“Alright, thank you. Mrs. Andres… Or should I call you, Ms. Santos?” Anim na taon silang kasal, ngunit kahit minsan ay hindi naramdaman ni Lorain na minahal siya ng lalaki. Ngayon na napirmahan na niya ang divorce paper na nais ng asawa, pinili niyang lumayo. Pero paano kung sa pagbalik niya sa pilipinas ay muli silang magkita? “How dare you to touch my wife?” Mariin na sabi ni Jake sa lalaking kahalikan ni Lorain sa bar. Pagak na napatawa si Lorain,asawa… Wala akong asawa.
View MorePinagsiklop ni Raziel ang dalawa niyang kamay at naupo ng maayos, “hindi ko alam kung tamang desisyon na sabihin ko sa’yo ang lahat, wala si Jake dito na alam ko’ng mas gusto mo na marinig ang katotohanan sa kaniya higit kanino.”May sakit na dumaan sa mata niya, gusto ko na sabihing mali siya pero hindi ko nagawa na magsalita. Kahit na gustong-gusto na tanungin siya kung bakit ganoon nalang siya masaktan tuwing babanggitin ang pangalan ni Jake.“Wala akong problema kahit sino ang magsabi sa akin, ang mahalaga ay malaman ko kung ano ang totoo.” Mabilis ko na iniwas ang tingin sa kaniya, merong part sa akin na ayaw kong makita pa ang kung anong emosyon na pwede kong makita sa mukha niya.“Is that so?” Maikling tanong niya na parang inaasahan na niya ang sagot ko na iyon, “pero hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang side ni Jake,” ramdam ko ang titig niya sa akin, “siya ang nakasama mo, siya lang ang nakakaalam kung paano ipapaliwanag ang lahat ng maayos.”Tumango ako bilang pag s
Hindi huminto ang kamay ko sa panlalamig at panginginig, ano pa ang hindi ko alam tungkol sa akin? Simula ba noong una ay tama akong may tinatago si Jake sa akin, at ayaw niyang malaman ko ang katotohanan?Bakit hindi ko na gamit ang apilyido niya kahit suot ko pa ang wedding ring naming dalawa, panaginip ko lang bai tong lahat? Hanggang ngayon ba ay nakakulong pa rin ako sa isang bangungot?Nanatili akong nakayuko at pilit pinoproseso ang isang bagay na nalaman ko, kahit luha ay ayaw ng pumatak sa sobrang halo-halo ng nararamdaman ko. Maging katawan ko yata ay naguguluhan na kung dapat ba akong malungkot o magalit, dahil ako mismo ay hindi ko alam.Lumangitngit ang pintuan, patunay na may dumating. Pero hindi ko magawang tignan kung sino ito, dahil natatakot akong pag angat ng mata ko ay mukha ni Jake ang makita ko. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, natatakot ako sa kung ano ang masabi o magawa ko.“Lorain,” halos mapaigtad ako ng marinig ko ang boses ni Raziel habang naglalakad
Alas-dyes na ng gabi, pero walang Jake na dumadating. Ilang beses ko na rin na sinabihan si Raziel na iwan na lang niya ako, pero hindi rin siya umaalis, nanatili siyang tahimik na nakahiga sa sofa habang ako naman ay sa kama.“Ayos ka lang ba talaga d’yan, pwede ka naman umuwi na. Mamaya lang ay may nurse naman ulit na mag check sa akin, you don’t need to stay here baka mamaya ay and’yan na rin naman si Jake.” Muli akong nagsalita.Alam ko naman kasing gising pa rin siya at hindi ko kinakaya ang katahimikan ng paligid, lalo na at paghinga lang namin ang maririnig. Naramdaman ko naman ang paggalaw niya para tumaligid paharap kung nasaan ako, “ayos lang, hindi naman ito ang unang beses na mag stay ako.”Para akong nanigas sa pagkakahiga, hanggang ngayon ay hindi pa rin kumakalma ang pakiramdam ko simula kanina. Hindi ko maintindihan bakit ganito nalang tumibok ng mabilis ang puso ko tuwing tinitignan ako ni Raziel.Mali, Maling-mali na maramdaman ko ang ganito para sa ibang lalaki. Hin
Lorain’s POV“Dahan-dahan, ‘wag mo masyadong biglaan o pilitin ang sarili mo.” Marahan na bulong niya habang inaalalayan ako, parang mas kabado ba siyang masaktan ako.“Raziel, hindi ko pinipilit ang sarili ko. Kumalma ka lang, Hindi ko sasaktan ang sarili ko.” Natatawa kong sabi, siya ang kasama ko ngayon sa rehabilitation ko sa paglalakad. Dapat ay si Jake pero umang-umaga palang ng tumawag ang secretary niya dahil nagkaroon ng emergency sa company.“H-Hindi naman iyon ang ibig ko na sabihin, baka lang mabigla ang muscle mo. Maybe mas maayos siguro kung ang nurse ang tutulong sa’yo, kinakabahan talaga ako.” Muli niyang sabi dahilan para hindi ko mapigilan ang sarili ko na tuluyang matawa.“Raziel, hindi ko akalain na ganyan ka pala.” Tawang-tawa kong sabi, dahilan para mamula naman ang tenga niya pati ang mukha at leeg.“Natatakot lang ako na baka mas lalo ka ma-injured, anong alam ko kung tama ba ang ginagawa natin. Sabi nung nurse babalik agad siya, bakit ang tagal naman yata.” Pa
John’s POV“What do you think you are doing here, John? Hindi ko alam kung mayroon pa bang dahilan para magpunta ka rito, tapos na ang project para sa bridal fashion show at wala na rin ang kasal namin ni Jake.” Mataray na tanong ni Jamie pagpasok niya sa kaniyang office.“Well, tama ka naman doon. Pero mag-usap tayo, may gusto akong sabihin na maging dahilan na pwedeng maging dahilan ulit para magkaroon ng meeting sa pagitan nating dalawa.” Makahulugang sabi ko habang nakangisi.Kitang-kita ko sa mukha niya ang stress, naiintindihan ko iyon. Sino nga ba ang hindi kung bigla kang iwan sa ere ng lalaking pinagkatiwalaan mo, hindi alam ni Jake kung sino ang sinasayang niya.“At ano naman iyon para maging dahilan ng pagkakaroon ulit ng dahilan para mag meeting kayo? Sa pagkakaalam ko ay wala namang kailangan talaga ang pamilya namin sa inyo, so what can you offer para hayaan kong maglabas at pasok ka ulit dito sa company ko?” Walang pakundangan saad niya sa akin, kumpara noon ay iba na a
John’s POVIsang malakas sa sampal ang natanggap ko mula kay dad, halata ang panggagalaiti nito dahil sa failed na planong ginawa ko. Idagdag pa na may idea na si Jake sa ginawa namin, but it still fortunate na mas iniisip niyang ang matandang ito ang puno’t-dulo ng plano.“Dad, kahit magalit kayo ay walang mangyayari. Isa pa, balita ko ay walang ala-ala ang babae na iyon sa lahat ng nangyari. May oras pa tayo para linisin ang pangalan natin, kung pipilitin natin si Jake ay wala siyang magagawa kundi pumayag sa gusto mo—”Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng muli akong nakatanggap ng sampal mula sa kaniya, “naririnig mo ba ang sarili mo, John? Sa tingin mo ay susunod pa sa atin si Jake pagkatapos ang planong ginawa mo pero wala namang nangyari?”Mariin niya akong tinignan, para akong isang tangang hayop na hindi niya maaasahan. Hindi ko mapigilan na maikuyom ang dalawa kong mga kamay at napatingin sa bantay niya, kung wala lang iyon ay matagal ko ng sinakal ang matandang ito para mawa
“Lorain, wake up.” Dahan-dahan kong minulat ang mata ko ay nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Jake na nakatanaw sa akin, “are you okay, nagsasalita ka habang tulog.” Hinaplos niya ang noo ko para punasan ang mga pawis na tumatagaktak doon.“A-Ayos lang, kanina ka pa andito?” Nagtataka kong tanong at nilibot ang tingin sa paligid, wala na si Raziel sa sofa dahilan para mapunta ang tingin ko sa orasan sa gilid. Alas syete na pala ng gabi, ganoon na ako katagal nakatulog?“Kanina pa, sabi ni Raziel ay kanina ka pa raw tulog. Tulungan kitang maupo, kailangan mo ng kumain at anong oras na rin.” Marahan niya akong tinulungan at pinasandal sa unan, “mukhang hindi pa rin nakakabawi yung katawan ko kahit ilang araw ka ng tulog.”Andoon pa rin ang pag-aalala niya para sa akin, pero hindi ko magawang matuwa. “Siguro nga.”Kahit pilit ko na magpanggap na masigla ay imposible, hindi talaga mawala ang kakaibang pakiramdam ko pag nasa tabi ko si Jake.“May problema ba, bakit ganyan ang itsura mo? S
Lorain’s POVRamdam ko ang init ng hiningi niya na tumatama sa akin, kailan ba kami huling nag kiss at grabe nalang ang tibok ng puso ko?“Lorain…” Rinig ko na tawag niya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat dahilan para mapamulat ako, “mas mabuti kung magpahinga ka muna, mas mainam kung—”“But it just a kiss,” muli na namang kumalat ang inis sa sistema ko, kahit ako ay naninibago sa inaasal ko.Pakiramdam ko ay nagkaroon ng malaking space lalo sa pagitan namin kumpara noon, ang lapit-lapit niya sa akin ngayon pero malayo pa rin. Naikuyom ko ng mahigpit ang aking kamay habang hawak ang bed sheet sa gilid, sumisikip ang dibdib ko.“I’m sorry, Lorain pero not now.” Tumaas ang kamay niya at pinatong sa ulo ko, marahan niyang hinaplos ang buhok ko na parang bata.Pero kahit anong lamyos ng hawak niya, kahit ganoon ko nararamdaman ang init ng presensya niya, hindi nababago ang pakiramdam ko na may kulang.Tumango ako, wala naman akong magagawa kung ayaw niya. Siguro ay naawa lan
Lorain’s POV“J-Jake, anong ginagawa mo dito, hindi ka ba busy sa company?” Hindi ako makapaniwala na andito siya, lalo na ang mukha niyang puno ng pag-aalala.“Huh, ah, yes. Walang gaanong ginagawa sa office, kumusta ang pakiramdam mo?” Lumapit siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko ng puno ng pag-iingat, “anong sabi ng doctor sayo?”Hindi ko alam kung bakit pero lahat ay panibago sa pakiramdam ko, kahit na nakaupo siya sa harapan ay and nakapalapit namin sa isa’t-isa, may kung anong kulang para sa akin.Ngumiti ako sa kaniya kahit na ganoon ang nararamdaman ko, “ayos lang naman ang pakiramdam ko, kumain ka na ba?” Tanong ko at hinawakan ang kamay niya, hindi maiwasan na mas madagdagan ang kung anong meron sa pakiramdam ko ng makita ang gulat sa mukha niya dahil sa ginawa ko.“Ehem, yes. Lagpas lunch break na rin naman, ikaw ba?” Pagbalik niya ng tanong sa akin at hinawakan rin ng mahigpit ang kamay ko.“May mag-asawang dumalaw kanina, hindi ko sila maalala pero may dala silang pagka
Nakaupo ako ngayon sa living room kaharap ang isang lalaki na ngayon ko lamang nakita, nakasuot siya ng suit habang may dala-dalang isang kulay itim na bag. “I’m sorry for being late, Mrs. Andres.” Magalang niyang sabi at nilabas ang isang envelope sa kaniyang bag at inabot sa akin.May idea na ako kung ano ito pero hindi ko mapigilan ang pagsikip ng aking dibdib, ang nanlalamig at nanginginig kong kamay ay unti-unting inabot iyon at binuksan.“You can read the agreement, Mrs. Andres. Kung may hindi ka nagustuhan ay pwede nating baguhin iyon, kung kulang ang halaga na makukuha mo ay pwede ko rin iyon dagdagan.” Tumikhim siya, “And I’m sorry because that’s all I can do.”Madiin kong kinagat ang ibaba kong labi para pigilan ang mga luha kong gusto ng pumatak, “h-hindi man lang ba siya haharap sa akin para pag-usapan ito?”Nahihiya ako, nahihiya para sa sarili ko habang naririnig ko ang sarili kong boses na halatang desperada pa rin sa atensyon niya.Para naman siyang natigilan sa tanong...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments