Faye's POV
Naawa ako kay Denise dahil namumula na ang kanyang mukha. Bugbog ang inabot niya kay Black. Marahil ay nalaman na ni Black ang ginawa niya kay Bella. Naalala ko tuloy ang mga pinaggagawa namin ni Denise dahil sa aming ka-obsessan kay Jarvis. Nagsimula kami sa pag-stalk sa kanya, sa pagkuha ng mga pictures noong nalaman naming nakikipag-date si Jarvis. Si Denise ang naglagay ng mga picture sa bulletin ng Red Dragon University kung saan nag-aaral si Jarvis para maipaalam sa lahat na may babae na siya.
Hanggang sa lumipat na kami ng school para lang makasama namin si Jarvis. Sa sobrang obsess niya ay binalak niyang patayin si Bella. Ginamit niya pa ang helicopter ni Black na ipinahihiram para sa amin. Sinabi ni Denise sa akin na hindi niya talaga balak buhayin si Bella ngunit hindi siya nagtagumpay. Pagkatapos ng pangyayari ay pinasabog niya ang helicopter at pinalabas na nagkaroon ng aksidente kaya ito sumabog.
Bella's POV Nagmamadali ang mga hakbang ko dahil male-late na ako sa unang subject ko. Dahil sa sobrang pagmamadali ay hindi ko napansin na may tao akong nakasalubong kaya ang nangyari ay nagkabanggaan kami. Mabuti na lamang at mabilis ang reflexes ng taong ito kaya nahawakan niya ang baywang ko. Nanigas ako nang maamoy ko ang pamilyar na pabango na iyon. Pag-angat ko ng tingin ay sumalubong sa akin ang pares ng matang matamang nakatingin sa akin. Kumurap-kurap ako para malaman na totoo ang taong nasa harapan ko. Ilang araw ko na siyang pinagtataguan at mukhang mamalasin ako ngayon. "Let go of me," inis na sabi ko sa kanya. Binitawan niya naman ako agad. Pasimpleng sumulyap ako sa paligid at napamura na lamang ako sa isip ko nang mapagtanto kong lahat ng schoolmates ko ay nakatingin sa amin. Mapanuring mga mata ang nakatutok sa direksyon namin. Ang ilan pa nga ay napapataas ang kilay sa nangyari. "Nakakainis!" mahinang bulong
Jarvis' POV Ito ang huling araw namin sa Isla Emperor at ngayon ay naghahanda na kami pauwi sa Manila. Tiningnan ko si Bella na nakatanaw sa labas. Napangiti ako nang makita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. "Babalik pa uli tayo dito," nakangiting sabi ko. Malungkot na lumingon siya sa akin. "Matagal pa iyon." Ibinaba ko ang aking bag sa sahig at nilapitan ko si Bella. Niyakap ko siya mula sa likod. "Gusto mo ba na dito na lang tayo?" "Pwede?" Napangiti ako sa tanong niya. "Sure ka?" "Nagbibiro lang ako 'no! Tara!" nauna na siyang naglakad patungo sa private plane namin. Tahimik kami sa buong biyahe at nakuntento na lamang kami sa yakapan naming dalawa. Pagbaba namin mula sa private plane ay biglang may naalala si Bella. "OMG! Quiz ko pala bukas!" Bella's POV Sh*t! Bakit ngayon ko lang naalala? Hindi pa ako nakakapag-review. Nanghihina na napatingin ako
Jarvis' POVNandito kami ngayon sa isang suite ng Hotel Fortalejo. Ilang beses kong tinatawagan si Bella pero hindi niya sinasagot ang tawag ko, siguro ay natutulog pa siya. Napangiti ako nang maalala ko ang pinagsamahan namin sa Isla Emperor. Iyon na ang pinakamasayang parte ng buhay ko ngayon."Mukhang masaya ka yata Emp?" tanong ni Rain.Ngumiti lamang ako sa kanyang tanong."Iba ang ngiti mo ngayon, Jarvis," sabi naman ni Fuji."Oo nga! May lagnat ka ba, pare?" tanong ni Nathe."Gago talaga kayo!" wika ko sa kanila. "Masaya lang ako.""Bakit pare? Naka jackpot ka ba?" nakangising wika naman ni Jace."Siraulo, huwag mo akong itulad sa iyo," sabay bato ng pillow sa direksyon niya.Nagkatinginan silang lahat sa ginawa ko at palihim na ngumiti sila."Pupunta ba si Angel, Trace?" tanong ni Nathe kay Trace."Sa pagkakaalam ko, oo, dahil kahapon ay nagpasama siya kay Jace na mag-shopping," wik
Bella's POV Agad akong inalalayan ni Jarvis patungo sa kanilang table. Napansin kong masama ang tingin sa akin ni Pamela. Pagkaupo ko'y agad kong tinanong si Jarvis habang nakaturo ako kay Pamela, "Sino siya, bf?" "Siya ang Ate Pamela ko," mabilis na tugon niya. Oh no! Ate ni Jarvis ang business partner nina Papa at Mama? "Why are you here, gf?" pahabol niyang tanong. "Don't you want me to be with you?" balik kong tanong sa kanya. "No, I mean, what made you come here?" pagpapalit niya ng tanong. Pinag-isipan ko kung ano ang dapat kong isagot. "Hmm..." Nakatutok siya sa akin. Hindi ako pwedeng sumablay ng sagot dahil baka malaman niya ang tunay kong pagkatao. Pagsilip ko sa aking bag ay nakita ko ang dalawang invitation cards na para sa akin. Inilabas ko ito at ipinakita ko sa kanya. "Here. I received an invitation." Nakalagay doon na para ito kay Bella Uy. Agad ko namang tinago ang isa pa na par
Lara's POVNagulat ako sa tanong ni Pamela sa akin. Naisip ko tuloy ang tunay na Black Butterfly. Napatingin ako kay Bella. Totoo nga ang nakikita ko, si Bella Echizen-Smith, ang tunay na Black Butterfly. Siya pala ang naging girlfriend ni Jarvis. Pinag-ingat ko pa siya sa Black Dragon Gang noon. Nakalimutan kong sabihin na mag-ingat siyang huwag mahulog ang loob sa mga ito. Hindi makatingin ng diretso sa akin si Bella. Agad siyang tumayo. "Excuse me," pumunta siya sa comfort room."I'll just wait for her to be ready," sagot ko kay Pamela sabay tingin kay Fake Black Butterfly.Agad na tumayo si Barbie. "Excuse me," nakita kong papunta rin ito sa comfort room."Wait? Bakit kailangan pa nating maghintay? Kailangan mo pa bang maghanap ng maihaharap mo sa akin?""Nope. The real Black Butterfly was never a flirt, she's also educated and with class.""Okay. I'll wait for that," sarkastikong tugon niya.Naubusan na ang aking
Bella's POVMasama ang pakiramdam ko dahil "red day" ko ngayon. Ayaw ko talaga kapag first day ko dahil sobrang pamimilipit ang nararanasan ko. Kung wala lang talaga kaming quiz ay hindi na ako papasok, kahit masama ang pakiramdam ko ay naisipan kong dumaan muna kay freak bago ako umuwi. Nang bubuksan ko na sana ang pinto ay napatigil dahil sa aking narinig."I'm the one that should kill that Black Butterfly."Nanginig ako nang marinig ko iyon. Hindi ako puwedeng magkamali dahil boses iyon ni Jarvis."What's the plan, Emp?""Act on your own. I just want her life."Kinabahan ako sa sinabi niya. Ako ba ang tinutukoy niya? Bakit?"Oh Bella, bakit hindi ka pumasok?"Gulat akong napalingon nang marinig kong magsalita ko si Fuji mula sa likuran ko. "Ah?""Bakit parang namumutla ka?" kunot noong tanong niya."Ah.. eh.. kasi..." hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pinto ng head quar
[After Three Days]Bella's POVHindi pa rin pala nagpapakita si Jarvis sa Black Dragon Gang maging sa akin at nag-aalala na ako. Kakapasok ko lang at naglalakad papunta sa headquarters nila. Pagpasok ko ay agad nila akong binati nang sabay-sabay na ikinagulat ko naman."Hello, Mrs. Fortalejo!" pabirong sabi ni Jace."Bigyan niyo ng upuan si Empress," dagdag pa ni Rain."Mga adik ba kayo?" usal ko sa kanila."Bella, can we ask you a favor?" tanong ni Jace."Yeah, sure," mabilis na tugon ko."Can you go to Jarvis' house?""What? Me?" Nagulat ako sa tanong nila."Yeah, kasi mas gusto ka niya makita kaysa sa amin.""Noong isang araw, pinuntahan namin 'yon sa bahay tapos pinauwi niya agad kami," sabi ni Nathe."Hindi man lang nga bumaba sa kwarto niya para sabihin sa amin na umuwi na kami, pinasabi lang sa maid nila," dugtong pa ni Nathe."Pero 'wag mong sasa
Lara Melissa's POV"See you later, dear," sabi ko kay Bella sa text.Ngayon na kasi ang paghaharap nung Black Butterfly na sinasabi ni Pamela at ang tunay na Black Butterfly. Excited na ako kung paano tatalunin ni Bella ang manlolokong 'yun."Are you ready?" text ko naman kay Pamela.I just can't help myself teasing her because for sure, she'll end up losing.Pamela's POVNakakainis dahil malaking insulto para sa akin kung matatalo ang bwisit na Barbie na 'yun. Tinawagan ko si Barbie at pumunta ako sa lugar na pagdarausan ng face-off. Pagdating ko doon ay marami ng tao, marami talagang taga-hanga si Black Butterfly."Hello, Blue. Nasaan na kayo?""Malapit na kami," sagot niya sa akin.Tinawagan ko uli si Barbie. "Nasaan ka na?""Nandito na ako," seryosong wika niya.Bella's POVPapunta na ako sa sirang factory na sinasabi