"Hi babe," bati ni Erica sa kasintahan at akmang hahalik dito. Inilayo ng binata ang mukha niya, busy siya sa pagtitipa sa laptop. Ngumiti na lamang si Erica na tila hindi ito nangyari, wala naman ng bago sa ugali ng binata. Naupo siya sa couch.
"Why are you here? I'm busy," he said with his cold tone. Simula nang gumising ito sa coma, hindi na tulad ng dati kung pakitunguhan siya ng binata, at sa loob ng seven years ay nasanay na rin siya.
"Mag dinner tayo mamaya," sabi nito.
"I told you I'm busy."
"How about tomorrow?" Hindi siya sumuko mapapayag lang ang binata. Subalit tulad ng inaasahan ay hindi siya nagtagumpay. "I have a meeting with Mr. Will tomorrow."
"Then the day after tomorrow," kibit balikat niya. Napasintido ang binata at saglit na tinapunan ng tingin ang kasintahan. "I'm busy Erica, I'm always busy. I have my priorities, so please give me some peace, umalis ka na." Matapos ay muling itinuon ang pansin sa tinitipa.
Kahit pa tila malaking maso ang mga salitang iyon na dumurog sa pride ng dalaga ay hindi pa rin nito pinakita kay Liam. Hindi niya gustong makita nito na tagumpay itong saktan ang damdamin niya. Nilabas niya ang maliit na kahon mula sa dalang bag. Nilapag niya ito sa center table kaharap ng inuupuan niya. Lumikha iyon ng ingay kaya naman wala sa loob na napalingon ang binata.
"Isuot mo ang engagement ring natin nang malaman ng tao na akin ka." Tumayo siya at naglakad patungo sa harap ng desk ng binata.
"Can't you see? I love you pero huwag mo naman sana 'kong saktan ng ganito, I'll see you tomorrow." Umalis na ito at hindi na naghintay pa ng sagot.
Napasandal sa swivel chair niya ang binata matapos ang ilang minuto. Matagal na nakatuon ang mga mata niya sa chandelier ng opisina.
Bumuhos ang ulan kung kaya't naagaw ang atensyon niya ng tanawin sa labas ng opisina. Hindi pa rin niya alam kung bakit nananakit ang puso niya sa tuwing uulan, lahat ng aspeto ng buhay niya ay nagbago mula nang magising siya sa pagkaka-comatose. Alam niyang hindi perpekto ang buhay niya bago ang aksidente pero nang magising siya para bang laging may kulang sa kanya simula noon.
Napasintido siya, tila binibiyak ang ulo niya sa sakit, napamura ng tila may puputok na ugat mula sa loob ng ulo niya.
"Sino ba... ang babaeng 'yon?"
Unti-unting nagmulat ng mata ang binata nang makarinig ng pamilyar na boses.
"Liam," tawag nito.
Sinikap niyang ipilig ang leeg upang hanapin ang pinanggagalingan ng boses ng babae. Malabo ang paningin nya, kahit anong pilit niya.
"Gising ka na," anito. Para bang musika sa pandinig ang mga boses na iyon dahilan para muli ay dalawin siya ng matinding antok, sinubukan niya iyong pigilan pero lalo siyang tinakasan ng kamalayan.
Sino siya?
--------"Mamamasyal tayo bago ka umuwi ulit, enjoyin mo muna yung leave mo sa trabaho." Nag-iimpake na si Tina ng mga gamit niya, kalalabas lamang ni Ruth ng banyo at may nakapulupot pang tuwalya sa ulo niya.Naupo siya sa kama, wala ng tigil kakakwento si Tina sa buhay na pinapangarap niya sa Maynila magmula ng matanggap ang offer na trabaho sa isa sa pinakasikat na unibersidad doon.
"Libre ko," ani ni Tina habang inilalagay sa maleta ang mga naitupi na niyang mga damit.
"Libre mo, lahat!" napanguso siya sa sinabi ni Ruth kaya iiling-iling lamang na natawa ang dalaga.Makalipas lang ang isang linggo ay nakalipat na rin si Tina sa condominium na binili para sa kanya ng boyfriend niyang si Jake. Mabilis lang din ang pag-aayos nila ng mga gamit, kaya naman mahaba ang oras nila upang mamasyal.
Malalaki ang mga malls sa Maynila. Kabi-kabila ang matataas na building at mga billboard. Puro mga mamahaling mga restaurant ang makikita sa paligid at mga five star hotels. Sa isang swipe lamang ng mga cards nila ay maiuuwi na nila ang mga gustong bilhin, mga pabango, sapatos at kung anu-ano pa.
Napakarami ng nabago sa buhay nilang dalawa ni Tina mula nang makilala nila si Mr. Salvador o kung tawagin nila ay PAPA.
Ilang oras lang ng paglilibot ay nakaramdaman na ng pananakit ng mga paa si Ruth kaya naman napagpasyahan nilang magpahinga muna sa isang Coffee shop.
"Ruth, sorry. Mukhang kailangan mong umuwi mag-isa, magkikita muna kami ni Jake," sabi niya habang hawak ang phone. Ilang taon na rin sila nito. Mabuting tao si Jake kaya panatag na ang loob ni Ruth na magiging mabuti siya para kay Tina.
Sumakay siya ng tren sa pag-uwi, mas mura kasi dito kaysa mag-book siya ng taxi, isa pa dalawang station lang naman ang layo ng condo ni Tina.
------------Nakatayo sa gilid ng kalsada si Liam habang may kausap sa linya ang driver niyang kung tawagin niya ay kuya Rick, nasiraan sila ng sasakyan kung kailang nagmamadali pa siya. Wala pang bakanteng taxi ang napapadaan kaya naman nagsisimula ng umanit ang kaniyang ulo. "Kuya Rick, sasakay na lang muna 'ko ng tren. Mahuhuli na ako sa meeting, sunduin niyo na lang ho ako mamaya." Nag-aalangan naman ang driver na pakawalan si Liam. Hindi naman kasi nito nakasanayang mag-commute.
"Huwag ho kayong mag-alala, tatawag ako kapag nasa opisina na 'ko." Tinapik ni Liam ang balikat ng matanda. Wala na rin itong nagawa kundi hayaan si Liam nang makaalis na ito.
----------
Wala ng bakanteng upuan para makaupo pa si Ruth. Kaya kumapit na lang siya sa handle. Pinagmamasdan niya ang tanawin sa labas, sa probinsya pulos mga kabahayan ang nakikita doon at mangilan-ngilang building. Ibang-iba dito sa syudad na nagpapataasang mga estruktura at nagpapaligsahan sa gandang mga sasakyan.
Bumukas ang pinto ng tren nang makarating sa kasunod na estasyon. Dumami ang mga sumakay kaya kahit may mga bumaba ay hindi pa rin siya nakaupo. Hindi sinasadyang mapasadahan niya ng tingin ang lalaking bumaba ng tren, suot ng isang pormal na suit.
Tila sasabog ang puso ni Ruth sa biglaang mabibilis na kabog noon sa dibdib niya. Pinilit niyang gumalaw, kahit hirap na hirap dahil sa nangangatog na tuhod, lalo pa dahil sa siksikan ng tao. Sinikap niyang maabot ang pinto para habulin ito pero hindi na nagawa nang sumara na muli ang pinto ng tren, nanuyo ang lalamunan niya.
"L-Liam."
"L-Liam."Napahinto ang binata sa hindi malamang dahilan. Napalingon siya at agad na nagtama ang mga mata nila. Habang nanlaki ang mga mata ni Ruth, gusto man niyang tawagin ang binata ay hindi niya mahanap ang boses niya.Noong una ay nagdududa si Liam kung siya rin ba ang tinitignan ng babae mula sa loob. Hanggang sa mabilis na nakalayo ang tren. Napahakbang siya palapit at balak sana niya itong habulin subalit napahinto siya. Pinagmasdan ang sarili. Bakit naman niya ito hahabulin at sino naman ang babaeng iyon?Hindi niya namamalayan ang pagkakagulo ng mga babae dahil sa kanya. Ang iba ay kinukuhanan pa siya ng litrato at ang iba ay kilala siya dahil nafe-feature siya sa mga magazines bilang isang young successful entrepreneur."Hey Liam." Napabalik sa wisyo ang binata ng marinig ang pagpitik ng mga daliri ng kaibigang si Warren malapit sa mukha niya. Napabaling siya sa kaibigan na ngayon ay nakatayo sa harap ng desk niya."Ano nga
Napadilat si Ruth nang marinig ang malulutong na mura ni Ester sa ibaba, kakamot-kamot siya sa ulo dahil naabala ang mahimbing na pagtulog niya. Binalingan niya si Tina mula sa tabi niya, wala na ito. Mukang siya na naman ang pinag-iinitan ni Ester sa ibaba. Napasilip siya sa orasan, alas-singko pa lang ng umaga.Napabalikwas siya ng bangon nang maalala ang nangyari kagabi. "Nandito pa rin kaya siya?" tanong niya sa sarili saka sinipat ang paligid ng kuwarto, tahimik naman at walang nagalaw na gamit."Ang multo, laging nagtatago sa ..." Iniisip niya nasa cabinet madalas nakikita ang mga multo sa horror film, pero wala naman silang cabinet. Namilog ang mata niya nang may maalala sa napanood niyang nakakatakot na movie. Dahan-dahan na gumapang si Ruth at sinilip ang ilalim ng kama. Napangiti siya, mga lumang gamit lamang nila ang naroon, walang multo."Baka panaginip lang 'yong nangyari kagabi." Nakahinga siya ng maluwag, salamat nam
Nagmadaling bumaba sa sumunod na estasyon si Ruth. "Nakita na kita, nakita na kita." Paulit-ulit niyang binabanggit ang mga katagang iyon habang pababa ng estasyon.Hindi alintana ng dalaga ang panghihina ng mga tuhod niya, ang lakas ng tibok ng puso niya ay tulad nang panahong una silang magkita. Bumalik siya sa estayon kung saan niya nakita ang binata, umaasang masisilayan niya itong muli sa isa pang pagkakataon.Lumalim ang gabi, naubos ang palitan ng mga tao sa tren. Walang pagod siyang nagpaikot-ikot doon upang hindi makalampas sa panigin niya ang bawat taong ibababa at isasakay ng mga bagon.Ngunit walang Liam ang nagpakita, naabutan na siya nang pagsasara ng subway station, pinayuhan na siyang umuwi ng ilan sa mga guards na naroon na kanina pa siya pinagmamasdan.Mapait siyang napangiti habang pinagmamasdan ang tanawin mula sa loob ng taxi, hindi na rin niya namalayan ang ilang miss calls ni Tina sa kanya. Paulit-ulit na sinisisi niya ang sar
"Tina," mahinang tawag ni Ruth kay Tina mula sa bintana, nasa likod-bahay kase ito at nagbibilad ng mga panggatong na kahoy."Halika dito bilisan mo." Sumenyas siya na umakyat muna sandali si Tina, umalis siya pagkakadungaw sa bintana, sinikap niyang pagkasyahin ang sarili sa awang ng kama at inalis ang maliit na flywood na tumatakip sa maliit na butas.Maya maya ay rinig na niya ang mga yabag ni Tina papasok ng kuwarto, naupo ito kaharap ni Ruth."Tignan mo 'to." Inilabas niya ang babasaging alkansia sa harap ni Tina, mabigat-bigat narin pala iyon, halos nawala na sa isip ni Ruth na meron pala siyang naipong pera dahil sa anim na buwan siyang walang malay.Kumuha ang dalaga ng matigas na bagay saka ginamit iyon para basagin ang piggy bank, napangiti siya sa dami ng laman noon, kalimitan ay barya subalit marami ring di-papel na halaga."Hindi ko alam na may naiipon ka palang pera," usal ni Tina haban
Nakarating rin sa wakas si Ruth sa palengke at inuna nang bilhin ang mga nakasulat sa listahan, marami-rami rin iyon kaya ilang supot ng plastic ang hawak niya, lalong nakadagdag nang bigat ang mga bote ng suka at toyo sa isang plastic bag.May mangilan-ngilan na nakakakilala sa kanya, subalit imbis na pagbati ay pangungutya ang natanggap niya sa mga ito, ang ilan ay narinig niya subalit ang ilan ay nababasa sa mga mata pa lamang nila. Marahil ang iba sa kanila ay ang mga taong naloko niya.Hindi nya alam kung nasaan si Austin, pasulpot-sulpot lamang ito at nawawala rin kaagad. Napadaan sya noon sa tindahan ng mga damit, saglit na huminto upang ibaba ang mabibigat na dalahin.Isa yung kulay blue na dress ang suot ng isang realistic mannequin. Napakaganda ng pagkakadisenyo noon, sa unang tingin ay alam niyang hindi basta-basta lang ang ginamit na tela rito.Ilang minuto nya yung pinagmasdan, ine-imagine ang sarili habang suot iyon. Napangiti siya, para siy
Nagising si Ruth ng marinig ang matinis na tili ni Tina, kinusot niya ang mga mata at bumangon."Ang ingay mo," reklamo niya rito, tumalon si Tina papunta sa kama kaya nayanig iyon."Guess what?" sabi nito sabay ipinakita ang kamay niya, napatili siyang muli ng makita ang reaksyon ni Ruth sa singsing na nasa daliri niya."Nag-propose na sa'kin si Jake kahapon," masayang kuwento niya, hindi mapigilan ni Ruth ang mapangiti. Parang kailan lang noong makilala niya ang iyaking si Tina sa bahay-ampunan, ngayon ay ikakasal na ito, napakabilis ng panahon.Inayos na ni Ruth ang pagkain sa lamesa, habang hinihintay matapos mag-shower si Tina, naghanda narin sya ng kape para sa kanilang dalawa."Anong oras kita ihahatid sa terminal mamaya?" rinig niyang tanong ni Tina mula sa kuwarto. Hindi sya sumagot, maya-maya ay lumabas narin si Tina galing sa kuwarto na nakasuot ng bath robe at balot ng towel ang buhok, mamula-mula ang balat ni Tina dahil bagong shower i
Nagising si Ruth sa dakong alas-singko ng umaga, Pagbaba niyang hagdan ay nakita niyang pinagsisilid na ni Ester ang mga uniform nila ni Tina sa malaking supot kasama ng mga basura."Ikaw, ilabas mo na ang mga 'to ng mahakot na ng truck mamaya," utos niya ng makita si Ruth sa ibaba ng hagdanan.Agad na nilapitan iyon ni Ruth at isa-isang inalis sa supot. "Anong ginagawa mo?!" galit na tanong ng matanda subalit hindi sya pinakinggan ni Ruth, patuloy na hinahanap nito ang ilang uniform nila ni Tina na naroon."Siraulong bata, ano bang ginagawa mo?!" Naramdaman niya nalang na hinigit na ni Ester ang buhok niya, malakas na napasigaw sa sakit si Ruth."Bakit?! ang akala niyo ba pag-aaralin ko pa kayo sa laki ng nagastos ko sayo sa ospital!" Napapikit si Ruth at pinipigil na hindi tumulo ang luha niya sa sakit, inipon niya ang buong lakas para itulak si Ester. Sa wakas ay nabitiwan nito ang buhok nya.
Malalim na napabuntong hininga si Ruth habang pinagmamasdan ang magkakasalubong na tao na lumalabas at pumapasok sa simbahan. Karamihan sa mga taong iyon ay suot ng magagara nilang kasuotan, mamahaling mga sapatos atbag. Panay naman ang pagpaypay ng mga ilang matatandang kunwa'y naiinitan subalit ibinabalandra lamang naman ang makikinang na bato sa mga singsing nila.Umikot ang mga mata niya, wala rin namang pinagkaiba sa kanya ang ilan sa mga taong ito, pare-pareho silang mapagkunwari."Pabili ako ng dalawa." Lumapit kay Ruth ang isang babaeng may kasamang isang batang lalaki at isang batang babae. bumili ito ng dalawang kandila, ang mga bata pa ang namili ng kulay na gusto nila.Binigyan siya ng bente pesos para doon, ilang kandila nalang ang hawak niya. Sana ay mabilis silang makaubos para makauwi na sila agad ni Tina. Alas-kuwatro na ng hapon, unti-unti