tayo ng pera, hayaan mo na lang. Kakausapin ko na lang ulit ang aking maestra," ramdam ko pa ang lungkot sa boses ni Divibe habang naglalakad kami pauwi ng bahay bitbit ang ilang kilong bigas at tuyo at isang bote ng mantika.Dinukot ko sa bulsa ang isang daan piso at inabot sa kanya. "Ibayad mo muna ito, tutal may raket pa naman ako bukas. Basta galingan niyo ni Jeremy sa pag-aaral. Alam niyo naman na—""Hindi, pwedeng ganda lang ang meron tayo!" tuloy pa ni Diane sa sasabihin ko kaya naman natawa na lang ako sa kanya. At nag-apir pa kaming dalawa.Nagpatuloy kami sa paglalakad pauwi sa amin.Malapit na kami ni Divine sa aming bahay, humahangos pa akong sinalubong ni Badong. Isa sa mga kaibigan ni Jeremy."A-Ate Gelay, Ate Gelay, si…Jeremy, nakikipag-away!" balita niya pa sa akin."Ano?! Saan?! Divine, mauna ka nang umuwi at magsaing ka na rin. Pupuntahan ko muna ang kapatid mo!" taboy ko sa kanya at nagmamadali akong sumama kay Badong kung nasaan si Jeremy. Lintek na bata talaga ito! Makakatikim pa siya lalo sa akin! Wala na nga kaming makain ay ang lakas pa ng loob makipga-away.Pakiramdam ko ay umakyat ang dugo ko sa ulo nang makita ko na hawak-hawak sa may kwelyo ng isang may edad na lalaki ang kapatid ko. Talo pa ako ng loko! "Hoyyyyyyyyy! Bitawan mo ang kapatid mo!" Malakas kong sigaw habang naglalakad ako papalapit sa kanila. Ni hindi ko nga pinalo ang mga kapatid ko pero ang kumag na ito ay walang pakundangan sa buhay!Agad naman nitong binitawan si Jeremy."Bakit mo sinasaktan ang kapatid ko, huh!" Dinuro-duro ko pa siya at gusto ko na siyang bigwasan sa tagiliran. "Ang pangit mo na nga ay pati ugali mo ay pangit din!" Nagtawanan pa ang ibang tao dahil sa sinabi ko. "Ate, tara na…Ate." Pilit pa akong hinihila ni Jeremy sa kamay. Pero hindi ako aalis nang hindi ko natuturuan ng leksyon ang pangit na ito! Hindi pwedeng inaapi niya ang kapatid ko nang ganito. Makakatikim muna siya sa akin!"Sinong pangit?! Ako ba?" galit na tanong ng lalaki sa akin. Kaya naman tumawa pa ako nang nakakainsulto. "Bakit tinatanong mo pa kung sinong pangit? Tumingin ka sa paligid, oh diba? Ikaw lang ang pangit! Ikaw sa susunod nahawakan mo sa kuwelyo ang kapatid ko, lalo kong papapangitin yang mukha mo! Ang lakas ng loob mong hawakan siya. Wag na wag mong kakantiin ang kapatid ko. Naiintindihan mo ba ako?!" singhal ko pa sa kanya. Natahimik naman ito bigla. At binalingan ko si Jeremy. "Ang sabi ko sa'yo diba, 'ang tapang ay ginagamit sa buhay, hindi sa pakikipag-away' tandaan mo 'yan," pangaral ko pa sa kanya. Akma na sana ako hahakbang ngunit biglang nagsalita ang lalaki sa harap ko."Kapatid mo ay bakla! Bakla! Bakla!" Sigaw ulit ng lalaki kaya naman bigla ng nagpantig ang pandinig ko. At mabilis umigkas ang kamao ko sa mukha niya.Napaupo pa ang lalaki sa lupa habang hawak nito ang nasaktang mukha."Ate, akala ko ba ay masamang makipag-away?" mahinang tanong ni Jeremy."Minsan naman ay pwede rin, tara na! Pero bakla ka ba talaga?" usisa ko pa sa kanya."I'm not, duh!" At mabilis akong iniwan ni Jeremy. Kulang na lang ay himatayin ako nang makita ko kung paano ito kumembot habang naglalakad.Tay, pasensya na! Malambot pa sa kakanin ang anak mong lalaki!Maaga pa lang ay gising na kaming lahat dito sa bahay. Ganito talaga sa probinsya, hindi uso ang tanghaling gising at tiyak na bunganga ang gigising sayo sa ingay. Kaya mamili ka, maaga kang gigising o maaga kang sesermonan? Nasa sayo ang kapalaran ng umaga mo kaya sumunod ka na lang ng matiwasay at reklamo. Inayos ko muna ang higaan ko bago ako lumabas ng munting silid ko. Hindi ko na nga magawang mag-inat dahil maaga rin magsisimula ang araw ko ngayon. Dahil unang araw ko sa karinderya sa may bayan. Umaga hanggang tanghali lang ang pasok ko roon at pagkatapos ay tutuloy ako sa parlor na pinapasukan ko rin bilang isang manicurist, taga kulot, tag -straight, taga-alis ng kuto o taga- awat ng mag-jowang nag-aaway-away sa loob ng parlor. At marami pang iba. At sa gabi naman ay sa spa ang trabaho ko. Hindi regular ang pasok ko sa spa at parlor. Kung may mag-day-off lang ang isang tauhan ay saka lang ako papasok. Kaya sobrang dami kong raket sa buhay. Nagtitinda rin ako ng balot sa gabi
Pagdating ko sa parlor ay para na akong lutang na gulay dahil sa pagod sa hugasin at muntik pang hindi sumahod ng buo. May pakinabang din talaga ang mga chismosa sa lugar namin nagamit ko pa tuloy kay Gina. Bakit naman kasi pumayag na maging sugar mommy? Pero bahala sila sa mga buhay nila at busy rin ako sa buhay ko. Pera ang kailangan ko at hindi chismis mula sa kanila. Wala akong panahon sa ibang bagay. Pero kung may sahod lang sa pagiging chismosa ay baka pinasok ko na rin.Uupo pa sana ako pero nagkataon naman na absent ang isang bakla kaya naman sa akin muna binigay ang isang bagong pasok na customer. Dahil busy rin si Marjorie sa kanyang customer. Wala akong choice, kaya agad kong inasikaso ang lalaking customer ko. Hindi naman siya mukhang may lahi, pero ang lakas ng amoy. Mahihiya ang sibuyas bombay!Kaagad ko na siyang tinanong kung anong gusto niyang gupit na hindi bagay sa mukha niya. Magsisinungaling pa ako kung tatanungin ko siya kung anong gusto niyang gupit na bagay sa
"Anak mag-ingat ka sa Singapore. Wag mo kaming alalahanin ng mga kapatid mo rito. Ikaw, ang sarili mo muna ang isipin mo pagdating mo roon. Masyadong malayo ang Singapore. Ayaw man kitang payagan noong una pa lang. Kung nakakalakad lang sana ako ay—" hindi ko na pinatapos pa ang ibang sasabihin ni Nanay at mabilis ko siyang niyakap. Ayaw ko siyang makita na malungkot sa pag-alis ko. At kahit pa mahirap na mawalay ako sa kanila, pero kung ito lang ang tanging paraan upang matapos na ang utang namin, go na!Makikipagsapalaran ako sa ibang bansa kahit pa wala akong kilala o kamag-anak roon. Bahala na kung anong naghihintay sa akin pagdating ko sa Singapore. At saka hindi na ako pwedeng umatras pa. Naisangla ko na ang titulo ng lupa namin na siyang ginamit ko para mag-apply sa Singapore. Isang customer namin noon sa parlor ang nag-alok sa akin ng trabaho sa Singapore. At kahit pa nga hindi ako sanay na malayo sa pamilya ko ay sinunggaban ko na agad ito. Hindi ko kikitain dito sa Pinas
"Hoy, Vienna! Anong raket na naman ba ito? Bakit ganito ang suot natin? Mukha tayong white lady sa may Balete Drive. Clown ba tayo?" takang tanong ko pa sa kanya habang nasa byahe kami. Pati kasi make-up namin ay palong-palo sa puti! Hindi naman siguro kami magbebenta ng aliw sa kanto? Hindi pa ako ready na ibenta ang puri at dangal ko. Sa ilang buwan ko na rin pamamalagi rito sa Maynila ay medyo naka-adjust na rin ako ng buhay ko. Kahit sobrang hirap sa kalooban ko na mag lihim kina Nanay, pero tiniis ko. Ayaw ko na mag-alala sila para sa akin. Kaya hinayaan ko na lang na isipin nila na nasa Singapore na ako. Masakit man na lokohin ko sila pero sa ngayon ay ito lang ang alam ko na tama kong gawin. Mag-iipon lang ako at babalik din ako sa kanila. Pero ngayon ay kailangan ko munang mabayaran lahat ng utang namin para wala na akong isipin pa.Lumipat na rin ako sa isang lumang apartment dahil medyo nahihiya na rin ako sa pamilya ni Vienna na manatili pa sa bahay nila. Kung anu-ano ng r
"Hoy, Gelay! Ang haba na ng nguso mo dyan. Aba, hindi ka pa ba nakaka-move on sa buhay mo? Kalimutan mo na yung nangyari kanina. Ikaw naman kasi bakit ayaw mong tumabi, tssk," paninisi pa ni Vienna sa akin habang nakatayo kami sa pinto ng spa at naghihintay ng customer na papasok. Simula pa nga kanina ay hindi na maganda ang mood ko dahil sa nangyari kanina. At saka move on? Sinong mag-momove on? Ano ako baliw? Walang move on, move on sa pamilyang ito! Hindi ko papatawarin ang lalaking yon! Ang pangit niya! Muli na naman kumulo ang dugo ko sa dahil sa banta niya sa buhay ko. Muntik na akong ipatuluyan ng walanghiyang amo ni Manong driver. Kaya galit ako, hanggang sa ma-menopause pa ako!"Vienna, kahit mategi ako ngayon ay walang move on, move on! Gets mo?" Sabay talikod ko sa kanya. Narinig ko pa ang mapang-asar niyang tawa. Pero hindi ko siya pinansin pa at naglakad na ako pabalik sa counter. Maya-maya pa ay sumunod na rin si Vienna sa akin. At mukhang nainip na rin sa pinto.Kanina
"Anong multo? Hoy, Gelay! Ako lang ito! Yung bayad mo sa upa! Tinataguan mo ba ako, huh?!" at nang marinig ko ang pamilyar na boses ay kaagad akong nag-angat ng tingin upang masiguro nga na siya 'yon. At tama nga na ang may-ari lang pala ng apartment na tinitirahan ko ang nasa harap ko ngayon. Akala ko pa naman ay engkanto. Ano ba yan, akala ko naman ay kung sino na.Pero teka, paano niya ako nasundan dito? Saka hindi naman araw ng mga patay ngayon bakit pero putok na putok ang foundation niya? Nagmukha tuloy siyang espasol ng Laguna. Pati ba naman sa trabaho ko ay nasusundan ako ng mga pinagkakautangan ko. Huli, pero hindi kulong!Dali-dali akong tumayo upang utusan ang customer ko, na nakalimutan na yatang magsalita at mukhang nalunok na pati dila."Sir, maghugas ka muna ng mga paa sa banyo namin. At baka hindi kayanin na ng tubig na maalis ang putik sa mga paa mo." Saka ko siya mabilis na hinila papunta sa banyo ng spa namin. "Saka sir, hindi ka ba talaga magsasalita?" at ganun na
"Gelay! Yayaman na tayo! Isipin mo, 25k a month ang magiging sahod natin. Tapos libre pa raw ang pagkain at bahay natin! At may day-off din daw tayo. Jackpot talaga tayo, apir!" masayang bulalas pa ni Vienna at saka kami nag-apir. Bakas pa sa mukha niya ang labis na kagalakan.Grabe, naman Lord ang blessing, pang mabait na tao! Thank you po! Ngayon lang ata ako sumaya nang ganito. Kasi sa sobrang tagal na namin naghahanap ng trabaho ay ngayon lang kami nakahanap ng ganitong offer. Marunong naman akong mag-alaga ng aso, dahil may aso kami noon sa probinsya na si Papaw. Kaya easy lang mag-alaga ng aso para sa akin. Sa sobrang excited namin ni Vienna ay nawala na nang tuluyan ang mga antok namin. Mabuti na lang talaga at naisip ko na ngayon pumunta sa remittance center. Mukhang ito na ang matagal kong hinahanap. Pero sana ay matanggap kami. Ang layo na agad ng mga isip namin pero hindi pa kami nakakapag-apply!"Gelay, tatawagan ko muna itong number nila para makapunta agad tayo," halata p
Bakit naman kailangan mag-english, eh aso ang aalagaan namin? Hindi ba marunong makaintindi ng tagalog ang aso nila? Poreyner ba? Saka marunong naman yata si Vienna magsalita ng English eh, Kaya kaagad ko siyang kinalabit at gusto ko pang matawa nang bigla siyang mamutla, wala na, alam na this! Hindi yata kami makakapasa sa English-speaking na aso! Tinapos na ang laban. Akala ko pa naman ay si Vienna na ang pag-asa kong yumaman.Pero bawal sumuko, sayang ang 25K, Gelay! Sana naman ay maitawid namin ito. At gumana kahit ngayon lang ang utak koBaka naman may natitira pang english sa kadulo-duluhan ng isip ko. At sana ay hindi pa rin nalulusaw ang mga ito.Ipinikit ko ang aking mga mata nang mariin upang pigain mabuti ang kaalaman na meron ako."Oh, yes! I english…" bulalas ko at napahinto ako saglit sa pagsasalita. Ngumiti pa ako ng pilit sa kanya. Baka sakaling madaan ko siya sa ganito.Nang balingan ko si naman si Vienna, nagkukunwari pa siyang nag-iisip pero ang totoo ay hindi nam