“Anong klaseng ulam ‘to?! Pagkain pa ba matatawag dito, ha?!” Galit na tinapon ng asawa ni Yasmien ang pagkaing kanyang inihain para dito.
Nagkalat ang mga bubog ng plato sa sahig, gayundin ang baso na sunod nitong hinagis sa kanya.“A-Ah!” Hindi siya kaagad nakaiwas, at ang piraso ng bubog ay sumugat sa kanyang makinis na pisngi dahilan ng pagdurugo niyon.“Kung ano-anong dahon pinapakain mo sa ‘kin! May balak ka bang lasunin ako, Yasmien? Pasalamat ka nga at inuuwian pa kita, tapos ganito lang ang aabutan ko?! Lintek na buhay ‘to!”Napaintag si Yasmien sa takot nang ikalabog ni Carding ang pintuan ng kubo-kubo nilang bahay, at muli na naman siyang naiwan mag-isa sa loob.Sanay man sa pagmamalupit ng asawa ay hindi parin niya mapigil ang pagbabagsakan ng kanyang mga luha sa dalawang mga mata.Sa huli ay wala siyang magagawa kundi damputin sa sahig ang mga bubog habang humihikbi. Winalis din niya ang nilagang talbos na kanina'y hinanda niya kay Carding pagkagaling nito sa trabaho bilang construction worker.“Yasmien! Yas?” Kapagkuwan ay binuksan niya ang pintuan nang katukin siya ng matalik na kaibigan na si Mina.“Mina,” malugod niya itong pinapasok sa loob ng kanilang kubo.“Yas, narinig ko na naman ‘yung bunganga ng mapagmalupit mong asawa kahit ang layo-layo ng bahay ko. Ayos ka lang---hala, may sugat ka naman!” nakita nito ang dugo sa kanyang pisngi. “Tamang-tama! Nagdala ako ng first aid kit. Sabi ko na nga ba sinaktan ka na naman, eh.”Ganoon na lang ang pag-aalalang ruhemistro sa mukha ng kaibigan. Dahil doon ay napangiti si Yasmien, sa kabila ng kirot na nararamdaman niya ngayon.“Salamat, Mina. Pero sinabi ko naman na sa'yo na hindi mo kailangang mag-alala para sa akin, ‘di ba? Maliit na hiwa lang ‘to, kaya ayos lang ako.” paliwanag niya pa.“Sinong niloko mo! Eh, bakit namumula ‘yang mga mata mo? Kung bakit ba naman kasi sa katulad ka pa ni Carding bumagsak. Ang ganda-ganda mo naman. Mukha ka namang mayaman. Bakit ba siya pa ang napili mong asawahin?”Walang nagawa si Yasmien nang gamutin ni Mina ang sugat niya sa pisngi. Sa halip ay kinataba pa iyon ng puso niya, para isipin na merong taong nag-aalaga sa kaniya.“Hindi ko rin masasagot ‘yang katanungan mo, Mina.” nanlulumong tugon niya. “Alam mo namang hindi ko maalala ang nakaraan. Tanging si Carding lang ang pamilyar sa akin, at siya lang ang halos na nasa alaala ko.”“Hahay! Siguro ay dahil siya lang din ang palagi mong nakikita kaya siya lang ang naaalala mo. Sigurado ako na kung may isa pang tao kakilala mo noon ang sumulpot, pati ‘yon maaalala mo na! At baka nga'y bumalik na rin ‘yang alaala mo! Edi, hindi ka na amnesia girl.”Malungkot siyang napatawa. “Sabi ni Carding matagal nang patay ang mga magulang ko, at nagsama na kami noong sixteen years old pa lang ako bago kami mapadpad dito. Kaya sa tingin ko, kahit maalala ko ang nakaraan, wala parin iyong saysay, dahil wala na akong matatakbuhan.”Labis na naawa si Mina sa lagay niya. “Kaya ka siguro nagka-amnesia dahil diyan sa pananakit ng asawa mo sa'yo. Kung may kaya lang din ako sa buhay, talagang ilalayo kita sa kaniya! Paano niya nagagawang saktan ang katulad mo na ubod ng ganda? Pinagpapalit pa sa mga maaasim na babae sa kanto! Pwe!”Kumirot ang puso ni Yasmien sa narinig. Kahit anong pilit niyang paniwalain ang sarili na chismis lamang na nagbabayad si Carding ng mga prostitute sa kanto nila, ay paulit-ulit siyang sinasampal ng katotohanan. Kaya naman pala nauubos ang pera nila ay dahil sa bisyo nito sa bahay parausan.Sa totoo lang ay minahal niya si Carding dahil ito ang nag-iisang tao na nakasama niya pagkamulat pa lang ng mga mata niya, sa kabila ng hirap ng buhay na nararanasan niya sa lalaki. Subbalit habang tumatagal ay napapagod na rin siya at nananawa sa ganitong klase ng buhay.Napakahirap nila, ni electric fan ay wala sila. Ang sensitibo niyang balat ay tila ba hindi sanay sa mga lamok at iba't-ibang insekto. Mabuti na nga lang at palagi siyang inaabutan ng mga ointment ni Mina. Dahil kung hindi ay hindi niya kinakaya ang kati-kati.Gusto niya ring magtrabaho para makahanap ng dahilan upang lisanin ang asawa niya, pero ni anumang dokumento na magpapatunay ng pagkakakilanlan niya ay nasunog noon sa dati nilang bahay ayon kay Carding, kung kaya't hindi siya makaalis-alis. Ayaw naman niyang maging isang pulubi na natutulog sa lansangan.Masakit mang tanggapin, pero wala siyang ibang pagpipilian kundi ang tiniisin ang buhay na kasama ang mapagmalupit niyang asawa.“Maraming salamat sa paggamot ng sugat ko, Mina.” Nakangiting pasasalamat niya sa kaibigan.“Ano ka ba! Wala lang ‘yun. Ito nga lang ang kaya kong maitulong sa'yo eh, ipagkakait ko pa ba? Hayaan mo. Kapag yumaman ako, sabay nating lilisanin ‘tong probinsya!”Natatawa na lamang niyang sinakyan ang pangarap ni Mina. “Basta huwag mo akong kalimutan dalhin kung saan ka man pumunta, ah?”“Syempre naman!”“O sige, lumalalim na ang gabi at may pasok ka pa sa trabaho mo bukas. Mauna ka nang magpahinga, Mina. Salamat ulit, ah?”“Walang anuman, Yas. Kita na lang tayo ulit bukas. Bye, bye!”Hinatid niya si Mina palabas sa kanilang kubo saka pinanood pa itong maglakad papalayo sa masukal at madilim na daan.“Ingat ka!”“Byeee!”Nang sa wakas ay makalayo na ito ng ligtas ay muli niyang sinarado ang pintuan. Ang kandado nila ay kahoy lamang at batid niyang hindi iyon ligtas kung sakaling may magtangkang pumasok sa kubo nila.Mabuti na lamang at hindi pa iyon nangyayari kaya't nakakahinga pa siya ng maluwag. At dahil wala si Carding ngayong gabi, siya lang muli ang matutulog mag-isa sa matigas na kahoy nilang kama.“Ay, hala! Naiwan ni Mina ang first aid kit niya.” nabibiglang aniya saka napakibit-balikat na lamang. “May bukas pa naman.”Inayos niya na lang ang mga gamit sa first aid kit ng kaibigan at akma na sana itong ipapasok sa isang hunos nang makarinig ng sunod-sunod na katok sa pintuan.“Mina!” dali-dali niyang binuhat ang first aid kit at nagtungo sa pintuan para buksan iyon. “Pasensya na kinailangan mo pang bumalik para sa----”Nanlaki ang mga mata niya nang makitang walang tao sa pintuan. Sinalubong lamang siya ng malakas at malamig na hangin.“Ha? Mina?” napalinga-linga pa siya sa paligid subalit walang tao. Kinilabutan siya. “M-Multo?Tumaas ang mga balahibo niya sa braso at akto nang isasarado ang pintuan nang biglang umalingawngaw sa lugar ang malakas at matining na boses ng bata.“Mommy! Mommy, down here!”Nanigas siya sa kinatatayuan nang bumaba ang paningin niya sa isang batang lalaki na hanggang hita niya lang ang tangkad. Hindi ito halata sa suot nitong itim na kasuotan at itim na sumbrero.Napaawang ang labi niya sa batang lalaki na iyon. Napakaputi at kinis ng kutis ng balat nito. Mahahaba ang pilik mata sa malalaking mga mata nito. Ganoon na lang ang kaganda ang hugis ng kulay rosas nitong labi. Anak mayaman!“Mommy!” inangat pa nito ang mga maiikling braso, tila nagpapakarga sa kanya. “I finally found you, mommy!”Mommy? Napatanga siya. Bigla ay nag-alala siya. “Bata, anong ginagawa mo sa lugar na ‘to? Gabing-gabi na, ah! Nasaan ang mga magulang mo? Naliligaw ka ba?”“No!” malakas nitong sigaw. Mas inunat pa ang mga braso sa kanya.Napapaawang ang labi niya na kinarga ang bata. Mabigat ito, halatang malusog ang pangangatawan!Walang alinlangan niya itong pinasok sa kanyang kubo at sinarado ang pintuan. Saka niya ito inupo sa kahoy na mahabang upuan sa sala.“Nasaan ang mga magulang mo, bata?” lumuhod siya sa harapan nito.“Mommy, nasa harapan kita!” tugon nito na tila ba nalilito rin sa kanya at hindi makapaniwala. “Don't you recognize me, mommy?” Tinanggal ng bata ang sumbrero nito at lumantad ang makapal at paalon nitong buhok. May maaamong mga mata siya nitong tiningnan sa mga mata. “Mommy, it's me, Lance.”“Lance?” kumunot ang noo niya. Bakit ba ito mommy ng mommy sa kanya?“Yes, Lance! Short for Von Lancashire Del Ville, you named me!” may naninindigan pa nitong tugon.Hindi niya sineryoso ang sinabi ng bata. Sa halip ay natuwa siya sa pagiging cute nito. “Ilang taon ka na, Lance?”“I’m six turning seven this year! N-Nakalimutan mo na, mommy?”Sa halip ay namangha siya. “Oh? Six ka pa lang pero ang tangkad mo na.” Kumpara sa mga nakikita niyang bata sa probinsya na six years old, na hindi pa aabot sa hita niya dahil sa tangkad niya ring babae. Masasabi niyang galing talaga ito sa mayamang pamilya, lalo pa't english ito ng english!“Mommy… d-don't you remember me?” mabilis na nagsipag-giliran ang mga luha sa dalawa nitong mata. “M-Mommy… how dare you!”Napaawang ng husto ang labi niya. “B-Bata, ‘wag kang iiyak—”“I hate you! I hate you!” lumakas ang pagngawa nito na kinagulat niya pa. “Daddy was right! You’ve already forgotten about me because you have a new family now! I hate you! After I did e-everything just to find you…”“T-Teka lang, bata. Hindi ako ang mommy—”“You left when I was two years old but I still remember you! But you!!” bumuhos ang nakakabagbag-damdamin nitong mga luha.Mabilis niyang niyakap ng mahipit ang bata. “Shh, don’t cry, baby. Mommy's here… Mommy's here—eh??”Nagulat siya sa sarili nang mapagtanto ang mga salitang kusang lumabas sa bibig niya nang hindi iyon pinag-iisipan man lang.Ha? Mommy? Siya? Anong Mommy's here na sinasabi niya?“Naaalala mo na ako, Mommy?” nagliwanag ang mukha ng umiiyak na bata. Puno ng pag-asa siya nitong tinitigan. “I knew it! Mommy will never forget me!”Sunod-sunod na napalunok si Yasmien at napahiwalay ng yakap sa batang lalaki. “Nasaan ang Daddy mo, bata?”“It's Lance, hindi bata!” muli na naman itong nanlumo. “Hindi mo ako na-remember… you…”Natikom niya ang bibig. Mas nag-aalala siya para sa sitwasyon ng bata ngayon. Dahil gabing-gabi na at delikado ang lugar nito. Paano na lang kung nadampot ito ng mga masasamang tao at ibenta?Ano ba namang klaseng mapagbaya na mga magulang mayroon ang batang ito?Tumayo siya para pumunta sa kalapit na kusina at kumuha ng mineral na tubig saka iyon inabot sa batang lalaki.“Tahan ka muna. Paano ka ba napadpad sa lugar na ito?” tanong niya.May pag-aalinlangang tinanggap ng bata ang baso ng tubig saka iyon tinitigan. “Is this safe to drink, Mommy? Madumi ‘yung glass.”“P-Pasensya na. Luma na kasi ‘yang baso pero ‘wag kang mag-alala, hindi naman siy
“Miss, please don't believe what this Moron, Lance told you. Hindi niya lang matanggap na matagal nang patay ang Mommy namin. Kaya nagsinungaling si Dad na meron nang ibang pamilya si Mommy at matagal na kaming kinalimutan para lang hindi siya gaanong masaktan dahil mag-aasawa na si Dad ng bago. He’s too emotional; that's why he does stupid things behind his big brain.”Iyon ang paliwanag kay Yasmien ng batang si Leo, nang mapakalma niya ang mga batang ito na kanina lang ay nagkakagulo sa kubo niya. Nagawa niyang paupuin ang triplets sa mahabang kahoy niyang upuan.Nagsalubong ang dalawang kilay ni Yasmien habang nakaupo rin siya kaharap ang tatlong bata at na kay Leo ang tuon.“Kamukha ko ba ang Mommy niyo, kaya sa ‘kin tumakbo si Lance?” kuryoso niya pang tanong.Nakita niya ang paglunok ni Leo at pagkuyom ng kamao nito habang direktang nakatitig sa kanya. “Unfortunately, yes. But you're not her.”“She is!” muli na namang giit ni Lance. “I know Mommy is not dead. Daddy was just lying
Napakurap-kurap si Yasmien at naitabingi niya ang kanyang ulo habang nakikipagtitigan sa lalaki. Yvainne?Naramdaman niya ang paghigpit ng pagkakapulupot ng maiikling braso ni Lance sa leeg niya at ang pagbaon nito ng sariling mukha sa leeg niya, tila'y nagtatago.“Mommy…” Kinarga niya ito ng maayos at niyakap din ng mahigpit. Mukhang ayaw nitong bumaba para salubungin ang lalaki, ‘di tulad nila Rence at Leo.“Ano,” may nahihiyang pagkausap ni Yasmien sa lalaki. “Ikaw ho ba ang ama ng mga bata?”Matagal na sandaling hindi tumugon ang lalaki sa kanya, sa halip ay nanatili itong nakatitig sa kanya na animo napako na parang isang estatwa. “Um, hello?” bahagya siyang lumapit dito. “Pasensya na, pero kasi nasa loob kayo ng pamamahay ko ngayong gabi at naguguluhan ako sa nangyayari. Bakit hindi ho muna kayo maupo at magkaroon tayo ng pag-uusap.”“Y-Yvainne…” nangilid ang mga luha ng lalaki na kinagulat pa ni Yasmien. “Yvainne!”“Daddy, no, she's not—!!”“!!” Nanigas siya sa kinatatayuan n
Sa isang iglap, ngayong gabi rin mismo, nakasakay si Yasmien sa isang mamahaling van na sasakyan na hindi niya pa nakita sa tanang buhay niya.Napakabango sa loob, at kahit na kulay itim ang mga kagamitan sa loob ay kitang-kita niya ang kanyang repleksyon sa sobrang kinang niyon. Inisip niya, na pwedeng-pwede siyang manirahan sa loob ng van.“Masaya ako na kasama na natin si Mommy pabalik sa mansyon!” habang nakakandong si Lance sa mga hita ni Yasmien ay hindi maitatago ang masaya nitong mukha.Si Rence, na siyang hindi nakakaintindi sa mga nangyayari ay natutuwa ring pumalakpak nang makitang masaya si Lance sa tabi nito.Samantalang sa kaharap nilang upuan, ay madilim ang pagmumukha ng lalaking nakasuot ng suit. Magkakrus ang mga braso nito habang nakaupo ng de kwatro. Sa tabi rin nito ay ang nakasimangot na si Leo.“Ano, um, salamat.” nahihiya man ay pilit kinakapalan ni Yasmien ang mukha. “Salamat sa pagpayag sa munting kahilingan ni Lance sa pagsama niyo sa akin.”“Hindi naman ‘yo
Napapatakip ng bibig si Yasmien nang masaksihan ang napakalaking gusali na pinagbabaan nila ng sasakyan. Nakatingala siya ngayon sa napakagandang mansyon. Oo, mansyon!Hindi masukal ang lugar, hindi madumi, hindi puro kawayan o yero, kundi kabaliktaran niyon at times ten pa sa ganda!“A dreams come true…” bulong niya pa sa hangin.Hindi naman iyon nakatakas sa pandinig ng matalinong ssi Leo. “You mean, a dream came true?” masungit na anito. “Please don't speak English when you know you're grammatically incorrect.”Naputol ang pagpapantasya ni Yasmien sa sungit ng batang ito. Nakayuko niya itong tiningnan at ngumiti parin ng matamis. “Eh pa'no, ‘di ko naman alam na mali grammar ko. Pwede mo ba ako turuan mag-ingles magmula ngayon? Tutal dito na rin ako titira.” makapal na mukhang aniya.Nagsalubong ang kilay ni Leo. “Not for long! Sisiguraduhin ko na paglabas na paglabas ng DNA test ay hindi ka na magtatagal dito, po!” “You!” dali-daling bumaba ng sasakyan si Lance para lumapit kay Ya
Sa loob ng mansyon ni Lucas Del Ville, nakahilera ang lahat ng mga katulong nang ipatawag sila ng headmaid sa pag-uutos mismo ng kanilang amo.“Simula sa araw na ‘to, ayaw kong makarinig ng anumang pag-uusap tungkol sa babaeng titira na mismo sa loob ng mansyon ko.” napakalamig ngunit may banta sa tonong saad ni Lucas. “Ayaw kong pag-usapan ninyo ang babaeng iyon at magkalat ng mga tsismis patungkol sa kanya. Ayaw ko na kinakausap niyo siya, kinikibo, o pinagtutuunan ng pansin. Sinumang mahuhuli kong gagawa niyon ay mapaparusaan at agad na mapapalayas sa mansyon ko nang hindi nababayaran!”Napaigtad ang lahat ng katulong, babae o lalaki man, matanda o mga binata’t dalaga. Iisa lang ang katanungang nabubuo sa isipan nila. Sinong babae ang tinutukoy ng kanilang amo?“Nagkakaintindihan ba tayo?” masungit na tanong pa ni Lucas.“Opo, Maestro!” Kahit naguguluhan ay iyon ang tugon ng lahat sa takot na baka mapatalsik pa sila bigla sa mansyon.Inutusan ni Lucas ang mga katulong na ihanda ang
Matapos libutin nina Lance at Yasmien ang kabuuan ng mansyon ay inabot sila ng matinding gutom. Sa laki ng lugar ay halos mahilo-hilo pa si Yasmien, subalit nang makita niya ang halos sampung putahe sa hapagkainan ay nawala ang hilo niya.Sa mahabang lamesa na isang dosena ang upuan nakahain sa kanyang harapan ang masasarap at mababangong pakain! First time niyang makakita ng ganito sa tanang buhay niya!“Oh my gosh!” hindi niya maiwasang mapabulalas. Tuwang-tuwa niyang binalingan si Lance sa kanyang tabing upuan. “Isa ka bang anghel, Lance? Sinagip mo ang buhay ko!”Pinamulahan ng mukha ang batang lalaki sa komento sa kanya ng ina. “Gagawin ko ang lahat para sa'yo, Mommy!”Napatawa si Yasmien at ginulo-gulo ang buhok ni Lance. “Maraming salamat, Lance. Gagawin ko rin ang lahat para sa'yo magmula ngayon, ayos ba ‘yon?”Masayang tumango-tango si Lance. “Ayos na ayos, Mommy! We'll protect each other from now on! Just the two of us!”“Okay~ Kain na tayo! Excited ako matikman ang mga pagk
“I was a girl in the province doing not fine~ then, I became a mommy overnight~” habang kinakanta ang intro ng Sofia the first at iniiba ang liriko ay masayang sinusuklay ni Yasmien ang kanyang buhok sa salamin.Halos isang linggo na siya rito sa loob ng mansyon at wala na siyang ibang mahihiling pa. Mayroon siyang sariling kwarto na may malambot na kama, may telebisyon, at electric fan! Libre din ang masasarap na pagkain na animo araw-araw fiesta, at higit sa lahat, walang pakialam ang mga tao sa loob ng mansyon sa kanya kung kaya't malaya niyang nagagawa ang gustong gawin kasama ang makulit na bata na si Lance!Ano pa nga bang mahihiling niya? Wala na. Isang daang por ciento ay kuntento na siya sa ganitong klase ng buhay!“Bitawan mo ako, Nanny! Kailangan kong makausap ang impostor na babaeng ‘yun!”“Hmm?” natigil siya sa pagsusuklay ng buhok at dali-daling nagtungo sa kanyang pintuan para buksan iyon.Bumungad sa kanya ang isang maliit na batang may salamin sa mata, walang iba kun