Share

Kabanata 26.2 - What the fuck?

Hinihintay ko nalang na mag-text si Isaiah dahil pupuntahan niya raw ako dito, nagkita kita rin kasi sila ng mga kaibigan niya pagtapos ng trabaho.

"Hindi ko nasabi sainyo kasi hindi pa naman ako sigurado, hindi naman ako magsasabi kapag 'di ako sure, 'di ba? Tsaka wala lang 'yan, iiwan din ako nyan kasi may ibang gusto 'yan!" aniya, sumulyap siya sa’kin kaya nakita ko ang sakit sa mga mata nito. Nasasaktan siya dahil doon, kung sino man ang gusto nung Gavin na 'yon, sana mabungi siya! Ayokong makitang nasasaktan ang kaibigan ko.

"May iba na palang gusto, bakit pinatulan mo pa?" tanong ni Grace.

Isa-isa na nilang binubuksan ang gifts nila kay Iris, sila talaga ang nagbubukas at hindi si Iris! Kakapal ng mga mukha nito.

"Hindi naman sila nung babae tsaka mukhang hindi rin naman siya gusto no'n. At isa pa, hindi naman kami! Wala akong balak jowain, fling lang ganoon." sagot nito.

Tumayo siya at tumabi sa’kin. Mainit siya at halatang may sakit nga. Siguro sinurpresa rin siya ni Gavin dito, o sigiro binantayan siya. Hindi ko nga alam kung paano nagkasakit 'tong babaeng to, e. Hindi naman siya sakitin.

"Hindi mo ba ibibigay sa’kin yang gift mo?" aniya.

Padabog kong binigay sakaniya ang box na may lamang cupcakes. Napaso pa 'ko dahil doon kaya dapat lang na kainin nya 'yon!

"Ayan, saksak mo sa baga mo!" masungit na sabi ko sakaniya.

Nagtawanan lang kami habang binubuksan niya ang box. Nagulat agad siya nang makita yung cupcakes na gawa ko. Pinanliitan niya 'ko ng mata, aba may gana pa yatang magreklamo 'to. Pasalamat nga siya niregaluhan ko pa siya!

Isa isa silang kumuha nung cupcake, hindi ako kumuha dahil gusto kong makita ang reaction nila. Gusto kong malaman kung nasarapan ba sila o hindi. First time ko kayang mag-bake!

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang iluwa ni Adel 'yon, si Kendall naman ay halatang nasusuka, si Grace ay masama ang itsura, si Mads mukhang walang pake at si Iris ay ninanamnam ang nasa bibig niya, nilalasahan ito ng maigi. Are they making fun of me o pangit lang talaga ang lasa nung cupcake ko?

"Bakit ganoon, hindi matamis!" sabi ni Mads na kumagat pa rin kahit mukhang ayaw niya na.

Napairap ako sakanila at kinuha isa-isa ang mga nasa kamay nila para ibalik 'yon sa box. Kung ayaw nila, e 'di wag! Nag effort pa naman akong mag bake tapos aayawan lang nila?

"Hindi ako mahilig sa sweets kaya hindi ko nilagyan ng asukal!" sagot ko at akmang tatakpan na ang box pero binawi ni Iris 'yon mula sa’kin.

Sinamaan ko ito ng tingin at hindi na nakipagtalo pa.

"Hindi lang naman ikaw ang kakain ng cupcake kaya sana nilagyan mo man lang ng asukal! Ang pangit ng lasa, ikaw kaya tumikim. Parang ngumunguya ka lang ng harina,” reklamo ni Grace na panay ang inom ng tubig.

Ang OA ng mga reaction nila, ah! Parang hindi kaibigan ampucha. Pwede naman nila akong plastikin habang nakaharap ako, mamaya nalang nila laitin ang cupcake ko pag-alis. Lait na lait ako, sis!

"Ikaw kasi ang nasa isip ko habang ginagawa ko yan,” sarkastikong sambit ko.

"Gavin, lika dito! Tikman mo 'tong cupcake na gawa ni Treia!" si Iris

Tinawag pa nga! Kulang nalang ipatikim nila sa lahat ng narito sa building yung cupcake na gawa ko. Si Iris lang dapat ang kumain no'n dahil may isa doon na special! Baka iba ang makakuha no'n, mahirap na!

Kumuha ng isa si Gavin at tinikman 'yon, nakatingin lang kami sakaniya at inaabangan ang reaction niya. Kumagat siya ng isa at dinura agad 'yon, dumeretso siya sa kitchen para kumuha ng tubig. Oh my God!

"What cupcake is that? A spicy flavor?" he sarcastically asked.

Agad na nagtinginan sa’kin ang mga kaibigan ko at natawa. Now, I'm guilty. Para kay Iris 'yon, hindi para sakanila!

"Sino ba may sabing tikman niyo? Birthday niyo ba? Ha?" sarkastikong sabi ko.

Kalaunan ay nagtext na rin si Isaiah, malapit na raw siya. Ayoko pa sanang paakyatin kaso may dala daw siyang pagkain para kay Iris kaya sinend ko nalang sakaniya ang unit number. Ilang minuto lang ay kumatok na siya, ako na ang nagbukas ng pinto dahil hindi naman nila alam na pupunta si Isaiah.

He kissed my forehead before entering the unit. Mukhang pagod siya, nakafold na hanggang siko yung polo niya at naka unbutton yung dalawang butones nito. Lahat nakatingin sa'min at sa dalang pagkain ni Isaiah. Kanina pa kasi sila nagtatalo kung sinong magluluto ng food dahil biglaan nga ang punta namin at may sakit si Iris kaya bawal siya ang paglutuin.

"Yun oh! Hulog ka ng langit, Nikolai!" si Grace na sinalubong si Isaiah para kunin ang dala nito.

Umupo kami pareho at halata agad ang tanong sa mukha niya nang makita si Gavin na lumabas mula sa kusina.

"Crush ni Iris.." bulong ko sakaniya.

Tiningnan niya si Gavin kaya napatingin din ito sa'min, tinanguan lang nila ang isa't-isa. Did they knew each other?

"Nikolai, gusto mo tikman? Gawa 'to ni Treia!" masiglang sabi ni Iris, parang walang sakit ah?

Inabot niya ang cupcake kay Isaiah na kukunin ko na sana sakaniya para mapigilan siya.

"Don't eat that!" sambit ko.

Isaiah glance at me once before eating the cupcake. Umiwas nalang ako ng tingin at napatakip sa mukha, ayokong makita ang reaction niya! Ilang segundo kong hinintay na magsalita siya pero wala ni isang salita na lumabas sa bibig nito kaya napilitan akong lingunin siya, he's still eating the cupcake, balak pa yatang ubusin 'yon! Gulat na gulat ang mga kaibigan ko, maging ako ay nagulat. Alam ko namang hindi masarap 'yon, wag niya naman akong plastikin!

“Iba talaga kapag in lovs, hays.. when kaya?” ani Mads.

Nagtawanan sila at inirapan ko lang ang mga ito bago tumingin muli kay Isaiah.

"Huwag mo nang ubusin, alam kong napipilitan kalang para hindi ako masaktan,” sambit ko rito at akmang kukunin ang cupcake.

Nakatingin pa rin sa’min ang mga kaibigan ko. Iniwas ni Isaiah ang kamay niyang may cupcake at kinain na ng buo 'yon para hindi ko makuha. Wala na 'kong nagawa kung hindi manatili nalang sa kinauupuan ko, hindi ko na siya nilingon muli. Ilang sandali pa ay lumapit ito sa’kin at niyakap ako sa bewang, he rested his chin on my shoulder, ngumunguya pa rin.

"It's not that bad, kulang lang sa tamis. Can you bake more cupcakes for me? Or cookies if you want.." aniya.

Nagtagal pa kami roon bago nagpasyang umuwi na sa condo niya. Nag-dinner na kami kila Iris kaya nanood nalang kami ng movie sa living room. I won the jack and poy kaya ako ang pumili ng movie, as usual romantic movie ang pinili ko. Hindi naman siya na-bored dahil maganda ang movie.

Tumayo siya nang may tumawag sa telepono niya. Hinayaan ko lang siya at hindi na inabala. Pagbalik niya mukhang badtrip na siya, sino naman kayang katawagan niya at bakit badtrip si Isaiah?

"Is there a problem?" tanong ko nang hindi ko na mapigilan.

Umamo ang mukha niya nang humarap ito sa’kin at ngumiti. He shook his head and lean closer to kissed me on my forehead.

"Tasha is in the lobby again, she's drunk and she wants to see me,” aniya.

Napakunot ang noo ko. I know Tasha, siya yung babaeng nakita ko sa table nila noon, yung sinasabi niyang kalat. But we never talk about her, ngayon ko lang din ulit narinig ang pangalan na 'yon. Why is she here? Mukhang patay na patay siya kay Nikolai. Sabagay, hindi ko rin naman siya masisisi.

"Is she bothering you every night?" I curiously asked while still watching the movie.

I did my best not to get distracted but the movie isn't helping, nahuli lang naman nung isang babae na may kabet yung asawa niya. What is this, bakit ba ito ang pinili ko? This isn't helping!

"Whenever she's drunk and she's wasted almost every night so yeah, she's bothering me every night,” he said it like it's not a big deal!

Patuloy siyang nanood na parang walang nangyari. Ako naman, hindi na 'ko makapag-focus sa pinapanood namin knowing that one of his obsessed lover is in the lobby, crying and hoping to see him this late night! Who knows, maybe some other night nilalabas niya ang babaeng 'yon at pinapatulog dito! Mabait si Isaiah, hindi malabong gawin niya 'yon.

"Seriously, who is she and why is she bothering you every night?" hindi ko na napigilan. Baka kapag hindi ko tinanong, hindi ako makatulog buong gabi.

Hindi ko rin alam kung bakit ngayon lang namin pinag-uusapan 'to. Alam kong maraming nagkakagusto kay Isaiah pero iba ang isang 'to, at mukhang kakilala pa siya ng mga kaibigan ni Isaiah. Maybe they have a relationship back then, but Isaiah doesn't even have a fling! So ano siya? Anong eksena niya dito?

"She's one of our classmates before, highschool pa kami noon. She confessed to me but I don't like her and I swear to God, baby, I never give her any false hopes,” sagot nito, medyo defensive agad.

May tiwala ako kay Isaiah, alam kong hindi niya 'ko lolokohin and that scares me to death. Hindi ko alam kung ano-ano ang pwedeng dahilan ng pag-aawayan namin, nakakakaba at nakakabahala.

"Bakit hindi natin siya puntahan sa lobby? Baka hindi umalis 'yon doon, lasing pa naman,” suhestyon ko.

I genuinely care for that girl, I am a woman too and being drunk this late night isn't safe for us, both man and woman. Baka mapahamak pa siya dahil sa kalasingan niya.

Nauna na 'kong tumayo at inayos ang suot ko. I'm wearing his navy blue hoodie, wala akong bra pero hindi naman halata. Naka pajama din akong grey. Tinali ko rin yung buhok ko into bun dahil naiirita ako. I'm ready to go but Isaiah is still sitting there, watching me intently.

"Are you sure?" tanong niya.

I just nodded and pulled him up para makalabas na kami. He keeps on asking me if I'm really sure about this while we’re on our way to the lobby, panay lang ang tango ko rito. I don't know why he looks problematic about my idea. Napagtanto ko nalang nang makalabas kami ng elevator, agad na tumakbo patungo sakaniya yung Tasha. She fucking hugs my boyfriend, gusto pa sanang h*****k, buti at nakaiwas agad si Isaiah kaya sa pisngi lang siya nakahalik, malapit na sa labi!

Dahil sa gulat ay nanatili akong nakatayo roon. Madaling araw na at wala na masyadong tao sa lobby. Yung guards at mga babae sa front desk nalang ang naroon at mukhang gulat din sa nangyari.

"Pasensya na ho, Sir. Ayaw magpapigil ni Ma'am, hindi raw po siya aalis hangga't hindi kayo bumababa,” sabi nung guard na umaalalay dun sa Tasha.

Tasha looks wasted as fuck, napunta sa’kin ang tingin niya nang hawiin ni Isaiah ang bewang ko palapit sakaniya. Nagsalubong ang kilay nito at halatang nagalit sa nakita niya. Wow, ha! Siya pa ang nagalit. Hindi ba dapat ako ang magalit dahil bigla nya nalang niyakap ang boyfriend ko?

"So the rumours are true, you have a girlfriend, Nikolai! Too bad, I'm prettier that her,” she shamelessly said and laughed hard.

Nagulat ako maging ang mga nakarinig sa sinabi niya. I didn't expect it! Lantaran niya 'kong hinusgahan, she's really something!

"Stop it, Tasha and stop bothering me. Isa pang punta mo rito, tatawagan ko na ang tatay mo,” galit na tugon ni Isaiah.

Nakita ko kung paano nawala ang ngisi ni Tasha, nabalot ng takot at lungkot ang mukha nito. She was about to cry and held Isaiah's hand pero umiwas ito.

"Please, Nikolai.. I know you love me, you wouldn't spent those memorable nights with me if you don't.. please.." she cried.

What the fuck?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status