Share

Chapter 2

Mabilis na lumipas ang isang linggo. Napapansin kong napapadalas na ang mga lakad ni Thorn ngayon. Makulit pa rin naman siya, naglalaro pa rin sila ng anak ko, nagbobonding kami pero hindi na niya inoopen ang topic about sa pagkakaroon ng anak.

"May importanteng lakad lang akong pupuntahan. Uuwi rin ako kaagad," paalam niya sa 'kin isang beses.

"Bumalik ka kaagad," sagot ko sa kaniya't hinalikan siya.

Bumalik ka kaagad, may importanteng sasabihin ako sa 'yo.

Hindi ko na naisatinig pa iyon dahil nakalabas na siya nang tuluyan sa pinto at tuluyang nawala na sa paningin ko. Birthday niya ngayon pero nagkunwaring hindi ko naalala iyon dahil may matagal na talaga akong plano.

Alas nuwebe na nang umaga pero hindi pa rin gumigising si Theo kaya sinamantala ko iyon. Pumunta ako sa cafe na iilang metro lang ang layo sa bahay namin. Hindi kami magbubukas ngayon dahil dito ko gustong surpresahin ang asawa ko mamaya.

Inayos ko ang mga upuan. Nilgyan ng iba't ibang klase ng ilaw na alam kung maglalaro mamaya kapag dumilim na ang paligid. Hindi na ako nakauwi sa bahay no'ng pananghalian dahil inabot ng halos dalawang oras ang paglilinis ko roon. Kung uuwi pa ako ay sure akong hindi ko matatapos ito ngayon. Nang pumatak ang saktong alas singko nang hapon, nagsimula akong magluto ng mga paboritong pagkain ni Thorn. Lahat ng 'yon, hinanda ko nang puno ng pagmamahal. Nang natapos ako ay umuwi ako kaagad ng bahay.

"Mommy, saan ka galing? Theo is waiting you and Daddy here," malungkot na sabi ng anak ko.

Naabutan ko siya sa sala at nanonood ng paborito niyang cartoon. Nasa tabi niya ang lolo't niya niya na nakikinood din sa kaniya.

Kinurot ko ang pisngi niya. "May ginawa lang si Mommy, babyboy. Tumayo ka na diyan at may pupuntahan tayo nina Grandma at Grandpa," utos ko sa anak at masigla naman nitong sinunod.

"May inihanda ka bang surpresa para sa birthday ni Thornton, anak?" tanong sa 'kin ni Mama Laecy.

Tinanguhan ko siya, "Opo, Ma. Kaya magbihis na rin po kayo ni Papa. Sabay na po tayong pumunta roon."

Sinundan ko ang anak ko sa kwarto niya. Naabutan kong may hawak-hawak siyang kahon doon pero hindi ko matandaang may inilagay akong ganoon sa kwarto niya.

"Mommy, what's this? Theo saw Daddy yesterday. He's holding it and then he left," kwento ng anak ko.

Hindi ko na muna binigyan ng atensiyon ang kahon at binihisan na lang siya. Inilagay ko ang kahon sa lamesa niya't kumuha ng damit niya sa closet. Hindi rin naman kami nagtagal doon at lumabas na rin agad dahil hindi naman siya mapili sa damit. Nagbihis na rin ako sa kwarto ng isang simpleng puting dress na bigay sa 'kin noon ni Thorn.

Naabutan namin sina Mama at Papa sa sala, naghihintay.

"Tara na, Ma, Pa?"

Napalingon sila sa 'min nang nagsalita ako. Agad nilang pinuri ang kapogian nang apo nilang manang-mana lang naman sa ama nito. Hindi rin ako nakaligtas sa papuri nila't anilay para raw akong dalaga pa't walang anak.

Ay, enebe.

Nagpaalam kami sa mga katulong namin at sinabihan silang magluto sila kung ano ang gusto nilang kainin at magpahinga ng maaga. Tinext ko pa si Thorn na dumiretso sa cafe para roon kami kitain.

Pumanhik na kami papunta sa cafe. Wala naman naging reklamo sina Mama't Papa dahil maganda rin naman daw ang cafe para roon mag-celebrate. Gulat na gulat sila nang makita ang kabuuan ng cafe. Nagmukha itong party dahil sa pinagpaguran kong pagdedesinyo kanina. Isang malaking lamesa ang inilagay ko sa gitna na may limang upuan. Hindi lang ito isang simpleng mesa dahil punong-puno ito nang simple pero magarang mga disenyo. Taray! Nilagyan ko rin ng lights ang buong cafe, iyong hindi masakit sa mata. Nagmumukha itong party o anniversary dinner.

"Wow, Mommy. Is this a party?" gulat na tanong sa 'kin ng anak ko.

"No, baby. We will just celebrate Daddy's birthday. No parties. Just a dinner, babyboy," sagot ko't kinurot ang pisngi niya.

"Okay."

"Ang laki na pala ng cafe niyo, anak," si Papa Alfred nang maupo kaming lahat.

"Oo nga po, Pa. Hindi ko po akalaing lalago po ito. Maraming salamat po sa tulong niyo ni Mama."

"Lumago ito dahil sa paghihirap niyo, anak. Kami dapat ang magpapasalamat sa inyong mag-asawa dahil napalago niyo ang perang inilaan namin sa inyo," ani Mama Laecy at hinawakan ang kamay ko.

Ipinatong ko ang isa kong kamay sa magkahawak naming kamay at ngumuti sa kaniya.

"Maraming Salamat pa rin po, Ma," nakangiting sagot ko.

Ngumiti lang siya sa 'kin at namayani sa 'min ang katahimikan. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para magsalita.

"May sasabihin rin po sana ako sa inyo, Ma, Pa."

Tuluyan kong nakuha ang atensiyon nila pati na rin sa anak kong tahimik lang na nakaupo.

"Ano iyon, anak?"

"Mamaya na lang po kapag nandito na si Thornton," nakangiting tugon ko habang hinihimas ang nakaumbok sa tiyan ko.

"Nga pala, nasaan na ba si Thornton? Sinabihan mo ba siyang pumunta rito, anak?" biglang tanong ni Mama.

"Opo, Ma. Sinabihan ko siyang dito na dumiretso sa cafe."

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko't nagulat nang makitang mag-aalas otso na pala ng gabie. Mahigit dalawang oras na kaming nandito.

"Anak, mukhang hindi na makakarating si Thornton. Siguro ay sa bahay na lang natin siya hintayin," suhestiyon ni Mama pero hindi ako pumayag.

Umabot na ng isa pang oras ang paghihintay namin pero hindi pa rin siya dumating. Ni kahit anino niya ay wala. Nauna na nga sina Mama't Papa dala ang ang natutulog kong anak. Tinawagan nila ang family driver naming si Kuya Alias para kunin sila.

Unti-unti akong nanlumo nang makitang pasado alas-diyes na pala ng gabi. Tuluyan nang nawala ang pag-asa kong dadating si Thorn nang pumatak ang alas-onse ay wala pa rin. Kinuha ko ang mga niluto ko kanina sa kusina ng cafe. Inilagay ko ito sa isang lagayan at binitbit ito palabas ng cafe. Sumakay ako sa sariling kotse at nagsimulang imaniubra ito paalis at papunta sa bahay.

Dali-dali akong lumabas ng kotse nang nadatnan ko ang sasakyan ni Thorn sa mismong harap ng bahay namin. Dali-dali akong kumatok sa bintana niya para pagbuksan ako pero hindi niya ginawa. Hindi ko makita kung ano ang nasa loob dahil black tilted ang kotse niya pero nasisiguro kong nasa loob siya dahil nakabukas pa rin ang ilaw nito sa labas.

Pinihit ko ang pintuan niya at nabuhayan ako ng loob nang mapagtantong hindi ito naka-lock. Nakasubsob sa manibela, natutulog at amoy alak na Thornton ang bumungad sa 'kin. Triny kong gisingin siya pero hindi ako nagtagumpay. Maingat na inilabas ko siya sa kotse at maingat na iginiya papasok sa loob ng bahay. Wala na akong gising na naabutan doon at napakatahimik na rin ng bahay.

Dumiretso kami sa kwarto namin at sabay kaming napahiga ni Thorn sa kama. Napakabigat naman ng lalaking 'to. Bakit magaan siya kapag— Nevermind.

Tinanggal ko ang suot niyang sapatos. Napangiwi ako nang tinanggal ko ang auot niyang suit dahil nangangamoy alak ito. Tinggal ko na rin lahat ng suot niya dahil pati sa suot niyang pants ay may suka ito.

Nakakadiri ka, Love. Parang bata!

Kumuha ako ng towel sa banyo at nilinisan siya habang hubad na nakahiga sa kama. Wala naman akong reklamo dahil ilang beses ko na siyang nakitang hubad sa harapan ko, pero itong traydor kong katawan, nagrereklamo kesyo hindi ko pa tikman.

Ano ba, Addison!

Binilisan ko ang paglilinis sa kaniya't baka ano pa ang magawa ko. Kumuha ako ng boxer shorts at t-shirt at isinuot iyon sa kaniya bago magbihis na rin ako sa sarili ko.

Ito ang unang beses na naglasing ng ganito si Thorn simula noong nagsama kami. Well, okay lang naman. Birthday niya naman, eh. Deserve niyang magcelebrate at mag-inom. Sayang nga lang iyong inihanda ko para sa kaniya. Pinalis ko ang isiping 'yon at dumiretso nang higa sa tabi niya.

Dumungaw ako sa kaniya't hahalikan na sana siya sa labi nang magsalita siyang nagpatigil sa 'kin.

"B-Bella...trix..."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status