MAKALIPAS ang isang linggo ay hindi gaanong nagpapansinan o nag-uusap man lang sina John at Khrystal. Kahit kasi iisa lang ang tinitirhan nila ay gumagawa ang asawang si Khrystal ng paraan para lang hindi sila magkasalubong sa daan.
Habang si John ay hindi maiwasang mainis sa sarili tuwing nakikita ang asawa dahil sinunod niya si Marianne sa mga sinasabi nito. Kung hindi sana nito alam ang sekreto niya ay wala sanang lakas ito ng loob para guluhin sila ng asawa.
Dagdag pa sa iniisip ni Jhon ang ginawa ni Marianne na pumunta sa bahay nila para lang manggulo. Malayong-malayo na siya sa dating babaeng minahal niya na isang mabait, maunawain, palangiti, mahiyain at mapagmahal. Simula kasi noong naghiwalay sila dahil sa…
“Totoo ba ‘tong mga nakasulat dito sa papel na ‘to? Sabihin mo, may inililihim ka ba sa akin?” nag-aakusang tanong ni Marianne habang nakaladlad sa harap ni
“Long time no see, Khrystal! Oo nga pala condolence sa pagkamatay ng dad mo. Nalaman ko lang no’ng sinabi sa akin ng Papa nitong si John. Saka akalain mo ‘yon kayo palang dalawa ang itinadhana ng kalangitan na maging mag-asawa. By the way, pasok pala kayo sa loob. Sa sobrang tuwa ko na nakita ko kayong magkasama e nakalimutan ko ng papasukin kayo,” natutuwang sabi ni Doc. Dormis sa kanila ni John.Saglit na tumingin si Khrystal sa mukha ni John upang makita ang reaksyon nito. Hindi siya nagkamali na makita ang pagtataka na mababakas sa mukha nito dahil sa nalamang kilala siya ni Doctor Dormis.“Kami rin po natutuwang makita kayo pero kailangan po muna namin ulit umalis Doc. Crystelle. Mukhang may kailangan pa kaming pag-usapan dalawa…” sabi ni Khrystal na alanganing ngum
ISANG linggo na rin ang lumipas simula nang malaman ni John na magkapareho sila ng kanyang asawa na may sakit na Borderline Personality Disorder. Akala niya sa pelikula o sa panaginip lang nangyayari ang ganoong mga bagay pero nagkamali siya dahil mapagbiro talaga ang tadhana.“So nagagalit ka na niyan? Sa tingin mo ba kapag sinabi ko sa ‘yo agad ang tungkol doon may magbabago ba sa sitwasyon natin? Hindi mo ba ako susungitan o aawayin man lang?” inis na tanong ni Khrystal kay John. “Oo, merong magbabago. Kung sinabi mo agad ang tungkol doon edi sana hindi ako natatakot na iwan mo kasama ng anak natin,” sagot ni John pagkatapos ay tumayo malapit sa bintana. “Edi sana hindi ginamit ni Marianne ‘yon para i-black mail ako na ipapaalam ang tungkol sa sekreto ko kapag hindi ako sumunod sa kanyang gusto,” bulong na sabi niya sa kanyang isip pagkatapos ay
Five months later…Dumalas nang dumalas ang pagde-date nilang mag-asawa. Sa totoo lang ngayon lang ulit naranasan ni John ang maging masaya sa kabila ng sakit niya. Wala na kasi siyang rason para matakot at itago pa ang totoong pagkatao niya.Madalang na lang kasi siya kung magalit at nakakasabay na rin siya sa pagbibiro ng kanyang kapatid at ng ibang tao sa paligid niya. Kung dati ay iniiwasan siya tuwing makakasalubong siya ng ibang emplayado sa kanilang kompanya dahil sa takot tuwing makikita siya ngayon ay hindi na. Dahil tuwing pumapasok siya sa opisina ay ngumingiti na siya at bumabati na rin tuwing may makakasalubong na binabati rin siya.“Nakakatuwa na ang anak nating si Janice nuh? Marunong na siyang dumapa at gumapang. Tapos napakabungisngis din niya,” tuwang-tuwang sabi ni Khrystal habang nakatingin sa anak nilang nakasakay sa stroller na iniregalo ng ninang niyang si Danell
Habang nakaratay sa higaan sa loob ng ospital at naghihintay na lang kung hanggang kailan siya babawian ng buhay. Wala siyang ibang nasa isip kung di ang tuparin ang plano niya bago man lang siya mawala.Pagkatapos niyang makita sa telebisyon ang larawan ni John kasama ni Khrystal habang karga nito ang anak nila na masayang nakangiti ay biglang sumikip ang dibdib niya dahil sa galit at inggit na kanyang nararamdaman.Kaya pilit niyang iniabot ang remote na nakapatong sa maliit na kabinet para patayin ang telebisyon. Kung bakit ba lahat na lang ng kamalasan ay ibinigay ng Diyos sa kanya. at sa dami ring magmamana sa pamilya nila ng sakit na Leukemia ay siya pa ang napagbigyan.Kung noon ay isa siyang masaya, mabait, malambing at puro positibo lang ang nasa isip. Ngayon ay wala na siyan
"Ano ba naman 'yan Khrystal? Sobrang tanga mo naman! Maglalaba ka na lang ng mga damit ko hindi mo pa nagawa nang maayos!" inis na sabi ni John sabay balibag sa kanya ng mga nilabhan niyang damit noong nakaraang araw. Bukod kasi sa butas-butas na ay nawala na 'yong dating tingkad ng mga damit kaya hindi niya masisisi na gano'n ang maging reaksyon nito. Wala kasi siyang magawa no'n kaya naisipan niyang maglaba ng mga pamasok nitong damit. Gusto niya kasing matuwa naman ito kahit papaano sa kanya dahil palagi na lang napupuna nito ang mga mali niyang nagagawa.Lumaki kasi siyang buhay prinsesa na nasusunod ang lahat ng gusto kaya wala siyang alam kahit na isang simpleng gawain sa bahay dahil marami silang kasambahay na gumagawa ng lahat ng gawain."So-sorry, hindi ko sinasadya," naiiyak na sagot ni Khrystal kay John habang yakap-yakap sa bisig niya ang mga damit."Hindi ko na alam kung anong gagawin sa 'yo! K
Nang sumunod na araw ay nagising si Khrystal na walang mabigat na dinadala sa kanyang dibdib. Iyon ay dahil sa alam niya na kung paano ang makaganti sa mga masamang ipinapakita sa kanya ni Beast.Dati kasi tuwing magigising siya ay lagi siyang umiiyak at lugmok lang sa isang sulok. Ngunit ngayon ay nakakaramdam siya ng pagkasabik dahil sa gusto niyang makita ang reaksyon sa mukha nito.Ngumiti siya habang tinitingnan ang kanyang sarili sa salamin. Nakita niya na may pagbabago ng nangyari sa sarili niya. Nawala na ang panlalalim at pangingitim sa paligid ng kanyang mga mata dahil sa hindi na siya umiyak at masarap ang tulog niya kagabi. Nag-inat siya pagkatapos para maging mas maayos ang aking pakiramdam niya bago pumunta sa banyo.Mayamaya ay nakarinig siya nang mahihinang katok mula sa pinto ng kanyang kuwarto. Mabilis niyang sinuk
Alas-singko pa lang ng madaling araw ay gumising na siya para makapasok nang maaga sa paaralan. Dahil sa isa sa mga shareholder ang kanyang ama ng eskwelahang ito kaya napagbigyan siya na hindi muna pumasok ilang buwan din kasi siyang hindi nakapasok simula noong ikinasal sila ni Beast.Ang New World University na pinapasukan niya ay isa sa mga prestihiyosong unibersidad dito sa Pilipinas. Dahil sa isa sa mga shareholder ang kanyang ama ng eskwelahang ito. Hindi naman siya hirap sa paghabol ng mga kulang niya na project at exams sa professors niya dahil isa siya sa mga magagaling sa kanilang departamento.Kilala rin ang NWU dahil sa puro mga naka-kotse ang estudyanteng nag-aaral dito at puro anak ng mga sikat na negosyante at government officials ang puwedeng pumasok dito pati rin sa makabagong paraan ng pagtuturo ng mga professor."Kumusta naman ang buhay may asawa, Kyenn?" nakangiting tanong n
"Being single is smarter than being in the wrong relationship." "So what kung late na ako umuwi? May problema ba roon, asawa ko?" nakangising sabi niya sa kanyang asawa habang nakalagay ang dalawang kamay sa kanyang baywang.Nagulat na lang siya nang bigla siya nitong hinila sa kanyang kanang braso at iginiya paakyat sa taas. "Patay mukhang dadalhin pa ata niya ako sa kuwarto niya," sabi niya sa kanyang isip habang sumusunod sa bawat galaw nito dahil sa takot niya na mahulog o makaladkad sa hagdan."I think kailangan mong maturuan ng leksyon, asawa ko," seryosong sabi ni John sa akin habang puno ng galit ang kanyang mga mata."Ba-bakit? Anong