Share

Chapter 6

Kita ko ang kaba sa mga reaksyon niya pero wala na sa akin 'yon dahil gusto ko talaga siyang makausap. Hindi kami pinagbabawalan ni Mommy na mag-boyfriend pero kailangan namin ipaalam sa kaniya 'yon at sa bahay kami liligawan. Hindi ko lang talaga lubos maisip na may boyfriend na siya ngayon lalo na at wala naman kaming nakikitang nanliligaw sa kaniya sa bahay.

"But-"

"No buts, Stella. I need to talk to you. Now."

Bahagya na namang nanlaki ang mga mata niya at kaagad na nagpaalam sa mga kaibigan niya bago tuluyang sumama sa akin.

"Ate Eli, ano ba? Nakikita mo namang kasama ko ang mga friends ko. What do you need from me?" sunod-sunod niyang pagrereklamo sa akin nang tuluyan kaming makalayo roon.

"Is it true? Na may boyfriend kana?" tanong ko kaagad sa kaniya.

Nakita ko naman ang pagbuntonghininga niya bago napasapo sa ulo niya.

"Hindi na ako magtatanong kung kanino mo nalaman 'yan. Syempre kay, Josiah," sagot niya sa akin pagkatapos ay napairap sa kawalan.

"Tinatanong kita kung totoo. Oo o hindi lang ang isasagot mo," sabi ko sa kaniya.

"Yeah it's true! May boyfriend na ako pero unexpected 'yon kaya hindi ko kaagad naipakilala sa inyo," diretsyong sagot naman niya sa akin.

"Unexpected? Ano 'yon biglang dumating sa harapan mo ngayong gabi at naging boyfriend mo na? You disobey Mom's rules at makakarating 'to sa kaniya. Pinaasa mo lang ang kaibigan ko!" sunod-sunod kong sabi sa kaniya gamit ang galit na boses bago tuluyan siyang iniwanan doon.

Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero hindi ko na siya nilingon pa. Masyado akong naiinis sa kaniya ngayon dahil ako ang nasisisi ni Josiah at baka nang dahil pa sa kaniya ay masira ang friendship naming dalawa.

"Eli,"

Napahinto naman ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Josiah sa likuran ko kaya naman mabilis akong tumigil sa paglalakad at humarap sa kaniya.

"Jos," tawag ko sa kaniya at kaagad na lumapit sa kaniya.

"Maniwala ka sa'kin, please. Wala talaga akong alam," sabi ko sa kaniya para ipaliwanag muli ang sarili.

Kita ko naman ang pagtango at bahagyang pagngiti niya sa akin.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadyang sisihin ka. Nadala lang ako sa emosyon ko. Alis na tayo rito? Nagkita na kami ni Clara at nasa table na ulit siya," sabi niya sa akin.

Hindi ko naman alam kung ano ang magiging reaksyon ko dahil sa sinabi niya at hindi ko rin alam ang sasabihin ko kaya naman lumapit ako sa kaniya para mayakap siya. Iyon lang ang tanging paraan na tingin ko ay makakapagpagaan ng loob ng kaibigan ko.

"I'm sorry, Jos. Kakausapin ko ulit si Stella," sabi ko pero bahagya niya lang tinapik ang balikat ko.

"Ano ka ba. You don't have to. At least ngayon alam kona sa sarili ko na wala talaga akong pag-asa sa kapatid mo. The only thing that I can do right now is to move on," sagot niya sa akin pagkatapos ay nagkibit ng balikat.

Napabuntonghininga naman ako dahil hindi ko pa rin matanggap 'yon lalo na at sobrang kamalian ang ginawa ni Stella. Hindi ko ito-tolerate 'yon kaya naman pagsasabihan ko ulit siya sa bahay bukas na bukas at ipapaalam ko rin 'yon kay Mommy.

Kahit papaano naman ay gumaan ang pakiramdam ko dahil naging maayos na kami ni Josiah. Sa kaniya kami sumakay papunta sa venue kung saan ang after party namin. Alam naman ni Mommy 'yon bago kami umalis ng bahay kanina kaya siya na lang ang mag-isang uuwi mamaya lalo na at may body guards at driver naman siya. Hindi na rin kasi ako nagdala ng sasakyan ko dahil sabay-sabay kaming nagpunta sa party kanina.

"Let's enjoy the party tonight. Mas maraming alak dito ngayon kaysa sa kabilang party," sabi ni Julius nang makarating kami sa bar.

Karamihan ay schoolmates namin ang naroon at ang iba naman ay tingin ko galing sa ibang university. Marami kami ngayon at gusto ko rin naman 'yon dahil mas marami akong makakasalamuha ngayong gabi. Kagaya nga lang ng kanina ay sama-sama na naman kami sa isang table at ang iba naman ay tinuloy na ang pag-inom na naudlot kanina roon sa kabilang party.

"Here's your shot," sabi ni Clara sa akin pagkatapos ay inabutan ako ng tequila.

"I don't like this, Clara. Wala bang mas hard?" pagrereklamo ko naman dahil hindi ko naman hilig uminom ng tequila.

"Hindi ko naman kasi alam ang gusto mo, duh? Kumuha ka na lang doon," sagot naman niya sa akin.

"What do you want ba, Eli? Ako na ang kukuha para sa'yo," sabi naman ni Stefan na akala ko ay abala sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niya pero mukhang nakikinig naman sa usapan namin ni Clara.

Bago pa naman magsimula ang pang-aasar ng mga kasama namin doon ay kaagad na akong umiling at ngumiti ng bahagya.

"Ako na. Thank you," casual na sabi ko pagkatapos ay dumiretsyo na ako kaagad sa counter.

"Can I have two shots of vodka, please?" sabi ko sa bartender pagkatapos kong maupo sa bar counter.

Agad naman akong ginawan nito at sandali ko lang hinintay 'yon. Napapikit naman ako nang gumihit sa lalamunan ko ang init ng alak pero agad din akong nakabawi roon. Iinumin kona sana ang last shot ko kaya lang ay nagulat ako nang biglang sumulpot si Ate Allison sa gilid ko.

"Stella is here too. Sabay na lang kayong umuwi dahil kila Bea ako matutulog ngayong gabi," sabi ni Ate sa akin.

Napanganga naman ako dahil hindi ko inaasahan na pupunta rin si Stella rito lalo na at hindi naman mahilig mag-party ang isang 'yon.

"Why is she here? Pinayagan ba siya ni Mom?" tanong ko naman.

"I don't know. Nakita ko siya rito kanina and she's your responsibility here. Bantayan mo na lang," sagot naman sa akin pagkatapos ay tuluyan na akong iniwanan doon.

Napairap naman ako at napailing dahil gagawin pa akong baby sitter ngayon! At talagang kailangan kong bantayan ang babaeng 'yon lalo na at nalaman kong may boyfriend na siya. Hindi ko kilala ang lalaking 'yon kaya naman wala akong tiwala na kasama siya ng kapatid ko ngayon.

Muli ko namang ininom ang huling shot ko at nanghingi akong muli ng dalawang shots bago tuluyang umalis doon para bumalik sa table namin dahil baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko. Napaangat naman ang tingin nila sa akin nang dumating ako roon lalo na si Stefan kaya naman kunot noo ko siyang tinignan pabalik.

Kanina pa rin ako nagtatakha kung may dumi ba sa mukha ko dahil kanina pa tingin nang tingin ang lalaking 'yan. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi mailang dahil para bang binabasa niya ang isip ko sa tuwing tinitignan niya ako.

"Vodka, Eli?" tanong niya.

Napaangat naman ang labi ko at napatingin sa hawak kong dalawang shots. Kaya pala siya nakatingin dahil dito kaya naman nakahinga ako nang maluwag.

"Yup. You want some?" pag-aalok ko naman dahil baka gusto niya 'yon.

"Yeah, thanks!" mabilis naman niyang sagot sa akin pagkatapos ay agad kinuha ang isang shot na hawak ko.

Tumango lang naman ako at naupo na sa tabi ni Josiah na tahimik lang habang nagi-scroll sa phone niya.

"Jos," tawag ko sa kaniya.

"Yes?" tanong naman niya habang nakatutok pa rin ang mga mata sa phone niya.

"I need your help," sagot ko naman sa kaniya.

Agad naman siyang napalingon sa akin gamit ang nakakunot na noo.

"What is it? May problema ka ba?" tanong niya kaagad at tinignan akong mabuti na para bang sinusuri ako kung may problema nga ba ako.

Agad naman akong napailing at humugot nang malalim na hininga bago sumagot sa kaniya.

"Stella is here and I'm sure she's with that boy. Wala akong tiwala sa lalaking 'yon dahil kahit kailan hindi ko pa naman nakakausap 'yon," sunod-sunod na sabi ko kay Josiah.

"Matanda na ang kapatid mo, Eli. Hindi na natin 'yon kailangang bantayan. May isip siya kaya alam naman niya siguro ang limitasyon niya," sunod-sunod naman na sagot sa akin ni Josiah pagkatapos ay nag-iwas na ng tingin sa akin.

Napahugot naman ako nang malalim na hininga dahil alam ko naman na hindi talaga ako tutulungan ni Josiah dito ngayon. Ang tanga ko lang dahil alam ko namang si Stella ang dahilan kung bakit nasaktan ang kaibigan ko tapos sa kaniya pa ako manghihingi ng tulong.

"I'll just get my drinks. Maiwanan ko muna kayo," sabi ni Josiah pagkatapos ay iniwanan na kami ni Clara roon.

"Saan pupunta 'yon?" tanong naman ni Clara sa akin.

"Hindi mo ba narinig? Kukuha lang daw siya nang maiinom niya," sagot ko naman pagkatapos ay nagkibit ng balikat.

Hindi naman na nakapagsalita pa si Clara nang biglang nagsalita roon si Julius.

"Guys, para hindi boring. Maglaro na lang tayo!" suggest niya.

"What kind of games naman?" tanong naman ni Jen, isa sa mga kasama namin doon.

"Truth or dare. Kapag hindi nasagot at nagawa at iinom ng dalawang shots," patuloy naman na pagpapaliwanag ni Julius doon.

"Game! Sali kami ni Eli!" tuwang-tuwa na sabi naman ni Clara kaya kunot noo ko siyang tinignan.

"Ikaw na lang. Hindi ako sasali," sabi ko dahil wala naman akong hilig sa mga ganoong laro.

"Sumali kana, Eliana. Sige kapag hindi ka sumali ay iisipin talaga namin na may gusto kayo ni Stefan sa isa't-isa," diretsyong sagot sa akin ni Julius para lang makasali ako roon.

Hinayaan lang namin si Josiah na umalis at tingin ko ay makiki-join na rin siya sa ibang mga kaklase niya sa ibang subject. Mas mainam 'yon para naman hindi siya mabagot sa aming dalawa ni Clara.

At katulad nga ng sinabi ni Julius ay wala akong ibang nagawa kung hindi sumali sa kalokohang laro nila. Hindi ko ba alam dito kay Clara at tuwang-tuwa na sumali rito. Sana pala ay umalis na lang din ako para hanapin ang kapatid ko.

"Let's start," sabi ni Julius pagkatapos ay inayos na ang isang bote na walang laman para paikutin 'yon.

Si Elijah naman ang nagpaikot ng bote at boring ko lang naman na sinundan 'yon ng tingin. Bigla namang kumalabog ang dibdib ko nang sa akin huminto 'yon. Nagtilian naman ang mga girls at nangunguna na roon si Clara kaya naman napairap ako sa kanila bago tuluyang magsalita.

"Truth," sabi ko.

Napangisi naman sila roon at nagbulungan saglit bago nagsalita si Patrick.

"Is it true na nililigawan ka ni Stefan?" tanong sa akin ni Patrick.

Napangisi naman ako dahil sobrang dali ng tanong at sobrang dali lang din sagutin.

"Of course not. That's a fake news," sagot ko naman pagkatapos ay nagkibit ng balikat.

"Her answer is true. Liligawan ko pa lang siya," sabi naman ni Stefan dahilan nang pagsigawan ng nga kasama ko.

Kilig na kilig naman ang mga girls na kasama ko roon at syempre nangunguna na naman si Clara roon dahil tinutusok niya pa ako sa tagiliran ko. Humanda talaga ang babaeng 'to mamaya kapag sa kaniya tumapat ang bote.

Hindi ko rin maintindihan kung ano na naman ang trip ni Stefan. Feeling ko ay tuwang-tuwa siya kapag inaasar kaming dalawa sa isa't-isa kaya panay ang banat niya sa akin.

Nagpatuloy naman kami sa laro at nakatatlong tao bago kay Stefan naman tumapat ang bote. Tuwang-tuwa naman ang mga kaibigan niya na para bang may nakahanda nang itanong at ipagawa kay Stefan kaya napainom na lang ako sa natira kong alak doon.

"Truth or dare, Stefan?" tanong ni Julius.

"Dare," matapang naman na sagot ni Stefan.

Nang makita ko ang tingin ng mga kasama ni Stefan sa akin ay bigla akong kinabahan. Napaisip tuloy ako na baka kung ano ang ipagawa nila kay Stefan at kasali pa ako roon!

Hindi nga rin ako nagkamali dahil sa sinabi ni Julius.

"We dare you to ask Eli if you have a chance to court her," utos ni Julius.

Bahagya na namang nanlaki ang mga mata ko at naramdaman ko ang pagkalabog ng dibdib ko. My gosh! Bakit kailangan isali pa nila ako sa dare na 'yon? Humugot tuloy ako nang malalim na hininga para makapagsalita.

"Just drink the two shots, Stefan. You don't have to do that dare," sabi ko sa kaniya pagkatapos ay itinuro ko ang dalawang shots na nasara harapan niya.

Umiling naman siya sa akin bilang sagot kaya kunot-noo ko siyang tinignan.

"Hindi ako marunong umatras, Eli sorry. Tatanungin na lang kita dahil gusto rin malaman," sabi niya pagkatapos ay bahagyang natawa kaya naman nakitawa na rin ang mga kasama namin doon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status