Share

BODCT-3

BODCT-3

MARINEL

Nang umabot ako ay natigilan ako sa nakita ko. May lalaking nakatayo sa puntod ni Enzo at nakapamaywang pa ito. Naglakad pa ako ng mas malapitan. Natigilan na naman ako. Kasing tangkad ito ni Enzo, pati na ang hubog ng katawan at kakisigan nito. Iyon nga lang at medyo maangas ang dating ng pananamit nito kahit nakatalikod pa ito sa akin. Nakasuot ito ng leather jacket at fitted na pants na bumagay naman sa suot niyang black leather shoes.

Napakunot ako ng aking noo. Sino naman kaya ang lalaking ito? Humarap naman ito sa akin nang biglaan at laking gulat ko kung sino ang nasa harapan ko mismo. Nabitiwan ko pa ang mga dala ko dahil sa tindi ng gulat at takot.

Samu't saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Nagsalubong naman ang mga kilay nito at tinanggal pa ng tuluyan ang suot niyang Rayban shade. Nanlaki ang mga mata ko.

"Enzo!" sambit ko pa habang napapakurap nang ilang beses.

"Ahh!" tili ko at kumaripas na nang takbo.

"Hey you!" tawag pa nito sa akin at hinabol pa ako.

"Ahh! Multo! Saklolo!" tili ko ulit at matulin na napatakbo.

Halos mapugtuan ako ng hininga dahil sa layo nang tinakbo ko. Nasapo ko ang aking dibdib. Diyos ko po! Minumulto na yata ako ni Enzo. Dali-dali akong sumakay uli ng taxi at nagpahatid pauwi. Habang nasa loob ng taxi ay napapadasal pa ako. Panay sulyap tuloy sa akin ni Manong driver. Nanginginig ako sa sobrang takot nang makita ko si Enzo. Kung tutuusin ay hindi naman talaga ako dapat matakot. Masuwerte pa nga ako at nagpakita siya sa akin pero nakakatakot pala talaga iyong pakiramdam kapag may nagpakita sa 'yong multo.

Nanalangin pa ako ng ilang beses nang makauwi ako at ipinagtirik ko pa ng kandila ang larawan ni Enzo.

"Enzo naman e! Tinutupad ko naman ng pakunti-konti lahat ng habilin mo sa akin e! Huwag naman iyong ganito na tinatakot mo ako," mangiyak-ngiyak ko pang wika sa harapan ng picture niya. Napasinghot ako.

"Please, huwag mo na akong takutin. Promise talaga." Napa-cross my heart pa ako.

Sana naman makinig siya sa akin.

LUNES ngayon kaya maaga akong nagising at pumasok sa trabaho. Bubuga na naman kasi ng apoy ang bruhildang iyon kapag na-late pa ako.

Nang makarating ako sa hospital ay takang-taka pa ako kasi para yatang may okasyon. Hinila ko si Amelia nang mapadaan ito sa harapan ko.

"Amelia ano ang mayroon?" tanong ko pa.

"Nako girl! You wouldn't believe me!" Tila kilig na kilig pa ito. Hinila ko ang buhok niya.

"Ano nga kasi?" medyo naiinip kong sabi.

"May bisita tayo girl, fresh from states! Ugh! Grabe! He looks so deliciously tempting Greek God." Napanganga ako sa wika nito.

Para siyang si Nica. Asong ulol pagdating sa mga lalaki, lalo na't malakas ang dating. Napakamot na lang ako sa batok ko at sumakay na sa elevator. Pagkaabot sa ika-tatlong palapag ay agad din naman akong dumiretso sa opisina ni bruhilda.

"Nel, bakit ang tagal mo? Kanina pa kita hinihintay." Napakunot ako ng aking noo.

"Hindi naman po ako late, Doktora," sagot ko pa. Ngumiti naman ito ng pagkalapad-lapad.

Nakalunok yata ng ipis 'to, himala kasing nginitian niya ako gayong kahit kailan ay masamang-masama na talaga ang trato nito sa akin sa umpisa pa lang.

"Nako Nel kasi naman kailangan mo nang maglipit–"

"Po!? Tanggal na ako sa trabaho?" Tila maiiyak na ako kahit hindi paman nito natatapos ang sasabihin dahil sa biglaan kong pagsingit.

"Hindi Nel. Ililipat na kasi kita sa ibang opisina. Sa kanya ka na magtatrabaho at hindi na sa akin. May special kasi na bisita ang hospital na ito at ikaw ang napili niyang kunin bilang kanyang secretary," aniya.

Nakahinga ako ng maluwag. Ang suwerte ko naman yata at ako pa talaga ang napili niya bilang secretary gayong hindi pa naman ako totally nurse.

"Sige po," sagot ko na lamang.

Lihim akong napangiti. Sa wakas ay makakalaya na rin ako sa pang-aapi niya sa akin. Pareho naman kaming napalingon sa pinto dahil sa may kumatok. Si Doc. Suarez na mismo ang nagbukas ng pinto. Abot tainga pa ang ngiti nito at naging malamya ang naging pagkilos. Malandi rin e!

"Doc., kayo pala. Nel is ready to transfer in your office," ani Doc. Suarez.

Hindi ko pa makita kung sino ang kausap niya dahil nasa likod ako ng pinto nakapuwesto. Pumasok naman ito at lumantad sa akin ang kabuuan nito. Nanlaki ang mga mata ko at halos mapugto ang hininga ko. Si Enzo, nakatayo sa harapan ko at buhay na buhay. Bago pa man ito makapagsalita ay tuluyan na akong nawalan ng ulirat.

CALDWILL ENZO

I SMIRKED. Looking at her is terrible! Ang haba ba naman nang itinulog niya. Napapailing na lamang akong ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Hinayaan ko lang siyang makatulog sa sofa. Gladly, Doc. Suarez never doubt on my alibi that I can took care of her. Jeez! I almost freak out a while ago. Nahimatay ba naman nang makita ako. Definitely a weird woman.

Napasulyap ako ako sa aking relo. Damn! Anong oras ba siya magigising. I looked at the door when I heard someone knock.

"Come in," simpleng sagot ko lang.

"Sir, are we going now?" my bodyguard asked.

Shucks! I almost forgot my meeting with Mr. Himashita. Tumayo na ako at kinuha ang gamit ko. This is supposedly her worked but damn! She's still asleep!

"Bitbitin mo nga itong babaeng 'to at ipasok sa kotse!" turo ko pa sa babaeng ito.

Nabinyagan niya pa talaga ang bagong sofa ko dahil sa laway niya. This is totally a bad day for me!

"Magtawag ka rin nang maglilinis dito," medyo iritado kong utos.

Nagpatiuna ako sa paglakad hanggang sa makarating kami sa car park. Umuna akong pumasok sa loob, saka naman itinabi sa akin ang babaeng 'to. Pero nang maitabi ito sa akin ay biglaan naman itong nahiga sa lap ko. Napapailing akong napapahilot sa aking sintido.

"Ako pa ba ang magse-seat belt sa kanya!" iritado kong bulyaw sa mga bodyguards ko.

Napayuko ang dalawa at agad na inayos itong babaeng 'to sa pagkakaupo. I looked at her irritably. Daig niya pa nakainom ng sleeping pills. Dinukot ko ang phone ko sa bulsa at tinawagan si Elena.

"Cancell my meeting with Mr. Himashita," utos ko agad at pinatay ang phone.

I sighed. Until now, wala pa rin akong hint kung paano kami nakasal ng babaeng 'to. Halos iginugol ko na ang lahat ng oras ko sa trabaho at wala akong panahon para sa mga babae. And now, just a blink of an eye! Malalaman ko na lang bigla na may asawa na ako rito sa Pilipinas! Unbelievable! Sino kaya ang gumago sa akin!

HERE I am in my swivel chair, still waiting for her to wake up while reading a shakespare book. Tulog pa rin siya at sa mismong sofa ko pa. Kanina pa kami nakauwi pero hanggang ngayon ay tulog pa rin ito.

"Sir, siya ho ba ang asawa niyo?" tanong pa ng isa sa mga katulong ko nang mailapag nito ang kape sa center table.

Naigting ang panga ko sa tanong nito. My whole system can't still accept that I have a wife!

"Yes... I mean No? I don't know either," sagot ko.

Napabungisngis ito ng konti bago umalis sa harapan ko. Iritado kong inilapag ng malakas ang librong hawak ko sa center table, dahilan para magising siya. Muntik pa akong matawa dahil muntikan din siyang mahulog sa sofa sa pagkagulat. I cross my arms and leaned my back. Para pa siyang baliw na kumukurap-kurap habang tutok na tutok sa akin.

"You looked idiot," I said. Her face looked so pale.

"Ahh! Multo!" biglang tili niya at agad na napatago sa likod ng sofa. I smirked.

Napatayo ako at lumakad palapit sa kanya. Para siyang baliw sa ginagawa niya. Would you believe it!? I had a wife like her! Absolutely ridiculous.

"Alam mo bang nakakairita na 'yang pagtawag mo sa 'kin na isa akong multo. Do I look horrible?" naiinis ko pang tanong.

Napagapang naman siya ulit palayo sa 'kin. Napapaawang ang aking bibig dahil hindi pa rin ako makapaniwalang ganyan pa rin ang reaction niya. Like what the hell? Wala akong nagawa kundi ang hilain siya at pinaharap sa akin.

"Can you please act properly? And I am so tired playing like this!" iritado ko na talagang saad.

Hinawakan naman niya bigla ang mukha ko. Parang sinisipat niyang mabuti ang mukha ko.

"Hindi talaga ikaw si Enzo? Hindi ka multo? Eh! Magkamukha kayo e!" aniya. Tinabig ko ang kamay niya.

"Now sit and let's talk!" Umuna akong umupo.

Nakadekuwatro pa ako habang nakaekis ang dalawa kong braso. She sat in front of me and started to fidget.

"Stop that!" sita ko.

"Hindi ka talaga multo?" Naigting ang panga ko.

"Nakakairita ka na, alam mo ba 'yon? If I were a ghost, I won't be like this sitting in front of you!" She swallow hard.

"So? Bakit magkamukha kayo? Sino ka?" Nagsalubong ang kilay ko at napakunot ng aking noo.

"What is this? An interogation?" Napakamot naman siya sa ulo niya.

"Patay ka na, 'di ba? Imposible namang nabuhay ka, nandoon kaya ako nang mailibing ka," she said again. Mas lalo yata akong na buwesit sa sinabi niya.

"Will you please quit saying that? I am alive and I am not my brother, my twin! For Pete's sake!" halos pabulyaw ko nang sita sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status