Hindi alam ni Charlie na ginagawa ni Sophie ang lahat ng makakaya niya para hanapin niya.Sa totoo lang, ang lahat ng atensyon niya ay nasa paghahanda para sa Bagong Taon. Simula noong pumanaw ang mga magulang ni Charlie, noon pa man ay nananabik na siya sa festive season na ito.Dati, mahirap ang buhay niya. Ang mga festive season ay hindi naiiba sa ordinaryong araw. Hindi niya lang hindi ma-enjoy ang bait ng pamilya niya, ngunit naiinggit siya sa iba na nagsasama-sama kasama ang pamilya nila.Simula noong pinakasalan niya si Claire, wala siyang partikular na interes sa New Year festival. Sa mga panahon na iyon, nagdiriwang ang pamilya Wilson nang sila-sila lang, at para naman kay Charlie, siya ang paksa ng lahat ng pangungutya. Sa bawat reunion dinner sa bisperas ng Bagong Taon, ipapahiya siya at kukutyain.Kung ikukumpara, mas maganda ang taon na ito. Ito na ang pinaka kinasasabikan niyang Oskian New Year simula noong namatay ang mga magulang niya.29th na ng Oskian New Year. K
Nakilala ni Charlie ang boses ni Albert sa speaker ng intercom system.Pero, hindi niya inakala na pupunta si Albert sa bahay niya sa oras na ito. Bukod dito, sa sinabi ng biyenan na lalaki niya, hindi siya pumunta dito nang mag-isa.Pagkatapos ay tumayo siya at sinabi, “Pa, ako na ang magbubukas sa pinto.”Tinanong ni Claire sa sorpresa, “Charlie, sana ang mga taong ito ay hindi ang mga VIP na hinahanap ka para sa swerte at kapalaran, tama?”Ngumisi si Charlie at sumagot, “Tama ka! Sila nga ito. Ang mga taong ito lang ang tumatawag sa akin na Master Wade!”Umiling nang walang magawa si Claire habang inasar niya, “Master Wade, sa tingin ko ay medyo makapal na ang mukha mo!”Tumaas ang mga kilay ni Charlie. “Makapal ang mukha sa punto na may tiwala ang mga tao sa abilidad ko!”Pagkatapos niyang magsalita, lumabas siya sa pinto at pumunta sa garden bago binuksan ang front door.Nang bumukas ang malaking pinto, nagulantang si Charlie sa nakita niya.Hindi lang sila Albert, Isaac,
Sa kabila ng pagiging tapat ni Wendy kay Gerald at pagiging buntis niya, inabandona niya pa rin siya.Simula noon, naging kalaguyo at laruan siya nina Kenneth at Jeffrey. Hindi lang na wala siyang nakuhang benepisyo sa kanila, ngunit nadumihan din ang reputasyon niya.Miserable na ang buhay ni Wendy ngayon. Kahit na nakatira siya sa villa sa Thompson First, buong gabi siyang nagutom at hindi niya kayang bumili ng almusal.Sa sandaling nakita niya ulit si Gerald, naramdaman niya ulit ang sakit habang inalala niya ang nakaraan.Sa isang saglit, napuno ng luha ang mga mata ni Wendy at dumaloy ito sa kanyang mukha.Desperado siyang nabulunan, “Gerald ko, bakit mo ako iniwan? Anong nagawa kong mali para iwan mo ako nang walang awa…? Gerald ko…”Sa sandaling ito, umiiyak si Wendy sa kawalan ng pag-asa.Nasaktan si Hannah nang maita niyang umiiyak ang anak niya. Niyakap niya siya nang marahan at pinagaan ang loob niya, “Wendy, naniniwala ako na may mahahanap kang mas magaling kay Geral
Sa entrance ng villa A05, tumingin si Charlie sa mga tao at tinanong sa sorpresa, “Bakit nandito kayong lahat?”Ngumiti si Albert habang sumagot, “Master Wade, Malapit na ang bagong taon. Kaya, gusto ka naming bisitahin at magbigay ng mga regalo para sayo.”Tumango si Isaac at sinabi, “Master Wade, natatakot kami na sasayangin namin ang oras mo kung isa-isa kaming bibisita. Pagkatapos naming mag usap-usap, nagpasya kami na pumunta nang sama-sama!”Idinagdag ni Graham, “Master Wade, naghanda kami ng ilang hamak na regalo para sayo. Sana ay ayos lang sa iyo.”“Tama!” Nagpatuloy si Zeke nang nagmamadali, “Master Wade, isa kang santo. Sana ay ayos lang sa iyo ang mga hamak na regalo mula sa mga karaniwang tao tulad namin.”Ngumiti nang mabait si Charlie at sumagot, “Nagpapasalamat ako nang sobra sa inyong lahat dahil naaalala niyo pa ako. Hindi niya kailangang gumastos nang sobra para sa akin.”Umabante si Lord Moore at sinabi nang seryoso, “Master Wade, lahat kami ay may utang na lo
Sumagot nang nagmamadali si Harvey, “Master Wade, mabuti ako! Ang lahat ng ito ay salamat sa inyo ni Director Lane!”Sa sandaling narinig ni Charlie ang sinabi ni Harvey, naging seryoso ang ekspresyon niya, at sumagot siya nang taimtim, “Buddy, pwede akong tawagin ng lahat na Master Wade, pero hindi ikaw!”Sumagot nang hindi mapalagay si Harvey, “Paano ako magiging eksepsyon kahit na si Director Lane mismo ay tinatawag kang Master Wade?”Lumapit si Charlie sa kanya, tinapik ang kanyang balikat, at sinabi nang seryoso, “Buddy, binati nila ako bilang Master Wade dahil tinulungan ko lang sila. Pero, iba ka!”Idinagdag nang nagmamadali ni Harvey, “Ikaw ang tumulong sa akin na marating ang katayuan ko ngayon… Ikaw ang haligi ko, at sa totoo lang, dapat mas magalang pa ako sayo kaysa sa iba!”Medyo hindi masaya ang hitsura ni Charlie at sinabi, “Kalokohan! Lumaki tayong dalawa sa Aurous Hill Welfare Institute. Kahit na hindi tayo tunay na magkapatid, para bang lumaki na tayo nang ganito
Nang walang pagkaantala, inimbita ni Charlie ang lahat ng bisita niya papasok sa villa.Binaba ng mga tauhan ng mga presitihiyosong bisita ang mga regalo nila sa kotse, at nasa dalawampu o tatlumpu ang nagdadala ng napakaraming high-end na regalo habang isa-isa silang pumapasok sa villa.Si Lady Wilson, na nasa A04, ay nagulantang nang makita ito. Pagkatapos at binulong niya sa sarili niya, “Hindi ito tulad ng mga tipikal na gift-giving session na nakita ko. Para bang nag-aalay sila ng tribute sa isang emperor noong sinaunang panahon!”Sobrang lungkot ni Hannah habang binuksan niya ang kanyang bibig at sinabi, “Lahat sila ay napakayamang tao. Kahit papaano, mga mayayaman sila. Nasa isang bilyon siguro ang kabuuang halaga ng mga regalo na ito.”Sinabi ni Wendy nang maluha-luha, “Nasa isang bilyon ito. Ang villa pa lang na binigay ni Gerald ay mahigit isang bilyon…”“Jus…” May masamang ekspresyon si Lady Wilson sa kanyang mukha habang sinabi, “Hindi ko na ito mapanood. Kung hindi, a
Pumasok ang napakaraming regalo at naipon na parang isang maliit na bundok sa living hall, kasama na ang pagdating ng maraming marangal na VIP.Sobrang sabik niya at hindi na siya makapaghintay na buksan isa-isa ang mga regalo na ito. Gayunpaman, dahil maraming VIP sa paligid, kailangan niyang panatilihing kalmado at mahinahon ang sarili niya.Si Albert ang pinaka tapat na tagasunod ni Charlie. Hindi nakakagulat na siya rin ang nagpasimula ng sorpresang pagbisita na ito. Naglabas siya ng isang piraso ng papel sa kanyang bulsa at binasa nang malakas, “Master Wade, ito ang listahan ng mga bisita na hinanda ng lahat bilang tanda ng pasasalamat. Hayaan mong basahin ko sila.”Bago pa makapagsalita si Charlie, sinabi na sa sabik ni Elaine na nakatayo sa tabi niya, “Bilis! Basahin mo sila nang malakas!”Sumagot nang nagmamadali si Albert, “Masusunod, Madam. Babasahin ko sila nang malakas!”Pagkatapos ay nilinis niya ang kanyang lalamunan at sinabi nang malakas, “Binigyan ni Isaac Cameron
Pagkatapos makakuha ng kumpirmasyon kay Charlie, nagpatuloy si Albert, “Nagregalo si Lord Moore ng isang San Lorenzo luxurious yacht na gawa sa Italy!”“Isang yacht?!” Si Elaine ang unang nagsabi ng tanong, “Anong halaga ng yacht? Isa ba itong yacht para bisitahin ang mga lugar ng turista?”Tumawa si Lord Moore habang sumagot, “Hayaan mong linawin ko ang hindi pagkakaintindihan, Madam. Ang San Lorenzo ay isang lumang European luxury yacht manufacturer. Ang haba ng yacht ay mahigit 20 metro at may tatlong deck ito. Bagay ito sa mga family trip.”Nabigla si Elaine at sinabi, “Sa tingin ko ay mahal ang ganitong yacht, tama?”Sinabi ni Reuben na nasa malapit, “Nasa pintumpung milyon ito kasama ang tax.”“Magkano ulit?!”Nagulantang si Elaine. “Isang yacht na nasa pitumpung milon?! Grabe ito!”Hindi maiwasang sumingit ni Claire, “Lord Moore, natatakot ako na hindi namin matatanggap ang isang napakamahal na regalo mula sayo…”Ngumiti nang marahan si Charlie at sumenyas para pigilan s
Humagikgik si Charlie at sinabi, “Lola, huwag kang mag-alala. Naubos na ng internal qi ko ang alak, kaya hindi ako lasing kapag magmamaneho.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Charlie, “Siya nga pala, Lolo, Lola, pupunta ako sa Willow Manor bukas para ilipat dito ang formation para sa Rejuvenating Pill. Manatili muna kayo sa Aurous Hill. Kung gano’n, mas uunlad ang kalusugan niyo.”Sinabi nang hindi nag-iisip ni Lady Acker, “Charlie, huwag ka na magsayang ulit ng Rejuvenating Pill sa amin…”Si Lord Acker, na nasa gilid, ay sinabi rin nang sobrang seryoso, “Kasasabi ko lang na pwedeng gawin ni Charlie ang lahat ng pagsasaayos, kaya hindi mo kailangan na sumalungat sa akin.”Para kay Keith, ininom na niya ang isang buong Rejuvenating Pill. Sa totoo lang, hindi na mahalaga sa kanya ang formation, pero nakikilala niya ang isang pangunahing lohika: dahil sinabihan na sila ni Charlie na sundin ang mga pagsasaayos niya, dapat nilang sundin ang desisyon na iyon, kahit na kapaki-pakina
Alam ni Charlie na ito na ang pinakamagandang oras para magkunwari.Bumalik na sa itaas ng dagat ang eroplano ng tatlong elder mula sa Qing Eliminating Society, pinapatunayan na natatakot si Fleur.Dahil natatakot siya, oras na para kumilos siya habang mainit pa.Hindi aalis ang mga Acker sa Aurous Hill pansamantala, at siguradong may mga espiya mula sa Qing Eliminating Society sa loob ng mga Acker. Kung sasamantalahin niya ang pagkakataon na magkalat ng balita, magsisilbi rin ito bilang pang-antala.Ang kasalukuyang mga miyembro ng pamilya Acker ay may buong tiwala kay Charlie. Dahil sinabi na ito ni Charlie, walang tutol ang lahat at balak nilang sundin ang mga utos ni Charlie.Para naman sa asawa ni Lulu, hindi nagmamadali si Charlie na siyasatin siya. Dahil, sa opinyon niya, kung magtatago ang mga Acker simula ngayon at hindi bibigyan ang mga tagalabas ng pagkakataon na alamin ang sikreto nila, maaaring maging matatag ang sitwasyon.Para naman kay Fleur, dahil natanggap na ni
Biglang medyo hindi mapakali ang ekspresyon ni Lulu. Mahigit sampung taon na niyang kilala ang asawa niya, at 12 years old na ngayong taon ang anak nila. Hindi niya kayang paghinalaan ng kahit ano ang kanyang asawa.Pero, alam niya rin na bago ang nangyari kay Adrienne, sobrang lambing niya kay Jaxson. Akala ng lahat na pinakasalan ni Jaxson ang isang maganda, elegante, at mabait na asawa, pero sinong nakakaalam na gusto niyang patayin ang buong pamilya Acker, at walang gustong itira?!Sa puntong ito, idinagdag ni Keith, “Pagkatapos ng nangyari sa New York dati, may malaking hinala kami ni Kaeden kay Zekeiah, pero hindi matagal pagkatapos nito, nagpakamatay si Adrienne gamit ang lason. Kaya, natuon ang focus namin kay Adrienne. Kung iisipin ito ngayon, mahirap na tanggalin ang hinala kay Zekeiah.”Nagsalita si Charlie at sinabi, “Sa tingin ko ay makatwiran ang sinabi ni Lolo. Kung kakalkulahi natin ang bagay na ito ayon sa oras, si Uncle Zekeiah nga ang pinaka kahina-hinala.”Pagka
Ang lamesa ay puno ng mga masasarap na pagkain, karamihan ay inihanda ng mga chef mula sa Heaven Springs. Sanay na si Charlie sa lasa ng Heaven Springs, kaya hindi siya partikular na namangha. Pero, nagbalik pa rin ng alaala noong bata pa siya ang talong na inihanda ng kanyang lola.Mas masaya pa ang mga miyembro ng pamilya Acker. Naglagay ng alak ang lahat, nagdiwang bilang isang pamilya dahil sa wakas ay nahanap na nila si Charlie. Malinaw ang pananabik nila.Pagkatapos ng ilang alak, nagsimulang mag-usap ang mga miyembro ng pamilya Acker. Tinanong nila ang mga detalye ng buhay ni Charlie sa mga nagdaang taon habang binibigyan din siya ng balita tungkol sa mga pinagdaanan ng mga Acker.Pagkatapos nito, napunta ang usapan sa oras na niligtas ni Charlie ang mga Acker sa panganib. Nabigyan nito ng pagkakataon si Charlie na pag-usapan ang mga kasalukuyang panganib na kaharap ng mga Acker.Sinabi ni Charlie, “Noon pa man ay may hinala na ako na may ibang espiya pa siguro ang Qing Elim
Patuloy na tumingin sa isa’t isa ang dalawang matandang tao, umaasa na makita ang maalamat na epekto ng pagbabalik ng oras mula sa mukha ng isa’t isa.Hindi sila binigo ng Rejuvenating Pill. Sa sandaling gumana ang mga epekto nito, para bang isa itong slideshow na pinapaandar nang fast-forward.Ang puting buhok ng dalawang mag-asawa ay mabilis na nagpakita ng mga bahagi na kulay itim, at ang malalim na kulubot sa kanilang mukha ay parang agad kumonti. Ang mga lawlaw na mukha nila ay parang nagkaroon din ng abilidad na labanan ang gravity.Habang nakatingin sila sa isa’t isa, namangha sila at natuwa nang makita nila bumata ang kanilang asawa, na halos buong buhay nilang kasama at nakita ang unti-unting pagtanda, nang napakabilis. Agad ulit tumaas ang pakiramdam nila para sa isa’t dahil sa mahimalang karanasan na ito.Pero, ang pinakamalaking pagbabago sa katawan nila.Ang utak ng matandang lalaki na sinira ng Alzheimer’s disease ay naging mas malinaw at matino. Sa una ay sobrang ta
Kahit na naantig siya sa katapatan ng kanyang apo, pakiramdam niya pa rin na wala siyang kwenta bilang isang lolo at hindi siya karapat-dapat para sa katapatan ng kanyang apo.Nang marinig niya na hindi na siya sinisisi ni Charlie, sa wakas ay gumuho na ang malaking pasanin sa puso niya.Sa sandaling ito, tumingin si Charlie kay Keith at sinabi, “Lolo, sa isang napakasayang araw, gusto ko talaga na uminom kasama ka. Kaya, mag-enjoy ka at inumin mo na ang Rejuvenating Pill ngayon. Kapag uminom tayo mamaya, uminom tayo ng ilang baso!”Nang makita na binanggit na ni Charlie ang bagay na ito, binaba na ni Keith ang pasanin sa puso niya at tumango nang mabigat, sinasabi, “Okay, Charlie, sasamahan ka ni Lolo para uminom mamaya!”Si Lady Acker, na nasa tabi nila, ay natuwa rin at sinabi, “Charlie, naghanda si Don Albert ng ilang sangkap para sa akin. Gumawa ako ng mga talong na gusto mo dati noong bata ka pa. Naaalala mo pa ba ang lasa nila?”Tumango si Charlie at ngumiti habang sinabi,
Para naman sa mga Acker, masyadong maraming beses na silang niligtas ni Charlie at isa-isa pang naglabas ng tatlong Rejuvenating Pill. Kaharap ang kabaitan na ito, naaalala ito nang mabuti ng mga miyembro ng pamilya Acker. Dati, walang utang na loob ang mga Acker sa kahit sino, pero ngayon, may utang na loob na sila kay Charlie na hindi nila kayang bayaran. Kaya, umaasa silang lahat na matatanggap ni Charlie ang mga asset ng mga Acker. Sa ganitong paraan, gagaan din ang kalooban nila.Sa sandaling ito, nagsalita si Charlie, “Lolo, kaya kong mangako na tatanggapin ko ang mga asset ng mga Acker, pero hindi muna ngayon. Dahil, sa mga mata ng Qing Eliminating Society, hindi pa rin nila alam ang presensya ko. Kung ipapadala ng mga Acker ang mga asset nang direkta sa pangalan ko, marahil ay mabunyag ang pagkakakilanlan ko sa parehong araw. Kaya, sa ngayon, pakitulungan muna akong hawakan ang mga asset na ito. Kapag natalo ko na ang Qing Eliminating Society, hindi pa huli para ibigay ang mga
Kaharap ang tanong ni Lord Acker, hindi nagpaligoy-ligoy si Charlie. Sinabi niya nang maayos, “Alam ko na hindi ka pa magaling, lalo na ang sitwasyon mo sa Alzheimer’s disease na mukhang hindi optimistiko. Kaya, bago kayo dumating ni Lola, nag-iwan ako ng isang formation at isang Rejuvenating Pill sa villa. Unti-unting ilalabas ng formation ang bisa ng Rejuvenating Pill, at uunlad ang kalusugan ng lahat ng nakatira sa loob. Bukod dito, kapag mas malala ang kalusugan, mas marami silang matatanggap na benepisyo.”Walang masabi ang mga miyembro ng pamilya Acker dahil sa gulat. May gustong sabihin si Lord Acker, pero parang nanigas ang kanyang vocal chords sa kalagitnaan, at hindi siya makagawa ng tunog nang ilang sandali.Kahit hindi siya nagsalita, naipon na ang mga luha sa mga mata niya. Naluluha na rin ang kanyang asawa sa tabi niya.Ang mataas na presyo na 300 billion US dollars para sa Rejuvenating Pill ay itinakda ng mga Acker, pero kahit na handang magbayad ng 300 billion US dol
Nagsalita si Keith at sinabi, “Simula ngayon, ang 60% ng lahat ng asset sa iba’t ibang larangan ng industriya ng mga Acker ay ililipat sa pangalan ni Charlie.”Ngapatuloy siya, “Huwag niyo munang ipahayag ang opinyon niya. Hayaan niyong ipaliwanag ko ang desisyon na ito. May tatlong dahilan. Una, ang hindi bababa sa kalahati ng kasalukuyang asset ng mga Acker ay kinita ng ina ni Charlie. Pangalawa, maraming taon nang wala sa bahay si Charlie, at may utang tayo sa kanya. Pangatlo, dalawang beses niligtas ni Charlie ang mga Acker, at ginawan niya tayo ng pabor. Ano sa tingin niyo?”Sabay-sabay na sumagot ang mga tito at tita ni Charlie, “Pa, wala kaming tutol!”Sa puntong ito, nagsalita si Charlie, “Lola, ang mga asset ng mga Acker ay pagmamay-ari ng mga Acker, hindi sa akin. Hindi ko ito matatanggap.”Kinaway ni Keith ang kanyang kamay at sinabi, “Charlie, nagiging magalang lang ako sayo. Hindi mahalaga ang pera sa mga Acker. Kahit na bigyan ka namin ng 60%, aabot ng ilang henerasyo