Amber's Pov"Baby, aalis na ako." Mabilis akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Zeus mula sa likuran ko."Aalis ka na?" tanong ko. Nakaramdam ako ng awa para rito nang makita ko ang lungkot sa mga mata nito. Alam ko kung bakit, dahil isang buwan na ang nakakalipas mula ng magkabalikan kami pero nananatiling lihim iyon sa mga magulang ko. Alam ng mga kapatid ko ang tungkol doon at suportado nila ako sa desisyon kong tanggapin ulit si Zeus sa buhay ko. "Yes, I have to go, baby." "Okay ka lang?" sa halip ay tanong ko. Hindi ako kumportable sa nakikitang lungkot sa mga mata nito ngayon. Lumapit ako rito at saka tumaas ang kamay ko papunta sa mukha nito at marahang hinaplos iyon. Kitang-kita ko ang pagkamangha sa mga mata nito at saka umiling na para bang sinasabi na huwag kong gawin iyon dahil baka makita kami ni Tatay. "Bakit ang lungkot mo?" tanong ko sa napakalambing na boses. Tila nawalan na ako ng pakialam na baka makita kami ni Tatay. Miss na miss ko na kasi ito at hindi
Amber's Pov "Bakit?" malambing na tanong ko kay Zeus nang marinig ko itong suminghot habang nakasubsob sa tiyan ko. Matapos kasi nitong maramdaman ang galaw ni baby sa tiyan ko ay sumubsob na ito roon. "Hey, okay ka lang?" tanong ko habang hinahaplos ang buhok nito. Nag-angat ito ng ulo at nagtama ang mga mata namin. Natatawang pinunasan ko ang mukha nitong basa ng luha. Namumula na rin ang mga mata nito. "Why, hmm?" Masuyo kong hinaplos ang mukha nito. "Para saan ang mga luhang 'to?" "I'm just happy," garalgal na wika nito. "Dahil?" Mataman ako nitong tiningnan. Puno ng pagmamahal ang mga mata nito. "Dahil matutupad na ang pangarap kong magkaroon ng sariling pamilya kasama ka. Isa na lang ang kulang, iyong maging San Diego ang apelyido mo, baby."Matamis ko naman itong nginitian. Inalalayan ko itong makaupo sa kama, sa tabi ko. Nakaluhod pa rin kasi ito sa lapag. "Baby.." "Mas magiging happy ka ba kapag sinabi kong puwede mo na akong pakasalan?" Sandali itong natigilan na
Amber's POVMULA sa bintana ng kuwarto ko ay tanaw ko ang mga magulang ko kasama ang mga magulang ni Ze habang nag-iinuman at nagkakantahan. Yes, narito sila kanina pang tanghali. Hindi ko akalain na mamamanhikan si Ze sa akin kasama ang mga magulang nito na labis-labis kong ikinatuwa. Pormal na hiningi ni Ze ang kamay ko sa aking mga magulang. At napagkasunduan namin na isang buwan mula ngayon ang kasal namin ni Ze. Hindi puwedeng bukas na kagaya ng gusto ni Ze dahil kailangan na muna naming kumuha ng mga requirements para sa kasal namin. Na-expire na kasi ang mga kinuha namin noon kaya't panibagong kuha na naman daw. Kaya ko namang maghintay ng isang buwan pa pero si Ze ay atat na atat nang makasal kami. Iginiit pa itong sa Mayor na lang muna bago sa isang buwan ang sa Pari pero ang mga magulang namin ang nasunod na sa simbahan kami ikakasal. Mas naniniwala raw ang mga ito na mas sagrado kung sa dambana ng Panginoon magsusumpaan. Na sinang-ayon ko naman kaagad maliban kay Ze na na
Zeus's POVOne month later"Bakit ang tagal naman nila?" Aligagang tanong ko sa best man kong si Xander. Kanina pa ako hindi mapakali dahil wala pa si Amber. Kinakabahan ako. Patunay ang pamamawis ng kilikili ko sa sobrang nerbiyos."Ze, kumalma ka nga muna," ani Mommy na nasa kanan ko. "Bakit kasi wala pa sila, 'My," tanong ko. "Hindi pa late ang bride mo, dude! Mas'yado kang atat, mantakin mo ba namang alas tres pa lang ng hapon narito na tayo sa simbaban eh alas kuwatro pa ang kasal ninyo. Hindi siya late, napaaga lang talaga tayo," sabi pa ni Xander."Kinakabahan ako eh," pag-amin ko."Relax, Dude. Amber loves you. Huwag ka ngang praning. Darating si Amber, kasalanan mo rin naman kasi ang aga-aga natin dito kaya feeling mo late na ang asawa mo. Darating iyon, kumalma ka para ka ng suka sa sobrang putla." Tila hindi naman nakabawas ang sinabi nito sa kabang nararamdaman ko. "God, asan ka na ba, baby?" Pinagkiskis ko na ang mga palad kong nanlalamig na kanina pa. "Darating si
Finale ChapterMonths had passedZeus POVNAKANGITING pinagmasdan ko ang aking asawang si Amber. Tila nawalang parang bula ang pagod ko sa opisina buong maghapon dahil sa tanawing nadatnan ko sa bahay namin. Pinagmamasdan ko lang siya habang dahan-dahang ibinababa sa kuna ang aming anak na panganay, si Zane Anthony. Mula sa puwesto ko ay nakita kong mahimbing nang natutulog ang aming anak. Inayos nito ang pagkakapuwesto ng unan at tinakpan ang bote ng tubig na nasa kuna. Napangiti ako nang masuyong halikan ni Amber ang noo ng aming anak. "I love you, baby Zane." Rinig kong anas nito. Nang hindi na ako nakatiis ay mabilis akong naglakad papunta sa kinaroroonan nito at mahigpit na niyakap sa beywang mula sa kaniyang likuran. Mas lumapad ang mga ngiti ko nang haplusin nito ang braso kong nakapulupot sa katawan nito at kapagkuwa'y dahan-dahang humarap sa akin. "Kanina ka pa?" Tanong nito sa akin. "Hindi naman, baby. Kadarating ko lang," sagot ko rito. "Hmm, kumusta? Napagod ka?" Mal
AMBER POV"Excited ka na?" tanong ni Lara sa akin. Narito ako ngayon sa apartment nito dahil dito ako tumuloy pagkagaling ko sa Tagaytay.Si Lara kasi ang tumulong sa akin para makahanap ng trabaho dito sa Manila. Dahil malaki naman ang tiwala ko rito kaya't susubukan kong makipagsapalaran. "Medyo, pero kinakabahan din ako, Lara," pag-amin ko. Lumapit naman ito sa akin at umupo sa tabi ko. "Huwag kang kabahan, I'm sure yakang-yaka mo ang trabaho mo. Isa pa graduate ka naman ng college eh, at saka may alam ka na rin naman sa magiging trabaho mo." "Pero siyempre iba't-ibang tao na naman ang makakasalamuha ko. Panibagong pakikisama na naman ako nito." Natawa naman ito sa sinabi ko. "Siyempre gano'n talaga! Hindi naman puwede na ikulong mo ang sarili mo sa maliit mong mundo, ano? Maraming opportunities para sa 'yo, takot ka lang kumawala sa shell mo.""Hindi na ako kumportable sa maraming tao, kasi alam kong hindi sila lahat mabuting tao," mapait na sabi ko. Nagkaroon na kasi ako ng
AMBER POVHALOS HINDI ako makapag-concentrate sa trabaho ko dahil hindi mawala sa isip ko si Ze. Hindi pa rin ako makapaniwala na magkikita kami nito kanina pagkalipas ng apat na taon. At hindi lang basta nagkita dahil ito pala ang tunay na mag-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko.Napag-alaman ko mula kay Agnes na hindi si Sir Darius ang tunay na boss namin kun'di si Zeus. Ang ibig sabihin pala ng ZSD Tower ay Zeus San Diego.Anong klaseng biro po ito? Piping tanong ko sa isip ko.Hindi ko alam kung paano ito pakikitinguhan lalo pa't hindi maganda ang paghihiwalay namin noon o kung hiwalay na nga bang matatawag iyon, dahil wala naman kaming naging pag-uusap.Basta na lang itong nawala noon at hindi na muling bumalik. Pagkalipas ng apat na taon ay ngayon lang ulit kami nagkita pero nagtataka ako kung bakit parang galit na galit ito sa akin.Kagaya ko, natigilan din ito nang magkita kami kanina. Pero hindi ako bulag para hindi makita ang naging reaksyon nito, nagulat ito nang makita
AMBER POVDUMATING ANG oras ng uwian pero naiwan akong mag-isa sa opisina. Nang makaramdam ng ihiin ay saka lang ako tumayo para pumunta sa banyo. Naginhawahan ako nang makatapos umihi. Gumaan ang pantog ko.Nag-iinat na naglakad ako pabalik sa mesa ko. Hindi sinasadyang napatingin ako sa wall clock at gano'n na lang ang panlalaki ang aking mata ng makita ko kung anong oras na.Ala-una y medya?"Shit, anong sasakyan ko pauwi nito? Madaling araw na pala!"Nanlulumong napaupo ako sa upuan ko at saka sumubsob sa mesa.Ang dami ko pang uulitin, tapos iisipin ko pa ang sasakyan ko pauwi.Haist kapag minamalas ka nga naman.Wala na akong nagawa kun'di ang tapusin ang trabaho ko. Bahala na nga.Nang matapos ako ay doon pa lang ako tila nakahinga nang maluwag pero agad ding nawala nang makita kong alas kuwatro na ng umaga.Hilong-hilo na ako sa sobrang puyat kaya naman sa halip na umuwi ay naisipan kong umidlip na lang muna.Parang hindi pa natatagalan ang idlip ko nang may gumising sa akin