Share

Chapter 7

Kinuha ko ang isang baso na may lamang alak na nasa harap ko tapos ay agad ko iyong ininom. Medyo napangiwi pa ako nang maramdaman ang pait ng beer. Hindi talaga ako mahilig uminom, madalas nga kapag lumalabas kami nina Ate Gigi at Roy ay hinahayaan ko lang silang dalawa na maglasing.

Pero pagkatapos ng mga nangyari kanina, pagkatapos ng mga narinig kong sinabi nina Drake at Dmitri, hindi ko alam pero pakiramdam ko ay gusto kong maglasing ngayon.

“Girl, hindi ka mauubusan ng alak. Relax!” natatawang saad ni Ate.

Kalalabas lang namin halos mula sa shop, pagkatapos namin iyong maisara ay dumiretso kami rito sa Dreamers, ang isa sa pinakakilalang night club sa lugar.

“Ano ba ang nangyari? Mukhang ang bigat ng problema mo, ah?” tanong naman ni Roy, mabilis akong umiling dahil doon.

“Wala, ’no! Hindi ba’t kayo naman ang nag-aayang uminom ngayon? So ano ang problema? Kapag hindi ako umiinom pinipilit niyo ako, kapag umiinom na
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status