Pagdating ko sa parlor ay para na akong lutang na gulay dahil sa pagod sa hugasin at muntik pang hindi sumahod ng buo. May pakinabang din talaga ang mga chismosa sa lugar namin nagamit ko pa tuloy kay Gina. Bakit naman kasi pumayag na maging sugar mommy? Pero bahala sila sa mga buhay nila at busy rin ako sa buhay ko. Pera ang kailangan ko at hindi chismis mula sa kanila. Wala akong panahon sa ibang bagay. Pero kung may sahod lang sa pagiging chismosa ay baka pinasok ko na rin.
Uupo pa sana ako pero nagkataon naman na absent ang isang bakla kaya naman sa akin muna binigay ang isang bagong pasok na customer. Dahil busy rin si Marjorie sa kanyang customer.Wala akong choice, kaya agad kong inasikaso ang lalaking customer ko. Hindi naman siya mukhang may lahi, pero ang lakas ng amoy. Mahihiya ang sibuyas bombay!Kaagad ko na siyang tinanong kung anong gusto niyang gupit na hindi bagay sa mukha niya. Magsisinungaling pa ako kung tatanungin ko siya kung anong gusto niyang gupit na bagay sa mukha niya, wala naman babagayan kahit saang angulo tingnan Hindi naman pwera lait lang naman."Gusto ko maging kamukha ako ni Jericho Rosales!" agad-agad na sagot nito kaya naman napangiwi pa ako dahil gugupitan ko lang naman siya at hindi ooperahan sa mukha. Si Vicki Belo ang kailangan niya at hindi si Gelay De Castro.Ibang klase rin magbiro si Sir, sa loob-loob ko pa. Napatawa niya talaga ako ng sobra! Eh, kahit yata ubusin ko lahat ng buhok niya ay malabong maging kamukha siya ng crush ko. Kahit pa paliguan ko siya ng maraming tubig ay hindi pa rin.Kahit ka pa pumurol lahat ng gunting namin ay malabong magkaroon ng himala sa mukha niya. Kahit pa magdamag ko siyang gupitan ay hindi mangyayari ang pangarap niya. Wala talagang pag-asa! Tumango-tango na lang ako para matapos na lang ang pantasya niya. Libre naman din mangarap kung minsan kaya, push and pull lang! Pero hindi pangarap ang gusto niya, himala! Hindi gunting ang kailangan niya, kundi dasal at pera, samahan mo na rin ng pahinga.Nagsimula na ako akong basain ang buhok niya at suklay-suklayin. Pero grabe naman ang tigas ng buhok nito! Parang alambre."Sir, anong gamit mong glue sa buhok mo? Ang tigas eh!" palatak ko pa. Hindi naman ito umimik at nanatiling lang nakapikit. Mukhang nakatulog na yata. Kaya naman kinuha ko na ang razor sa tabi ko bago pa mag-resign ang gunting at suklay namin sa tigas ng buhok ng customer ko. Parang gusto na rin magwelga ng rasor unang sabak pa lang. Parang sampung taon yata na walang ligo at shampoo, sa tigas ng buhok niya.Habang ginugupitan ko siya ay hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatulala sa kawalan. Parang madalas na lang akong tulala talaga. Iniisip ko kasi kung paano ba ang dapat kong gawin upang mabilis kong mabayaran lahat ng utang namin. Wala naman akong ibang paraan na alam. Saka una pa ay hindi naman mataas ang natapos ko kaya ang hirap maghanap ng trabaho na medyo mataas sana ang sahod. Nagulat pa ako nang kalabitin ako ni Marjorie na nasa tabi ko rin. Sa dami kasi ng isipin ko ay pakiramdam ko, naubos na ang lahat ng laman ng utak ko. Bayarin dito, gastos doon. Kailan pa kaya kami lalaya sa hirap? Parang paulit-ulit na lang ang takbo ng buhay namin.Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong-hininga bago ko siya nilingon."Hoy, Gelaylay! Ano na? Tuleley na naman ang feslak mo dyan! Anong problema mo?"usisa niya pa."Kailangan ko pa ng trabaho, Marjorie, ang daming bayarin. Minsan tuloy ay naiisip kong maging bayaran, hays," reklamo ko pa habang patuloy ako sa paggugupit sa customer Pinandilatan pa ako ng mata ni Marjorie dahil sa aking mga sinambit sa kanya. "Kaloko ka, Gelalay! Baka naman bigla ka namin paglamayan ng wala sa oras o pagkapihan ka namin, dyan! Look, mo ang feslak mo, Hagardo Versoza na!" pagalitan niya pa sa akin. Alam niya kasi na marami na akong raket sa buhay. At kung minsan pa nga ay inaabutan niya ako kapag malaki ang tip mula sa mga customer niya. Maswerte pa rin ako kahit na ganito, may mga taong handa akong tulungan. Malaki na rin ang utang na loob ko kay Marjorie sa lahat ng tulong niya sa akin. At maging sa mga kapatid ko."Wala, eh, kailangan ko talaga, Marjorie."Muling kong ibinalik ang atensyon ko sa ginugupitan ko at muntik na ako mapasigaw, mapatalon sa gulat. At mabilis kong binalingan si Marjorie. Kahit maging siya ay namilog ang mga mata at gustong tumili ngunit hindi niya magawa. Hindi ko napansin na kalbo na pala at puro ukab-ukab ang buhok ng customer ko. Mahabaging langit! Anong gagawin ko? Hindi ko malaman ang gagawin upang ayusin pa ito. Nag-mukha tuloy siyang sisiw na hindi pa kumpleto ang balahibo. "Bakla ka talaga…" mahinang sambit ni Marjorie. Patay talaga ako nito. Paano ko ito aayusin? Pangarap pa naman niya na maging kamukha ni Jericho Rosales pero mukhang malabo pa talaga sa sabaw ng pusit!Nag-iisip ako ng paraan upang masolusyunan ang problema ko ngunit wala akong maisip. Nang makita kong mumulat na ang kanyang mga mata ay mabilis kong tinakpan ng kamay ko. Hindi pa siya pwedeng magising at talagang mayayari ako nito. Hays, bakit kasi isip ako nang isip? Mabuti na lang talaga at mukhang nakatulog siya ulit. Medyo nakahinga ako ng maluwag. Kitang-kita ko pa ang kaba sa mukha ni Marjorie at tiyak kong naiihi na rin siya ngayon sa takot.Mabilis kong dinampot ang mga buhok niya at nagkatinginan pa kami ni Marjorie. Paano ba ito?"Anong ginawa mo?! Bakit ganitoooooo?!" sigaw ng customer ko nang makita niya na ang buhok niya. Halos maiyak pa ito habang nakatitig sa salamin. Wala kasing paraan upang maibalik ko pa ito."S-Sir, ang gwapo m-mo naman—""Hindi! Ipapakulong kita!" Sigaw nito sa akin saka nagmamadaling lumabas ng parlor.Patay ka talaga, Gelay!"Anak mag-ingat ka sa Singapore. Wag mo kaming alalahanin ng mga kapatid mo rito. Ikaw, ang sarili mo muna ang isipin mo pagdating mo roon. Masyadong malayo ang Singapore. Ayaw man kitang payagan noong una pa lang. Kung nakakalakad lang sana ako ay—" hindi ko na pinatapos pa ang ibang sasabihin ni Nanay at mabilis ko siyang niyakap. Ayaw ko siyang makita na malungkot sa pag-alis ko. At kahit pa mahirap na mawalay ako sa kanila, pero kung ito lang ang tanging paraan upang matapos na ang utang namin, go na!Makikipagsapalaran ako sa ibang bansa kahit pa wala akong kilala o kamag-anak roon. Bahala na kung anong naghihintay sa akin pagdating ko sa Singapore. At saka hindi na ako pwedeng umatras pa. Naisangla ko na ang titulo ng lupa namin na siyang ginamit ko para mag-apply sa Singapore. Isang customer namin noon sa parlor ang nag-alok sa akin ng trabaho sa Singapore. At kahit pa nga hindi ako sanay na malayo sa pamilya ko ay sinunggaban ko na agad ito. Hindi ko kikitain dito sa Pinas
"Hoy, Vienna! Anong raket na naman ba ito? Bakit ganito ang suot natin? Mukha tayong white lady sa may Balete Drive. Clown ba tayo?" takang tanong ko pa sa kanya habang nasa byahe kami. Pati kasi make-up namin ay palong-palo sa puti! Hindi naman siguro kami magbebenta ng aliw sa kanto? Hindi pa ako ready na ibenta ang puri at dangal ko. Sa ilang buwan ko na rin pamamalagi rito sa Maynila ay medyo naka-adjust na rin ako ng buhay ko. Kahit sobrang hirap sa kalooban ko na mag lihim kina Nanay, pero tiniis ko. Ayaw ko na mag-alala sila para sa akin. Kaya hinayaan ko na lang na isipin nila na nasa Singapore na ako. Masakit man na lokohin ko sila pero sa ngayon ay ito lang ang alam ko na tama kong gawin. Mag-iipon lang ako at babalik din ako sa kanila. Pero ngayon ay kailangan ko munang mabayaran lahat ng utang namin para wala na akong isipin pa.Lumipat na rin ako sa isang lumang apartment dahil medyo nahihiya na rin ako sa pamilya ni Vienna na manatili pa sa bahay nila. Kung anu-ano ng r
"Hoy, Gelay! Ang haba na ng nguso mo dyan. Aba, hindi ka pa ba nakaka-move on sa buhay mo? Kalimutan mo na yung nangyari kanina. Ikaw naman kasi bakit ayaw mong tumabi, tssk," paninisi pa ni Vienna sa akin habang nakatayo kami sa pinto ng spa at naghihintay ng customer na papasok. Simula pa nga kanina ay hindi na maganda ang mood ko dahil sa nangyari kanina. At saka move on? Sinong mag-momove on? Ano ako baliw? Walang move on, move on sa pamilyang ito! Hindi ko papatawarin ang lalaking yon! Ang pangit niya! Muli na naman kumulo ang dugo ko sa dahil sa banta niya sa buhay ko. Muntik na akong ipatuluyan ng walanghiyang amo ni Manong driver. Kaya galit ako, hanggang sa ma-menopause pa ako!"Vienna, kahit mategi ako ngayon ay walang move on, move on! Gets mo?" Sabay talikod ko sa kanya. Narinig ko pa ang mapang-asar niyang tawa. Pero hindi ko siya pinansin pa at naglakad na ako pabalik sa counter. Maya-maya pa ay sumunod na rin si Vienna sa akin. At mukhang nainip na rin sa pinto.Kanina
"Anong multo? Hoy, Gelay! Ako lang ito! Yung bayad mo sa upa! Tinataguan mo ba ako, huh?!" at nang marinig ko ang pamilyar na boses ay kaagad akong nag-angat ng tingin upang masiguro nga na siya 'yon. At tama nga na ang may-ari lang pala ng apartment na tinitirahan ko ang nasa harap ko ngayon. Akala ko pa naman ay engkanto. Ano ba yan, akala ko naman ay kung sino na.Pero teka, paano niya ako nasundan dito? Saka hindi naman araw ng mga patay ngayon bakit pero putok na putok ang foundation niya? Nagmukha tuloy siyang espasol ng Laguna. Pati ba naman sa trabaho ko ay nasusundan ako ng mga pinagkakautangan ko. Huli, pero hindi kulong!Dali-dali akong tumayo upang utusan ang customer ko, na nakalimutan na yatang magsalita at mukhang nalunok na pati dila."Sir, maghugas ka muna ng mga paa sa banyo namin. At baka hindi kayanin na ng tubig na maalis ang putik sa mga paa mo." Saka ko siya mabilis na hinila papunta sa banyo ng spa namin. "Saka sir, hindi ka ba talaga magsasalita?" at ganun na
"Gelay! Yayaman na tayo! Isipin mo, 25k a month ang magiging sahod natin. Tapos libre pa raw ang pagkain at bahay natin! At may day-off din daw tayo. Jackpot talaga tayo, apir!" masayang bulalas pa ni Vienna at saka kami nag-apir. Bakas pa sa mukha niya ang labis na kagalakan.Grabe, naman Lord ang blessing, pang mabait na tao! Thank you po! Ngayon lang ata ako sumaya nang ganito. Kasi sa sobrang tagal na namin naghahanap ng trabaho ay ngayon lang kami nakahanap ng ganitong offer. Marunong naman akong mag-alaga ng aso, dahil may aso kami noon sa probinsya na si Papaw. Kaya easy lang mag-alaga ng aso para sa akin. Sa sobrang excited namin ni Vienna ay nawala na nang tuluyan ang mga antok namin. Mabuti na lang talaga at naisip ko na ngayon pumunta sa remittance center. Mukhang ito na ang matagal kong hinahanap. Pero sana ay matanggap kami. Ang layo na agad ng mga isip namin pero hindi pa kami nakakapag-apply!"Gelay, tatawagan ko muna itong number nila para makapunta agad tayo," halata p
Bakit naman kailangan mag-english, eh aso ang aalagaan namin? Hindi ba marunong makaintindi ng tagalog ang aso nila? Poreyner ba? Saka marunong naman yata si Vienna magsalita ng English eh, Kaya kaagad ko siyang kinalabit at gusto ko pang matawa nang bigla siyang mamutla, wala na, alam na this! Hindi yata kami makakapasa sa English-speaking na aso! Tinapos na ang laban. Akala ko pa naman ay si Vienna na ang pag-asa kong yumaman.Pero bawal sumuko, sayang ang 25K, Gelay! Sana naman ay maitawid namin ito. At gumana kahit ngayon lang ang utak koBaka naman may natitira pang english sa kadulo-duluhan ng isip ko. At sana ay hindi pa rin nalulusaw ang mga ito.Ipinikit ko ang aking mga mata nang mariin upang pigain mabuti ang kaalaman na meron ako."Oh, yes! I english…" bulalas ko at napahinto ako saglit sa pagsasalita. Ngumiti pa ako ng pilit sa kanya. Baka sakaling madaan ko siya sa ganito.Nang balingan ko si naman si Vienna, nagkukunwari pa siyang nag-iisip pero ang totoo ay hindi nam
"Damn!" mariin kong mura nang magising ako sa malakas na tunog ng alarm clock. Kinuha ko ang unan sa tabi at tinakip ko sa mukha. Dahil wala pa akong ganang bumangon sa ngayon. Napagod ako sa pagsunod sa owner ng isang malawak na lupain at matagal na rin kami nakikipag-negotiate sa kanila. Hindi nila binitawan ito kahit anong alok pa namin. At napakarami nilang demands noon. Kaya I decided na ako na ang haharap sa kanya. But hindi ko inaasahan ang gusto niyang gawin namin pagdating sa baluarte niya. Why do I need to do this? I don't have any idea how to play that fucking tennis! Not like that I mean, I'm not interested. But para kay Mr. Sorrano, napasunod niya ako sa gusto niya na maglaro kami. For the sake of our company. And para na rin ipakita kay Mamita na everything is under my control.Pakiramdam ko ay hindi ako makatayo sa sobrang ngalay ng mga braso at paa ko.And sa haba-haba ng paghihintay namin, mabuti na lang at na-close ko ang deal kahapon because kung hindi ay baka ubos
"Ano ba naman kamalasan ito! 25K na sana ay nawala pa! Bakit ba ang lupit ng tadhana? Masama ba tayong tao, huh?" himutok ko habang naglalakad kami ni Vienna palabas ng exclusive village. Sayang lang ang pamasahe namin, hays!Kulang na lang ay gumapang ako sa sobrang sama ng loob at panghihinayang sa trabaho na pinunta namin dito. Akala ko pa naman ang hindi na kami maghihirap ni Vienna at makakaalis na kami sa laylayan ng kahirapan.Ang hirap-hirap magsalita ng English tapos ay mauuwi lang pala sa wala? Hustisya naman! Kaya naman pala 25K ang sahod dahil kasama na pala ang buhay mo. Parang binili na rin ang kaluluwa mo kay San Pedro.Sino ba naman ang magtatagal mag-alaga sa aso na kasing taas ng giraffe at kasing taba ng elepante? Kahit yata alukin pa ako ng kalahating milyon ay hindi ko pa rin tatanggapin. Pero kung isang milyon, ay ibang usapan na 'yan! Pwede na akong pumayag nito.Grabe naman kasi ang aso nila, aba, ay hindi ka bubuhayin kapag nilapa ka. Akala ko pa naman ay sw