Patakbo akong umuwi ng bahay pagkatapos kong gumawa ng kahihiyan sa harapan ni Hanna. Kahit anong gawing pag-aalo sa akin ay hindi niya ako magawang patahanin. Maiintindihan naman niya siguro kung bakit, hindi naman sigurong madaling magpatahan ng isang batang na-basted ng taong gusto niya."Oh, anak, anong nangyari sa'yo?" bungad kaagad ni Nanay sa akin pagkarating ko ng bahay at saka sinapo niya ang magkabila kong pisngi. "Ba't ka umiiyak?"Mas lalo akong umiyak ng tanungin ako ni Nanay. Naalala ko ang nangyari kanina sa burol, ang reaksyon ni Hanna sa pag-amin ko at ang mga sinabi niya patungkol sa nararamdaman ko. Bakit niya sinabi sa akin 'yon? Ang pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi naman gano'n kadali 'yon. Gusto ko si Hanna. Gustong-gusto ko siya."Iris?" untag ulit ni Nanay habang pinapahiran ang mga luha ko."M-Masakit po, N-Nay..." humihikbi kong sagot sa kanya. Rumehistro sa mukha niya ang kaba nang marinig niya ang sagot ko."Sa'n ang masakit? May sakit ka ba
Yakap-yakap pa rin ako ni Nanay habang naglalakad kami pauwi ng bahay. Panay pa rin ang pag-aalo niya sa akin ngunit hindi ko talaga mapigilan ang hindi umiyak. Hindi ko alam kung umiiyak ba ako dahil sa nasasaktan ako ngayon o 'di kaya'y umiiyak ako dahil nagsisisi ako sapagkat wala man lang akong nasabing matino bago umalis si Hanna.Pagkarating namin ng bahay ay pinaupo ako ni Nanay sa may kawayang upuan, kumuha siya ng isang basong tubig at ipinainom niya sa akin. "Tahan na, Iris. Babalik naman ang Ate Hanna mo." Pagpapatahan nito sa akin saka umupo sa aking tabi.Humihikbi pa rin ako sa harapan ni Nanay, sa buong buhay ko ngayon lang ako nagkaganito sa harapan niya --- na parang ang drama ko na sa buhay. Malungkot ang mga mata ni Nanay na nakatingin sa akin, parang nasasaktan din ito sa tuwing nakikita niya ako."N-Nay, noon ba n-nasaktan din kayo?" humihikbi kong tanong sa kanya. Simpleng ngumiti si Nanay at saka marahang tumango."Lahat naman tayo nasasaktan, anak. Araw-araw, p
Balik eskwela na naman ulit kami ng mga kaibigan ko, sila mukhang excited samantala ako naman ay kinakabahan. Maninibago kasi ako sa bago kong paaralan at mga kaklase, parang gusto ko tuloy bumalik ulit ng elementary.Kagabi ko pa kasi iniisip kung ano ang magiging araw ko ngayon, natatakot ako na maging palpak ang unang araw ng klase ko. Minsan kasi ay parang tatanga-tanga ako, iyong tipong lumilipad talaga ang utak ko sa tuwing inaatake ako ng kaba.Maaga pang gumising si Nanay kanina upang ipaghanda ako ng agahan, plinantsa pa niya ang bago kong uniporme at nilagyan pa ng kiwi ang black shoes ko. Parang nakaka-excite rin naman dahil lahat ng mayroon ako ngayon ay bago pero parang nakakailang din dahil nakapalda ako pagkatapos ay pang-lalaki pa ang gupit ko.Kung alam ko lang na ganito ang mararamdaman ko baka siguro hindi ko na tinuloy ang pagpapagupit kay Mang Domeng.Hindi ko naging kaklase ang mga kaibigan ko: sina Jolo at Rhea ay nasa section two, si Mary Anne naman ay nasa sect
Forty na si Nanay nang ipinanganak niya ako. Kwento niya sa akin, late na raw siyang nag-asawa dahil inuna niya raw muna sina Lolo at Lola bago ang kaligayahan niya. Kaya nang magpakasal na sila ni Tatay, labis-labis ang kasiyahan niya dahil sa wakas daw ay nakasama niya ng muli ang taong pinakamamahal niya.Gustong-gusto ko no'n magkaroon ng kapatid dahil nalulungkot ako kasi mag-isa lang ako. Wala akong kalaro, kakwentuhan, wala akong aawayin lalo na kung wala akong ginagawa, at hindi lang 'yon, wala rin akong kakampi kapag may nang-aaway sa akin. Ngunit, pinaintindi naman sa akin noon ni Tatay kung bakit nag-iisang anak lang ako. Sabi ni Tatay sa akin, hindi na raw magkakaanak si Nanay dahil may edad na ito. Syempre, nalungkot ako dahil hindi na ako magkakaroon pa ng kapatid. Pangarap ko pa naman 'yon. Nakakainggit naman kasi ang mga pinsan kong may mga kapatid."Iris!" tawag sa akin ni Nanay kaya't mabilis akong bumangon sa aking higaan.Hindi na ako nag-atubili pang magsuklay ng
Crush. Salitang hindi na bago sa aking pandinig. Ilang beses ko na itong narinig simula pa noong elementarya ako. Kaso, ang hindi ko lang maintindihan ay kung ano ba talaga ito. Sabi ni Rhea, isang paghanga raw sa isang tao ang ibig sabihin ng crush. Medyo naiintindihan ko naman iyon ngunit hindi lang gaanong kalawak ang pagkaintindi ko no'n. Ibig ba nitong sabihin ay 'yong katulad sa paghanga ko kay Nanay dahil naitataguyod niya akong mag-isa? O, katulad sa pinag-uusapan nilang crush ni Mary Anne na hindi nito masabi-sabi dahil sa kahihiyan?Ngunit, kung tungkol sa paghanga ko kay Nanay ang sinasabi nilang crush eh, bakit ako makakaramdam ng hiya katulad ng kay Mary Anne?Dahil sa inuusig ako ng kuryusidad ay bigla na lamang ako napatanong kay Nanay tungkol sa bagay na 'yon. Kahit naman na minsan ay pinapagalitan ako ni Nanay dahil sa pagiging pasaway ko ay nagagawa ko pa ring makapagsabi sa kanya ng mga bagay-bagay na hindi ko pa maunawaan."Nay, mayroon ka bang crush?" inosenteng
Lumawak ang ngiti ni Jolo nang marinig niya ang balita ni Jimboy. Parang nakalimutan niyang nagtatampo siya sa amin dahil hindi namin sinasabi sa kanya ang pinag-uusapan namin kani-kanina lang."Oh, talaga ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Jolo kay Jimboy.Umupo sa may ugat ng puno si Jimboy at pilit na pinapaypayan ang sarili gamit ang kanyang kamay. "Oo nga! Kitang-kita ng dalawa kong mata. Sakay pa nga sila ng tricycle ni Mang Domeng, eh."Sumingit naman si Mary Anne sa usapan ng dalawang lalaki. "Sus, umiiral na naman ang pagka-chickboy niyo.""Bakit? Nagseselos ka?" pagbibiro ni Jolo. "Wala naman kasing masyadong maganda rito sa probinsya natin, eh.""Hala, makapagsalita akala mo naman gwapo." Pambabara naman ni Rhea.Lumapit naman sa akin si Jolo at kaagad akong inakbayan. "Kahit tanungin niyo pa si Iris. 'Di ba Iris, tama ako?"Sinimangutan ko naman siya. "Aba, ewan ko sa'yo. Dinadamay mo pa ako sa kalokohan mo.""Ang dami niyong satsat, kung puntahan na lang kaya natin ang b
Maaga akong gumising katulad nang ipinangako ko kay Nanay kahapon. Dahil maaga pa ay walang sawa sa pag-uutos ng kung ano-ano si Nanay sa akin. Pagflo-floorwax ng sahig, mag-igib ng tubig mula do'n kina Aling Thelma, at ang mamalengke para sa tanghalian namin mamaya.Hindi nakabisita si Nanay kina Ninang Carmen kahapon dahil abala sila nina Aling Thelma sa kapilya. Aktibo si Nanay sa mga gawain sa simbahan kaya paminsan-minsan ay wala ito sa bahay. Matagal ng deboto si Nanay ni Senior Sto. Niño. Nang magkasakit noon si Tatay ay doon si Nanay nananalangin kay Sto. Niño na sana'y mas humaba pa ang buhay ni Tatay. Ngunit, kahit anong panalangin pa ang gawin ni Nanay ay kinuha pa rin ito ng Maykapal. Hindi naman siya nagkaroon ng sama ng loob sa Diyos. Sabi pa nga niya eh, wala na kaming magagawa kung oras na talaga kaya mas mainam na tanggapin na lang namin ang kapalaran ni Tatay."Bibisita tayo mamaya kina Ninang Carmen mo, ha?" paalala sa akin ni Nanay habang nagluluto ng i-uulam namin
Para akong kinuryente nang sa kauna-unahang pagkakataon ay nahawakan ko ang malambot na kamay ni Hanna. Pati na yata ang puso ko ay sumabay na sa pagsabog dahil sa kaba.Nakangiti pa rin si Hanna sa akin. Patuloy pa rin kaming nagkakamay. Hindi ko na kasi nabitiwan pa ang kamay nito dahil sa pagkatulala sa kanyang maamong mukha."Ahh, Iris?" untag sa akin ni Hanna kaya't nabalik ako sa realidad na hindi pala anghel ang nakikita ko kundi si Hanna.Agad kong binitiwan ang kamay niya. Bakit ba kasi gano'n? Pakiramdam ko hawak-hawak ko pa rin ngayon ang malambot na kamay ni Hanna."Ayos ka lang ba, anak?" nag-aalalang tanong sa akin ni Nanay kaya't idinampi niya ang likod ng kanyang kamay sa aking noo. "Bakit parang natulala ka? May sakit ka ba?"Nahiya ako sa sinabi ni Nanay. Hindi naman siguro halata na natulala ako kanina. Ngunit, bakit nasabi 'yon ni Nanay? Kung gano'n nga ay mukhang klaro talaga na natulala ako kanina. Nakakahiya naman."W-Wala, Nay." Kabadong sagot ko.Kung magtataga