Share

Kabanata 7

Nagising si Earvin ng may marinig siyang ingay mula sa labas. Hindi niya makita si Alan sa loob ng bahay at napansin niya na maliwanag na kaya naisipan na lamang niyang lumabas. Nagulat siya dahil ang pinagmumulan pala ng ingay ay si Alan habang hila hila nito ang isang malaking puno.

“Magandang umaga kaibigan,” bati nito sa kaniya, “Hindi na kita ginising dahil naisip ko na mas kakailanganin mo ang iyong pahinga. Hindi natin alam baka iyan lang ang pagkakataon mo na makapagpahinga.”

Binitawan ni Alan ang dala niyang puno at naramdaman ni Earvin ang kaunting pagyanig nang bumagsak ang puno sa lupa.

“Ipapaliwanag ko sa iyo ang ating gagawin. Mula sa pahayag at impormasyon na ibinigay sa akin ni Yajaira, ang pagsusulit ay gaganapin sa kagubatan ng Aliwe. Nanganaghulugan lamang na aabutin ito ng ilang araw.”

“Wala naman akong nakikitang problema dito.”

“Pabago bago ang pagsusulit na isinasagawa para sa Bayani. At kung lakas lamang at labanan ang

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status