Share

Chapter Six

"Finally! I'm done"

Kakatapos lang niyang ayusin ang mga papel ng estudyante ni Sir Santos. Psychology kasi ang itinuturo nito kaya madalas itong magpa-essay kaya madalas din siya nitong pinapatulong sa pag-aarrange ng mga papel ng estudyante nito sa dami kasi halos maghalo-halo na ang mga papel.

Nag-inat muna siya bago tumungo sa lamesa at napabuntong hininga. Nakalapat pa ang pisngi niya sa papel na kanina lang ay inaayos niya. Ngayon na natapos na niyang ayusin ang mga ito saka lang din niya naramdaman ang pagod.

Matapos magpahinga ng dalawang minuto ay napagpasyahan niyang tumayo na at para makapaghinga na rin.

She started walking to the door as she happily closed it after but she was stop midway when she realize that someone was standing not far from where she is. Nakasandal ito sa isang pader na malapit sa pinto at ang isang paa ay nakalapat pa sa pader na kinahihiligan nito habang ang buong bigat nito ay nasa kabilang paa.

She noticed that he was already wearing a new shirt different from what it was when he look for her.

The man did not realize her present yet but when he did he tried to stand still his reaction made her suspicious. Was he waiting for her?

"What are doing here?" He did not respond so she continued talking.

Him not doing anything made her feel angry and annoyed. " I hope you're not expecting me to apologize again dahil para sabihin ko sayo... quits na tayo"

Napakunot noo ito sa kanya but she won't buy that.

"Alam mo kung bakit?.. Dahil akala nila ako-" hindi niya natapos ang sasabihin dahil bigla siyang nahiya dito.

"Akala nila ano?" Finally! He spoke.

Bigla siyang kinilabutan sa pagtatagalog nito. Yung pakiramdam na naramdaman din niya noong gabing iyon.

He look at her as if challenging her to go on. At dahil ma pride siya hindi niya ito tinantanan.

" Akala nila ako yung kachukchakan mo do'n"

"kachuk- what? Is that even a word?"

Abay! gagong 'to.

"Ka-sex."

She even folder her arms and roll her eyes. She also made sure that he saw it. Hindi niya alam pero parang nakita niyang umangat ang sulok ng labi nito.

Magsasalita na sana siya ng bigla na lang bumukas ang pinto at lumabas ang lalaki doon na ngayon ay nasa likod na ni Allen.

"Dude sorry! ang dami kasing bilin ni coach eh"

Of course she knows the guy. It was Alexander Ian Gomez III, Allen's bestfriend since God knows when. Madalas niya itong makita na kasama ang lalaki at kasali rin ito sa varsity player ng uni sa sports na basketball. Kung si Allen ay kilalang matino si Ian naman ay kilalang gago at playboy ng school halos lahat yata ng nakapalda sa school nila jinowa na nito liban na lang sa kanilang tatlong magkakaibigan. Well hindi rin naman siya mahilig magpalda ngayong college na sila. Mas hilig niya ang magsuot ng jeans para iwas hassle.

But wait, what did he say?

Saka lang rumehistro sa kanya na ito pala yata ang iniintay nito at hindi siya. Napaayos siya ng tayo at ang dalawang kamay na pinagkrus niya ay ngayo'y nasa makabilang gilid niya na. Uminit ang pisngi niya sa kahihiyan.

"Ooh... Hi! Nicks"

Gulat siyang malaman na kilala pala siya nito. Mas lalo siyang namula sa sobrang pagkahiya.

Assumera kasi. Letche!

Tumango na lang siya sabay nilagpasan ang mga ito at hindi na binalingan ng tingin si Allen. Nang malagpasan niya ang mga ito ay mariin siyang napapikit ng mata. Gustuhin man niyang tumakbo ay hindi niya magawa dahil mas lalong lalabas na tumatakas siya sa kahihiyang siya rin ang may gawa.

"Round two?" rinig niyang sabi ni Ian nakalaunan din ang napadain na parang nasasaktan.

Mas lalo siyang nakaramdam ng panlulumo at galit para sa sarili. Parang gusto na lang niyang maglaho na parang bula. Hindi niya tuloy alam kung paano haharapin ang mga ito bukas na hindi magkukunwaring walang nangyari.

Tama! Malawak yung school hindi naman siguro magkukrus ang landas nila. Nangyari ngang hindi niya ito nakikita sa school sa loob ng dalawang taon kaya possibleng hindi niya ito makakasalubong sa daan sa susunod na araw.

"Nicks, sorry. I was..drunk when I told them that."

Athena keeps on apologizing to her over and over again. Simula pa kanina hanggang sa nakarating na sila sa uni pero hanggang ngayon sorry pa rin ito ng sorry.

Athena and her was staying in a condo na bigay mismo ng daddy nito sa kanila. Malayo-layo rin kasi ang uni sa bahay ni Mayor kaya pinag-condo na lang sila nito. Mayor even offered to pay her tuition kaya lang nauna na siyang mag-apply bilang working student sa uni na hindi naman niya pinagsisihan. Nahihiya na rin kasi silang mag-iina kay Mayor sa dami ba namang naitulong nito sa kanila sapat na siguro yun at isa pa kaya naman niya ang pagiging working student.

" Maria Athena Ferrer okay nga lang ako kaya ko yun" Isa rin sa dahilan kung bakit ito humihingi ng sorry kanya ng paulit-ulit ay dahil pwede siyang ipatawag ng Dean at bigyan ng disciplinary action. She may be able to explain to the Dean what really happen but she also need to present proofs that it wasn't really her or better yet find the real people involve of the shower room scandal.

Kahit pa yata umamin siya na siya talaga ang nakarinig at nakikita sa paglabas ni Allen sa room ay manghihingi pa rin ito ng ebidensya. The school don't really care about their students sexcapade as long as you don't do it in school or drag the name of the school.

She was sure that she will be punished surely knowing na kalat-kalat sa uni ang kwento, the worse is they might dig my reputation before when I was in highschool although it stop since Athena is taking her studies seriously that she can't afford to date now. Her past might affect the decisions of the uni something she is sure she isn't ready to face yet. She may get a warning, a punishment but she can't afford to be remove as one of the school's working student. Her mother might faint if she hears it.

" Should I tell dad in advance" naningkit ang mata niya sa sinabi ng kaibigan.

"Thank you for the concern although for me, it sounds like you wanted me to be punish. So no thanks."

She even gave her a fake smile but her friend just laugh at her reaction.

" Hoy hindi naman.......hindi masyado" She just roll her eyes na mas nagpahalakhak kay Athena.

Nang marating ang building nila ay naghiwalay na rin sila ni Athena naunang humiwalay si Athena sa kanya. Kaya mag-isa na lang niyang tinatahak ang daan papunta sa Business and Accounting building.

Pagdaan pa lang niya ay all eyes on her. She could hear them whispering simula pa kanina. She just choose to ignore them since she don't want Athena to feel bad for her.

" Alam mo bang ex niya yung taga kabilang uni na basketball player din."

"Crush ng kuya ko si Flores, sabagay maganda nga naman siya. "

" I wonder kung nakailang palit ng jowa na yan...."

".. and I heard ha.. na she really has a bad reputation on their school"

" I can't believe she is the type Allen would want to have sex with.."

"Hello! sex lang naman yun no"

Ilan lang yan sa naririnig niya kanina pa na kanina pa din niya hindi pinapansin. The reason why she was so confident was that fact that it was only Athena and her who knew the truth and that's all that matters. She don't need everyone's approval or acceptance because she knows herself more.

Yung kaba niya ay hindi para sa lahat ng tao na pinag-uusapan siya kundi para sa magiging hatol sa kanya oras na ipatawag siya ng Dean.

Allen has a huge fan base sa uni nila and even outside uni. Allen might appear to be a good student but if looks lang ang pag-uusapan he nowhere to be called one because Allen has a muscular body kahit noong high school sila ay naiiba na ito sa kasabayang lalaki dahil sa mature na katawan nito na sanhi ng araw-araw na pagti-training and his face that could past as a bad boy or a rock star because of his messy hair and his dark aura when he stare at someone much more when his serious.

Parang mas tumangkad pa yata ito. Was he six foot tall when he was in high school because he was a bit tall now than before or was it the same? She is not sure but one thing is sure he was way taller than she is. She is not short but could not considered as tall also, parang sakto lang.

Hindi niya magawang makapag-focus sa klase. Sa tuwing may papasok na prof or student assistant ay parang malalagutan siya ng hininga sa sobrang kaba na baka pinapapunta siya sa office ng Dean. Saka lang yata siya nakakahinga ng maluwag pag nagaimula na ito sa pagtuturo or pagbibigay ng exercises sa kanila pero hindi ibig sabihin hindi na siya kinakabahan nando'n pa rin yung kaba at daga sa dibdib niya.

Matitigil lang yata ito kapag tuluyan na talagang matapos ang isyu. Hindi niya tuloy alam kung ayaw niya bang mapatawag sa Dean or gusto para lang matapos ang pangamba niya.

Natapos ang huling klase niya na wala pa ring nangyayari. And now she was already in the library since dito mo na siya pina-assign dahil wala ngayon ang student assistant ng librarian at wala rin si Sir Santos dahil wala itong klase ngayon. Wala ring ibang ginagawa ang ibang Prof. kaya pinayagan siyang tumulong dito.

Kahit ang mga Prof. ay hindi inusisa o pinag-usapan man lang ang nangyari. Normal lang itong nakikipag-usap sa kanya kanina. Mas lalo tuloy siyang kinabahan at....naweirdohan?

Patuloy siya sa pag-aayos ng libro sa shelves at konting linis na rin. And Riza.... she was asking why she wasn't called yet and even her, she also find it weird. Did they choose to ignore it since she is also a first time offender and Allen is a schools pride kumbaga. Maybe, that could be a reason why they are mum to the issue.

Nasa dulo na siya ng library when she heard footsteps coming. Hindi na lang niya pinansin ang mga ito. She could hear them giggling and whispering, she couldn't hear them properly but when she heard the name it made her stop from returning the books.

" Hindi ko talaga lubos maisip na may pagkapilyo pala si Allen..... can you believe it? "

"Well, nobody did. Pero ang hot siguro no'n no " pareho pa silang nangisay sa kilig. Siya lang ang nakakarinig sa pinag-uusapan ng dalawa dahil nasa sulok kasi sila at pinakahuling parte. Malayo rin ito sa pwesto ng librarian. Kaya malakas ang loob ng dalawa na walang sisita sa kanila.

" Sino nga ulit yung girl?"

Tuluyan na siyang napatigil at napaawang ng konti.

" Nicah yata yung name. Ewan ko."

" Ako kayang pakiramdam ang buhatin ng isang Allen habang....."

Mahinang napasigaw ang dalawa habang nai-imagine ang malaswang naiisip at ang isa sa kanila ay mahina pang napaungol. Napangiwi siya sa narinig at babalik na sana sa nagawa pero bumalik rin siya nang tuluyan na nitong nakuha ang buong atensyon niya.

Dahan-dahan siyang lumapit sa gawi ng mga ito ng hindi napapansin na nasa kabila lang siya. Nagawa niya pang sulyapan ang dalawa mula sa espasyo. Nakita niyang nakatalikod ang dalawa, ang isang babaeng may mahabang buhok ay busy sa paghahanap ng libro habang ang isa namang nakapusod ang buhok ay nakasunod lang sa isang babae.

" If Allen was punished yesterday, was this girl Nicah punished too?" The girl with long hair turn back to the other.

" Right... hindi naman siguro nila patatakbuhin si girl ng ten laps, diba?"

Para siyang naestatwa sa narinig. And then she remembered that yesterday, Allen was wearing a different shirt in the afternoon not because he has a practice but it was because he was punished.

" For sure it took him hours to finish it....."

"That's for sure. They even said he couldn't attend his last class and it turns out na major niya pa yun...."

"Wait! parang narinig ko na yun..."

Dahil sa huling sinabi ng isa ay tuluyan ng tumigil sa paghahanap ng libro ang isa at hinarap na ng babaeng may mahabang buhok ang kaibigan nito.

"...ito ba yung major niya na may pa surpise quiz daw"

Tumango lang ang isa.

"so, totoo pala akala ko rumor lang"

" terror pa naman yun at talagang walang patawad"

Parang ngayon lang nag sink-in sa utak niya na hindi lang ito basta simpleng issue lang na mauuwi sa written warning kundi sobra pa sa warning. She already expected it but she didn't think it would result to this. Allen is an athlete kaya alam niyang kaya nitong takbuhin at tapusin ang ten laps kahit abutin pa ng ilang oras pero ang malamang hindi ito nakasali sa isang klase nito at hindi nakapagtake ng quiz ay ibang usapan na.

Parang ngayon lang siya dinapuan ng konsensya sa nagawa niya. Walang lakas na lang siyang napasandal sa estante at mahinang napabuntong hininga.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status