SHAWN
NAIINIS na hinampas niya ang nakapinid na pinto ng kuwarto niya. Nakakainis! Gigil na binagsak niya ang katawan sa malambot na kama niya. Pilit niyang winawaksi sa isipan niya ang nangyari kanina sa university, buong hapon hindi siya nakapag-pokus dahil sa Charlene na 'yon.
Hindi mabura-bura sa isip niya ang maganda at makurba nito katawan. Shit! Nabigla talaga siya sa ginawa nito paghuhubad sa harap niya. Nagngingitngit ang mga ngipin niya dahil sa matinding inis na nararamdaman pero mas naiinis siya sa sarili niya dahil hinayaan niyang makita ni Charlene na naapektuhan siya rito. Kung bakit naman kasi bigla siyang tinigasan? Napahiya tuloy siya. Damn that woman!
Wala tuloy siyang choice kun'di ang magbabad sa banyo para kumalma ang katawan niya.
"Humanda ka talaga sa'kin, Charlene Dimagiba..." usal niya habang nasa tapat ng shower. Wala sa ugali niya ang hawakan mag-isa ang sarili ngunit nade-demonyo talaga siya. Kai
CHARLENE UMINGOS siya habang inaalala ang sinabi ni Shawn kanina sa cafeteria. Sinapian ang animal! Anong akala nito privilege ang maging boyfriend ito? Siraulo! Wala pa sa isip niya ang makipag-relasyon. At kung sakali man maisip niya, hinding-hindi siya papauto sa kumag na 'yon. Pagkalabas niya ng registrar office, sa wakas mayroon na siyang sariling locker. Hindi na siya mahihirapan magbitbit ng mga libro at notes niya. Pagbukas niya ng locker, napasinghap siya sa gulat nang mahulog ang samu't saring kalat sa loob nun. Natawa ang ibang estudyante sa paligid. Nagtagis ang bagang niya. Ginawang smokey mountain ang locker niya. Tsk! Malaki ang hinala niya na si Shawn na naman ang may pakana nito. Argh! Bwiset talaga! Napabuga siya nang malalim na paghinga. Isa-isa niya pinulot ang mga kalat at nilagay sa pinaka malapit na trash bin. Mayamaya pa ay may limang mga babae lumapit sa kanya.Nagtatakang napasulyap siya sa mga ito. Ngunit, nagulat siy
SHAWNNAPABALIKWAS siya nang bangon. Isang daan bituin yata ang dumaan sa paningin niya dahil sa matinding hilo natamo nang suntukin siya ni Charlene.Nanggagalaiting luminga-linga siya. Nakita niya si Sarmiento na nakaupo sa gilid. Nasa loob pala siya ng clinic. Shit!"Nasaan ang Charlene na 'yon?!" malakas na wika niya.Hindi siya makapaniwala na napabagsak siya ng isang suntok lang at isang maliit na babae pa? Naiiling na nagtatagis ang mga ngipin niya. Lintek!"Basted ka na nga, na-knockout ka pa. Grabe! Ang astig!" nakangising sabi ni Sarmiento."Gusto mo rin ba ma-knockout? Sabihin mo lang," puno ng iritasyon ani niya at nagmamadaling lumabas na ng clinic.Ang walang hiyang, Charlene na iyon. Bigla-bigla na lang siyang sinugod. Nagalit ba ito dahil kinuha niya sa registrar office ang cellphone number nito? Umingos siya. Nagpakahirapa pa naman siyang pumasok sa registrar office para makuha lang ang numero nito. Kainis!Sa
SHAWNTUMAYO siya at umatras palayo kay Maureen."Puwede ba magdamit ka! I'm sorry, Maureen pero wala talaga akong gusto sa'yo. Kahit maghubad ka pa. Never!" puno ng iritasyon asik niya sa dalaga.Naiinis siya. Paano ba 'to nakapasok sa hideout place? Marahas na lumabas siya. Kita niya na nag-iinuman pa rin ang iba ka-miyembro niya."Ayos ba, tol? Malungkot kasi matulog ng mag-isa kaya pinapasok namin sina Maureen."Napatingin siya sa mga nag-iinuman kasama na rin pala ng mga ito ang ibang ka-grupo ni Maureen. Napailing siya saka matiim na tinitigan ang nagsalita."Sa susunod huwag niyo ako iistorbohin sa pagtulog kung ayaw niyong makatikim sa'kin," wika niya sabay marahas na sinipa ang isang silya.Bitbit ang bag niya ay umalis na lang siya. Nawalan na siya nang gana matulog don. Marahil nakainom lang si Maureen kaya ganoon ang ginawa nito. Kung tutuusin maganda at sexy naman ito. Pero hindi siya katulad ng ibang lalaki na maru
CHARLENE SOBRANG problemado ang Mama niya dahil hindi pa rin nagpapadala ng pera ang Papa niya para pandagdag sa gastusin at allowance niya sa pag-aaral. Wala siya choice kun'di gumawa ng paraan. Nasa tamang edad naman na siya puwede na siya mag-trabaho. Kaya naman naisipan niya magpasa-pasa ng resume sa mga fast food chain sa siyudad, nagba-bakasali na matanggap siya. Balak niya mag-part time, magbabawas na lang siguro siya ng subject sa susunod na semester para maisingit niya ang trabaho pagtapos ng klase niya. Maaga natapos ngayon ang klase niya kaya naman magpapasa siya uli ng resume. May nakita siya maliit na mini grocery store sa 'di kalayuan sa terminal ng bus. Susubukan niya magpasa roon. Pagkapasok sa grocery store, kaagad niya tinanong ang kahera nakita niya. "Excuse me, kanino po puwede magpasa ng resume?" magalang na tanong niya sa may edad na kahera, Tingin niya kasing edad lang ito ng Mama niya. Pinasadahan naman siya nang tingin nito mula ulo hanggang paa. "Estudyan
SHAWNPAGKAUWI napansin niya agad ang mga sasakyan nakaparada sa labas ng bahay nila. Malamang bisita na naman ng kaniya Daddy ang mga kaibigan at kaalyado nito. Napailing at napabuga na lang siya ng paghinga. Pagkapasok tumutok sa kaniya ang pansin ng lahat. Bumati lang siya sa mga ito. Katabi ng Daddy niya ang Kuya niya, panigurado binibida na naman nito ang paborito nito anak. Naririnig niya kasi na nais patakbuhin ng kaniya Daddy ang Kuya upang maging konsehal sa distrito nila sa susunod na eleksiyon.Dumiretso na lamang siya sa silid niya. Wala siya hilig sa mga ganiyan klaseng usapin. Wala rin siya balak sumunod sa yakap ng Daddy niya. Bahala na si Kuya Shane tutal ito naman ang mabait, matalino at masunurin na anak para kay Daddy. Pabagsak niya hiniga ang katawan sa kama at napatitig sa puting kisame. Pumasok sa isip niya si Charlene. Kung tutuusin hindi naman ito nawala sa isip niya, kaya mula sa University ay naisipan niya sundan ito ng hindi nito napapansin hanggang sa naki
CHARLENEISANG MALALIM na buntong hininga ang ginawa niya matapos siya magligpit ng mga libro sa library. Mukhang madali tignan pero sobrang hirap at nakakapagod. Kailangan niya kasi iayos ang mga libro batay sa numero at paksa ng libro. Ito kasi ang naging kaparusahan niya dahil sa maling pag aakusa ni Maureen sa kaniya na ninakaw niya raw ang mamahaling cellphone nito. Umingos siya. Kalokohan. Kahit kailan hindi siya nanguha ng gamit ng hindi sa kaniya. Hindi niya lang alam kung paano napunta ang cellphone ni Maureen sa loob ng bag niya.Ngunit malakas ang kutob niya pakana lang iyon ng babaeng intrimitida na iyon na walang magawa sa buhay. Pailing-iling na lamang siya. Aminado siya, nakaramdam siya nang kaba na baka masuspinde siya sa University. Ayaw na niya dagdagan ang problema ng magulang niya kaya pumayag na lang siya sa nais ni Maureen at humingi ng dispensa. Nag-log out na siya sa log book at nagmadali lumabas na ng University. Susubukan niya uli mag-abot ng resume sa Mall.
CHARLENEPAGMULAT niya ng mga mata bumungad agad sa kaniya ang nag-aalalang mukha ng kaniya Mama. "M-Mama..." anas niya. Hinaplos ng Mama niya ang kaniya noo. "Kumusta ang pakiramdam mo, Anak? Pinag-alala mo ako sobra. Mabuti na lang at walang nangyari sa'yo masama. Inaapoy ka lang ng lagnat kaya ka raw hinimatay." Lintanya ni Mama. Bumalik sa isipan niya ang mga nangyari. Naalala niya rin si Shawn na nakita niyang nasaksak. Napatingin siya sa Mama niya. "May kaklase ako nasaksak, Ma," mahinang bigkas niya. Tumango naman ito. "Oo, Anak. Nahuli na lahat ng mga lalaking nang harass sa'yo. Nalaman ko rin na 'yon kaklase mo na 'yon ay anak pala ni Mayor." Mabuti naman pala kung ganoon na nahuli ang mga bakulaw na 'yon. "Ayos na po ba siya? 'Yon kaklase ko?" Gusto niya malaman ang nangyari sa binata. Hindi niya alam kung paano nito nalaman na nandoon siya pero nagpapasalamat pa rin siya na dumating ito upang iligtas siya. "Nasa ICU pa rin siya pero ang sabi sa'kin ng Nurse maayos
SHAWNPAGKAUWI isang nakakayanig na sampal ang dumapo sa kanang pisngi niya. Nanggagalaiting sinuntok siya ng kaniyang Daddy. Mahinang napamura siya sabay punas ng bibig dahil sa dugong dumaloy do'n. Bakas naman ang gulat sa mukha ng Kuya Shane niya."Wala ka talagang magawang matino, Shawn! Sinisira mo ang imahe ko sa publiko, nakipagbasag-ulo ka pa! My God!" Gigil na gigil na asik ng Daddy niya.Umingos siya. Walang magawang matino? Seriously? Wala naman ito nakitang maganda sa mga ginagawa niya bakit pa siya mag-aabalang gumawa nang maganda?"Dad, tama na," pang-aawat ng Kuya Shane niya."I saved my schoolmate, that's a good deed, don't you think?" sarkastikong tanong niya sa Daddy niya. Aambahan sana siya uli nito nang pumagitna na si Kuya Shane sa kanila."Bastos ka talaga! Sana tumawag ka na lang ng mga pulis kaysa ikaw ang makipagbasag ulo. Hindi ka nag-iisip. Palibhasa, gusto mo talaga ang mga gano'n klaseng gulo.""Gusto ko? Are you sure, really?" pangha-hamon niya.Minura si