Madeline's P. O. V.Pagsapit ng gabi ay antok na antok na ako. I felt mentally exhausted sa dami ng inaral namin in just a day, pakiramdam ko sinasadya na niyang wala man lang pahinga. Tuloy-tuloy ang pagpasok ng information sa utak ko. Although gusto ko na talaga matapos ang modules but I really feel awkwardness between me and Prof. Pauline."Love, you keep on yawning. I think you should sleep early," puna ni Raven sa akin. Tumango ako at kinapa ang gilid ng mata ko na puno ng luha kakahikab ko. Pinunasan ko ito gamit ang mga daliri ko. Nakaupo kami sa sala at nagpapahinga dahil kakatapos lang namin mag-dinner. Ayoko naman matulog kaagad dahil kakakain ko lang, may mga masamang kasabihan about sa pagtulog ng busog."Love..." hinawakan ni Raven ang kamay ko.Bigla niyang pinatay ang TV kaya nanlaki ang nga mga mata ko."Oh, I thought you want to watch soccer?" tanong ko."But your sleepy, kaya matulog na tayo sa kwarto," ani Raven."Pero kung gusto mo manood, okay lang sa akin. Buksa
Madeline's P. O. V.Lumipas ang ilang araw, natiis ko ang limang araw na pag-tutor sa akin. Natapos ang lahat ng modules ko sa tulong ng bwisit na si Professor Pauline. Kahit ba malagkit ang tingin nito sa asawa ko ay napakinabangan ko naman siya, although bayad naman ang trabaho niya."I'm happy that you already finished all of these, next week exam na lang then bakasyon ka na," ani Raven habang nakatayo sa harapan ng lamesa kung saan nakapatong ang mga tumpok na modules and answer papers.Biglang hinawakan ni Prof. ang braso ko sabay ngiti. I suddenly felt awkward again pero nasanay akong pekein ang pagngiti ko sa kaniya."Of course, sa talino ba naman ng asawa mo, Sir Raven. I'm so impressed in her skills, from reading comprehension to memorizing. Malayo ang mararating ni Mrs. Madeline." Hinimas-himas niya pa ang balikat ko.Napairap ako at tumingin sa kaniya. Bahagya kong hinampas ang braso niya, gusto ko ngang lakasan. Aalis na lang ang dami pang satsat."Thank you for the compli
5 YEARS LATERMadeline's P. O. V."Ms. FA, ehem--Roselle!" sigaw ko nang hindi niya ako pansinin dahil busy siya sa pakikipag-picture sa kaniyang mga kaklase. Nang lingunin niya ako ay kusang gumuhit ang ngiti sa aming mga labi. Nagtatatalon ito papunta sa akin, nang makalapit siya ay binigyan niya ako ng mahigpit na yakap. "Yes! Graduate na tayo!" sigaw ko habang yakap namin ang isa't isa.Humiwalay siya at hinawakan ang pisngi ko."Pero, Bes... Ang pinakamasarap sa lahat. Tapos na tayo mag-aral tapos sasahod na tayo!" sigaw niyang muli."Bakit parang hindi na ako kasali sa inyo?" Napatigil kami nang marinig namin ang boses ni Catalina. Paglingon namin sa likod ay nakita namin siyang nakatayo, may dalang isang bouquet ng bulaklak. Napataas ang kilay ko nang makita ang manliligaw niya sa kaniyang likuran."Oh, nandyan pala si Paul James," puna ko."May sasabihin kasi ako sa inyo, actually, kami... May sasabihin kami," ani Catalina sabay ayos ng kaniyang eyeglasses. Napakunot ang n
Madeline's P. O. V.Hawak ko ang aking cellphone, naghihintay ako ng reply mula kay Roselle. Ang sabi kasi nilang dalawa ay dadalo sila sa welcoming ko bilang bagong CEO. Nakasakay pa rin ako sa kotse, nakaupo ako sa backseat dahil driver lang nila Mommy ang naghatid sa akin. Nasa company building na ngayon si Raven kasama nila Mommy."Hayst... Sabi nila pupunta sila," malungkot kong bulong.Pumasok ang driver sa loob ng kotse at naupo na sa driver's seat."Ma'am, tumawag na po ang Mommy ninyo, pwede na raw tayo pumunta sa entrance," aniya."Sige po, Manong!" Nakaramdam ako ng halo-halong emosyon, kaba, saya, at excitement. Napahawak ako sa aking dibdib dahil lumakas at bumilis ang tibok nito.Binalik ko na sa hand bag ko ang cellphone ko saka kinuha ang foldable mirror ko, tinignan ko ang aking make up, na ngayon ay hindi pa rin nagugulo. Ngumiti ako at nag-practice ng aking speech habang nagda-drive si Manong.Napatigil ako nang makita ko na ang grand entrance. Napaawang ang labi k
Madeline's P. O. V.Nakatayo ako sa harapan ng building ng company ng aking magulang. Kakatapos lamang ng klase ko at pinapapunta nila ako para raw makilala ko ang lalakeng ipapakasal nila sa akin. Ilang beses akong tumanggi pero ayaw talaga magpapigil nila Mama, para bang hawak nila ang buhay ko.Napatingin ako sa aking bagong shoes, nagkaroon ito ng talsik ng putik dahil kakaulan lang. Raining season ngayon kaya madalas ang pag-ulan. Akmang pupunasan ko ang sapatos ko nang bigla kong maramdaman ang pagtalsik ng tubig sa aking blouse at palda."Sino 'yon!?" sigaw ko.Agad na nag-init ang dugo ko nang makita ang isang kotse na huminto sa parking lot ng aming building. Napatingin ako sa suot ko na puno ng itim na marka ng putik. Mabilis akong lumapit sa kotse at hinampas nang ilang beses ang bintana nito.Pumamewang ako at tumayo sa tapat ng drivers seat, bumukas ang pinto nito. Isang matangkad at gwapong lalake ang lumabas ng kotse
Raven's P. O. V.Kumikirot ang leeg ko, ramdam ko pa rin ang pagbaon ng kuko niya sa akin. Ayoko lang ipakita na mukha akong mahina at iiyak na dahil lang sa kuko ng babaeng nasa harapan ko ngayon. I act normal, although hindi ako makaupo dahil ramdam ko ang dumi sa aking pants."Mr. Aguilar, I am very sorry. Bata pa ang anak ko at nakakagawa ng mali, sana bigyan mo pa siya ng isa pang pagkakataon," ani Mrs. Rosario, ang ina ni Madeline.Hindi ko akalain na ang babaeng ito ang papakasalan ko, ang hirap isipin na araw-araw kong makikita at makakasama ang kagaya niya, paano na lang ako? Hanggang kailan ako magtitiis sa ugali ng babaeng 'to."Mom, I told you, siya po ang nauna. Wala nga akong ginagawa, kung hindi niya ako tinalsikan ng putik, eh 'di sana okay na okay kami ngayon," reklamo ni Madeline.Napabuntong hininga ako. Mukhang wala siyang balak magpatalo."Mr. and Mrs. Rosario, I want to forget this incident. Iyon ay kun
Madeline's P. O. V.Pinasakay niya ako sa kaniyang kotse. Wala akong nagawa kundi ang sumama sa kaniya, kahit napapansin ko ang feeling close niya na sa akin. Kung hilahin niya ako akala mo wala siyang ginawang kasalanan sa akin."Bakit ba hindi mo na lang ako minessage?" irita kong tanong at sinuot ang seatbelt.Pinaandar nito ang sasakyan. Wala akong kamalay-malay kung saan niya ako dadalhin ngayon."Hindi ko alam ang number mo.""Pero alam mo kung saan ako nag-aaral?" tanong ko.Binigyan niya ako ng sulyap, hindi pa matagal ang pagsasama namin pero bumubuo agad kami ng pagtatalunan. Wala akong magagawa, kung ganito ba naman kasi ang ugali niya."Your father told me to fetch you. I was looking for you, wala ka sa company at sabi ng Dad mo na uwian mo na at sunduin kita, okay?" iritable ang tono ng kaniyang boses."So, bakit mo naman ako hinahanap, anong meron sa kasal natin?" tanong ko ulit."My mother
Madeline's P. O. V."Oh! Bakit mo binabaan yung future husband mo?" tumatawang sabi ni Roselle."Kilabutan ka nga," irita kong sabi at uminom muli ng alak.Tumabi sa akin si Roselle saka dinikit ang kaniyang mukha sa akin."Kapag ganyang chupapi, hindi na dapat pinapalampas. Kagaya nung lalake na 'yon." Tumuro siya sa mga lalakeng nakatayo sa harapan ng stage. "Tignan mo yung lalakeng nakakulay light blue na polo, mukhang mayaman na Tito na single.""Huy! Grabe ka na Roselle, narinig ko 'yon kahit malayo." Umirap si Catalina sabay inom ng alak."Chismosa ka. Tara na, lapitan natin. Malayo