Bumalik sa sarili si Sharon. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya, at namumula ang mga tainga. Mabilis siyang yumuko at kinagat ang kaniyang mga labi. Naiinis siya.Nakaramdam ng kirot sa kaniyang puso si Simon nang makita ang reaksyon nito. Muli, naamoy niya ang bagong nagmumula sa katawan nito na matagal na niyang gustong maamoy ulit.Nag-iba ang pagtitig niya rito at naging mapanuri.Hindi na katulad ng dati ang eksena nilang dalawa. Sa isang iglap, mayroong mga yabag na papalapit sa kanila."Shar, nakuha mo na ba ang mga gamot?" Si Riley at Sebastian ay kanina pa naghihintay sa ward, kaya nagdesisyon si Riley na hanapin si Sharon nang mapansin na natatagalan ito.Pinigilan ni Sharon ang emosyong namumuo sa kaloob-looban niya. 'Masama ito, paano ko nakalimutan ang anak ko?""Oo, nakuha ko na. Kumusta si Sebastian?""Medyo mabuti na siya, pero sabi ng dokto ay kailangan niya pa ring uminom ng gamot." Tiningnan ni Riley ang matangkad at seryosong lalaki sa tabi niya. Kuminang an
"Tito, nalaman kong hinimatay raw si lolo. Kumusta na siya ngayon?" Mabilis na tanong ni Howard pagkatapos makapasok.Nalaman niya mula sa mga nurses na nandito si Simon sa ward na ito. Kaya nagmadali siyang nagpunta sa ward nang hindi tinitingnan kung sino ang mga tao sa loob.Inilipat ni Simon ang kaniyang tingin at kalmadong sinabi,"Katulad pa rin ng dati. Inaasikaso na siya ng doktor."Nakilala na rin ni Howard ang mga tao sa loob ng ward, hindi siya makapaniwala. 'Bakit si Sharon nanaman?'Kaagad na nagsalita si Riley nang hindi nagdadalawang-isip, "Sino nagpapasok sa iyo?" Labas!"Kinagat ni Sharon ang kanyang mga labi ngunit hindi nagsalita. Umupo siya sa gilid ng kama at tiningnan lamang ang kaniyang anak. Hindi man lamang niya sinulyapan si Howard.Nakita ni Howard ang bata, at natulala siya. 'Bakit kamukha ng batang iyan.... ang tito ko?!"Kaagad niyang tiningnan ang kaniyang tito. 'Anak ba siya ni tito?"'Hindi. Kahit kailan ay wala pang nakalapit na babae kay tito.
Hindi inaasahan ni Sharon na mayroong iniwan sa kaniya ang kaniyang ama. Limang taon na ang nakalilipas, nagmamadali siyang umalis. Pagkatapos magpaalam sa kaniyang ama sa sementeryo, kaagad siyang umalis ng Northern City bilang hindi na siya tanggap sa lugar na iyon."Sige po, tatawagan ko kayo bukas kung ganoon."Kailangan pang asikasuhin ni Doctor Collins ang ibang pasyente. Kaya umalis rin siya pagkatapos ibigay ang kaniyang contact number.Kinabukasan, sinigurado ni Sharon na maayos na ang tiyan ng bata pagkatapos niyang uminom ng gamot. Doon lamang niya ito hinatid sa kindergarten at nagtungo sa trabaho.Pagkarating niya sa kumpanya, nakatawag siya ng tawag mula sa opisina ng secretary. Pinapatawag siya sa opisina ng presidente nais siyang makita ni President Zachary.Hindi nagtagal, narating ni Sharon ang opisina ng presidente. Nakatayo si Simon sa isang bintanang mula kisame hanggang sahig ang laki. Mayroon itong kausap sa telepono. Nang makita ang pagdating niya, iginaya
"Siya si..." Nag-iisip si Simon kung paano siya ipapakilala."President Zachary, nakalimutan niyong isama ang female partner niyo," sabi ni Sharon, na pinipigilan, mayroong lungkot sa tono nito.Tumaas ang kilay ni Simon. "Female partner?""Papasukin mo siya," sabi ni Douglas.Ang bahagyang malamlam ngunit matalim na tingin ni Douglas ay sinimulang suriin si Sharon. Hindi pa siya nakakita ng babae katabi ng kaniyang anak sa matagal na panahon. 'Espesyal kaya ang babaeng ito?'Natuwa si Sharon nang makuha ang green light. Ngumiti siya at naglakad nang nakataas ang noo."Ikinagagalak ko kayong makilala, Director Zachary," magalang niyang bati rito. Tiningnan lamang siya nang mabuti ni Douglas. Kinabahan siya rito.Ibinaling niya ang tingin sa iba at napansin ang walang emosyong mga mata ni Simon na nakatitig sa kaniya. Nagsimulang bumilis ang tibok ng kaniyang puso, iniwasan niya ang tingin nito. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito.'Baka galit siya?'"Simon, siya ba
Pumasok sa eksena si Sharon habang hawak-hawak ang kamay ni Simon. Kasunod nito, nakita niya ang ina ni Howard, si Fiona at.. si Sally!Sa ilalim ng manghang tingin ni Sally, kinurba niya ang kaniyang mga labi at tahimik na hinigpitan pa ang kapit sa braso ni Simon.Bahagyang nanginginig ang boses ni Sally habang nagsasalita, "Sharon?"Hindi sila nagkitang dalawa ng limang taon. Ang Sharon ngayon ay hindi na katulad ng dati. Ganoon pa rin ang itsura niya, pero mayroon na siyang binibigay na confidence at pride ngayon.Madaling nakita ni Sally ang galit sa mga mata nito. Nakahawak siya kay Simon at pinapakita ang sarili na parang siya ang nanalo.Natulala si Sally.Nakita ni Fiona si Sharon, ang tusong babaeng nanloko sa anak niya limang taon na ang lumipas."Howard, bakit siya nandito?" Matalim niyang tiningnan ang kaniyang anak.Ngumiti si Sharon at sumagot bago pa makapagsalita si Howard, "Tita, nandito ako ngayon para batiin si Howard at Sally."Niyukom ni Sally ang kaniyan
Kanina ay kaswal lamang na niyaya ni Sharon na sumayaw si Simon. Hindi niya inaasahang papayag ito.Sinong mag-aakala na siya, na nagkusang imbitahin siya, ay ang siyang sumusunod ngayon, pinapangunahan siya ng mga galaw ni Simon sa dance floor.Hindi niya namamalayang tanging ang lalaki lamang sa harapan niya ang kaniyang nakikita. Sa ilalim ng makinang na crystal lights, ang perpektong mukha ng lalaki ay mas lalo pang gumwapo.Para bang ang malalalim nitong mga mata ay mayroong mahika na dahilan ng pagka-akit niya rito.Kasama ng huling nota ng musika, natapos nila ang huling step. Ang mga braso nito ay nakapalibot sa kaniya, at nauwi siya sa yakap nito. Tumingala siya at tiningnan ang mga mata nito. Sa segundong iyon, nakalimutan niya ang lahat.Nang marinig ni Sharon ang palakpakan sa paligid ay doon lamang siya bumalik sa sarili. Hindi niya namamalayang umalis siya sa yakap nito.Yumuko siya. "Kukuha ako ng maiinom." Mabilis niyang nilisan ang dance floor.Tiningnan ni Sim
Tumayo si Sharon sa harap ni Sally, ang lahat, kasama na si Howard ay nakatingin sa kanilang dalawa. Hindi nalalayo ang kinakatayuan ni Howard.Kumunot ang kaniyang noo at nagtaka kung ano ang plano ni Sally.Para bang nakangiti lamang si Sally habang tinitingnan si Sharon. Sinabi nito, "Pwede mo bang sagutin muna ang tanong ko. Kapag mali ka ng sagot, makakatanggap ka ng penalty.""Spit it out." Tiningnan siya ni Sharon sa mga mata. 'Napaka peke pa rin ng Sally na ito. Wala siyang lakas na loob na aminin sa publiko na magkakilala kami.'Kuminang ang mga mata ni Sally. "Pwede ko bang malaman kung ano ang pinag-uusapan niyo ng asawa ko sa pasilyo sa labas kanina lang?"Bahagyang nagsalubong ang magagandang kilay ni Sharon dahil alam niya ang pinaplano ni Sally."Sa tanong na iyan, si Howard dapat ang tanungin mo. Siya ang humila sa akin palabas.""Tinanong ko na siya, at sinabi niyang sinubukan mo siyang ligawan. Ganoon ba?!" Sigaw ni Sally, pinagmumukha siyang guilty.Mayroong
Buhat-buhat ni Simon si Sharon palabas ng hotel. Sa gabing iyon, umihip ang isang malamig na hangin. Kasunod nito, nanginig si Sharon sa naramdaman niyang lamig.Nabasa ang tela sa kaniyang dibdib dahil sa wine mula kay Sally. Basa rin ang kanyang buhok, at namantsahan ng butter ang kaniyang damit. Nahihiya siya sa itsura niya ngayon."Salamat, ibaba mo na ako," mahina niyang sabi.Sa sandaling iyon, isang kotse ang dumating ay tumigil sa harap nila.Ibinaba siya ni Simon. Nakita niyang namantsahan na rin ang western suit nito ng maraming butter, nahihiya siya rito. "Pasensya na, nadumihan ko ulit ang damit mo. Pwede mong hubarin na lang ang damit mo at lalabhan ko na lang?"Nanatiling tahimik si Simon at tiningnan lamang siya. Sa simula, nagtataka ito kung bakit siya nagpumiliy na maging partner niya para makapasok sa hotel. Akala nito noong una ay gagawa siya ng gulo. Walang duda, base sa nangyari, mukhang plano niya ngang sirain ang banquet. Ngunit sa huli ay napasama rin siya