Share

Chapter Two

Lumipas ang dalawang taon at ito na ang huling taon namin sa senior high kaya naging busy ako pero ganoon pa rin naman ang set up. Binabayaran pa rin ako ni Athena para sumama sa boyfriend niya sa tuwing nagkakaroon siya ng bago.

Abala ang lahat sa paghahanda dahil ngayon ang foundation day ng school namin at kanya-kanyang gimik ang lahat. Samantalang, ang senior high ay pinayagan lang na sumali sa sports para makapag focus pa rin sa academic.

Wala siyang sinalihang kahit anong sports dahil baka hindi na niya matulungan ang ina sa paglalaba kapag napagod pa siya but her friend did join the volleyball together with the other girls from different strand.

Dapat kasi may representative bawat level dahil tatagal daw ng one week ang foundation day nila. At dahil hindi pa nagsisimula ang laro nito inimbitahan mo na siyang manood ng basketball.

"Three points for jersey number fourteen from Mr. Javier" she could hear her classmates cheering for their team but Nicah could only sit and watch while laughing at her friend na halos mag cheerdance nasa baba kasama ang kaklase nito.

She took Accountancy, Business and Management (ABM) while her friend took Science, Technology, Engineering, and Mathematics Strand (STEM) pero kahit ganoon madalas pa rin naman silang magkasama.

Natatawa pa rin siya ng magawi ang paningin niya sa lalaking naglalaro sa court at aksidente namang napatingin rin ito sa gawi niya. Nawala ang ngiti sa labi niya at iniwas na lang ang tingin niya rito at binaling sa katabing kaklase niya.

Nung huling away nila ay yun na rin ang huling pag-uusap nila dahil talagang iniwasan niya ito ng todo at tingin niya ay na-gets rin nito na ayaw niya itong kausap kaya hindi na rin ito lumapit sa kanya.

" Ba't hindi mo jinowa si Javier? Basketball player din naman siya ah" dinig niyang tanong ng kaibigang si Riza kahit ang mata nito ay nasa binabasa.

"Hindi ako nag-jojowa ng schoolmate" simple niyang sagot dito.

"Ay sus! tignan mo nga oh... gwapo, matalino, magandang katawan at isa pa sa tingin ko siya yung tipo nang boyfriend dadalhin ka sa langit" sabay siko nito sa kanya.

Nilingon niya ang kaibigan na si Riza. Isa ito sa close friend niya na masyadong adik sa pagbabasa ng novels at may suot itong salamin at medyo may vibes nang pagiging nerd.

".. sa tingin ko worth it naman"

" Mukhang type mo siya kaya sayo na." walang pakialam niyang sabi. Natawa ito.

"Patawa ka. Mahilig akong magbasa, oo but I know how to differentiate reality from fantasy"

Hindi niya masyadong pinansin ang sinabi nito at tumingin na lang sa harap. "..at isa pa, alam ko kung sino ang gusto niya"

Kahit hindi siya interesado ay tinanong na rin niya ito dahil minsan lang naman ito magsalita at madalas ay tahimik lang sa tabi na isa sa nagustuhan niya dito.

"Sino?" wala siyang narinig na sagot dito kaya akala niya umalis na ito pero nang balingan niya ito ng tingin ay nakangiti lang itong nakatingin sa kanya. Yung tingin nito ay ang parang nanunuya kaya nalukot tuloy ang mukha niya at patuloy lang din sa pagtitig sa kaibigan.

Nang makita nito na hindi siya magpapatalo ay tumawa lang ito na animo'y kinikilig. " Baliw" bulong na lang niya at pinaikutan ito ng mata.

Bumalik na lang siya sa panonood at minsan sa kagustuhan niyang wag ibaling ang tingin dito ay minsan siyang napapatanga at nakatingin lang sa isang direksyon.

Sa buong durasyon ng laro ay hindi niya ito sinulyapan. Nang matapos ang laro ay nagpaalam mo na siyang aalis para pumunta ng canteen. Sa sobrang tulala niya ni hindi niya alam kung nanalo ba sila.

May malapit na canteen sa mismong building nila pero pinili niyang maglakad at bumili sa main canteen nila na medyo kalayuan sa gym na pinagdausan. May mga panahon talaga na gusto niyang bumili sa maalayo at para na rin makapag-munimuni siya.

"Nicah?.."

Papasok na sana siya ng marinig niyang may tumatawag sa likod niya. Nilingon niya ito at nakilala ang taong tumawag sa kanya. Naging kaklase niya ito noong junior high pa sila.

"O..."

"Pasensya na pero sa tingin ko ikaw yata ang hinihintay noong lalaki sa labas. Alam mo na, bawal pumasok..pero rinig kung binanggit niya ang pangalan mo"

Nagtaka naman siya dahil wala naman siyang naalala na may sinabi si Athena na susunduin siya ng boyfriend nito. Pinasalamatan na lang niya ito at nagsimulang lumakad sa gate.

Kahit foundation day nila ay bawal pa ring pumasok ang taga ibang school pero sila ay pwedeng lumabas kahit kelan nila gusto. Nang marating ang gate ay natanaw niya si Dave na current boyfriend ni Athena.

Tinanaw muna niya ang guard na busy sa pagbabasa ng dyaryo bago lumabas at kinausap ito.

"Dave" paunang bati niya dito.

"Nicah"

"Anong ginagawa mo dito?..alam ba ni Athena na andito ka?" usisa niya bago bumaba ang tingin niya sa hawak nito.

"Wala kasi kaming pasok.. at nasabi niya sa'kin na foundation day niyo ngayon, susupresahin ko sana siya kaya lang hindi ko naman alam na bawal pala pumasok ang mga outsider."

Tumango lang siya dito pero ang mata niya ang nasa dinadala nito.

" Ah! Bumili ako ng meryenda para sana pagsaluhan nating tatlo para hindi mahalata .."

" Ganoon ba, gusto mo tawagan ko si Athena para sa labas na lang tayo..?"

"Wag na. Actually, tinawagan ko siya pero hindi siya sumasagot tsaka kailangan ko na rin kasing umalis may emergency sa bahay"

" Naintiindihan ko, akin na. Ibibigay ko na lang sa kanya yan"

"Salamat" pagkatapos ibigay ang dalang pagkain ay umalis na rin ito. Mukhang may emergency talaga.

Tinignan niya ang nasa loob at nakitang take out ito galing sa isang bake shop na may kasama pang drinks. Isang sulyap mo na ang ginawa niya bago bumalik sa loob at hinanap ang kaibigan.

"Nicks, sa'n ka galing? Ang tagal mo. Ano yan?" sunod- sunod na tanong ni Athena na kasamang naglalakad si Riza.

"Kay Dave"

"KAY DAVE?" nanlalaking matang tanong ni Athena. Tumango lang siya at na-gets naman nito.

"Ah! Dave, yung jowa mo" sabi ni Riza sabay ayos sa salamin nito.

Hinatak naman siya ni Athena sabay dala sa kanya sa isang lamesa na may pang-apatan at upuan na nasa labas ng buildung.

"What is he doing here?" usisa ni Athena matapos maupo lumakad naman si Riza sa likod nito at naupo sa tabi nito.

"To suprise me" sabay diin sa salitang "me" at nilabas ang pagkain sa loob para tignan ang binili ni Dave. Tutal kailangan nila magpanggap na siya ang girlfriend nito kaya siya na ang kusang kumuha ng pagkain pero nilahad naman niya ito sa harap ng kaibigan.

Nang marinig ang sinabi ay agad nitong chineck ang phone at napamura.

"Shit!"

"Shit? Nagmumura ka pala" sabi ni Riza pero di na niya ito sinagot at nagpapaalam lang na tatawagan ang daddy nito. Walang alam si Riza sa pagpapanggap niya na may boyfriend at wala din itong alam sa totoong Athena dahil bago lang din niya itong naging kaibigan. Nasa kasunduan kasi nila na sila lang dapat ang may alam at ang nagiging boyfriend nito.

"Ang sweet naman ng boyfriend mo."

Nagkibit balikat lang siya. "Galante ba?"

Nagsalubong kilay niya sa sinabi nito. " Ba't ang dami mong tanong ngayon? Madalas naman tahimik ka ha"

Tumawa lang ito kahit inis- inis na siya. "Tapos na kasi yung librong binabasa ko"

"O di basahin mo ulit basta tumahimik ka lang"

"Nope" sabi nito emphasizing the p. " But I'm proud of you. You know how to use your beauty to your advantage"

"I'm mean to offense meant but if I was poor, I would never be in a relationship with someone who's more poor than me."

"Thank you for rubbing it on my face."

"Alam mo kung bakit ko nasasabi yun dahil yun yung nakikita ko sa mata mo" natamaan siya sa sinabi nito dahil alam niya sa sarili niyang may katotohanan ang sinasabi nito kaya niya nga ginagawa lahat ng 'to eh. Natamaan lang siya sa sinabi nito pero hindi siya nagsisisi sa ginawa niya dahil kung bibigyan siya ng pagkakataon na ulitin lahat ng to, she will still choose this path if she could not change their status from being poor.

"Yan ba ang powers sa pagkakaroon ng four eyes?"

Napasimangot ito. "Namemersonal ka naman eh"

Nilapit niya rito ang pagkain na kinuha rin nito. "Pero alam mo-"

"Hindi ka pa ba tapos." Medyo tumaas na ang boses niya pero sumenyas lang itong tumahimik siya.

"...maganda pa rin talaga yung idea ko na i-date mo siya."

"Sira ba tuktok mo?"

"Ano ka ba? Forget about your rule and just date him. And there's always an exception in every situation"

"Sino ka bang lintik ka?" hindi niya napigilang murahin pero muli lang din siya nitong tinawanan.

" What's going on?" litong tanong ni Athena na kakatapos lang sa tawag niya.

"Wala may sinapian lang... nakausap mo na ba daddy mo"

Tumango lang ito at bumaling kay Riza na hindi pa tapos sa pagtawa.

Papasok na sana siya ng village ng mula sa isang madilim na pwesto ay may lumabas na pigura. Muntik pa siyang mapamura sa gulat pero nakilala din niya ang lalaki hindi niya tuloy napigilang mapamura.

"Ano ba! Nakakagulat ka naman."

She raised her head and he could see his accusing eyes again. Her blood start to boil by the sight of it.

She wanted to ingore it but again he stop her by blocking her way.

" That was a first.." that was the first thing he said which made her upset even more.

"Ano na naman? Iinsultuhin mo na naman ba ako."

" Six times."

"Ano?.. alam mo nababaliw ka na talaga-"

"It's always five times in a row.. but that man visited you six times" he said, " and longer.."

Saka lang niya nakuha ang pinupunto nito. Hindi talaga niya maintindihan ang lalaking ito. And as to why he's curious about her pretend romantic relationship.

Pagak siyang natawa sa sinabi nito habang blankong nakatingin ito sa kanya.

He was now wearing his our uniform at medyo basa pa ang buhok nito. He smells so good and so manly. Pero kahit naman yata puno ito ng pawis ay naamoy niya pa rin ang pinaghalong pabango at natural na bango nito. Alam ko lang ang bagay na yun dahil madalas ko siyang nakakasalubong at hindi lang naman ako ang nakakapasin no'n. He has great physique and his six foot tall height added to his charisma.

"Boyfriend ko siya natural lang na dalawin niya ko" lalampasan niya sana ulit to nang humarang na naman ito. Sa pagkakataong ito bakas na sa mukha niya ang inis.

" Is he special then?"

"Anong special?"

" You've been dating him for six weeks." He explained

Hindi niya ito sinagot at tinaasan lang niya ng kilay. " The pattern....you'll date him for no longer a month and see him for five days but.. this time it's longer. Is he special?"

Napatanga siya sa sinabi nito. Was he been observing her? How could he easily point it out?

"Have you been watching me?" ramdam niya ang kabog sa dibdib niya at ang bilis ng paghinga niya.

" I'm asking you, is he

special?" he took a step towards her and as a response she took a step back. Her eyes is now on his feet watching it and waiting for the next move but he stopped.

Muli siyang nag-angat and for a second she could see his face became gloomy and then it was replaced with anger.

She really hates looking at his eyes. "Do you love him?"

He questioned.

"Ano ngayon?..Sagutin mo rin tanong ko. Sinusundan mo ba ako?"

"Answer me first." This time I could see he was careful enough not to make any aggressive move.

Hindi niya alam pero sumagot lang siya ng "oo" kahit hindi naman talaga siya sigurado kung mahal ba talaga ito ng kaibigan.

"Oo"

Pagkatapos niyang sabihin ito ay tumalikod ito at kita niya ang pagkuyom ng kamao nito.

"I hate you, Allen Preston Javier." Mahina niyang bulong habang nakatingin sa papalayong likod nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status