Share

Kabanata 15

Today’s our second day here in Bantayan. Narito kami sa may beach, kumakain ng agahan. 

"May request ako, Atheeva!" Napatigil ako sa pagnguya ng kinakain ko nang magsalita si Lian.

"Ano 'yon?" Tanong ko matapos mailunok ang kinakain.

"May nakita kasi akong video sa Tiktok, napahanga ako! It was a pretty girl I follow on that app and she sang some French song na hindi ko maintindihan but really caught my attention. Kagabi pa ako na-LSS sa kantang iyon, and an idea popped in my pretty little brain." She smirked.

"What is it?"

"I want you to do a short cover of Les Champs-Elysées for me! Since I never heard you sing in French. God, alam kong babagay sa boses mo iyon!"

Napatigil ako. Les Champs-Elysées. That's my favourite piece to play in the piano. It was my all time favourite French song because Papa taught me that. Papa taught me how to play the piano and that was the first song I played and sang in French.

"Uh.. do you want me to sing it now?"

"Whenever, wherever, Athena." Magui winked.

Pagkatapos naming mag-agahan sa labas ay pumasok kami sa loob ng resthouse. Gusto kasi nilang marinig rin ang request ni Lian.

Even Apollo got curious. He never once heard me sing it, though he knew I do play the song on the piano.

Thankfully, mayroong piano rito sa beach house ni Tita. Pumwesto ako sa may piano habang sila naman ay sa sala, pinapanood ako.

Huminga ako ng malalim bago tumipa sa instrumento. I'm not even sure if I can still play it well. It's been years since I stopped.

Specifically, when Papa died. I stopped.

"Je m'baladais sur l'avenue le cœur ouvert à l'inconnu 

J'avais envie de dire bonjour à n'importe qui 

N'importe qui et ce fut toi, je t'ai dit n'importe quoi 

Il suffisait de te parler, pour t'apprivoiser

Aux Champs-Elysées, aux Champs-Elysées 

Au soleil, sous la pluie, à midi ou à minuit 

Il y a tout ce que vous voulez aux Champs-Elysées"

Tumigil ako dahil nakalimutan ko na ang liriko at nota ng kanta. Nilingon ko sila ng nakangiti pero sila'y bagsak lamang ang mga panga habang nakatitig sa akin.

"Tangina.. bro.. nasa langit na ba ako?" Bulalas ni Kiel.

"Ulol, sa impyerno bagsak mo." Irap ni Apollo.

"Pucha, bakit nakakarinig na ako ng boses ng anghel? Mamamatay na ba ako?" Wala sa sariling sabi ni Harry.

Natawa ako ng mahina sa kanila.

"Mga gago kayo!"

"You sound so heavenly, Atheeva Narelle Alessandria!" Magui praised me. I can even see her eyes twinkling from here.

"Hulog ka ng langit, girl!"

"Parang anghel na bumaba mula sa langit!"

"Hindi anghel kun'di diyosa, 'tol."

"Stop it, you guys!" Tawa ko.

Sa hindi inaasahan ay napatingin ako kay Ares. My brother was obviously talking to him about how I good I was but his eyes remained on me. It was as if he's afraid that I might disappear like a bubble if he doesn't keep me on his sight.

And as we stared at each other for I-don't-know-how-long, I felt something tickling inside my stomach.

Butterflies? Yes.

The very first time I've ever felt the butterflies in my stomach gone wild just because I had an eye-to-eye contact with someone who stares at me like he sees through my soul.

What are you doing to me, Solaries Eleazar?

Naglilibot kami sa isla ng Bantayan. Siyempre, una naming pinuntahan ang famous resort dito na Camp Sawi. Hindi kami magpapahuli, ano. Nagpapicture pa kami sa signage na may nakasulat na Camp Sawi at kung ano-anong kalokohan pa ang naiisip namin.i

Pumasok kami sa loob for free. Free lang kasi hindi rin naman kami nagtagal doon. Nagpapicture lang at kaunting libot bago umalis at maghanap na naman ng ibang lugar na mapupuntahan.

"Next time, guys, let's go to Siquijor. Napakaganda rin doon." I suggested, eating street foods while walking.

"Doon ka nag-celebrate ng sweet sixteen mo dati, Athena, 'di ba?" Tanong ni Iverson. Tumango ako.

Isang taon lang ang tanda niya sa amin ni Apollo kaya paniguradong naaalala niya talaga ang mga kaganapan dati.

Habang ang triplets naman ay fifteen ata noong panahong iyon.

"Ang naaalala ko lang talaga nun ay yung muntik nang magkasala si Lander. Sundan ba naman yung magandang babae." Sabat ni Law, ang bibig ay puno pa ng fishball.

"Ew, dugyot. Don't talk when your mouth is full." Said Lian and rolled her eyes at my cousin who almost spit out the food inside his mouth.

Starstruck ka, vro?

Ayan tuloy at nakatanggap siya ng pambabatok mula kay Lars.

"Maghunos-dili kang bobo ka."

Inambahan niya ng suntok ang kapatid pero mabilis na nagtago ang isa sa likod ng nakahalukipkip na si Ares. 

"Kuya Ares, oh! Away niya 'ko!"

Binitbit ni Ares ang kwelyo ni Lars at dinala sa harap ni Law.

"Kung ano mang gusto mong gawin sa pangit na 'to, gawin mo na."

"Hindi ako pangit!"

"Iniinsulto mo ba ako?!"

"Ampota, hindi niya lang mukha 'yan! Mukha namin 'yan!"

Natawa ako sa tatlo. True enough, they look the same since they're identical triplets. Si Lander lang ang madaling mahulaan kasi sa pananamit at galaw pa lang ay malalaman mo na. Siya naman kasi ang pinakamalandi sa kanilang tatlo.

"That just means y'all are ugly," sabay ni Harry sa trip ng kaibigan.

"Fucking shit!"

"Ni-minsan ay hindi pa ako naiinsulto ng ganito!"

"Like hell, I wouldn't even let Kuya Dave and Iver insult me tapos ikaw na c-"

"Yeah, yeah, shut up." Umirap si Ares bago tinalikuran ang tatlo.

Natatawa talaga ako sa kanila. Lalo na kina Harry at Ares. They're way older that us, mga dalawa o tatlong taon lang ang agwat namin sa isa't isa pero sumasabay pa rin sila sa trip ng mas nakakabata sa kanila. Though there are times they've become serious and stood up like their friends' older brothers. I've never seen Ares scold his friends like an older brother would but I've seen Harry be like that.

But I remember Ares being rude to his own younger brother, though.

Nagpapahangin ako sa beach, malalim ang iniisip. Our second day here in the island was fun. Pagkatapos naming mamasyal sa isla kanina'y bumalik kami sa resort at naligo sa dagat.

Naglaro rin kami ng beach volleyball, nag-inuman, nag-jamming, nagkuwentuhan. The triplets kept the conversation going on kaya lalong nakakatuwa ang araw na ito. Mag mga pagkakataon lang talaga na sumisilip ang mga kalokohan at ang pagiging walanghiya ng tatlo.

I felt Ares' stares on me the whole day but I shrugged it off. But now that I'm here on the beachside, sitting on the sand while hugging my knees and thinking deeply, I could now feel his effect on me that I tried so hard to suppress a while ago.

"What are you doing outside at this hour, Narelle?" Someone sat right next to me. Nanuot sa aking ilong ang pabango niyang langhap na langhap ko noong magkatabi kami noong papunta pa kami rito sa isla.

Hindi ko siya sinagot. Pilit ko siyang iniwasan pero mapaglaro talaga ang tadhana. Talagang inihaharap niya kami ni Ares. Na para bang kailangan ko nang isalaysay sa kaniya ang mga bumabagabag sa akin magmula noong gabing malasing ako.

Naalala ko bigla ang nangyari noong gabing nag-mall kami matapos ang gig nina Apollo. It was when we had a deal na kung sino man ang matatalo sa larong basketball sa arcade ay may dare. Ngunit tie ang score namin noon kaya pareho kaming may dare.

Then, his dare was something like we should try to date for a month. But I don't know if he really meant it. Hindi niya na rin kasi muling binuksan pa ang topic na iyon.

Bukas ng hapon na ang uwi namin sa siyudad kaya nakapagdesisyon na ako.

I heaved a deep sigh. I can do this, right?

"Ares," I called, sounding serious, without looking at him.

"Hmm?"

I bit my lower lip and took a deep breath.

Paano ko ba ito sasabihin sa kaniya? Paano ko ba sisimulan?

"Do you really like me?" That slipped from my mouth.

Napapikit ako sa inis. Ang sarap talaga bigwasan ng sarili ko! May mga pagkakataon talagang hindi nagkakasundo ang puso, isipan, at bibig ko kahit nagmeeting naman na sila!

Sumang-ayon pa ang bibig ko sa agenda ng meeting nila ng puso't isipan ko, ngunit iba pa rin naman ang ibinulalas. Napakabobo mong bibig ka.

Kahit natatakot ako sa magiging reaksiyon niya'y nilingon ko pa rin siya. Nakatitig lang siya sa akin habang ang ekspresyon niya ay parang hindi makapaniwala sa narinig.

"Uhm, narinig at naaalala ko kasi ang mga sinabi mo noong gabing malasing ako." Dagdag ko.

Inilihis niya ang paningin niya at tumitig sa kawalan, para bang inaaalala ang sinabi niya noong panahong iyon.

"Pati na rin iyong nasa mall tayo, Ares, naaalala ko.."

He blinked twice. Napapikit siya ng mariin at mahinang napamura. Ilang segundo, hanggang sa umabot ng minuto ay namayani ang katahimikan. Tanging ang hampas ng alon lamang ang naririnig habang tahimik kaming dalawa. Ilang minuto na rin siyang nakapikit habang kunot na kunot ang noo at igting ang panga. Itinukod niya ang ang mga kamay sa buhangin at ipinaubaya ang bigat niya rito.

Umihip ang malamig na simoy ng hangin ng gabi at nanuot ito sa kasuotan ko hanggang sa balat ko. Mabuti na lamang at nakapusod na ang buhok ko at hindi na nilipad ng hangin. I tied it in a bun, alright.

Nang magdilat siya ng mata ay sinalubong ng namumungay niyang mga mata ang titig ko. His eyes had something like eagerness and I then knew he's about to spill the words that would change my life.

"Oo, Athena. Gustong gusto kita."

So we're having a straightforward talk, huh?

"Kailan pa?" Mahinang tanong ko.

He looked away and looked at the moon above us. Itinaas niya ang kamay, tila inaabot ang mga bituin.

But what caught me off guard was the next thing he did.

"If I could reach the stars

Pull one down for you

Shining on my heart

So you could see the truth

That this love I have inside

Is everything it seems

But for now I find

It's only in my dreams"

Nagsimula siyang kumanta. Ibinaba niya ang kaninang nakataas niyang kamay at ang tingin ay ibinalik sa gawi ko.

Namangha naman ako sa boses niya. Ngayon ko lang siya narinig na kumanta at hindi ko alam na ganito pala kaganda ang boses niya.

Magkaibigan nga talaga sila nina Apollo at Harry. The three best of friends have similarities. The three are musically-inclined and are gifted with the voice that soothes your soul. They're also very passionate when it comes to music.

I couldn't be more proud of them.

"And I could change the world

I would be the sunlight in your universe

You won't fake my love for it's really something good

Baby, if I could change the world.."

Ang paraan ng pagkanta niya ay tila ba hinaharana ako nito. His voice made me calm, somehow. And just like my brother, he sings with feelings. Na para bang mayroong pinaghuhugutan.

He stopped singing and looked at me with a gentle expression.

"Ever since.. when you've grown to be the fine lady that you are now, that's when I started to admire you." He stated in a slow manner. The gentleness in his voice was evident.

"Naghintay ako ng ilang taon.. ng pagkakataon para maipakilala ang sarili ko sa'yo. But the timing isn't always right. Kaya tiniis kong pagmasdan ka mula sa malayo. I have then accepted that what I feel will remain unrequited. I tried to stop what I'm feeling but then Apollo would update me every now and then about your achievements or whatsoever. So when I unexpectedly met you at the hospital, I thought maybe this is finally my chance. You don't know how I thanked all the saints who heard my wish and finally granted it.." He explained at chuckled at the last sentence he said.

He's been crushing on me ever since? Oh my god! Sinong mag-aakala na ang isang Solaries Eleazar Mansueto ay nagka-crush ng isang Athena de Bonnevie at hindi pa c-in-rushback!

Ang haba naman ng hair ko! Kapag nalaman ito ng mga kaibigan ko, tiyak na makakatanggap ako ng samu't saring sabunot at kurot mula sa kanila.

"Apollo even knows how head over heels I am with you, Atheeva Narelle.."

That arsehole!

But the way Ares called me by my name sent chills down my spine. It sounded different but I liked it. It's like music to my ears. Napakasarap pakinggan ng paraan ng pagbigkas niya ng pangalan ko.

Ngunit pinoproseso pa ng utak ko ang mga katagang binitawan niya. Hindi pa rin ako makapaniwala. Paano niya natiis ng ganoon katagal ang pagmasdan ako mula sa malayo habang may nararamdaman siya sa akin? Tapos ako ito na manhid at walang alam na may nagkakagusto na pala sa akin mula sa malayo?

"I.. I don't know what to say.." I trailed.

His warm smile plastered on his lips.

"It's fine, Athena.. You don't have to say anything. I'm just answering your questions and being honest with you. And I'm sorry for making you uncomfortable."

"Hala ka, hindi naman ako uncomfy. Cure use lang." Ngumuso ako. Natawa siya sa term na ginamit ko kaya natawa na rin ako.

And suddenly, the awkwardness was gone. I felt safe, happy, and comfortable with him.

"Pero, ano 'yung dare na sinabi mo noon sa mall? Ba't hindi mo itinuloy?" Nagtatakang tanong ko.

Muli siyang nag-iwas ng tingin bago huminga ng malalim.

"That's because I don't wanna pressure you, Athena. Ayaw rin kitang madaliin kasi ayaw mo noon." Napangiti ako sa sinabi niya. For someone I have just met, namangha ako na marami siyang nalalaman patungkol sa akin.

Apollo surely told him a lot of things, huh. At saka napansin ko rin na napaka-observant ni Ares.

Lalo na sa akin.

"Unless if you want to date me in your own free will, Narelle, then I'd gladly oblige. Though, I won't pressure you unto doing something that's against your will. I don't want to deprive you of your liberty.."

My smile grew wider. His mindset is something that's rare of the boys now. When it should be the right one.

"I wouldn't mind if you'd court me, though."

Napalingon siya sa akin, nagulat sa sinabi ko. Napansin ko pa ang pamumula ng tainga niya kaya napahalakhak ako.

What a cutie.

"Just make sure to make me fall for you and catch me afterwards, Eleazar.."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status