May magandang mukha, makurbadang katawan, malaporselanang kutis, simple lang mag ayos, at higit sa lahat may busilak na puso ang dalagang lumaki sa malayong probinsya na si Berry Marasigan. Sa angking kagandahan ni Berry ay marami sa kanya ang nagkakagusto o nahuhumaling. Sa edad niyang bente dos ay simpleng inosente pa rin siya dahil hindi pa siya nakaranas magkaroon ng kasintahan. Nang maulila si Berry sa mga nag ampon sa kanya ay nangarap na siyang makarating ng Maynila upang hanapin ang kanyang tunay na ina, kaya mabilis na nahikayat si Berry ng bagong kakilala ng alukin siyang makapagtrabaho sa Maynila at agad niyang sinunggaban ang oportunidad na iyon ng hindi na nagdalawang isip pa. Pagkarating sa Maynila ay ibinenta naman siya ng recruiter niya sa may ari ng isang sikat na night club na ang mga costumer ay mga mayayaman. Sa angking kagandahan at kaseksihan ng dalaga ay maraming lalaki ang gusto siyang maangkin at isa na sa kanila si Jayden Curtis, ang binatang CEO ng GC Construction Company na pagmamay-ari ng pamilya nila. Na love at first sight ang binata sa dalaga kaya nais niyang tulungan si Berry na makaalis agad sa club. Ngunit hindi iyon naging madali para kay Jayden, dahil sa pinagkaguluhan ang kagandahan ng dalaga ay ipina-auction si Berry ng may ari ng club at na bid ang dalaga sa napakalaking halaga. 20 Million pesos ang naging last bid ng bidder mapasakanya lang ang kaakit-kaakit na si Berry Marasigan.
View MoreSamantala sa apat na taong nakalipas ay hindi pa rin tumigil sa pagpapahanap si Jayden kay Berry.Kahit na nawawalan na siya minsan ng pag asa na makita ang dalaga at pinanghihinaan na siya ng loob kapag sumasagi sa isipan niya ang sinabi sa kanya ng kaibigang si Cyrus noon na baka nakahanap na ng ibang lalaki si Berry ay para siyang sinusuntok sa dibdib. Idinadaan na lang niya sa dasal na sana ay hindi iyon mangyari.Hindi naman kase talaga malabong mangyari iyon dahil sa katangiang taglay nga ni Berry ay siguradong mayroon at magkakaroon ng manliligaw ang mahal niya. Kung siya nga na unang kita pa lang kay Berry noon ay naakit at na in love na agad, ang ibang lalaki pa kaya. Alam naman ni Jayden ang galit na nasa isip at puso ni Berry dahil sa nakita nitong eksena bago siya nito nilayasan at hindi niya mawawala iyon sa isip ng dalaga hangga't hindi niya ito nakakausap upang paliwanagan. Naiintindihan niya at nauunawaan rin si Berry kung bakit siya nito pinagtataguan, pero hindi ri
Makalipas ang apat na taon..."Good afternoon Miss Berry, " ang bati ng security guard ng salubungin ang pagpasok ni Berry sa entrance ng restaurant."Good afternoon." balik bati ni Berry at dumiretso sa loob ng restaurant na kilala sa bansang New Zealand dahil sa eat all you can nilang promo."Good afternoon Miss Berry," magkakasunod na bati rin sa kanya ng mga tauhan sa restaurant na nakaduty na ng ganoong oras para maglinis at maghanda na ng mga rekadong lulutuin para mamaya."Good afternoon," bati niya rin sa mga nakakasalubong niya hanggang sa makapasok siya sa kanyang opisina.Si Berry Marasigan na dating walang pinag-aralan at babaeng probinsyana noon ay kilala na ngayon bilang si Berry Fontanilla na isa ng branch manager sa isa sa mga restaurant na pagmamay-ari ng kanyang kuya Lawrence at ng kaibigan nitong si Marco Dawson na isang half filipino-half New Zealander.Ang plano noon nilang mag-aama na bakasyon lang sa bansang New Zealand ay naging pangmatagalan na dahil nagustuha
Pinuntahan na ni Berry si Anne matapos nilang magplano ni Don Alejandro at ng kuya Lawrence niya upang magkwento at makapagpaalam na rin sa kaibigan."Aalis kang talaga?!" bulalas na tanong ni Anne."Kailangan beshy, hindi naman kami magtatagal ni Don Alejandro doon at baka ilang buwan lang naman. Depende rin kung anong plano ni Kuya Lawrence sa amin." saad ni Berry matapos niyang ipaalam kay Anne na anak siya ni Don Alejandro.Naikwento na niya ang tungkol sa naging resulta ng DNA test na ipinagawa ni Don Alejandro at ang nakaraan ng mga magulang niya. Nasabi na rin niya ang pagdadalangtao niya sa kaibigan na natutuwa naman sa kanya dahil sigurado raw itong magkakaroon siya ng napakaganda o gwapong anak."Bakit naman napakalayo ng pupuntahan ninyo ni Don Alejandro? hindi kita kayang dalawin doon beshy." wika ni Anne na ikinangiti ni Berry."Babalik pa rin naman kami ni Don Alejandro dito at magkikita uli tayo beshy. Huwag ka ng malungkot, bigay mo sa akin ang cellphone number mo at i
"Kuya Lawrence, Don Alejandro, may gusto sana akong irequest sa inyong dalawa." basag ni Berry sa saglit na pananahimik nilang tatlo sa sala."Ano yun, iha?" si Don Alejandro na ang naunang nagtanong kay Berry ng inirerequest nito sa kanila."Gusto ko pong lumipat sana ng bahay o kaya ay lumayo na muna dito. Alam kong kalabisan ang hiling ko, lalo pa nga po at ngayon pa lang tayo nagkakilala ng lubusan, pero hindi po ako pwedeng magtagal sa lugar na ito." ang saad ni Berry na ikinakunot noo na naman ni Lawrence at laking pagtataka ng ama nila."Why?!" ang tanong naman agad ng matanda dahil sa kabiglaanan."Muntik na po kase akong mahanap ni Jayden dito kahapon. Si Anne po ang nakausap niya at nagsinungaling lang si Anne para sa akin. Alam po kase ni Anne ang naging problema ko kay Jayden kaya hindi sinabi ni Anne na narito lang ako. Baka po kase bumalik siya dito sa subdivision at makita niya pa ako rito, kaya gusto kong lumayo na para makaiwas sa posibilidad na mahanap niya po ako."
Hindi na nila natapos ang paghahapunan at magkasunod na naupo sa malambot na sofa ng sala sina Berry at Lawrence. Si Don Alejandro naman ay inihatid ni Lara sa sala at umalis din ng senyasan siya ng matandang Fontanilla."Totoo bang buntis ka Berry?" seryosong tanong agad ni Don Alejandro sa anak."Opo, Don Alejandro." nahihiyang sagot ni Berry na ikinabuntong hininga ng Don ng marinig ang isinagot ng anak."Ilang buwan ka ng nagdadalang tao?" seryosong tanong muli ng ama ni Berry."Hindi ko po sigurado, baka dalawang buwan na po. Kanina ko lang din po nalaman na buntis ako." mahinang sagot ni Berry."Paano mo nalamang buntis ka?" si Lawrence naman ang nagtanong."Kina Manang Ester, pinulsuhan din ako ni Lara at pinagamit nila ako ng pregnacy test kit. Dalawa ang lumabas na guhit kaya positive na buntis nga ako." "Sino ang ama niyang pinagbubuntis mo at nasaan siya?" si Don Alejandro uli ang nagtanong.Natahimik ang dalaga at hindi masagot ang tanong na iyon ng ama. Sinulyapan pa ni
Nagsimula ng maghapunan sina Berry sa dining room ng biglang makaramdam ng pagbaliktad ng sikmura ang dalaga. Napaduwal siya ng ilapag ni Mila ang lutong ulam na kalderetang baka sa tapat niya. Nakailang pagduduwal na siya kaya ng hindi na niya kayang pigilan ay tumakbo na siya sa kusina at doon siya sa lababo nagsuka.Napasunod naman sa kanya sina Manang Ester at Mila. Samantalang naiwan namang may pagtataka kay Berry sina Don Alejandro at Lawrence."Anong nangyari sa kapatid mo Lawrence at nagkaganun yon? Sundan mo nga." saad na utos ni Don Alejandro sa anak."Baka may nakain lang na hindi gusto ng tiyan niya." sagot naman ng kuya ni Berry."Don Alejandro, wag po kagong mag alala kay Miss Berry, normal lang ang magduwal at magsuka siya kapag may naamoy siyang hindi niya gusto." singit na pakikisabat ng caregiver ng matanda.Napabaling ng tingin ang mag ama kay Lara na parehong napakunot ng noo sa sinabi ng babae."What do you mean?" tanong agad ni Lawrence."Anong sinabi mo?" ang ta
"Kaya pala ng una kitang makita ay magaan na ang loob ko sa iyo dahil magkadugo pala tayong dalawa. Actually nung una pa lang kitang nakita ay pumasok na sa isip ko na baka kamag anak ka ni yaya Roselyn. Nawalan lang ako ng pagkakataon na itanong iyon sa iyo ng gabing nagkagulo dahil sa ginawa sa iyo ng kapatid ni Diego at ayokong bastusin si Basmayor ng gabing yon. Isa ako sa mga nakipag bid para sa iyo nung gabi ng auction pero si Basmayor ang nanalo. Gusto kitang kilalanin that time pero hindi ko na ipinush pa dahil marami rin akong kinakaharap na problema nung mga panahon na iyon." saad ni Lawrence na tahimik lang na pinakinggan ni Berry."Naikwento na ba sa iyo ng ama natin ang ginawa niya noon sa ina mo?" Aning saad pa ni Lawrence na biglang nagbago na ng awra niya na kanina ay napaka-intimidating."Sinabi niya at pinatawad ko na siya. Hindi ko rin naman nakasama ang tunay kong ina. Kailan ko lang nalaman na matagal na siyang namayapa. Sanggol pa lang ako ay wala na siya. Marami
Nakatulog si Berry sa kakaisip sa sitwasyon niya ngayon, na hindi niya inaasahan na mangyayari sa kanya dahil may usapan naman sila ni Jayden na hindi siya bubuntisin ng lalaki dahil sinabi niya na ayaw niyang mabuntis dahil hindi nga siya handang maging ina. Nangako pa nga sa kanya si Jayden noon pero naalala niya rin na sinungaling nga pala si Jayden dahil lahat ng pangako sa kanya ng lalaki ay hindi natupad.Ilang oras din na nakatulog si Berry at nagising siya dahil sa pagkatok ni Lara."Miss Berry, ipinatatawag ka na ni Don Alejandro." wika ni Lara na nasa labas ng kwarto niya.Bumangon si Berry sa kama at binuksan ng bahagya ang pintuan. "Pakisabi na bababa na ako, magpapalit lang ako ng damit, Lara.""Sige, bilisan mo na lang Miss Berry kase nasa salas na ang panganay na anak ni Don Alejandro." pahayag ni Lara na ikinabuka ng bibig ni Berry."Miss Berry, okay ka lang?" nag aalalang tanong ng caregiver ni Don Alejandro dahil baka mapasukan ng insekto ang bibig niya sa tagal na n
Matapos ayusin ni Berry ang kwarto niya ay agad siyang bumaba at pinuntahan sina Manang Ester. Nakangiti pa nga siya ng pumasok sa loob ng kusina. Kasalukuyan naman ng nagluluto sina Mila at Manang Ester at sinimulan ng maggisa ng bawang sa kawali ng bigla na lamang napaduwal ng ilang beses si Berry na mabilis na tumakbo sa lababo at doon nagsuka."Manang, bakit ang baho?""Ha?! alin ang mabaho? itong bawang ba na ginigisa ko ang naaamoy mong mabaho? hindi naman ah!""Ang baho talaga niyan Manang!" saad ni Berry at muling nagduduwal na wala namang lumalabas kundi parang tubig lang na mapait.Nagkatinginan sina Mila at Manang Ester sa nangyayari kay Berry. Malakas ang kutob nilang tama ang hinala nila."Buntis ka ba, Senyorita?" tanong ni Mila ng lapitan siya nito at hagurin ang likuran niya.Naestatwa si Berry at umayos din ng tayo. Naalala niyang ilang linggo na siyang hindi dinaratnan ng buwanang regla niya."Senyorita, okay ka lang? buntis ka nga ba?" tanong naman ni Manang Ester n
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.