Share

Kabanata 03

Hindi makapaniwala si Adrian na ang lalaking na sa harapan niya ngayon ay tauhan ng kaniyang lolo. Ilang taon na rin ang nakalipas simula noong tumakas siya mula sa puder ng kaniyang lolo.

"Isang milyon? Hindi ko matatanggap iyan sa ngayon. Pakisabi na rin kay Lolo na hindi ko kailangan ng tulong niya—"

Hindi pa man natatapos ang kaniyang sasabihin ay may bigla nang dumating at sabay sabing, "Hanggang ngayon ba ay matigas pa rin ang ulo mo?"

Pakiramdam ni Adrian ay pinagsakluban siya ng langit at lupa. Nagpakita na rin sa wakas ang kaniang Lolo pagkatapos nang mahabang panahon na tumakas siya mula sa puder niya.

"Bakit ka nandirito, Lolo? Bakit mo ako bibigyan ng isang milyon? Nangako na ako sa iyo noon na kahit ano man ang mangyari ay hindi ako hihingi ng tulong. Kaya ko mabuhay mag-isa kasama ng asawa ko,"

"Alam ko ang paghihirap na pinagdaanan mo sa kamay ng pamilya Ortiz. Kahit pa man na tinalikuran mo ang mga responsibilidad mo bilang isang Lewis na tagapagmana ng mga kayamanan ko ay hindi kita kailan man tatalikuran. You're my grandson, Adrian. Whatever happens, I will help you,"

Tumulo ang luha sa mga mata ni Adrian dahil sa sinabi ng kaniyang Lolo. Inaamin niya sa sarili na nakagawa siya nang pagkakamali sa kaniya. Sa kabila nang paghihirap ng Lolo niya na turuan siya kung paano magpatakbo at humawak ng maraming kompanya ay mas pinili niyang tumakas at naghangad nang simpleng buhay.

"I am so sorry. Gusto ko lang naman maging masaya pero hindi ko inaakala na mas lalo lamang nagulo ang buhay ko ngayon," naiiyak na wika niya kay Don Albert. Tinapik naman ng matanda ang kaniyang balikat.

"Kalimutan na natin ang mga nakaraan, Adrian. Halika, samahan mo ako sa asawa mo," sabi ni Don Albert kaya naman ay itinango niya ang kaniyang ulo bilang tugon rito.

Dinala niya ang kaniyang Lolo sa loob kung saan nakahiga na walang malay ang asawa niya. Maraming nakakabit na apparatus sa kaniyang katawan at para namang piniga ang kaniyang puso sa tagpong ito.

"Sabi ng doctor kailangan siyang maipagamot sa lalong madaling panahon. Kaya kailangan ko na kumilos. Kailangan ko makahanap ng pera para maipagamot ang asawa ko. Hindi ko hahayaan na may masamang mangyari sa kaniya—"

Akmang aalis na sana si Adrian para magsimulang maghanap ng pera nang bigla siyang pigilan ni Don Albert.

"Tanggapin mo ang isang milyon apo. Kaya nga ako nandirito dahil nalaman ko ang sitwasyon mo. Alam ko rin kung sino ang may gawa niyan sa iyo, at nakahanda akong tulungan ka. Ilang buwan na lang at mamamatay na ako. Walang mapag-iiwanan ng kayamanan ko at tanging ikaw lamang,"

Adrian bit his bottom lips nang marinig niya ang mga iyon sa kaniyang Lolo. Kilala niya ito at alam niya na hindi ito basta-basta magbibigay nang walang kapalit at alam niya na kung bakit.

"Masyadong magulo ang buhay na pinasok mo, Lolo. Gusto ko nang tahimik na buhay at malayo sa gulo kaya hindi bale na lang,"

"Sa tingin mo ba ay tahimik pa ang magiging buhay mo sa kamay ng mga in-laws mo? Hindi sila titigil hangga't hindi ka napapabagsak, Adrian. Hindi lang ito ang mangyayari sa iyo at sa asawa mo kung mananatili kang magpapa-api sa kanila. Ayaw mo na ipaghiganti ang sarili mo at ang asawa mo?"

Napakuyom siya ng kamao dahil sa mga salitang narinig niya mula rito. Masakit ang ginawa ng buong angkan ng Ortiz sa kaniya at sa asawa niya. Wala siyang ibang ginawa kung hindi maging mabuting son-in-law nila ngunit nagawa pa rin siyang ipahiya, saktan at yurakan ang kaniyang buong pagkatao. Pati ang asawa niya ay nadamay pa.

Kumukulo na ang kaniyang dugo habang naaalala ang mga ito. Simula no'ng maging parte siya ng mga Ortiz ay wala silang ginawa kung hindi laitin at pagmaliitan siya.

"Hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sa akin. Sila rin ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang asawa ko at sino bang hindi naghahangad ng hustisya at paghihiganti?"

"Prove them that they were wrong. Make them pay. You are a Lewis. Make them kneel in front of you. It's time para bumangon ka. Huwag mong hayaan na mas lalo ka pa nilang saktan. You are not just a son-in-law because your far than that,"

Ang mga salitang iyon ay nagpabuhay kay Adrian. Panahon na para siya ay bumangon. Akmang magsasalita pa sana si Adrian nang biglang bumukas ang pintoan ng kuwarto at iniluwal sina Lady Esmeralda at ang iba pang angkan ng Ortiz family kasama ng dalawang biyenan ni Adrian. Nanlaki naman ang mga mata nila dahil sa tagpo na nadatnan nila.

"We are so pleased to see you here, Don Albert Lewis," ani ng lalaking biyenan ni Adrian.

"Don't tell me nangutang ang manugang namin sa inyo, Don Albert?" sambit naman ng ina ni Clarissa kaya napayuko na lamang si Adrian. Alam na niya kung bakit sila nandirito. Alam niya na rin na ipapahiya siya sa harapan mismo ng kaniang Lolo.

"Matagal na rin na panahon na ako ay sabik na sabik para makipagsosyo sa iyo, Don Albert," ani naman ni Lady Esmeralda.

"I am so sorry, pero may bago ng CEO sa lahat ng mga kompanya ko. I am no longer the owner dahil natagpuan ko na ang aking tagapagmana," ani ni Don Albert kaya napataas naman ng ulo si Adrian.

"W-What do you mean, Don Albert?" nauutal na tanong ng ama ni Clarissa.

"I am so sorry to interrupt, pero hindi po ito ang tamang lugar para mag-usap. Natutulog ang aking asawa at ayoko ko na ma-estorbo siya," sabat ni Adrian kaya naman ay tinignan siya nang masama ng buong Ortiz family.

"Wala ka talagang manners, Adrian! Sino ka para palayasin kami nang ganiyan? Anong karapatan mo at ano ba ang maipagmamalaki mo na gungg*ng ka!"

Naiyuko naman ni Adrian ang kaniyang ulo dahil sa pagsigaw ni Lady Esmeralda sa mismong harapan ni Don Albert. Gustong-gusto niya talagang lumaban ngunit hindi niya alam sa kung anong paraan. Nanginginig na rin ang kaniyang buong katawan dahil sa walang humpay na pagpapahirap na binigay ng Ortiz family sa kaniya.

At hanggang sa magsalita si Don Albert na kinagimbal nang lahat.

"Adrian Lewis is my grandson. Siya ay aking tagapagmana. Ang bagong CEO at may-ari ng aking mga ari-arian at kayamanan."

Natameme ang lahat maliban kay Adrian. Sa pagputok ng katotohanan, alam ni Adrian na maraming bagay ang magbabago at isa na roon ang kaniyang pagsingil sa malaking pagkakasala ng pamilyang Ortiz sa kaniya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status