Eli
Nasa harap ako ngayon ng taong sumalo sa akin mula sa muntikan ko na sanang pagbagsak. If it wasn't for him, baka may bangas na ako ngayon sa mukha. Mahigpit ang hawak niya sa akin at hindi ako nakakilos kaagad noong tanungin niya ako kung ako daw ba si pepper mint.
I know this guy. Kaya nga gulat na gulat ako sa pagsulpot niya dito sa harapan ko. At para masigurado na siya nga ang kameet-up ko ay tinanong ko rin siya pabalik.
"Ikaw si J-john Smith?" nauutal kong tanong sa kanya.
Nasilayan ko naman ang malawak nitong ngiti sa labi bago niya ako sinagot.
"Oo, I'm John Wildon Smith." He said with full of excitement.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang kumpirmahin niya iyon sa akin
Eli Nagsimula akong kabahan nang makita kung sino iyong nasa bandang unahan, 'di kalayuan sa kinau-upuan naming dalawa ni Wildon ay natanawko ang dalawa kong kaklase. Kung bakit ba naman kasi sa kamalas-malasan ay dito pa napiling magdate nitong magsyotang sina Theo at Yumi. Paano kung biglang mapalingon sila sa direksyon namin nitong si Wildon? Me, watching movie with this oh-so-handsome guy? Mahirap na. Baka mamaya ay kung ano pang isipin ng dalawang 'yon, oras na makita nila ako na kasama si Wildon. Lalo na si Theo. Kilala niya itong si Wildon at last time na nagkita silang dalawa ay sobrang init ng ulo niya dito. For sure na magtataka na naman 'yon kung makita niya kaming magkasama nitong si Wildon. Teka nga? Ano nga bang paki niya? Ni hindi ko nga sila pinaka-kailaman ng diyowa niyang si Yumi. Tss! "What's wro
EliSumapit na ang araw ng Linggo. Umaga pa lang ay abala na si Mama sa paglilinis ng bahay. Pinaghu-hugasan niya rin lahat ng nakatago niyang kagamitan sa pagluluto na gagamitin niya raw mamaya. "Ma, bakit inilabas niyo pang lahat 'yan eh parang andami niyo namang lulutuin?" Puna ko kay Mama habang tumutulong sa pagkuha niya ng medyo maalikabok nang mga tupper wares. "Ano ka ba 'nak! Birthday mo ngayon kaya marami talaga akong lulutuin. Isa pa may darating kang mga bisita kaya dapat lang na matikman nila lahat ng specialties ko no." Pagmamalaki nito sa akin. Nagtakip ako ng ilong dahil sinimulang pagpagan ni Mama ang alikabok sa hawak niyang mga plastic na lalagyanan ng ulam.Tu
Eli"Happy Birthday Eli!""Woooooh!"Sabay-sabay nagpalakpakan ang mga kaklase ko matapos kong ihipan ang kandila sa ibabaw ng cake na binake pa mismo ni Mama. As usual, kinantahan muna nila ako ng happy birthday song bago iyon mangyari.I'm legally 19. At salamat sa lahat ng blessings na natatanggap ko mula sa langit.Si Mama ang nag-slice ng cake na siya mismo ang nagbake at ibinahagi niya ito sa mga classmate kong kanina pa niya inaabutan ng sari-saring pagkain. Mabuti na lang at mukhang kinagi-giliwan ng mga kaklase ko itong si Mama.Pasimple akong napasulyap kay Theo habang hawak ang isang platitong may slice ng cake galing kay Mama. At nang makitang nasa akin rin ang dako ng kanyang paningin ay napakurap ang aking mga mata. Nabalik ang tingin ko sa cake na hawak ko dahil sa pa
EliLife is really full of surprises. I just turned 19 yesterday. Simple lang naman ang celebration. Wala masyadong ganap kundi kumain kasama ang mga kaklase at kaibigan ko. Nagkuwentuhan. Nakatanggap ako ng mga regalo mula sa kanila. Tipikal na set-up kapag sinabi mong birthday. Pero hindi doon natapos ang lahat. Hindi ko inaasahan ang isang surpresa na kahit siguro sa panaginip ay hindi ko naisip na mangyayari. Lasing si Theo nang bumalik siya sa bahay namin kagabi. Hindi ko alam kung anong pakay niya noon pero, si Mama na mismo ang nagpapasok sa kanya nang makita niya ito sa may labas ng gate.Halos wala nang malay si Theo that time kaya nag-alala ng
EliSobrang ikinagulat ko ang balitang narinig mula kay Yumi.Theo dumped her.Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata ni Yumi habang ikinu-kuwento niya sa akin kung papaanong basta na lang nakipagbreak sa kanya si Theo. I asked her if anong dahilan kung bakit ito nakipagbreak sa kanya pero ayon kay Yumi ay hindi ito nagbigay ng kahit anong rason sa kanya. Basta sinabi lang nito na tinatapos niya na ang pakikipagrelasyon kay Yumi, then 'yun na 'yon."Hindi ko alam kung may nagawa ba akong masama sa kanya o ano? Ang saya-saya pa namin noong isang araw at wala akong naaalala na may nagawa akong kasalanan sa kanya Eli." sambit ni Yumi habang patuloy sa pagbuhos ang mga luha nito. Pinahid niya iyon ng kanyang kamay saka itinuloy ang sinasabi."Simula noong umalis kami sa birthday party mo, doon na siya nagsimulang maging cold. Para siyang lutang habang naglalakad
EliDali-dali akong tumakbo pabalik sa room namin matapos makipag-usap kay Theo. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa tumakbo ako pabalik rito, o dahil ba iyon sa narinig kong sinabi ni Theo."Ayos ka lang, pre?" Napalingon ako sa nagsalitang si Kenneth nang makaupo na ako sa upuan ko. Hawak niya ang cellphone niya habang nakatingin sa akin. Marahil ay nagtataka ito kung bakit para akong hinabol ng aso kung makahabol ng hininga.Hindi ko napansin na nakahawak pala ang kanang kamay ko sa aking dibdib. Damang-dama ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko ito masabayan ng bilang sa sobrang bilis. Parang aatakihin na ata ako sa puso.Ilang beses akong huminga nang malalim bago ako sumagot kay Kenneth."Ah, eh... Ayos lang a-ako. W-wala to." Nauutal kong tug
EliDiretso ang tingin ko sa daan habang naglalakad pauwi. Sa dami kong iniisip ay halos humabog na ang utak ko. Napakabilis ng mga pangyayari. Noong mga nakaraang linggo lang ay naging magsyota sina Theo at Yumi. Magkasama pa silang umattend sa birthday celebration ko pagkatapos ay bigla-biglang nagkahiwalay silang dalawa. At ang nakakagulantang na twist ay ako ang rason kung bakit hiniwalayan ni Theo si Yumi.Gusto niya daw ako. Matagal niya na akong gusto. Noong una ay mahirap itong paniwalaan dahil kilala ko si Theo bilang isang tigasin at straight na lalaki. Ni hindi nga pumasok sa isip ko na interesado pala siya sa akin noon pa.Noong ipagtapat niya sa akin ang tunay niyang nararamdaman at ikuwento kung paano siya unti-unting nagkakakgusto sa akin ay parang lumutang ako sa ere. First time na may isang tao na nagtapat sa akin ng ganoon kaya aaminin kong sobra akong ki
Eli"Theo, anong ginagawa mo rito?"Gulat kong tanong sa lalaking nanlilisik ang mga tingin sa katabi kong si Wildon na ngayon ay nakangisi na. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Kinakabahan ako sa posibleng mangyari dahil parehas nilang ayaw sa isa't-isa.Hindi ko naman kasi inaasahan ang biglaang pagsulpot nitong si Theo mula sa kawalan. Sandali nga. Hindi kaya siya 'yung taong nakita ni Mama kanina? Marahil ay siya nga iyon pero bakit hindi siya nagpakita sa akin noong nilabas ko siya? Dahil ba nakita niya si Wildon sa may sala?Nag-igting muli ang panga ni Theo bago ito nagsalita."Gusto kitang makausap, Eli. Pauwiin mo na ang lalaking iyan." may diin na tugon sa akin ni Theo. Mahahalata sa boses nito ang pagpipigil nito sa kanyang galit. Hindi niya ako nilingon nang sabihin niya iyon at na kay Wildon pa rin ang kanyang matatali