Share

Chapter 5 - Reward

last update Huling Na-update: 2022-09-30 21:49:55

Pagkatapos malaman ni Aricella na hindi ninakaw ni Igneel ang kwentas, palihim siyang ngumiti at umaktong kunyari ay galit. She slowly slapped Igneel in the face. “Gumastos ka agad sa walang kwentang bagay, kailangan kitang parusahan.” 

 

Umawang ang bibig ni Igneel sa sinabi ni Aricella. “Parusa? Regalo ko iyon sa’yo, bakit ako mapaparusahan?” Lumapit nang bahagya si Igneel kay Aricella nang siyang dahilan ng pag-atras ni Aricella dahil nakaramdam siya ng kaba sa paglapit ni Igneel. “Anong parusa?” bulong ni Igneel na nagpainit lalo sa pisngi ni Aricella. 

 

Tinulak niya nang mahina palayo si Igneel, pinakita niya ang kwentas at pinasuot kay Igneel. “I let you wear this, this is your punihsment for spening money and not letting me know about you winning in the lottery.”

 

Igneel plastered a smile on his face, hindi makapniwala sa ginawa ng asawa. Sa sobrang lapit nila ay ayaw niya nang lumayo mula kay Aricella. Hindi niya inasahan na ito ang unang paglalapit nilang dalawa maliban sa araw na kinasal sila. 

 

Watching this warm scene, Klarence felt jealous. Umiwas siya ng tingin, pinaniwalaan niya pa rin na talunan si Igneel. 

 

“Klarence, sa susunod na pagsalitan mo pa ng masama ang asawa ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa’yo, baka alisin kita sa buhay ko bilang kaibigan ko. Stop insulting him, he’s my husband and you are just my friend…” 

 

Nagulat si Klarence sa sinabi ni Aricella, hindi niya inasahan na sasabihin iyon ng kaibigan niya. He knew that she was unreasonable, he whispered few words because of frustration pero hindi niya nilabas bagkus itinuon niya sa mga trabahante na hindi pa rin umalis.

 

“Go back to your work! Tapos na ang palabas, magtrabaho kayo!” galit na sigaw niya sa mga empleyado kaya agad naman silang kumilos at bumalik sa mga cubicle nila. 

 

Some employees gave Igneel a smile sa kadahilan na nagkaroon ito ng maganda at mabait na asawa at ang iba naman ay naiinggit dahil hindi sila si Igneel na nanalo sa lotto.

 

Tiningnan ni Aricella ang mga empleyado na isa-isang umalis.

 

“Huwag mong ipahiya sa susunod ang pamilya ko at lalo na ako, Igneel!” she pretended to be angry at Igneel as she waited everyone sat down in their cubicle.

 

Igneel smirked, he thought that as the heir of Rubinacci’ is his card. Ang magkaroon ng maraming pera sa kahit saan at kailan niya gusto. Mabilis niya lang makukuha ang gusto niya mula sa kanyang pamilya, lalo na ang pera. 

 

“Bumili tayo ng kahit anong gusto mo,” masayang sabi ni Igneel sa kanyang asawa. 

 

Kumunot naman ang noo ni Aricella, tumingin kay Igneel. “Sa tingin mo ba makakalaro ka araw-araw ng lotto? Huwag mo na ulitin sa susunod, ang pagpapanalo sa lotto ay swertehan lamang. Sa ngayon ay sinuwerte ka pero sa susunod, hindi natin alam,” paliwanag ni Aricella.

 

“Okay, masusunod.” Ngumiti si Igneel at sinabi. 

 

Bumuntonghininga si Aricella at naglakad pabalik sa opisina, sumunod naman si Igneel. “Why don’t you look for a job or business with that money from lottery?” tanong ni Aricella at umupo sa swivel chair niya. 

 

Umupo rin si Igneel sa sofa sa opisina. Tumingin kay Aricella, paano kaya kung sabihin niya na lang sa kanya kung sino siya at hindi niya kailangan maghanap ng trabaho pero naalala niya lang din ang nangyari kanina. Hindi naniwala si Aricella sa kanya kundi mas naniwala itong nanalo siya sa lotto.

 

“Nevermind,” Aricella said. 

 

Hindi na rin umasa si Aricella na gagawin iyon ni Igneel, noon pa man ay tinaggihan na ni Igneel ang tungkol sa trabaho at hanggang ngayon ay marami pa ring tinatagong sikreto si Igneel sa kanya. 

 

“I will find a job no matter what… for you.” Nagulat si Aricella sa sinabi ni Igneel, kung dati nga ay tinaggihan siya ni Igneel, hindi niya inasahan na marinig iyon ngayon mula kay Igneel. 

 

“Really? Gagawin mo para sa akin?” tanong ni Aricella, tinatago ang ngiti. Tumango naman si Igneel bilang sagot. 

 

Naiisip ni Aricella na bigyan ng reward si Igneel kaya naman nag-out siya ng umaga para dalhin si Igneel sa super market. “Anong gagawin natin?” inosenteng tanong ni Igneel.

 

“Let’s go home early today, bibili muna ako ng lulutuin at ipagluto kita ng paborito mo.” Nagulat si Igneel sa narinig. 

 

Wala na sigurong mas sasaya sa narinig niya mula sa asawa. Bihira lang ito gawin ni Aricella kaya hindi niya sasayangin ang pagkakataon.

 

Pagkatapos nilang kumain, pareho silang nakahiga sa kama pagkatapos maligo. Tahimik na humiga si Igneel sa tabi ni Aricella. Lumunok ng dalawang beses si Aricella at umupo sa kama mula sa pagkahiga. Tiningnan naman siya ni Igneel na may pagtataka.

 

Aricella licked her lips while looking at Igneel, kinakabahang umiwas ng tingin si Igneel sa asawa.

 

“M-matulog na tayo,” nauutal na sabi ni Igneel at humiga na nakatalikod kay Aricella pero mas lalo siyang nagtaka nang hinawakan ni Aricella ang balikat ni Igneel kaya lumingon siya kay Aricella.

 

“Aricella…”   

 

Hinalikan siya ni Aricella na siyang napatigil sa kanya saglit. Mapupungay ang mga mata ni Aricella habang nakatingin kay Igneel pagkatapos ng halik. Igneel looked at Aricella lips. 

 

“Are sure you want to try this?” mahinang tanong ni Igneel. Tumango naman si Aricella. 

 

He kissed her passionately, nakaramdam ng init sa katawan si Aricella nang maramdaman ang kamay ni Igneel sa kanyang hita kaya napaatra siya nang bahagya. Napansin iyon ni Igneel ngunit pinatuloy niya pa rin ang paghahalik kay Aricella hanggang sa naramdaman niyang hindi na rumesponde si Aricella sa halik. Tinigil niya ang halik nang makitang umiyak si Aricell. He hugged her tightly.

 

“I’m sorry…we won’t do it,” he whispered pero pinatigil siya sa pagsasalita ni Aricella gamit ang daliri. 

 

Hinayaan niya lang ang kanyang sarili na yakapin ni Igneel at umiyak. 

 

They are married for a year now but Aricella is still virgin. May rason kung bakit wala pa ring nangyayari sa kanilang dalawa. Bukod sa nirerespeto ni Igneel ang asawa, alam niya rin ang kahinaan ni Aricella. 

 

Nagsimula ito noong isang taon ang lumipas—Aricella was kidnapped by gangsters and almost got raped. Nang subukan niyang patayin ang sarili para manatiling malinis ang pagkababae at makalayo mula sa masasamang tao, isang pulubi ang dumating. Sinubukan niyang lumayo mula sa mga gangsters at sumigaw ng tulong hanggang sa naisipan niyang magpakamatay. 

 

Sinong mag-aakala na ang isang pulubi ay pumulot ng malaking bato para batuhin ang ibang gangsters para iligtas si Aricella ngunit nasaktan si Igneel, nasaksak siya ng kutsilyo na siyang dahilan ng pagkasira ng isa niyang kidney at dahil doon, naging mahina si Igneel na para bang hindi na siya tunay na lalaki. 

 

At saoras na rin iyon, Aricella was forced to marry by his family, at para makabawi kay Igneel sa pagligtas sa kanya, pinakasalan niya si Igneel at iyon ang dahilan na naging son-in-law siya ng pamilya ni Aricella. 

 

Humigpit lalo ang yakap ni Igneel kay Aricella nang maramdamang nakatulog na ito sa kanyang mga bisig, hiniga niya ito ng dahan-dahan sa kamay, hinalikan ang noo. Nakatulog sa pag-iyak. Ngumiti ng tipid si Igneel habang pinagmasdan ang mukha ng asawa, pinunasan niya ang luha sa pisngi ni Aricella.

 

“Sleep tight… love.”      

 

***    

 

KINABUKASAN, nagising si Igneel at ang nakita niya lang ay pagkain sa lamesa at maliit na note. He smiled as he got the note and read it. “Good morning! Breakfast is ready, please eat this. I made this for you, and do not forget to find a job today!”

 

Lumawak lalo ang ngiti ni Igneel, his wife is full of smiles as if nothing happened yesterday. Na para bang nakalimutan niya na ang nangyari sa kumpanya at kagabi.

 

Pagkatapos kumain ni Igneel, tinawagan niya ang housekeeper para maglinis. Dahil nakuha niya na ang mana mula sa kanyang pamilya, the little problem will solve it directly using his money. Tinawagan niya rin ang kilalang doctor ng pamilya para matulungan siya sa pag-recover. Pagkatapos ng mga tawag, nagsimula na siyang maghanap ng trabaho online. Sampung taon siya sa kalsada pero alam niya pa rin naman kung paano maghanap ng trabaho. 

 

When he was submitting his resume to different companies online, Aricella called him.

 

“Where are you?” tanong ni Aricella.

 

“Nasa bahay lang ako, anong nangyari? May nangyari bang hindi maganda?” nag-aalalang tanong ni Igneel nang marinig ang mahinang boses at pag-iyak ni Aricella.

 

“Please come to the hospital, sinugod si Papa.”     

 

Agad na kumilos si Igneel para puntahan ang asawa. 

 

Sa loob ng ward, maingay na nag-uusap si Jenica at Janette at sa laman ng pag-uusap na iyon ay puro galit at pang-iinsulto na naman kay Igneel. Hindi na sila natigil, sinisi pa nila si Igneel sa dahilan kung bakit na-hospital ang ama ni Aricella na si Arman. 

 

“Wala siyang ginagawang masama, Mama, ate. Tigilan niyo na ang asawa ko—”

 

“You always defending him, he’s nothing but a beggar, Aricella. Ikaw ang tumigil,” sabi ni Jenica. Hindi siya pinansin ni Aricella dahil nakarinig na sila ng may tao sa labas ng kwarto.

 

“Baka ang asawa ko na iyon…bubuksan ko lang.”    

 

Pagkatapos niyang sabihin iyon, pumunta siya sa pintuan at binuksan. 

Kaugnay na kabanata

  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   Chapter 6

    Nang buksan ni Aricella ang pintuan, bumungad sa kanya ang mukha ng kanyang Uncle, ang kapatid ng kanyang ina kasama ang mga kasamahan niya na gustong bumisita kay Arman, ang ama ni Aricella. Nakita ng uncle at ng mga kasama nito na wala si Igneel kaya nagsimula nila itong insultuhin, pinagtawanan na para bang wala lang sa kanila kung gaano nila insultuhin si Igneel. Nakikitawa rin ang ina ni Aricella dahil iniisip niya na tama lang kay Igneel na makatanggap ng insulto, meron man siya o wala. Pero natigil lang din sila nang pumasok bigla si Igneel sa loob ng kwarto.Nabigla ang uncle ni Aricella kaya naman para hindi siya mapahiya, lumakas ang boses niya at tinanong si Igneel. “Sino ka para magbukas agad ng pintuan na hindi kumakatok, hindi ka mayaman tulad namin kaya matuto kang rumespeto! Galing ka nanga sa kalye, ang ugali mo ay asal kalye din!” galit na turan ng Uncle ni Aricella. Sumabay din sa pang-iinsulto ang ibang kasama ng uncle ni Aricella na mga kamag-anak lang din nila.

    Huling Na-update : 2022-10-26
  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   Chapter 7

    Nalaman nila na ang dahilan ng pagtunog ng phone ni Igneel ay ang pagtagumpay na nakapag-transfer siya ng pera. Lahat ng tao sa loob ng kwart ay lumapit kay Igneel, hindi makapaniwala at hindi naniwala na nagawa iyon ni Igneel. “I can’t believe it, did you steal a money from my daughter?” sigaw ni Janette. Lahat ay nagulat sa sinabi ni Janette at nagsimula na nga silang pagbintangan si Igneel na ang perang ginamit ni Igneel ay ang pera ni Aricella. Sino namang maniniwala sa kanila na may ganoong halaga si Igneel kung isa lang siyang palamunin sa pamilya ni Aricella. Walang trabaho o kahit koneksyon manlang para magkaroon siya ng maraming pera.Bumuntonghininga si Igneel, alam niya na mangyayari ulit ito. Ang walang maniniwala sa kanya. “Tumaya ako sa lottoo at iyan ang napalanunan ko. Hindi ko na kargo kung ayaw ninyong maniwala,” seryosong sabi ni Igneel. Lumapit naman si Aricella sa tabi ni Igneel at pinakita ang kwentas na binili rin ni Igneel sa paniniwalang nanalo nga siya sa

    Huling Na-update : 2022-10-26
  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   Chapter 8

    “I told you, hindi ako makakapunta o magagawa ang hinihiling mo,” sabi ng section chief kay Kenjin. Sinapo ni Kenjin ang kanyang noo dahil sa nararamdamang stress, halos magmakaawa siya sa kausap niya ngunit binabaan na siya ng telepono. Tumingin si Kenjin sa kasamahan niya na halatang nanlulumo, lumapit naman sa kanya ang kanyang asawa na si Jennica para daluhan at ang iilang kamag-anak para ipakita na ayos lang. Hindi sila na-dasappoint na hindi manlang nagawa ni Kenjin ang pakiusapan ang section chief. “It’s okay, alam kong magagawan din natin ng paraan ito. Marami ka ng naitulong sa pangyayaring ito,” sabi ni Janette. Kahit si Janette ay hindi rin nagalit kay Kenjin kahit kaunti at ang binigay ni Igneel na 300,000 dollar ay hindi na rin binalik ni Kenjin. Lumapit si Kenjin kay Jennica, “hindi pwedeng hindi malipat sa VIP ward si Papa. Pupuntahan ko ng personal ang section of chief para makipag-usap sa kanya, I am sure he will do everything for me, siguro ay nais niya lang na m

    Huling Na-update : 2022-11-06
  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   Chapter 9 — Dessert

    Nagising si Arman mula sa pagkatulog at bumungad sa kanya ang bagong hitsura ng paligid. Nasa bagong ward na siya, ang VIP ward na ibinigay para sa kanya. Bumaling siya sa mga tao sa paligid, nang makita niya si Kenjin ngumiti siya nang malawak na tila ba nagpapasalamat nang makita si Kenjin. “Kenjin, you did everything for me. Maraming salamat sa ginawa mo, komportable ako sa bago kong higaan,” sabi ni Arman kay Kenjin. Masaya namang lumapit si Kenjin kay Arman dahil nakatanggap na naman ng pagpuri na hindi naman sana para sa kanya. “Everything for you, Papa. Kargo ko na rin po kayo simula nang pinakasalan ko si Jennica.” Masayang sabi ni Kenjin.Tumango si Arman at bumaling kay Igneel na tahimik lang sa sofa habang naka-upo. “Ikaw lalaki? Pag-upo lang ba ang ginawa mo simula kanina na tulog ako? Hindi ka manlang tumulong at hinayaan ang iyong asawa at ang mga anak ko na gumawa ng paraan?” galit na sabi ni Arman. Agad na hinawakan ni Kenjin si Arman para pakalmahin ngunit hindi tum

    Huling Na-update : 2022-11-09
  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   Chapter 10

    Chapter 10Tiningnan nilang dalawa ang kakaalis lang na kotse ni Klarence hanggang sa pumasok na sila sa loob ng taxi cab. Napansin ni Igneel na nakasimangot pa rin si Aricella pagkatapos ng paghaharap nila kay Klarence.“You and him are very close,” Igneel joked. Agad siyang tiningnan ng masama ni Aricella. Sobra ang inis ni Aricella sa matalik niyang kaibigan dahil sa pinagsasabi nito kay Igneel. Matagal naman na ganoon na talaga ang ugali ng kaibigan ngunit hindi niya inasahan na hindi pa rin ito nagbabago.“We were just classmate back then in United States,” sagot ni Aricella sabay irap kay Igneel. Naisip ni Igneel na isa sa dahilan na galit sa kanya si Klarence dahil may gusto si Klarence kay Aricella. Although, it’s true. Noon pa man ay pinilit na ni Klarence na mapasakanya si Aricella, niligawan niya ngunit hindi siya nagtagumpay dahil hindi pumayag si Aricella. Klarence is a handsome man, magaling nga sa industriya ng negosyo, matalino at talented ngunit hindi nakuha si Aric

    Huling Na-update : 2022-11-24
  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   Chapter 11 - Hired

    Ilang minutong hindi sumagot si Igneel sa tanong ni Lara dahil hindi niya naman alam kung ano ba ang bakante. Wala siyang pakealam kung saan siya ilalagay, ang mahalaga sa kanya ay magkaroon na ng trabaho para kay Aricella.“Hindi ba’t kayo dapat ang mag desisyon kung saan ako ilalagay? Alam kong mataas ang standard ninyo at alam ko rin na hindi ako kwalipikado sa matataas na posisyon kaya kung inyong mamarapatin, nais ko sanang kayo ang pumili kung saan ako ilalagay,” mahabang sabi ni Igneel.Sa pagkakataong ito, si lara at ang kasama niyang interviewer ang natahimik at hindi alam ang sasabihi. Nag-iingat sila sa pwedeng isagot kay Igneel dahil natatakot sila na baka magalit ang kanilang boss kung saan-saan lang nila ilalagay si Igneel.“Kung ganoon po, maaari nating itanong sa boss. I am pretty sure na hindi niya hahayaang mapunta ka sa mababang posisyon sa kumpanya. Magkakilala kayo, hindi po ba?” tanong ni Lara.Nagtaka naman si Igneel sa sinabi ni Lara, hindi niya kilala ang boss

    Huling Na-update : 2022-12-16
  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   Chapter 12

    Hindi nakapagsalita si Igneel sa sinabi ni Aricella, nagtataka naman si Anita habang nakatingin kay Igneel at kay Aricella at si Klarence ay nagmamaktol, ayaw pumayag sa gustong mangyari ni Aricella na umuwi kasama si Igneel.“I invited you here for lunch, Varicella and besides, Igneel still working.” Hinawakan ni Klarence si Aricella kaya napatingin si Igneel sa kamay ni Klarence, lihim na umigting ang kanyang panga. Masamang tumingin si Aricella kay Klarence, nasa isip niya na ginawa ito ni Klarence para ipahiya si Igneel. “Klarence, I congratulate you for this. You build a new company by your own and I am proud of that. Actually, I appreciated na binigyan mo ng trabaho ang asawa ko ngunit hindi ito ang gusto kong gawin mo. Alam kong gusto mo lang ipahiya si Igneel,” mahabang sabi ni Aricella.Umawang naman ang bibig ni Klarence sa sinabi ni Aricella, hindi niya inasahan na ganoon ang sasabihin ng kanyang kaibigan. Tama man si Aricella pero nahihiya si Klarence pinagbibintangan siy

    Huling Na-update : 2022-12-18
  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   Chapter 13 — Submitting

    Dahan-dahang umatras si Aricella dahil dahan-dahan ding naglalakad si Igneel habang tinutulak siya patungo sa kama. Nakaramdam ng kaba si Aricella ngunit hindi siya makagalaw na tila ba nanghihina sa ginawa ni Igneel. “Tell me if you want to do this or not, Aricella. Ititigil ko kung hidi mo gusto—”“Gusto ko, Igneel.” Nahihiyang kinagat ni Aricella ang bibig niya at umiwas ng tingin mula kay Igneel nang sabihin niya ang linyang iyon. Hinawakan ni Igneel ang baba ni Aricella para ipaharap ulit sa kanya. “Don’t bite your lips, I might not going to control myself. Are you sure you want to do this with me?”“Of course, Igneel.”Dahil sa huling sinabi ni Igneel, hinalikan niya si Aricella at hiniga sa kama. Nasa ibabaw na siya ni Aricella habang nakatingin naman si Aricella sa buong mukha ni Igneel. Ito ang unang araw na may mangyari man sa kanilang dalawa, sa tagal nilang kinasal ay ngayon lang din naisipan ni Aricella na sumang-ayon sa ginagawa ng mag-asawa kasama si Igneel. Nakahaw

    Huling Na-update : 2022-12-27

Pinakabagong kabanata

  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   151

    "I-igneel...." mahinang hikbi ni Lienne sa kabilang linya.Agad namang bumangon si Igneel mula sa pagkahiga niya, at tila nagising ang kanyang diwa nang marinig ang hikbi ni Lienne. "Anong problema? Si Karlo, nasaan na?" nag-aalalang tanong ni Igneel."Si Karlo...hindi na siya gumigising, Igneel. Hindi ko kaya...tinawagan ko na rin sila Itay para pumunta rito pero bukas pa. Hindi ko kaya, Igneel...puntahan mo ako please." Tuluyan nang umiyak si Lienne. Agad namang tumayo si Igneel mula sa kanyang kama at nagmamadaling lumabas. "Papunta na ako," sabi niya at binabaan ng tawag si Lienne. Wala siyang ibang iniisip ngayon kundi ang tulongan si Karlo at si Lienne. Iyon ang dahilan kung bakit siya nahuli sa pagsundo kay Aricella. Tumawag si Lienn sa kanya at humingo ng tulong para kay Karlo. Dahil nang umuwi si Lienne sa apartment nila, hindi pa lang siya nakakapasok sa loob ay nakita niya na ang kanyang kapatid na si Karlo na dugoan sa labas at walang malay. May tama ito sa tyan niya. At

  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   150

    Nang buksan ni Aricella ang pintuan, bumungad sa kanya ang mukha ng kanyang Uncle, ang kapatid ng kanyang ina kasama ang mga kasamahan niya na gustong bumisita kay Arman, ang ama ni Aricella. Nakita ng uncle at ng mga kasama nito na wala si Igneel kaya nagsimula nila itong insultuhin, pinagtawanan na para bang wala lang sa kanila kung gaano nila insultuhin si Igneel. Nakikitawa rin ang ina ni Aricella dahil iniisip niya na tama lang kay Igneel na makatanggap ng insulto, meron man siya o wala. Pero natigil lang din sila nang pumasok bigla si Igneel sa loob ng kwarto. Nabigla ang uncle ni Aricella kaya naman para hindi siya mapahiya, lumakas ang boses niya at tinanong si Igneel. “Sino ka para magbukas agad ng pintuan na hindi kumakatok, hindi ka mayaman tulad namin kaya matuto kang rumespeto! Galing ka nanga sa kalye, ang ugali mo ay asal kalye din!” galit na turan ng Uncle ni Aricella. Sumabay din sa pang-iinsulto ang ibang kasama ng uncle ni Aricella na mga kamag-anak lang din nila.

  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   149

    Habang hinahabol ni Igneel si Aricella kanina ay hindi niya maiwasan na mag-alala. Hindi siya sanay na makitang nagagalit si Aricella. Pero naabutan niya rin naman si Aricella sa paglalakad at ngayon ay magkasama na silang dalawa. Tahimik silang nasa loob ng kotse ni Igneel, habang nasa back seat naman ang dalang pagkain ni Aricella. "Hey," tawag ni Igneel. Hindi pa rin nagsasalita si Aricella dahil hanggang ngayon ay pinapakalma niya pa rin ang sarili niya. Alam niyang hindi siya nakapag timpi sa ginawa niya kanina kay Kristine, pero kung tutuosin ay para sa kanya kalmado pa iyon dahil sinasabi niya lang naman ang gusto niyang sabihin kay Kristine, hindi niya ito sinakyan pisikal. Naiinis lang siya dahil ang kapal ng mukha ni Kristine para sabihin iyon sa mismong harap niya, na para bang hindi gugustuhin ni Kristine magbigay ng respeto kay Aricella. Lalo na kung hindi naman sila magkakilala talaga personally. "I'm sorry for what happened earlier," mahinang sabi ni Igneel. Hinawakan

  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   148

    “Totoo ba ang nalaman ko? Magkasama na ulit kayo ng asawa mo?” Iyan ang bungad na tanong ni Senior Elias kay Igneel nang makarating siya sa palasyo. “Yes, Senior.” Seryoso niyang sagot at umupo na sa pwesto niya. Nakatingin sa kanya ang lahat ng pinsan niya na pinatawag din ng kanilang Lolo. Hindi nila alam kung ano ang rason kung bakit sila pinapatawag,“Mabuti naman na nandito na kayong lahat,” panimula ng kanilang Lolo nang maka-upo siya sa kanyang pwesto. Tinignan niya isa-isa ang mga apo niya na kasali sa ginawa niyang paligsahan na kung sino ang unang makakabigay sa kanya ng bagong tagapag mana. “Kumusta ang pinapagawa ko sainyo?” tanong niya. Tahimik lang si Igneel at ibang mga pinsan niya na walang pakialam sa ginawang laro ng senior. Kaya nagtataka sila kung bakit pa ba sila pinatawag sa mansyon kung alam naman na ni Senior Elias na hindi sila interesado sa gusto nitong mangyari. “May ipapakilala na ako sainyo, Senior.” Lahat ay bumaling sa nagsalita na si Laurence, natah

  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   147

    “Aalis ka?” tanong ni Jemma nang makapasok siya sa kwarto ni Aricella. Nadatnan niya si Aricella na nag-aayos ng mga damit sa loob ng tatlong maleta. Bumaling si Aricella sa kanyang kapatid. “Yes, lilipat na ako sa condo ni Igneel. We decided na magsama kaming dalawa para kahit papaano ay umayos ang relasyon namin,” paliwanag ni Aricella. Napangiti naman si Jemma at lumapit siya sa kanyang ate para tumulong. Napatigil si Aricella at tumingin kay Jemma, nagtataka. “Hey, ayos ka lang?” she asked. “Did mom and dad know?” Jemma asked. Tumango si Aricella. “We talked about it and pumayag sila,” she replied. “Maiiwan ako kasama sila rito but this is fun. I hope Ate Jennica will be better kahit wala ka na—”“Hey, bibisita pa rin ako rito, it’s not that nasa ibang bansa ako. We just live in the same city, my little sister. Don’t worry. Gusto ko lang talaga bumukod kasama si Igneel and I think it’s a good thing for us to know each other. We never did that years ago…”Ngumiti lalo si Jemma.

  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   146

    Nang gabing natapos ang trabaho nina Igneel at Aricella, sinundo na ni Igneel si Aricella. Hindi na nila kasabay si Lienne dahil maagang sinundo ni Igneel si Aricella at nagplano sila na mag-dinner. “Gusto mong makipag dinner sa akin dahil may sasabihin ka sa akin, tama?” tanong ni Aricella kay Igneel nang makasakay na sila sa kotse. Ini-start muna ni Igneel ang kotse at sinimulan ang pagmamaneho. “Yes,” sagot niya kay Aricella. “Saan mo gustong kumain ngayong gabi?” tanong niya naman. Nag-isip si Aricella, hindi siya sigurado kung saan niya gusto pero gusto niyang kumain ng may sabaw. “Anong oras na ba? Kaya ba natin pumunta ng malayo? May naisip sana ako,” sabi niya. Tinignan ni Igneel ang relo niya. “Alas-siyete pa lang naman. Saan mo ba gusto? Anywhere, pupuntahan natin iyan kahit malayo.” Nakangiting sabi ni Igneel. Napangiti rin si Aricella at hinarap si Igneel. “Let’s go to Tagaytay, gusto ko ng mainit na bulalo ngayon…” Masayang sabi ni Aricella. Napakunot naman ang n

  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   145

    Seryoso pa rin ang tingin ni Senior Elias kay Igneel at ganoon din si Igneel sa kanyang Lolo, at ramdam niya rin na tila alam niya na kung tungkol saan ang pag-uusapan nila. Ngunit hindi niya lang maitindihan kung bakit isasama pa ni Senior Elias ang dalawa niyang pinsan na sina Paulo at Sandro kahit na alam ni Igneel na may mga ginagawa rin ito ang mga ito sa kompanya pero alam niya rin na hindi ganoon kalala katulad ng kung anong ginawa ni Laurence. “Anong pag-uusapan natin tungko sa kanila?” seryosong tanong ni Igneel at saka siya lumapit sa lamesa niya, umupo na rin si Senior Elias sa couch. Inaya niya si Igneel na umupo kung saan siya naka-pwesto na agad din namang sinunod ni Igneel. Nas couch na sila pareho, tinignan ni Senior Elias si Butler Lindon at sinenyasan na lumabas muna sa opisina ni Igneel. Yumuko si Butler Lindon kina Senior Elias at Igneel bilang paggalang at pagpapaalam at saka siya tuluyang nakalabas ng opisina ni Igneel. Nang silang dalawa na lang ang natira,

  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   Chapter 144

    Naghahabol hininga sina Igneel at Aricella na nakahiga na pareho sa kama. Nakapatong ang ulo ni Aricella sa braso ni Igneel habang nakayakap naman si Igneel sa kanya. Nagkatinginan silang dalawa at sabay na ngumiti. “I’m sorry…” bulong ni Igneel. Nagtaka naman si Aricella kung bakit humihingi ng sorry si Igneel. “Sorry para saan?” tanong ni Aricella. “I’m sorry for doing this, alam kong hindi mo ito gusto—“Hindi natapos ang sinasabi ni Igneel nang bigla siyang hinalikan ni Aricella. Napaawang naman ang bibig ni Igneel sa ginawa niya. “Gusto ko, Igneel.” Ngumiti ng matamis si Aricella sa kanya. Mas lalo naman siyang niyakap ni Igneel nang mahigpit hanggang sa nakatulog na silang dalawa. ***Nagising ng maaga ang pamilya ni Aricella kinabukasan, pero sina Igneel at Aricella ay tulog pa rin. “Umuwi ba si Aricella kagabi?” tanong ni Arman kay Jemma nang lumabas rin ito mula sa kwarto ni Jennica. Kasama niya si Jennica na tahimik lang at hindi pinansin ang pamilya niya na mukhang m

  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   Chapter 143

    Tahimik silang tatlo sa loob ng kotse ni Igneel, kahit si Igneel ay hindi alam kung magsasalita ba siya o ano. Alam niyang nagseselos si Aricella kay Lienne pero hindi niya rin alam kung bakit pumayag si Aricella na isabay si Lienne, kasi kung hindi naman siya papayag ay tatawagan na lang ni Igneel ang isang driver niya para kay Lienne. "Uh, ayos ka lang ba dyan sa likod?" tanong ni Igneel kay Lienne, pinilit niya ang sarili niyang magsalita. "Ayos lang ako, salamat." Ngumiti naman ng tipid si Lienne nang sumagot siya. Bahagya rin siyang nakatingin kay Aricella na sa harap pa rin nakatingin na tila ba hindi niya kilala sina Lienne at Igneel dahil hindi siya nagsasalita. Pero nang biglang hawakan ni Igneel ang kamay niya ay bumaling siya kay Igneel, saglit din siyang tumingin sa kamay ni Igneel na humawak sa kamay niya at saka nagtatakang tumingin ulit kay Igneel. Tumingin sa kanya si Igneel saglit para ngumiti at binalik na rin ang attention sa pagmamaneho. "How about you, my wife

DMCA.com Protection Status