Buhat-buhat ni Simon si Sharon palabas ng hotel. Sa gabing iyon, umihip ang isang malamig na hangin. Kasunod nito, nanginig si Sharon sa naramdaman niyang lamig.Nabasa ang tela sa kaniyang dibdib dahil sa wine mula kay Sally. Basa rin ang kanyang buhok, at namantsahan ng butter ang kaniyang damit. Nahihiya siya sa itsura niya ngayon."Salamat, ibaba mo na ako," mahina niyang sabi.Sa sandaling iyon, isang kotse ang dumating ay tumigil sa harap nila.Ibinaba siya ni Simon. Nakita niyang namantsahan na rin ang western suit nito ng maraming butter, nahihiya siya rito. "Pasensya na, nadumihan ko ulit ang damit mo. Pwede mong hubarin na lang ang damit mo at lalabhan ko na lang?"Nanatiling tahimik si Simon at tiningnan lamang siya. Sa simula, nagtataka ito kung bakit siya nagpumiliy na maging partner niya para makapasok sa hotel. Akala nito noong una ay gagawa siya ng gulo. Walang duda, base sa nangyari, mukhang plano niya ngang sirain ang banquet. Ngunit sa huli ay napasama rin siya
Kahit na nakaharap siya sa ganitong sitwasyon, hindi nagbago ang ekspresyon ni Simon. Hindi siya nagmadali at naglakad papalapit."Nakauwi na ako, dad." Binati ni Simon si Douglas na nakaupo sa main seat. Kasunod nito, tiningnan niya ang mga tao sa tabi nito. "Nandito ka rin, sister-in-law?"Sister-in-law niya si Fiona. Limang taon na ang nakalipas, namatay ang kanyang kuya dahil sa isang car accident. Kinailangan niyang bumalik para i-take over ang pamilya Zachary.Matapos ang insidente na nangyari sa kuya ni Simon, umalis sina Fiona at Howard. Hindi nila gustong manatili sa bahay; palagi silang nakakakita ng mga bagay na nagpapaalala sa kanila sa isang partikular na tao.Seryoso siyang tiningnan ni Douglas. Malalim ang tono nito nang nagtanong, "Saan ka nanggaling? bakit ngayon ka lang nakauwi?"Tumaas ang mahahabang kilay ni Simon at natatawa, "Dad, matanda na ako. Wala akong nakikitang problema kung umuwi man ako ng late."Alam niyang tinatanong siya ng tatay niya kung saan s
Maagang bumangon si Sharon kinabukasan at naghanda ng almusal. Pagkatapos kumain kasabay ang anak at si Riley, bumaba na ang tatlo.Katulad ng nakasanayan, handa na si Riley na ihatid si Sebastian sa kindergarten bago ihatid si Sharon sa kumpanya at dumiretso naman sa kanyang trabaho.Nakalabas na ang tatlo ng condominium nang magsisismula ng magmaneho si Riley.Sa oras na iyon, biglang bumukas ang pinto ng isang itim na kotse na nakapark sa malapit. Mukhang mamahalin ang sasakyan, at nakitang pababa si Fiona mula sa kotse."Sharon," malamig na saad ni Fiona.Inangat ni Sharon ang ulo nang marinig ang kanyang pangalan. Nagulat siya nang makita si Fiona sa kanyang condominium nang ganito kaaga.Base sa agresibong personalidad ni Fiona, mukhang mayroong masamang mangyayari.Hindi hahayaan ni Sharon na malaman ni Fiona ang tungkol sa kanyang anak, kaya hinayaan niyang dalhin ni Riley ang anak niya sa kotse habang hinihintay niya si Sharon. Sinabi niya kay Riley na babalik rin siya.
Ang hindi inaasahang insidente na nangyari kaninang umaga ay muntik ng maging dahilan ng pagkahuli ni Sharon sa trabaho. Nang makarating siya sa kumpanya, sinabihan siyang pinapatawag siya ng presidente.Ginawa siyang in charge ni Simon sa Mountain Linguistic City project ng kumpanya. Baka gusto nitong tanungin ang progress ng kanyang trabaho.Dumating si Sharon sa opisina ng presidente. Nakaupo si Simon isang leather swivel chair, abalang nag-aasikaso ng mga dokumento. Nakasuot ito ng pinasadyang suit. Mas gumwapo siya dahil dito."President Zachary." Tumayo si Sharon sa harapan ng office desk.Umangat ang ulo ni Simon para tingnan siya at naningkit ang mga itim nitong mata, "Anong nangyari sa mukha mo?"Bahagyang napatulala si Sharon. Naglagay na siya ng ointment, ngunit halata pa rin ang pamamaga.Hindi niya gustong malaman nito na pinuntahan siya ni Fiona akanina. Sinabi na nitong hindi niya gustong madamay sa alitan nilang dalawa ni Howard.Kaya wala siyang ibang pagpipilia
Hindi na pinansin ni Sharon ang sugat niya sa hita dahil kailangan niyang magmadaling puntahan ang anak niya sa school. Tinawagan siya ng teacher ng anak niya at sinabing mayroong nakaaway ang anak niya sa school.Nang makita kung gaano siya natataranta, at hindi pa siya makagalaw nang maayos, inalok siya ni Simon na ihatid sa school.Kahit na hindi malala ang sugat niya, hindi pa rin siya makalakad mag-isa. Pagkarating sa school, nagdadalawang isip siya kung paano siya bababa sa kotse.Naglakad si Simon sa kabilang pinto ng kotse at inalok ang kaniyang kamay nang hindi nagsasalita. "Bumaba kana, aalalayan kita sa pagpasok."Tiningnan ni Sharon ang mahaba at malaking kamay ni Simon na nasa kaniyang harapan. Sa loob niya, nag-aalala siya sa kaniyang anak. Kaya hindi na siya nag-isip pa at inilagay ang kaniyang kamay sa palad ni Simon.Inalalayan siya ni Simon papunta sa opisina ng teacher. Pagkapasok nila sa pinto, nakita niya ang anak na nakatayo kasama ang isa pang batang lalaki.
Ang sitwasyon sa loob ng office roo, lalo na sa pagitan nina Sebastian at Simon ay naging sobrang tahimik dahil sa komento ni Miss Swift.Huminto ang tibok ng puso ni Sharon nang marinig ang komento ni Miss Swift. Sa totoo lang, isang sulyap pa lang kay Simon, naramdaman niyang kamukha nito ang anak. Matagal na siyang naghihinala pero hindi siya naglakas na loob na isipin pa yun.Tumawa siya, pinapagaan ang napakatahimik na paligid. "Miss Swift, sa tingin ko hindi nagkaintindihan ang mga bata, kaya sila nag-away. Huwag na natin palakihin pa ang insidente."Sanay na si Miss Swift sa away ng mga bata. "Sinabihan ko lamang kayo, bilang mga magulang na pumunta para maintindihan niyo nang mabuti ang insidente. Siyempre, mas mabuti kung maayos ito nang tahimik."Seryosong tiningnan ni Miss Swift si Levi. "Nakita mo na ang tatay ni Sebastian. Kaya simula ngayon, huwag mo ng sasabihin na wala siyang tatay, naiintindihan mo?"Hindi pa rin tuluyang nakukuntento si Levi. Pero, yumuko ito at
"President Zachary, paniwalaan mo man o hindi, hindi magkaano-ano si Sebastian at Howard," nakayukong sabi ni Sharon.Inakala niya dati na ang lalaking kasama niya nang gabing iyon ay si Howard. Sa huli lamang niya nalaman na si Sally ang nag set-up sa kaniya.Hindi si Howard ang nakakuha ng virginity niya, at wala siyang ideya kung sino.Muntik na siyang mawala sa sarili nang nalaman niya lamang ito sa araw ng kasal niya!Hindi niya rin inaasahang maging ganoon 'kaswerte', nabuntis siya kaagad ng isang gabi lang.Simula noong una, hindi sila nagkaroon ng intimate relationship ni Howard, kaya papaanong mangyayaring kay Howard ang bata?Nang makitang mariin pa ring nakatitig si Simon sa kaniya, mukhang hindi pa ito kumbinsido.Huminga siya nang malalim at sinabi, "Sa totoo lang, hindi rin ako sigurado kung sino talaga ang ama ng bata."' 'Hindi ito kay Howard.'Labis ang pagkabigla ni Simon. "Siya na ina mismo ng bata ay hindi man lang kilala kung sino ang ama nito?'Gaano ba si
Matapos makita ni Sharon na nakauwi na si Simon, sinulyapan niya ang bote ng perfume na nakalagay sa mesa. Pakiramdam niya ay interesadong-interesado si Simon sa kanyang perfume.Baka dahil sobrang espesyal ng perume na ginawa ng kanyang tatay, nakakapang hipnotismo ang bango nito.Habang malalim ang kanyang iniisip, bigla namang tumakbo ang kanyang sa tabi niya at hinila ang kanyang kamay. "Mommy, kamukha ko po ba talaga ang bad tito na iyon?"Ibinibaba ni Sharon ang kanyang paningin at tiningnan ang bata. Inaamin niyang ang mukha nito ay katulad nga ng kay Simon. Habang tinitingnan niya rin ito ay mas lalo siyang naniniwala.'Posible kayang siya ang tatay ng anak ko?'Dumaan ang ideya sa kanyang isipan, at nagulat siya rito.Hindi nya namamalayang sinabi , "Paano iyon mangyayari? hindi naman kayo magkamukhang dalawa," sabi niya, kabaligtaran ng kanyang mga naiisip."Nagsisinungaling ka, Mommy!" tiningnan ng bata ang kanyang mata at sumigaw."Kailan... kailan ako nagsinungalin