Share

Chapter 6

Mabilis na lumipas ang oras, oras na naging araw, araw na naging linggo, linggo na naging buwan at buwan na naging taon. Right now, I’m already on my fourth year college.

Two years ago, iyong gabi na hinatid ako ni Dmitri pauwi sa bahay ampunan ay naramdaman ko na parang nahuhulog na ako sa kanya. At hindi nga ako nagkamali. Nangyari iyon. Lalo na’t simula noong nakakuha na ako ng sarili kong maliit na apartment ay madalas ko na ulit silang makasama ni Drake.

Halos araw araw nga kung pasyalan nila ako sa coffee shop. Araw araw din na tumatambay silang dalawa sa apartment ko. Pinilit ko namang iwasan, pero ang hirap pala na pigilan ang sariling nararamdaman.

Hindi ko alam at hindi ko na rin matandaan kung saan nagsimula. Basta ang alam ko lang ay may gusto ako sa kanya. May mga nanliligaw naman sa akin, sinusubukan ko rin na bigyan sila ng chance para lang maibaling sa iba ang atensiyon ko. At hindi ko maintindihan kung bakit si Dim pa rin ang naaala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status