•Gaea•
Simula nang makaupo si Clyden sa harapan ng kanyang mesa ay pareho na kaming naging abala. Hindi naman ako nagre-reklamo roon, dahil mas gusto ko naman ang tahimik na lugar kapag nagsusulat.
Tumayo ako saglit para kumuha ng kape sa pantry. Hindi naman ako nakakatagal sa pagsusulat kapag wala akong kape. Halos makaubos ako ng limang baso sa isang araw. Pagkatapos kong mag-timpla ay bumalik na ako sa sofa, kumunot ang aking noo nang makita si Clyden na nakatayo na ngayon sa may glass window nito at may kausap sa cellphone.
Hinayaan ko na lang ito at bumalik na sa aking kinauupuan. Magtitipa na sana ako ulit nang napansin ko na nawala ang cellphone ko na nasa tabi lang ng laptop ko kanina.
"Clyden, nakita mo ba rito ang cell—" Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko ang cellphone na hawak niya. Kaparehang-kapareha iyon ng ginagamit ko ngayon. "Cellphone ko ba iyan?"
Thank you for the first gem I received. 😍
•Gaea•Malapit na akong matapos sa ikalawang chapter na ginagawa ko nang lumapit si Clyden sa akin. Suot pa rin nito ang nakakainis na ngisi na ginamit niya kanina. Kung pwede ko lang itong pagalitan ng husto ay ginawa ko na."May kailangan ka ba?" kunot-noo kong tanong sa kanya. Itinukod nito ang kanyang dalawang kamay sa aking mesa at tiningnan ako sa mata. "I don't want to waste my time, Mr. Lee, so if you—" Hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil bigla na lang itong nagsalita."Would you mind if I invite you for lunch?" Mabilis na dumapo ang aking mata sa relo kong suot dahil sa sinabi niya. Hindi ko man lang namalayan ang oras. "So?"Kumakalam na iyong sikmura ko pero gusto ko sanang matapos muna ang chapter na isinusulat ko ngayon at baka makalimutan ko ang susunod na mangyayari rito. Minsan talaga kapag tumatayo na ako sa mesa ko kahit hindi ko pa t
•Gaea•Pagod na pagod ang katawan nang makarating kami sa condo unit ni Clyden. Parang ang hirap ng trabaho ko roon, eh, nakaupo lang naman ako, minsan ay nakikipag-asaran sa lalaking iyon.Nagugutom na rin ako pero wala akong balak tumayo ngayon para magluto. Siguro dahil na rin ito sa pagkausap ko sa mga kaibigan ni Clyden. Minsan lang naman ako makipag-usap sa ibang tao, at pakiramdam ko ay latang-lata na ako, lalo na at hindi ko kilala. Kaya nga isa rin ito sa naging dahilan kung bakit naging writer ako. Minsan ay nahihiya ako o tinatamad akong makipag-usap sa ibang tao."Gaea, anong ginagawa mo d'yan sa sofa?" tanong nito sa akin. Nakahiga kasi ako at nakapatong ang aking dalawang paa sa sandalan ng sofa. "Magbihis ka na roon para pagkalabas mo ay kakain na lang tayo.""Magpapa-deliver ka na lang ba?" umaasam na tanong ko sa kanya. Napatalon ako sa sobrang say
-Gaea's POV-Maghapon lang akong nakatunganga sa laptop ko, kapag sumasakit naman ang likod ko ay cellphone na ang ginagamit ko sa pagsusulat para makahiga sa kama.Napatingin ako sa malaking orasan nakasabit sa pader, nang tumunog ang cellphone ko. Alas singko na nang hapon, kaya kaagad akong tumayo mula sa pagkakahiga at pumunta sa kusina. Seven ang out ni Clyden kaya ihahanda ko na lang muna ang mga ingredients at mamayang alas sais ay magluluto ako para mainit pa.Bumalik muna ako sa pagsusulat para hindi masayang ang oras. Naka-isang chapter naman ako bago tumunog ang alarm clock for six pm. Iniwan ko muna ang pagsusulat at bumalik sa kusina para magluto. Nang matapos ay bumalik ako sa ginagawa ko. Kahit nagsusulat ay bored na bored pa rin ako. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa ibabaw ng mesa nang tumunog iyon."Ma, napatawag po kayo?" bungad na tanong ko rito. Narinig ko ang halakhakan sa kabilang lin
•Gaea•Inihatid naman ako ni Russu sa mismong convenience store na pinagkuhanan nito sa akin kanina. Nang makalayo na ito ay tsaka naman ako naglakad patungo sa may condo ni Clyden. Malapit na mag-alas-otso nang gabi, pero sa tingin ko ay wala pa naman ito sa condo.Pakanta-kanta pa ako habang binubuksan ang pinto, may naisip na rin kasi akong scene para sa isang chapter. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad naman sa akin ang nakakunot-noong si Clyden."Saan ka galing?" seryoso niyang saad at sinuri ang suot kong damit. Napalunok ako dahil sa presensya, bumilis din ang tibok ng puso ko nang makita ko siya."Naghahanap ng inspirasyon," sagot ko sa kanya. Aalis na sana ako sa harapan nito nang hinawakan nito ang aking balikat at isinandal ako sa pinto. Napalunok ako habang tinititigan siya sa mga mata. "Ano ba, Clyden, may problema ka ba?!""Sino na namang lalaki ang pinu
•Gaea•Dinala ako ni Clyden patungo sa may sofa. Inalalayan ako nito na para bang napilayan ako sa pag-uusap namin ni Samantha. Hinayaan ko na lamang ito hanggang sa makaupo kami sa may sofa.Muli nitong sinuri ang katawan mula sa mukha, patungo sa aking braso at iba pang parte ng katawan. Natatawa akong hinuli ang kanyang mukha at inipit iyon sa pagitan ng aking dalawang kamay."Why are you laughing, Gaea? Baka nasaktan niya ang ulo mo at—" Tumigil ito sa pagsasalita nang tiningnan ko siya nang masama. Itinaas naman niya ang kanyang kamay bilang pag-surrender. "Nagugutom ka na? O Kumain ka na ba?"Umiling ako, sabay hawak sa aking tiyan nang makaramdam nga ako nang gutom pagkatapos niyang sabihin iyon. "May dala akong Jollibee's fried chicken pero nasa kotse ko dahil nagmamadali akong umakyat dito. Hintayin mo lang ako rito at kukunin ko muna. "Tatayo
•Gaea•Maaga akong nagising o sabihin na natin na hindi talaga ako nakatulog kagabi dahil sa pag-iisip sa ginawa sa akin ni Clyden. Simpleng 'I like you' lang naman iyon, pero para sa isang Clyden Lee ay pambihira na lang ang katagang iyon na lumabas sa bibig nito.Umupo ako sa sofa itinukod ang aking siko sa aking tuhod at ipinatong ang aking mukha sa aking kamay."Gaea, tulog ka pa ba?" Hindi ko pinansin ang tanong na iyon ni Clyden. Nakapikit pa rin ang aking mga mata, sinusubukang makatulog kahit na nakaupo. "Bakit ka natutulog d'yan? Hindi ka ba giniginaw at nangangalay? Para kang unggoy d'yan, Gaea."Kulang na lang ay tumayo ako sa aking kinauupuan at hambalusin siya ng unang bagay na aking makikita. Biruin mo na ang lahat huwag lang ang walang tulog.Tiningnan ko siya nang masama ngunit tinawanan niya lang naman ako. Lumapit ito sa akin, pinabab
GaeaI look at the rides in amazement. Wow! It's my first time here. Although nakakakita naman ako nito sa mga movies pero iba pa rin talaga kapag personal mo itong nakikita. The rides are so huge and tall.Nang mapalingon ako sa katabi ko, nakita ko si Clyden na nakatingin sa akin na para bang naaamuse. Taas noo ko itong tiningnan, ayaw kong makitaan niya ako nang pagkatakot at kaba."Oh, anong tinitingin tingin mo diyan? Ngayon ka lang ba nakakakita ng taong naaamaze na makakita ng rides?" tanong ko rito. He lowered his head and look at me eye to eye."You're just too cute to ignore. There's nothing illegal in watching you right?"I blushed with his words and look away. Tumingin ako sa ibang direksyon at pinilit na iwala sa aking isip ang kanyang mga sinabi. I heard him chuckle beside me but I was too embarrassed to look back. Alam ko kasi na mapula pa rin ang aking mukha. Nanlak
•Gaea•Pagkatapos naming kumain ay bumalik na nga kami sa amusement park, at ngayon ay nakasakay na kami sa Ferris Wheel. Noong unang ikot ay natakot pa ako pero nang tumagal na ay medyo nasanay na rin naman ako, lalo na at hawak ni Clyden ang aking kamay."It's beautiful!" Hindi ko maitago ang aking pagkamangha nang makita ang maraming bituin sa kalangitan, sinabayan pa nang pagputok ng mga fireworks. Ang sarap pagmasdan ng kinang ng bawat isa. "I wish I could touch them but I can't, since they're too far away," mahina kong usal habang pilit na inaabot iyon."I guess you're wrong, Miss Montessori." Kumunot ang aking noo at lumingon sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nais niyang ipahiwatig gamit ang mga salitang iyon."What do you mean? Hindi ba