Kung hindi umasa si Claire sa makulit na ‘katangahan’ na ito, matagal na siyang nakinig sa lahat at hiniwalayan na siya.Kung nangyari iyon, anong klaseng kapalaran at tadhana na ang pinaghihirapan niya ngayon?Hindi man lang nangahas si Charlie na isipin ang tungkol dito.Sobrang hirap ng buhay niya bago siya ikasal kay Claire.Ito ay dahil hindi tumatanggap ng mga taong nasa sapat na gulang ang bahay ampunan. Kaya, sa ikalabing-walong kaarawan niya, binilhan siya ni Mrs. Lewis ng birthday cake gamit ang maliit na ipon na mayroon siya. Pagkatapos, ipinagdiwang nila ang kaarawan niya para sa kanya bago niya siya pinalabas ng bahay ampunan habang may luha sa kanyang mga mata.Sa sandaling iyon, naging malungkot at walang magawang tao nanaman si Charlie sa mundong ito.Gusto siyang tulungan ni Mrs. Lewis at gusto niyang magpakilala ng ilang trabaho sa kanya para kumita siya ng pera para sa sarili niya pero nahihiya si Charlie na tanggapin ang tulong ni Mrs. Lewis.Nakahanap siya n
Habang iniisip niya ang kanyang nakaraan, hindi maiwasan ni Charlie na mapuno ng emosyon.May dalawang tao lang sa pamilya Wilson na tinrato siya nang mabuti.Isa sa kanila ay si Lord Wilson, na namatay na at ang isa ay ang asawa niya, si Claire.Dahil pumanaw na si Lord Wilson, ang natirang tao na lang sa buong pamilya Wilson na mabait sa kanya ay walang iba kundi si Claire.Nang makita ni Charlie na nakatayo si Claire sa balkonahe na may malungkot na ekspresyon sa kanyang mukha, lumapit siya sa kanya nang mabagal at sinabi, “Claire, hindi mo kailangang mag-alala nang sobra. Siguradong uuwi nang ligtas si mama sa bahay, okay?”Napagtanto lang ni Claire na pumasok si Charlie sa kwarto nang marinig niya siyang nagsalita. Tumalikod siya at tumingin sa kanya na may naiinis na ekspresyon sa kanyang mukha at sinabi, “Wala ka talagang pakialam sa kanya. Kaya, syempre iisipin mo na walang mangyayari sa kanya. Kahit na may mangyari sa kanya, hindi ka naman malulungkot o mag-aalala.”Alam
Si Jacob na nasa ikatlong palapag ay ibang-iba ang nararamdaman kumpara kay Charlie.Sobrang abik niya at hindi siya makatulog sa gabing iyon.Hindi niya mapigilang isipin ang nakaraan nila ni Matilda at patuloy na dumadaloy sa isipan niya ang lahat ng magandang memorya nila. Talagang nalulong siya sa mga ala-ala nila ni Matilda.Sa tuwing iniisip niya si Matilda, mas nagiging sabik siyang makita ulit siya.Kinabukasan nang umaga, sobrang sigla ni Jacob na hingi nakatulog sa buong gabi at sobrang ganda ng pakiramdam niya. Malaki ang ngiti niya sa sandaling ito.Bumangon siya para maligo at ahitin nang malinis ang kanyang balbas. Pagkatapos, sinuklay niya ang kanyang kulay-abo na buhok bago siya nag-wisik ng styling spray sa kanyang buhok. Pagkatapos, tumingin siya sa loob ng kanyang aparador bago siya tumingin sa isang magandang suit na palagi niyang ayaw isuot.Ang suit na ito ay gawa sa Hong Kong noong matagumpay pa ang pamilya Wilson. Sa panahong iyon, siya ang pangalawang you
Nang marinig ni Claire na gusto siyang isama ng kanyang ama para makipagkita sa unang mahal niya, direktang tumanggi si Claire nang hindi nag-aalangan. “Hindi ako pupunta!”Pinaglayo ni Jacob ang dalawang kamay niya at sinabi, “Kung gano’n, huwag mong pigilan si Charlie na sumama sa akin. Kahit ano pa, kailangan may sumama sa akin sa inyo ngayong araw.”“Ikaw…” Nagalit si Claire at tinanong, “Mas importante bang mag tanghalian ka kasama ang dati mong kaklase o mas importanteng hanapin si mama? Pa, hindi mo ba nakikita kung ano ang mas mahalaga para sa’yo ngayon?”Sinabi ni Jacob, “Syempre, malinaw kong nakikita ito! Syempre, mas mahalaga ang tanghalian ko kasama ang dati kong kaklase!”“Ikaw…”Kahit na karaniwan ay mabuti ang ugali ni Claire, malapit na siyang sumabog sa galit sa sandaling ito.Sumagot nang walang emosyon si Jacob, “Claire, kailangan mong maintindihan ang isang bagay. Hindi lang sa mama mo umiikot ang mundo. May apat na tao sa pamilyang ito. May kanya-kanya kamin
Alam ni Elaine na isa itong banta. Basta’t kakain siya, at basta’t hahawakan niya ang lunch box, malamang ay mabubugbog siya.Kaya, umiyak si Elaine at patuloy siyang nagmakaawa, “Sister Jennifer, binugbog mo na ako at pinagalitan nang husto kahapon. Pwede ka bang maawa at pagbigyan muna ako ngayong araw?”Tinaas ni Jennifer ang mga kilay niya at sinabi, “Kahit na pagbibigyan kita, sinong makakapagbalik sa patay na ina ko? Alam mo ba kung gaano kamiserable ang ina ko noong ininom niya ang isang bote ng pesticide at nakahiga sa hospital habang desperado siyang naghihingalo hanggang sa hindi na siya nakahinga?”Napaiyak si Elaine at sinabi, “Sister Jennifer… Alam ko na isa kang mabuting anak pero hindi ko sinaktan sa kahit anong paraan ang iyong ina…”Galit na sumagot si Jennifer, “Sinusubukan mo pa ring magsabi ng kalokohan sa’kin? May sasabihin ako sa’yo. Namatay ang ina ko dahil sa kanyang masamang biyenan na babae! Iyon ang dahilan kung bakit ako nagagalit kapag nakikita kita! Da
Pagkalipas ng kaunti ng alas otso ng umaga, dinala ni Charlie ang matandang lalaki palabas sa villa.May dalawang oras pa bago dumating ang eroplano pero hindi na makapaghintay si Jacob.Pagkatapos umalis sa villa sa Thompson First, tinanong nang nagmamadali ni Jacob si Charlie, “Mabuti kong manugang, may alam ka bang lugar kung saan ako makakabili ng isang bouquet ng bulaklak? Gusto kong bumili ng isang bouquet ng rosas para ibigay kay Matilda.”Sumagot si Charlie, “Pa, dadalhin ng kaklase mo ang kanyang anak na lalaki ngayong araw. Sa tingin mo ba talaga ay angkop para sa’yo na bigyan siya ng rosas sa harap ng anak niya?”Nag-isip nang ilang sandali si Jacob bago siya tumango at sinabi, “Tama ka. Dapat ay ordinaryong bouquet ng bulaklak lang ang ibigay ko sa kanya.”Sumagot si Charlie, “May alam akong tindahan ng mga bulaklak sa malapit. Pwede muna tayong pumunta doon at bumili ng isang bouquet ng bulaklak.”Sa sandaling dumating sila sa flower shop, gumastos si Charlie ng lima
Mas grabe pa ang hitsura ni Matilda. Sobrang ganda niya talaga at mukha siyang elegante at kahanga-hanga. Mayroon siyang matalinong hitsura na makikita sa mga dating henerasyon ng mga intelektwal.Mayroong sobrang sikat na artista sa ganitong edad at siya ay si Catherine Zeta-Jones. Madaling maituturing na isa siya sa mga pinaka kaakit-akit at pinakamagandang babae sa edad niya. Pero, mas maganda pa si Matilda kumpara kay Catherine Zeta-Jones!Nasa limampung taon na si Catherine Zeta-Jones pero sobrang ganda at kaakit-akit niya parin. Tatlong taon na mas bata si Matilda sa kanya pero mukhang anim o pitong taon siyang mas bata!Paano posible na isa itong tita na malapit nang maging limampung taong gulang?Isa lang siyang ate na mukhang nasa tatlumpung taon o mababang apatnapung taon!Nagulantang si Charlie. Hindi niya talaga inaasahan na ang unang mahal ni Jacob ay isang napakaganda at kahanga-hanga na babae! Iniisip niya na lang kung gaano kaganda si Matilda noong bata pa siya!J
Magaling nga talaga ang Oskian na lenggwahe ni Paul. Kung pipikit sila at pakikinggan siyang magsalita, walang makakapagsabi na isa talaga siyang Amerikano. Nasorpresa rin nang sobra si Charlie at kinamayan niya si Paul bago niya sinabi sa paghanga, “Mr. Paul, nakakamangha talaga ang pagsasalita mo ng lenggwahe ng Oskian.”Ngumiti nang mapagpakumbaba si Paul at sinabi, “Mr. Wade, masyadong mataas ang tingin mo sa akin!”Sinabi nang nagmamadali ni Jacob, “Siya nga pala, Matilda, nag-book na ako ng kwarto sa Shangri-La hotel para sa tanghalian ngayong araw. Bakit hindi na tayo pumunta doon para magkaroon ng welcome meal para sa inyo ni Paul?”Ngumiti si Matilda at sinabi, “Salamat, Jacob. Talagang nagpapasalamat ako na pumunta ka pa dito kasama si Charlie para sunduin kami at ilibre kami sa tanghalian ngayong araw…”“Nararapat lang na gawin ko ito!” Ngumiti nang nahihiya si Jacob at sinabi, “Nagkataon lang na nagmaneho kami papunta dito ngayong araw kaya pwede tayong magsama-sama sa
Sinabi ni Lady Acker, “Sige at sabihin mo, Lulu.”Sinabi ni Luu, “Inimbestigahan ko ang sitwasyon sa Aurous Hill Welfare Institute ngayong araw. Gusto kong makita kung may kahit anong impormasyon kaugnay kay Charlie sa mga ulila na niligtas nila sa mga nagdaang taon. Sa ngayon, walang bakas na ipinapakita ang mga tala ng institute na kaugnay kay Charlie, pero ang kakaiba ay dumaan sa malaking pagbabago sa mga tauhan ang Aurous Hill Welfare Institute noong nakaraang taon. Mula sa director ng institute hanggang sa staff at kahit ang mga chef na nagluluto para sa mga ulila, lahat sila ay nagbago. Wala sa mga dating empleyado ang natira. Nakita ko na kakaiba ito. Hindi bihira na magpalit ng mga tao sa mga welfare organization, pero parang kakaiba ang lahat at biglaan na pagbabago. Ano sa tingin niyo?”Kumunot ang noo ni Keith at sinabi, “May sampu o dalawampung tao siguro sa panig ng pamamahala at pagpapatupad ng isang bahay ampunan. Kahit na magbago ang mga namamahala, hindi dapat map
Bandang 9:00 p.m. ng gabi sa Willow Manor.Katatapos lang kumain ng mga Acker at hinihiling kay Merlin na analisahin ang mga bakas na nakuha nila sa nakaraang ilang araw sa sala.Si Keith, ang head ng mga Acker, ay nananatili sa villa sa mga nagdaang araw at may malaking pag-unlad sa kalusugan niya. Hindi lang na hindi na lumala ang memorya niya, ngunit unti-unti niya ring naalala ang mga memorya na nakalimutan niya.Ang mas mahalaga, pagkatapos gumaling, umunlad nang sobra ang kabuuang lohikal na pag-iisip niya, bumalik ang istilo ng pag-uutos at lakasa niya dati.Sa pagpupulong ng pamilya, binigyan muna ng buod ni Christian ang lahat tungkol sa progreso ng kolaborasyon nila ng Moore Group.Sinabi ni Christian, “Opisyal na pumasok na sa proseso ng negosasyon ang kolaborasyon natin sa Moore Group. Simula ngayong araw, pinag-uusapan na ng mga legal team ng dalawa ang mga detalye ng kooperasyon, inaayos ang mga tiyak na termino. Dahil sa tapat na kilos ng mga Acker, maayos ang negos
Pagkatapos ay nilabas ni Charlie ang kanyang cellphone at tinawagan si Merlin. Samantala, kumakain si Merlin kasama ang mga Acker, ilang kilometro ang layo sa Willow Manor.Nag-iimbestiga ang mga Acker sa Aurous Hill sa nakaraang ilang araw pero wala pa silang nahahanap na bakas na kaugnay kay Charlie. Ang tito ni Charlie, si Christian, ay tatanungin na sana si Merlin para manghingi ng payo habang kumakain nang tumunog ang cellphone ni Merlin.Tumayo nang mabilis si Merlin at sinabi sa mga Acker, “Pakituloy muna ang pag-uusap niyo. Lalabas ako at sasagutin ang tawag.”Pagkatapos ay pumunta siya sa courtyard at sinigurado na walang mga nakatingin bago sinagot ang tawag. “Hello, Mr. Wade,” sinabi niya sa magalang na tono.Dumiretso sa punto si Charlie, “Chief Lammy, nasa Willow Manor ba ngayon ang lolo ko at ang pamilya niya?”“Oo, nandito sila.” Tinanong nang mausisa ni Merlin, “Anong problema, Mr. Wade? May mali ba?”Kinumpirma ni Charlie sa seryosong tono, “Marahil ay may maglag
Natakot nang sobra si Albert dahil sa mga sinabi ni Charlie. Tinanong niya nang balisa, “Master Wade, anong ibig mong sabihin dito? Malaking panganib ba ang haharapin mo ngayong araw?”Nanatiling tahimik nang ilang sandali si Charlie, hindi sigurado kung paano sasagot. Malaking panganib? Pakiramdam niya na marahil ay hindi siya malalagay sa totoong panganib.May tatlong mahiwagang instrumento ang great earl ng Qing Eliminating Society na ginawa nang basta-basta ni Charlie, at tinatrato ito ng great earl bilang mga kayamanan. Ipinapakita nito ang kakulangan sa malalim na kasanayan sa Reiki ng great earl.Bukod dito, may dalawang mahiwagang instrumento si Charlie na pang-atake, kasama na ang ilang pill, kaya mayroon siyang pang-atake at pang-depensa. At saka, nakatago siya, habang nasa liwanag ang kalaban niya. Ang ibig sabihin nito ay lamang si Charlie kung magkakaroon ng laban.Kaya, naniniwala si Charlie na sa kahit anong aspeto, mas mataas ang tsansa niyang manalo kaysa sa kalaba
Para naman sa mga Regeneration Pill, sa ngayon ay ito ang pinakamalakas na pill na pagmamay-ari ni Charlie para sa pagliligtas ng buhay. Lampas pa sa Rejuvenating Pill ang lakas nila, at maaari nilang iligtas ang buhay niya sa kritikal na sandali.Kung pambihirang master talaga ang kalaban niya, maaaring ang mga Regeneration Pill ang maging salbabida ng buhay niya.Naniniwala si Charlie na gamit ang mga pill na ito, may kumpiyansa siya na makipaglaban sa great earl mula sa Qing Eliminating Society. Bukod dito, dahil sa pagiging maingat niya sa paghahanda, mukhang malabong mangyari na makaharap niya ang kahit anong panganib tulad ng kinalkula ni Vera.Bukod sa mga pag-iingat na ito, nilagay ni Charlie sa safe ang singsing na binigay sa kanya ni Vera at ang Phoenixica na binigay ni Madam Fumiko.Pagkatapos makumpleto ang lahat ng pagsasaayos, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Isaac na umalis na si Mr. Chardon sa Holiday Inn, tumawag ng taxi sa entrance, at palabas
May nanghihinayang na ekspresyon din si Zachary sa kanyang mukha. “Pasensya na, sir, baka maaari nating ipagpatuloy ang pagtutulungan sa hinaharap kung may pagkakataon.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Zachary, “Siya nga pala, sir, hindi ba’t sinabi mo na kaya mong maghintay hanggang 7:00 p.m.? Susubukan ko ulit makipag negosasyon sa boss ko mamaya. Kung makukumbinsi ko siya, hahanapin kita sa Holiday Inn!”Nawalan na ng pag-asa si Mr. Chardon, pero nang marinig ang mga sinabi ni Zachary, tumango siya nang maluwag at sinabi, “Nasa Holiday Inn lang ako bago mag 7:00 p.m.”Tumango nang masigla si Zachary at sinabi, “Okay, pupunta ako sa sandaling may balita ako!”Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na gamitin ang pagdating ng malaking batch ng mga produkto sa makalawa para tuksuhin at subukan si Mr. Chardon ay para pukawin nang buo si Mr. Chardon para makita niya kung hindi na ba talaga mababago ang huling deadline ngayong gabi.”Kung hindi pa rin makakapaghintay si
Agad-agad, pangatlong araw na. Dumating nang maaga si Mr. Chardon sa Antique Street, sabik na naghihintay ng magandang balita mula kay Zachary.Sa sandaling ito, kinakabahan at hindi mapakali si Mr. Chardon. Ayon sa mga pangangailangan ng British Lord, kailangan niyang puksain ang mga Acker bago maghatinggabi, na bago mag 11:00 p.m. ngayong gabi.Balak din ni Mr. Chardon na pumunta sa Willow Manor ng 7:00 p.m. ngayong gabi. Tahimik muna siyang maghahanap ng ligtas na lugar sa Willow Manor para pagtaguan at hintayin ang perpektong pagkakataon para umatake. Kapag tama na ang oras, aatakihin niya agad at uubusin ang mga Acker.Kaya, ang pinakamalaking hiling niya ngayong araw ay makakuha ng mas maraming mahiwagang instrumento kay Zachary bago mag 7:00 p.m. Kahit na alam niya na baka itayo lang ni Zachary ang stall niya sa hapon o kahit mamaya pa, dumating si Mr. Chardon at balisang naghintay sa Antique Street sa umaga.Pero, nahuli na naman si Zachary at dumating lang sa hapon.Nang
Lumapit si Mr. Chardon sa sandaling itinayo ni Zachary ang stall niya. Nang makita ni Mr. Chardon na may hangover si Zachary, hindi niya mapigilan na tanungin siya, “Zachary, binigyan ka na ba ng sagot ng boss mo?”Umiling si Zachary, humikab, at sinabi, “Hindi pa. Nag-iisip sila ng iba’t ibang paraan para ma-withdraw ang pera simula kagabi, pero limitado ang dami ng pera na pwedeng malabas, kaya marahil ay matagalan ito.”Medyo nabsali at nainip si Mr. Chardon habang sinabi, “Zachary, baka kailangan ko na umalis sa Aurous Hill bukas ng gabi. Marahil ay hindi na tayo magkita sa hinaharap pagkatapos kong umalis.”May nanghihinayang na ekspresyon si Zachary habang sinabi, “Boss, medyo mahigpit nga ang oras na bukas ng gabi. Bakit hindi ka muna manatili ng ilang araw? Maghintay ka lang ng tatlo o limang araw, at marahil ay makukuha mo ang gusto mo. Kung nababagot ka, pwede kang sumama sa Shangri-La sa akin. May presidential suite ako doon na may apat na kwarto. Isang kwarto lang ang ga
Nagpapanggap lang si Zachary ayon sa pagsasaayos ni Charlie sa sunod-sunod na pagtatanghal na ito. Sa ibang salita, kumakain siya, umiinom, at inaaliw ang sarili niya gamit ang public funds na inaprubahan ng boss niya.Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na aliwin ang sarili niya at magsaya gabi-gabi ay dahil nag-aalala siya na palihim na babantayan ni Mr. Chardon si Zachary.Hindi pwedeng hayaan ni Charlie na mabunyag ni Zachary ang kahit anong bakas bago pa kumkilos si Mr. Chardon. Basta’t walang mabubunyag na bakas si Zachary, siguradong walang pagbabago sa makalawa ng gabi. Sa sandaling nabunyag ang sikreto, posible na maagang kumilos si Mr. Chardon.Sa sandaling ito, patuloy na binabantayan ni Mr. Chardon si Zachary, at nakikinig pa siya nang mabuti sa pag-uusap nila ng babaeng escort. Sa tuwing pinagmamasdan niya si Zachary, mas naniniwala siya sa pagkatao ni Zachary at sa lahat ng sinabi sa kanya ni Zachary.Sa paningin niya, kumikita si Zachary ng pera sa