Sa oras na iyon, isang binatang Amerikano ang hibang na nanliligaw sa kanya. Dahil sa galit at dahil gusto niya lang kalimutan ang kanyang nakaraan sa lalong madaling panahon, nagpasya siya na tanggapin ang panliligaw ng kabila.Mabilis silang kinasal, nagsimula ng pamilya, at nagkaroon ng anak.Ang Amerikano na iyon ay sobrang bait sa kanya at inalagaan siya sa buhay niya. Pero, hindi pa rin makalimutan ni Matilda ang kanyang ex-boyfriend kahit na mahigit dalawampung taon na ang lumipas.Nang inalala niya ang kasaysayan nila, napagtanto niya na naging masyado siyang mayabang dati at iyon ang dahilan kung bakit siya naloko ng iba.Napagtanto niya na hindi pumunta sa kanya ang kanyang roommate dahil gusto niyang aminin ang pagkakamali niya at humingi ng tawad sa kanya. Sa totoo lang, kahit na sinabi ng kanyang roommate na huwag niyang pansinin ang bagay na ito, palihim siyang umaasa na papansinin ito ni Matilda at kusang aatras sa kanilang relasyon para ibigay sa kanya ang kanyang b
Natangay sa karagatan ng pag-iisip ang isipan ni Jacob, inaalala niya ang kanyang nakaraan. Namula ang mga mata niya, at dalawang linya ng luha ang dumaloy sa kanyang mga pisngi.Perpekto si Matilda. Kahit sa mga mata ni Charlie, talagang hinding-hindi siya maikukumpara kay Elaine. Isang milyong beses siyang mas mabuti kaysa kay Elaine, at mahigit dalawang dekada ang ginugol ni Jacob kasama ang isang masamang babae na sobrang layo sa kanyang dating kasintahan. Hindi maikakaila na hindi magiging kumportable si Jacob at malulungkot siya kapag nakita niya ulit si Matilda.Nalungkot din si Matilda nang makita niya ang mga luha ni Jacob.Pinagsisisihan niya rin ang kanyang desisyon.Pinagsisisihan niya na iniwan niya siya nang hindi nag-iisip.Walang masaya sa kanila sa nakaraang dalawampung taon.Parehas silang naghirap, sa isipan at emosyon.Kung gano’n, bakit nga ba siya nagpasya na makipaghiwalay sa kanya?Alam niya na hindi gusto ni Jacob si Elaine.Alam niya na siguradong wal
Nagdasal si Jacob sa Diyos, umaasa sya na hindi na ulit babalik si Elaine. Mahigit dalawang dekada niya na siyang pinapahirapan, nagawa niya ang hindi maaakala dahil dito, oras na para pakawalan siya.Kung hindi na babalik si Elaine, sigurado siya na magiging sila ulit ni Matilda at matutuloy nila ang dati nilang relasyon.Inisip niya pa na medyo mabait ang anak ni Matilda na bukas ang isipan para tanggapin siya bilang kanyang amain.Para naman kay Claire, matino at tapat siyang anak. Kung nawawala talaga ang ina niya, hindi siya tututol na habulin ang kanyang totoong minamahal. Dahil, hindi siya pwedeng mabuhay nang mag-isa habang buhay pagkatapos mawala ni Elaine.Ang inaalala niya na lang ngayon ay kung babalik ba si Elaine.Kaya nagdasal na lang siya sa Diyos na magkatotoo ang hiling niya.Pero, hindi niya alam na hindi ang Diyos ang magpapasya nito, kundi ang kanyang manugang na lalaki, si Charlie.***Nang dumating si Charlie sa entrance ng Shangri-La, agad umabante ang h
Simple lang ang inaalala ni Jacob, nag-aalala siya na biglang uuwi si Elaine sa susunod na dalawang araw. Mawawala na ang mahalagang pagkakataon niya na imbitahin si Matilda sa kanyang bahay kung babalik siya.Hindi siya mangangahas, kahit na tutukan siya ng baril, na imbitahin si Matilda sa kanyang bahay kapag nasa bahay si Elaine. Papatayin siya ni Elaine doon mismo!Kaya, dapat niyang gamitin ang pagkakataon kapag dumating ito sa harap niya sa lalong madaling panahon.Naalala rin ni Matilda ang nakaraan niya.Dahil galing siya sa Sudbury, kailangan niyang tumira sa dormitoryo noong nag-aaral siya sa Aurous Hill.Bukod dito, dati, hindi bukas ang isipan ng mga tao na magyabang tungkol sa relasyon nila, medyo nahihiya sila at palihim lang ito, hindi man lang sila naglakas-loob na ipaalam ito sa pamilya nila. Palagi niyang gustong magluto ng pagkain para kay Jacob pero hindi siya nakahanap ng tamang oras at lugar na gawin ito.Sa totoo lang, hindi ito kasing dali tulad ngayon.N
Naintindihan agad ni Charlie na marahil ay may kakaibang ala-ala ang dalawang matanda na ito sa “pagluluto” o “pag-uwi kasama siya” kaya kakaiba ang naging reaksyon nila.Napansin din ni Paul ang kakaibang katangian na ito, pero masyado siyang nahihiyang sabihin ito, kaya humarap siya kay Charlie at sinabi, “Charlie, pumunta muna tayo sa suite natin.”Pagkatapos, humarap siya kay Matilda at sinabi, “Ma, mahigit sampung oras ka sa eroplano, marahil ay pagod ka na. Pumunta na tayo sa suite at mag-usap doon kung may gusto kang sabihin kay Tito Wilson.”Biglang bumalik sa diwa si Matilda. Iniisip niya ang kanyang nakaraan kasama si Jacob at naalala niya pa ang mga detalye noong una silang nagtalik. Namula siya nang nahihiya at sinabi, “Ah, tingnan mo ako, lumilipad ang isip ko! Oo, pumunta tayo sa suite natin at mag-usap!”Sinabi rin ni Jacob, “Oo, pumunta na tayo sa suite. Kasalanan ko ito, sa sandaling nagsalita ako, nakakalimutan ko na ang ibang bagay!”Umiling si Charlie at nagbun
Hindi inaasahan ni Charlie na magtatanong nang diretsahan si Paul! Pero, alam niya na nanghuhula lang si Paul at hinding-hindi niya ito aaminin.Bago pa niya ito itanggi, humagikgk si Jacob at sinabi, “Ah, Paul, masyado mong pinag-iisipan ito. Si Charlie ang manugang ng pamilya namin na nakatira sa bahay namin. Kung galing talaga siya sa pamilya Wade sa Eastcliff, para na itong kwento ni Cinderella! Lahat tayo ay yayaman!”Kahit na si Jacob ay isang matumal na hindi nagtrabaho sa buong buhay niya, kilala niya ang pamilya Wade.Sa totoo lang, kaunti lang ang tao sa bansa na ito ang hindi nakakakilala sa pamilya Wade dahil sobrang sikat nilaDahil dito, sigurado siya na hindi isa sa kanila si Charlie. Maraming tao sa mundong ito ang may apelyidong Wade, pero nag-iisa lang ang pamilya Wade.Alam na alam niya ang karanasan sa buhay ni Charlie. Nanirahan siya sa bahay ampunan noong bata pa siya, nagtrabaho sa construction site sa edad na 18, inuwi siya ni Lord Wilson noong nasa 20 na s
Iginiit ni Matilda, “Wow, hindi ko inaasahan na naaalala mo pa ang lahat ng ito. Sa totoo lang, hindi ko na nga maaalala ang ilang pagkain.”Pagkatapos, nagbuntong hininga siya at nagpatuloy, “Sa totoo lang, masarap din ang mga pagkain sa Sudbury, pero, hindi ko alam kung bakit, simula noong nag-aral ako sa kolehiyo dito, mas nagustuhan ko ang mga pagkain sa Aurous.”Sinabi ni Jacob na may nagsisising ngiti, “Naalala ko pa na palagi mong sinasabi na gusto mong gumawa ng ilang pagkain ng Sudbury para masubukan ko, sayang…”Nagbuntong hininga siya at mabilis na tinanong, “Ah oo, siya nga pala, Matilda, ano sa tingin mo ang pagpunta sa bahay ko para magluto ng hapunan? Sa totoo lang, sobrang daming taon na akong naghihintay, sana ay matupad ang pangarap ko balang araw!”Naantig si Matilda sa sinabi niya at sumagot, “Ayos lang sa akin, pero hindi ko alam kung libre si Paul ngayong gabi.”Pagkatapos, humarap siya kay Paul at tinanong, “Anak, may plano ka ba ngayong gabi? Kung wala, paa
Dahil, lumaki si Paul sa isang istriktong bahay na may mataas na pag-unlad sa kanyang isipan, medyo malawak ang isipan niya at hindi siyang pinapanigan na ginoo. Kaya, kalmado pa rin siya nang marinig niyang nilarawan ni Charlie ang kanyang ‘trabaho’, hindi tulad ng iba na mag-iiba ang tingin sa kanya pagkatapos.Para naman kay Charlie, wala siyang dapat ikahiya. Tatlong taon na siyang manugang na nakatira sa bahay ng asawa niya, hindi bago sa mga tao na malaman na isa siyang pabigat.Sa sandaling ito, sinabi ni Paul, “Siya nga pala, Charlie, dahil kilala mo si Mr. Cameron sa Shangri-La, iniisip ko kung kailan mo siya pwedeng ipakilala sa akin? Ah, balak ko kasing palawakin ang mga lokal na mapagkukunan at koneksyon ko sa Aurous Hill dahil ililipat ko ang kumpanya ko dito. Magpapasalamat talaga ako nang sobra sa iyo kung matutulungan mo ako dito.”Ayaw ipaalam ni Charlie kay Paul kung gaano siya kalapit kay Isaac Cameron. Halos nahulaan nya na ang koneksyon niya sa pamilya Wade kani
Sa sandaling ito, naging isang mala-impyernong lugar ng digmaan ang paligid ng villa!May hawak si Mr. Chardon na isang kahoy na ispada na wala pang tatlumpung sentimetro sa kanyang kamay, pero ang invisible na talim nito ay may haba na halos dalawang metro!Ito ang pansamantalang mahiwagang instrumento na ipinagkatiwala ng British Lord kay Mr. Chardon.Kahit na mukhang maikli, maliit, at karaniwan ang kahoy na ispada, sa totoo lang, parang isa itong lightsaber mula sa Star Wars, na may pambihirang saklaw ng atake.Sa lohika ng pelikula na ito, may plasma ang lightsabe mula sa hawakan hanggang sa patalim. Lampas sa konsepto na ito ang kahoy na ispada ni Mr. Chardon. Kaya nitong gawing isang patalim ang Reiki, at kaya niyang kontrolin ang patalim!Ilang bodyguard ang sinubukang palibutan at atakihin si Mr. Chardon, pero kaswal niyang iwinasiwas ang ispada sa hangin gamit lang ang isang kamay. Isang invisible na enerhiya ang mabilis na lumabas sa ispada, tumagos sa dibdib ng mga nas
Ang nag-iisang anak nina Ashley at Curtis, si Charlie, ay naglaho rin dalawampung taon na ang nakalipas.Pakiramdam ng lahat ng tila ba naghahanap sila nang bulag ng dalawampung taon sa buong mundo, at sa sandaling ito, pakiramdam nila na tila ba may sa wakas ay may nakita na sila.Sinabi nang naiinip ni Christian, “Sabihin mo sa amin nang detalyado ang oras ng pagpasok ng labing-anim na tao na ito!”Mabilis na sumagot si Azure, “Sa labing-anim na tao na ito, labing-apat na tao ang pumasok sa dulo ng taglamig sa Pebrero, dalawampung taon na ang nakalipas, at ang dating dean nila, si Killian Caito, ay pumasok sa taglagas ng Nobyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Bukod sa labing-limang tao an ito, ang pinakabagong pumasok ay isang babae na pumasok sa taglamig sa Disyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Magda-dalawampung taon at tatlong buwan na simula ito.”Biglang nagkaroon ng takot na ekspresyon si Lady Acker. Napaiyak siya at humikbi habang sinabi, “Umalis sina Ashley
“Simple lang ito!” Sinabi nang sabik ni Lulu, “Pwede nating suriin ang mga social security file ng dating team! Ang welfare institute ay isang welfare organization na pinopondohan ng gobyerno at ng mga private donation. Bilang isang unit na binabantayan ng publiko, siguradong kumpleto rin ang record ng mga tauhan nila, lalo na kung nasa isang malaking misyon talaga sila, tulad ng sinabi ni Merlin. Kailangan nilang sumunod at maging walang pintas, kung hindi, kung may makakapanasin na may kakaiba sa record ng mga tauhan nila, agad itong gagawa ng pagdududa!”Pinuri ni Merlin, “Sobrang linaw ng pag-iisip ni Lulu. Marahil ay makakuha tayo ng ilang bakas kung makakahanap tayo ng paraan para suriin ang mga personnel record ng dating staff ng Aurous Hill Welfare Institute!”Sinabi ni Kaeden, “Kukuha ako ng tao para suriin agad ito!”Pagkatapos itong sabihin, nilabas niya agad ang kanyang cellphone at tumawag.Maraming taon nang retirado si Keith, at sa mga nagdaang panahon, nabawasan ang
Sinabi ni Lady Acker, “Sige at sabihin mo, Lulu.”Sinabi ni Luu, “Inimbestigahan ko ang sitwasyon sa Aurous Hill Welfare Institute ngayong araw. Gusto kong makita kung may kahit anong impormasyon kaugnay kay Charlie sa mga ulila na niligtas nila sa mga nagdaang taon. Sa ngayon, walang bakas na ipinapakita ang mga tala ng institute na kaugnay kay Charlie, pero ang kakaiba ay dumaan sa malaking pagbabago sa mga tauhan ang Aurous Hill Welfare Institute noong nakaraang taon. Mula sa director ng institute hanggang sa staff at kahit ang mga chef na nagluluto para sa mga ulila, lahat sila ay nagbago. Wala sa mga dating empleyado ang natira. Nakita ko na kakaiba ito. Hindi bihira na magpalit ng mga tao sa mga welfare organization, pero parang kakaiba ang lahat at biglaan na pagbabago. Ano sa tingin niyo?”Kumunot ang noo ni Keith at sinabi, “May sampu o dalawampung tao siguro sa panig ng pamamahala at pagpapatupad ng isang bahay ampunan. Kahit na magbago ang mga namamahala, hindi dapat map
Bandang 9:00 p.m. ng gabi sa Willow Manor.Katatapos lang kumain ng mga Acker at hinihiling kay Merlin na analisahin ang mga bakas na nakuha nila sa nakaraang ilang araw sa sala.Si Keith, ang head ng mga Acker, ay nananatili sa villa sa mga nagdaang araw at may malaking pag-unlad sa kalusugan niya. Hindi lang na hindi na lumala ang memorya niya, ngunit unti-unti niya ring naalala ang mga memorya na nakalimutan niya.Ang mas mahalaga, pagkatapos gumaling, umunlad nang sobra ang kabuuang lohikal na pag-iisip niya, bumalik ang istilo ng pag-uutos at lakasa niya dati.Sa pagpupulong ng pamilya, binigyan muna ng buod ni Christian ang lahat tungkol sa progreso ng kolaborasyon nila ng Moore Group.Sinabi ni Christian, “Opisyal na pumasok na sa proseso ng negosasyon ang kolaborasyon natin sa Moore Group. Simula ngayong araw, pinag-uusapan na ng mga legal team ng dalawa ang mga detalye ng kooperasyon, inaayos ang mga tiyak na termino. Dahil sa tapat na kilos ng mga Acker, maayos ang negos
Pagkatapos ay nilabas ni Charlie ang kanyang cellphone at tinawagan si Merlin. Samantala, kumakain si Merlin kasama ang mga Acker, ilang kilometro ang layo sa Willow Manor.Nag-iimbestiga ang mga Acker sa Aurous Hill sa nakaraang ilang araw pero wala pa silang nahahanap na bakas na kaugnay kay Charlie. Ang tito ni Charlie, si Christian, ay tatanungin na sana si Merlin para manghingi ng payo habang kumakain nang tumunog ang cellphone ni Merlin.Tumayo nang mabilis si Merlin at sinabi sa mga Acker, “Pakituloy muna ang pag-uusap niyo. Lalabas ako at sasagutin ang tawag.”Pagkatapos ay pumunta siya sa courtyard at sinigurado na walang mga nakatingin bago sinagot ang tawag. “Hello, Mr. Wade,” sinabi niya sa magalang na tono.Dumiretso sa punto si Charlie, “Chief Lammy, nasa Willow Manor ba ngayon ang lolo ko at ang pamilya niya?”“Oo, nandito sila.” Tinanong nang mausisa ni Merlin, “Anong problema, Mr. Wade? May mali ba?”Kinumpirma ni Charlie sa seryosong tono, “Marahil ay may maglag
Natakot nang sobra si Albert dahil sa mga sinabi ni Charlie. Tinanong niya nang balisa, “Master Wade, anong ibig mong sabihin dito? Malaking panganib ba ang haharapin mo ngayong araw?”Nanatiling tahimik nang ilang sandali si Charlie, hindi sigurado kung paano sasagot. Malaking panganib? Pakiramdam niya na marahil ay hindi siya malalagay sa totoong panganib.May tatlong mahiwagang instrumento ang great earl ng Qing Eliminating Society na ginawa nang basta-basta ni Charlie, at tinatrato ito ng great earl bilang mga kayamanan. Ipinapakita nito ang kakulangan sa malalim na kasanayan sa Reiki ng great earl.Bukod dito, may dalawang mahiwagang instrumento si Charlie na pang-atake, kasama na ang ilang pill, kaya mayroon siyang pang-atake at pang-depensa. At saka, nakatago siya, habang nasa liwanag ang kalaban niya. Ang ibig sabihin nito ay lamang si Charlie kung magkakaroon ng laban.Kaya, naniniwala si Charlie na sa kahit anong aspeto, mas mataas ang tsansa niyang manalo kaysa sa kalaba
Para naman sa mga Regeneration Pill, sa ngayon ay ito ang pinakamalakas na pill na pagmamay-ari ni Charlie para sa pagliligtas ng buhay. Lampas pa sa Rejuvenating Pill ang lakas nila, at maaari nilang iligtas ang buhay niya sa kritikal na sandali.Kung pambihirang master talaga ang kalaban niya, maaaring ang mga Regeneration Pill ang maging salbabida ng buhay niya.Naniniwala si Charlie na gamit ang mga pill na ito, may kumpiyansa siya na makipaglaban sa great earl mula sa Qing Eliminating Society. Bukod dito, dahil sa pagiging maingat niya sa paghahanda, mukhang malabong mangyari na makaharap niya ang kahit anong panganib tulad ng kinalkula ni Vera.Bukod sa mga pag-iingat na ito, nilagay ni Charlie sa safe ang singsing na binigay sa kanya ni Vera at ang Phoenixica na binigay ni Madam Fumiko.Pagkatapos makumpleto ang lahat ng pagsasaayos, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Isaac na umalis na si Mr. Chardon sa Holiday Inn, tumawag ng taxi sa entrance, at palabas
May nanghihinayang na ekspresyon din si Zachary sa kanyang mukha. “Pasensya na, sir, baka maaari nating ipagpatuloy ang pagtutulungan sa hinaharap kung may pagkakataon.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Zachary, “Siya nga pala, sir, hindi ba’t sinabi mo na kaya mong maghintay hanggang 7:00 p.m.? Susubukan ko ulit makipag negosasyon sa boss ko mamaya. Kung makukumbinsi ko siya, hahanapin kita sa Holiday Inn!”Nawalan na ng pag-asa si Mr. Chardon, pero nang marinig ang mga sinabi ni Zachary, tumango siya nang maluwag at sinabi, “Nasa Holiday Inn lang ako bago mag 7:00 p.m.”Tumango nang masigla si Zachary at sinabi, “Okay, pupunta ako sa sandaling may balita ako!”Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na gamitin ang pagdating ng malaking batch ng mga produkto sa makalawa para tuksuhin at subukan si Mr. Chardon ay para pukawin nang buo si Mr. Chardon para makita niya kung hindi na ba talaga mababago ang huling deadline ngayong gabi.”Kung hindi pa rin makakapaghintay si