BODCT-5
CALDWILL ENZOWHEN I'm finnished changing my outfit. I immediately grab my keys and went to my garage. Sumakay ako agad sa kotse ko at nag-drive papunta sa address ng apartment ng asawa ko raw. Hindi pa rin matanggap ng sistema ko na may asawa na nga talaga ako. Like what the hell! Nahilot ko na lamang ang sintido ko at isanaksak sa tainga ko ang aking airphones. Binuksan ko ang bintana ng aking kotse at itinanday doon ang aking kaliwang siko habang napapa-head bang ng konti dahil sa pinariringgan kong musika sa phone ko. So boring! Life is unfair too!NANG makarating ako ng Cubao ay napakunot ako ng aking noo. Nakatira siya sa iskinita and as usual pinagtitinginan ako ng mga tao. Nilapitan ko iyong isang bata na naglalaro malapit sa kalsada. Medyo madungis ito at punit ang damit. Nakakapanlumo ang ganito. I realized na masuwerte ako at lumaki akong marangya ang pamumuhay. I leaned down para magpantay kami."Bata, may kakilala ka bang Marinel Magtalas dito?" panimula ko.Nilingon nito ako at ngumiti sa akin."Si ate nurse po ba? Diyan ho, sa apartment po ni Aling Pipay," sagot nito.Ngumiti ako at dinukot ang isang daan sa bulsa ko at ibinigay sa kanya."Salamat po!" Bakas sa mukha nito ang tuwa.Ginulo ko lamang ang buhok niya at tinungo na ang bahay na itinuro nito. I hope she's here.MARINELPADABOG akong napababa sa kama ko. Nandiyan na naman kasi si Aling Pipay."Hoy Nel! Bayad mo sa tubig! Aba'y mapuputulan na ako ng tubig dahil sa 'yo ha! Upa mo pa sa bahay!" talak nito.Hinayaan ko lang siya dahil nagpapalit pa ako ng damit ko. Ngunit bahagya akong natigilan dahil natahimik na lamang bigla si Aling Pipay. Bakit kaya natigilan iyon? Hindi ko na lamang pinansin ito at inayos na ang aking buhok.Nang makita ko sa harapan ng salamin na maayos na ay walang gana akong lumapit sa pinto at binuksan ito. Napakunot pa ako ng noo dahil wala naman akong Aling Pipay na nakita sa labas ng aking pinto."Hi pogi!" tili ng isa sa mga tenant at kilala ko ang malanding iyon.Napadungaw ako sa ibaba at laking gulat ko nang makita ko si Caldwill na pinagkakaguluhan ng mga kapitbahay namin. At base sa nakikita ko'y nag-uusap pa ang dalawa. Agad akong napababa at pumagitna."Enzo... I mean, Caldwill anong ginagawa mo rito?" taka kong tanong.Ngumisi pa ito at napaismid sa akin."There you go my sunshine! I've been waiting for you to come out," anito kasabay nang pagkabig nito sa akin palapit sa kanya. Napakapit pa ako sa braso nito dahil grabe ito kung makadiin sa akin."Bitiwan mo ako," madiin at pabulong kong sabi.Napaismid lang ito at nakakalokong ngumiti sa akin."Nako Nel! Hindi mo naman sinabing may asawa ka na pala ha! Ang yaman pa!" ani Aling Pipay.Naningkit ang mga mata ko sa narinig ko. Wow! Isang himala! Halos isuka na nga niya ang salitang asawa e! Ngayon ipinangangalandakan niya pang asawa niya ako. Plastik! Kunwariang ngiti lang ang itinugon ko kay Aling Pipay at matalim akong napatitig kay Caldwill."Paano ba 'yan Nel, dito na ako sa asawa mo hihingi ng pambayad sa mga bayarin mo sa akin," ani Aling Pipay na ikinalaki ng mata ko."Ho!? Ako ho ang magbabayad ng mga–uhmp !" Tinakpan namang bigla ni Caldwill ang bibig ko dahilan para mapatigil ako.Dumukot ito ng pera sa bulsa niya at iniabot kay Aling Pipay. Bahagya pang nangislap ang mga mata nito nang makita ang ilang libong perang iniabot ni Caldwill sa kanya."Aba'y galante!" natutuwang sambit naman ni Aling Pipay.Walang pag-alinlangan kong tinampal sa pisngi si Caldwill at napatawa kunwari. Kumunot naman ang noo nito."Tatadyakan talaga kita! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!?" bulong ko ulit at pinipigilang mapataas ang aking boses."Shut up!" maawtoridad nitong utos sa akin na ikinaawang naman ng aking bibig. Muli itong pumaling kay Aling Pipay na abala sa pagbibilang sa hawak nitong pera."Don't worry, that will be the last time you'll recieve that. I am taking my wife in my mansion. So, I guess we're clear in here so we better go," ani Caldwill."Oh sure!" sagot pa ni Aling Pipay.Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Ako? Titira sa mansion niya!? No way! Tinabig ko ang kamay nitong nakahawak sa baywang ko pero bago pa man ako makaimik ay hinila na nito ako at itinulak pasakay sa loob ng kotse niya."Hoy! Caldwill! Ano ba!?" tawag ko rito.Ini-lock kasi nito ang pinto ng kotse. Nasa labas pa ito at may kausap sa phone niya. Napatanga rin ako ng ilang saglit habang pinagmamasdan ito. Simpleng t-shirt na kulay itim lang ang suot nito, na pinarisan ng faded pants na maong. At aminado akong hindi lang siya basta guwapo, pati ang sex appeal nito ay nakakadala. Napailing ako at nasapo ang aking noo. Nababaliw na yata talaga ako! Napaayos na ako nang upo nang mapansin kong tapos na ito sa kinakausap niya sa kabilang linya. Pumasok na ito sa driver seat at pinaandar na ang kotse."Buksan mo 'to!" utos ko pa. Nilingon lang nito ako at tuluyan nang pinatakbo ang kotse."From now on you'll live in my house. And I won't take no for an answer. My maids are going to pack your things today," walang gatol nitong wika."Ano!? Teka lang Caldwill, anong karapatan mo para gawin sa akin ito, ha!?" Bumaling ito sa akin at ngumiti ng nakakaloko.Kung iyong ngiti ni Calvin ay nakakatunaw ng puso, ibang klase rin ang ngiting mayroon si Caldwill. Nakakaakit ang mga labi nito! Inay ko po! Nag-iwas ako ng aking paningin."You're asking me? I am your husband and it's valid you know." Nakakaloko nitong sagot at napahampas sa manibela na ikinagulat ko. Napatameme ako. Galit ito at nakikita ko iyon sa mga mata niya."Do you know what it feels like? The feeling of being betrayed by the one you've trusted? The one you've treated like your buddy! Do you exactly feel that! Of course you do!" Napa-break ito ng biglaan kaya napakapit ako sa seat belt ko.Pinaghahampas nito ang manibela at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nakakatakot kaya siya! Napasandal ito sa upuan at napahugot ng malalim na hininga."Let's finish this!"Kinabig nito agad ang kotse at tinahak ang daan papuntang Makati. Makati? Anong gagawin namin doon? Kabanas! Kung magtatanong ako rito sa katabi ko ay baka tumilapon pa ako sa palabas ng kotse niya. Gasgasan ko kaya itong Montero niya."Quit that!" sita nito sa akin bigla.Inalis ko agad ang mga kamay ko sa pagitan ng mga hita ko. Kaloka! Naiihi na kaya ako! May nadaanan kaming Motel kaya agad kong kinalas ang seat belt ko."Hinto!" sigaw ko na ikinapreno rin naman niya ng wagas. Muntik pa akong masubsub."Are you crazy!" singhal nito."Crazy mo mukha mo! Naiihi ako!" singhal ko rin at agad na napababa ng kotse niya.Diretso ako agad sa Motel at nakigamit ng banyo. Pagkatapos ko'y nagpasalamat na ako at lumabas din naman agad ng Motel. Bahagya pa akong napatanga. Lakas ng karisma ng gago! Nakasandal ito sa kotse niya habang naninigarilyo. He is really the bad side of Calvin Enzo Villaraza. Of course he does! Bakit kasi naging kambal pa silang dalawa. Lalo lang ipinamumukha sa akin ng tadhana na konektado pa rin ang past love ko sa kasalukuyan. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang sigarilyo. Inapakan ko ito at matalim siyang tinitigan."Who are you to do that!?" singhal niya."I am your wife, you know and it's valid!" balik ko sa kanya. Napakunot ito ng noo."Whatever! Get in!" utos nito. Napapailing na lang akong sumakay ulit sa kotse niya.TAHIMIK kami buong biyahe hanggang sa marating namin ang..."Bahay ito ni Andy," ani ko pa.Hindi ito umimik at agad lumabas ng kotse. Parang hindi maganda ang kutob ko rito. Sumunod ako agad sa kanya. Halos sirain na niya ang doorbell dahil sa kapipindot. Sakto rin namang bumukas na ang pinto at si Andy pa mismo ang nagbukas nito."Caldwill? Nel?" Tila gulat pa ito nang makita kami."Caldwill mo mukha mo! Gago!"Agad siyang sinuntok ni Caldwill. Gulat at napanganga ako sa ginawa niya kay Andy. Agad akong pumagitna para awatin siya."Ano ba!? Nababaliw ka na ba!" Itinulak ko si Caldwill at inalalayang makatayo si Andy."Go! Ipagtanggol mo siya! Do you think I am the only one he betrayed! Damn it!" Nagpupuyos ito ng galit at parang gusto pa nito ang sugurin si Andy.Bumaling ako kay Andy. Putok ang labi nito at napapangiwi pa dahil sa sobrang sakit."Andy anong tinutukoy niya?""Magpapaliwanag ako Nel." Napanganga ako."Alam mo 'to!?" Napatango ito at pumasok sa loob ng bahay niya. Sumunod kaming dalawa ni Caldwill sa loob."You two, sit down and let's talk properly," ani Andy.Pareho kaming umupo sa sofa ni Caldwill. Pati ako ay nakaramdam din ng galit! Galit na galit! Ngayon alam ko na kung bakit nasuntok ni Caldwill si Andy. Matagal niya na pa lang alam na kasal ako kay Caldwill. Pinagmukha niya akong tanga! Umupo si Andy sa harapan namin at pareho kaming inabutan ng envelope."I swear to god! Pareho lang kaming napilitan ni Veronica na gawin iyon," panimula nito.Nagulantang ako sa narinig ko."Si Nica? Alam niya?" hindi makapaniwala kong tanong. Malungkot na napatango si Andy.I can't believe this! Hindi lang si Andy ang nagtraydor sa akin, pati rin pala ang best friend ko!"Naglalaman ng envelope na 'yan ang mga sagot at paliwanag. I swear, bro! I never did this without a valid reason," baling ni Andy kay Caldwill na kanina pa nagpipigil ng galit."Make sure that this tape will give you an exemption! Because I swear to god Andy. You'll pay for this!" galit na banta ni Caldwill kay Andy at umuna na itong lumabas ng bahay. Malungkot namang napayuko si Andy. Tumayo na ako."Sana nga valid reason ito Andy. Ayaw kong magtanim ng galit sa iyo, lalong-lalo na kay Nica. Mauna na kami Andy. Mag-usap na lang tayo kapag maayos na ako," ani ko at tinapik ang balikat nito. Lumabas na rin ako ng bahay niya at diretsong sumakay sa kotse ni Caldwill. Sana nga may dahilan ang lahat ng ito.BODCT-6CALDWILL ENZOWALA kaming kibuan hanggang sa makauwi kami sa mansion ko. Atat na atat na rin akong panoorin ang laman nitong tape! Diretso ako agad sa loob ng kuwarto ko pagkapasok ko sa mansion. Kinuha ko agad ang laptop at isinaksak ang tape rito. I badly need to see what's inside of this. Ilang saglit pa at nag-play na ito. I frowned when I saw Calvin's bedroom. I know, kuwarto niya ito sa condo niya. How can I forget my own bedroom design for him. "This is nonsense!" I retorted. I was about to remove the disk when someone spoke. He was sitting on the edge and he looks so sick. I froze and then afterwards I let it play. "Hi Kuya! Brother? Whatever! You just like me to call you, Kuya. Yeah! Halata na ba sa itsura ko na malapit na ang dead end ko? I know you do. You're the best doctor that I ever had." He paused. My heart melts. Bahagya pa akong napaayos sa pag-upo at halos idikit ko na ang mukha ko sa screen. His jokes made me smiled bitterly. Nagsimula na siyang maiyak
BODCT-7MARINEL"Hey, my universe..." Napahikbi ako at mas lalo ko pang nilakasan ang volume ng laptop para marinig ko ang boses niya. Nang sa ganoon ay parang kasama ko lang siya, iyong parang kaharap ko lang siya. "Miss me? I know you do..." Patuloy lang ako sa pagpunas ng aking mga luha, maging siya ay umiiyak na rin. "Nel..." Napahagulhol ako lalo. Na-miss ko ang pagtawag niya sa akin ng pangalan ko, lahat-lahat. "Sorry if I drag you to this situation. I..." Bahagya pa siyang napatigil at nagpunas ng luha. Napatawa pa ito ng konti at labis ko iyong ikinahikbi ng husto. Pakiramdam ko'y ano mang oras ay mapuputulan na ako ng hininga dahil sa sikip ng dibdib ko. "You know how much I love you Nel and I know Caldwill will took cared of you... Sa oras na mawala ako." Napatungo na ako sa mesa at halos hindi ako makapaniwala sa naririnig ko mula sa bibig niya. "Nel... Please understand me. I know, pinangunahan kita..." His voice started to broke. Muli akong nag-angat ng aking ulo a
BODCT-8CALDWILL ENZOAGAD kong ipinasok ang kotse sa garahe nang makauwi kami ng mansion ko. Umuna akong bumaba and didn't even bother to open the door for her. Nah! Just a waste of time to treat her like a princess. "Aray!" Narinig kong daing niya.Bahagya ko siyang sinulyapan. Nauntog lang naman siya sa flower pot na nakasabit sa ceiling. "So clumsy!" iritado kong bulong at tuluyang pumasok na sa loob ng bahay ko. "Ivan!" tawag ko agad nang hindi ko ito makita. "Sir," he answered. Pumaling ako sa aking likuran. "Saan ka ba galing!?" iritado kong tanong. I am not really at my mood right now. "Sorry sir, I am just checking the maids if they already prepared the guest room for your wife," maiksing paliwanag niya lang. I just half smirked and walk upstairs. Ngunit nahinto ako at bumalik tanaw sa ibaba ng hagdan. Napakunot ako ng aking noo. She's talking to Ivan."Marinel!" tawag ko. She look at me at agad din namang sumunod sa akin. "Will you please quit moving like a turtle,"
BODCT-9MARINEL"Coffee?" walang ekspresyon pa niyang alok sa akin. Napasandal ako at napaekis ng mga braso. "Black coffee," tipid na sagot ko lang din naman. Itinabi niya ang dyaryong hawak at muling humigop ng kape."Ivan, give her milk," baling niya sa mayordomo niya o butler. What so ever! Agad itong tumalima at tinungo ang kusina. Pinaningkitan ko siya ng aking mga mata dahil atat na atat na talaga akong malaman kung ano ang pag-uusapan namin ngayon. Muli itong humigop ng kape at biglang napatitig sa akin. Sa lagkit nang titig niya, kulang na lang ay maging bato ako. "Bukas darating ang Mama ko," aniya sabay lapag ng kape sa maliit na mesang nakalagay sa gitna namin. Hindi ako umimik sa sinabi niya dahil alam ko, paniguradong mababara na naman ako. "Aaminin natin sa kanya ang totoo, whether she don't believe it or not," tuloy niya at maluwag akong nakahinga. Gusto kong lumundag sa sobrang tuwa pero nagpipigil ako. Bigla naman siyang napangiti. God! You sent an evil with a
BODCT-10Caldwill EnzoPARANG gusto ko na yata manapak ng babae ngayon. Damn it! Kanina niya pa ako pinaghihintay! I told her to packed everything but here she goes! Marami pa raw ang hindi naisilid sa maleta ni Marinel."Are you done Veronica? Because if not, I maybe come back later," walang gana ko pang sabi rito. This woman is crazy! Paano kaya siya matatapos niyan kung panay naman ang pagpapa-cute niya sa akin. At kung makasilid naman sa maleta ay may kasama pang kembot. Tss! Napailing ako ng konti."Sandali lang Caldwill, last na talaga ito," aniya. Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko at walang pasabing lumabas. I whistled then my driver run to me. "Get the stuffs!" iritado kong utos. Diretso ako agad nang lakad papunta sa sasakyan ko. Damn that woman! I waste almost half an hour waiting for her to get finished! Pumasok na ako sa sasakyan. Napansin kong dala na ng driver ko ang mga gamit ni Marinel."Dalian niyo po Mang Damian. I am so late!" Medyo hindi na ako mapakali sa k
BODCT-11MARINELHINDI rin naman nagtagal ay natapos din ako sa pag-aayos. Sa tindi ng pagod ko'y napahilata na ako sa sahig. "You really ruined my design..." Napatingala pa ako at hinagod siya nang tingin mula paa hanggang ulo. Nakapamulsa pa itong napasandal sa pinto. "Hindi ka ba marunong kumatok?" Tinaasan ko pa siya ng kilay. "Why would I knocked? The door is widely opened anyway." May konting ismid pa siya sa akin. "Ikaw na!" sagot ko na lamang at napatayo na. Kinuha ko ang towel sa kabinet at pinunasan ang sarili kong pawisan. "Get this," aniya sabay lapag ng credit card sa kama ko. Kunot-noo akong napatitig lang sa kanya. "Para saan naman 'to?" tukoy ko sa credit card na bigay niya."Asawa kita and I am responsible for your own needs," aniya pero imbes na kunin ko ay ibinalik ko sa kanya ang credit card. "Asawa mo lang naman ako sa papel. Ikaw na rin naman ang nagsabi na hanggang ganoon lang tayo. May suweldo naman akong matatanggap mula sa pagiging isang secretary ko
BODCT-12CALDWILL ENZO ILANG minuto rin akong nakahiga sa kama ko bago ko napagpasyahang tumayo na at lumabas ng kuwarto ko. "Sir, Andy is here, in the pool area," Ivan said. Tinapik ko lang ang braso niya at napababa na ng hagdan. "Manang, some can of beers please," utos ko pa nang mapadaan ako sa kitchen area. Sa likod na kasi ako dumaan. Then I saw Andy sitting on the sun lounger. "Hey..." bati ko nang makaupo ako sa kabila. "Hey..." bati niya pabalik. I can see his awkwardness on me. "Just forget about what happen Andy. I'm sorry if I punched you really hard," panimula ko.Agad naman siyang napatayo at bigla akong niyakap. The hell!?"Let go! Damn it Andy!" inis ko pang sita sa kanya. He laughed."Ang arte mo talaga bro, pero salamat," aniya. I just smirked and nodded. Dumating naman si Manang Ester dala ang mga can ng beers at inilapag sa mesa namin. Andy immediately grab one can and opened it. "Nagkaintindihan na ba kayo? I mean, nagkausap," he asked. Napatango ako. "N
BODCT-13MARINELHINDI rin naman nagtagal ang biyahe ay narating namin ang SM Laguna. Pagkaparada niya ng kotse ay nauna na itong bumaba. Bumaba na rin ako. Napamaywang akong napatingin sa entrance ng mall. Ano naman kaya ang gagawin namin? Bigla namang lumapit itong si Caldwill sa akin at hinapit ako sa aking baywang. Napalunok ako dahil sa biglaan nitong paghapit sa akin."Hindi 'yan matutunaw sa kakatitig mo," ani Caldwill. Daig ko naman na parang napaso kaya inalis ko naman ang kamay niya sa baywang ko. Naman Nel! Nagwawala puso mo oy! Napayuko ako. Bakit ba pakiramdam ko ay para akong sinampal dahil mainit itong mga pisngi ko. "Tara na..." akay nito sa akin at hinila na ako. Habang naglalakad kami paakyat ng second floor ay 'di ko maiwasan ang mapasulyap sa kamay niyang nakahawak sa akin. Nagmumukha na akong weird pero sa tuwing bumabait siya sa akin ay parang natutuwa pa ako. "Your steps!" Narinig ko pang sambit ni Caldwill. Bago pa man ako makasagot ay mabilis na niya ako